抖阴社区

                                    

"Kiss me and I'll stop this" nakangiting sabi ko sa kanya.

"NO!"

"Ok" at pagkatapos ay hinalikan ko sya sa may bandang leeg nya kaya lalo syang nanigas.

"D-dani" tawag nya sakin.

"Yes Jules?"

"I-I'll, uhm, I'll kiss you na" nanghihinang sabi nya.

Lumapad naman yung pagkakangiti ko dahil sa sinabi nya. Hah! Panalo na naman ako!

Mas lalo akong napangiti nang maramdaman yung labi nya sa mga labi ko. Ugh! Adik na talaga ko sa babaeng to.

"Happy?" narinig kong sabi nya sakin.

"Very"

"So pwede ka nang umatras dyan? At medyo humiwalay sakin ng kahit konti lang?" nakangiting sabi nya.

Tumango naman ako sa kanya layo sa kanya.

"Gosh Dani! Lagi mo na lang ginagawa sakin yan!"

"Ang alin?" sabay painosente ulit ngumiti.

"Tsk. Nevermind. Manood na lang tayo ng movie habang nagpapaantok ako."

"Anong gusto mong panoorin?"

"Ano bang meron ka dyan?"

"Porn films. Tapos pwede nating gayahin habang nanonood tayo" tukso ko sa kanya.

"Isa pa Danielle, isa pa, tatamaan ka na talaga sakin!" sabi nya sabay hawak sa baseball bat ni JR.

Bigla namang nanlaki yung mata ko. Aba papano kung maitulak sya ng kapwa ko? Baka nasa eto yung kumalat na balita bukas 'SIKAT NA SIKAT AT MALA-DYOSANG VOLLEYBALL PLAYER, NATAGPUANG PATAY SA CONDO' ayoko naman no! Ni hindi ko pa natitikman si Julie eh.

"N-nagbibiro lang naman ako Jules. Bitawan mo yan please"

Ngumiti naman sya sakin.

"Takot ka naman pala eh. Subukan mo lang gumawa ng kahit ano pang kahalayan, tatamaan ka talaga nito. Sa ulo para patay agad!"

"Grabe, ang sama mo naman!"

"Ahuh, masama talaga ko kaya pwede ba, humanap ka ng movie na pwedeng panoorin natin bago pa magdilim yung paningin ko at ihampas to sayo"

Bukas na bukas din, wala na yang baseball bat na yan dito sa unit ni JR. Ipapatapon ko na yan! Tingnan ko lang kung makaganyan pa sakin tong babaeng to.

"Tss! Ano bang gusto mong panoorin?"

"Lovestory"

"Ang corny"

"Ayaw mo?" sabay hamba nya sakin nung baseball bat.

Bigla naman akong napaatras. Grabe naman tong babaeng to, may pagka-psycho ata.

"Eto na, sandali lang!" inis na sabi ko sa kanya.

"Yan ganyan, matuto kang sumunod!"

Psh! Nasan na ba kasi yung 'slow' na Julie? Bakit mula nung malasing ako at samahan nya dito sa condo nag-iba na yung ugali nya? Totoo kayang may nasabi ako sa kanya nung gabing yon? O baka naman gawa-gawa lang talaga nya?!

"Alin dito yung gusto mo?" sabay pakita ko sa kanya ng iba't-ibang corny na movies.

Nakng! Bakit may mga ganito si JR sa condo? Tsk, siguro sa girlfriend nya tong mga to.

"Yan, my sassy girl na lang" nakangiting sabi nya.

Nanlaki naman yung mata ko.

"O c'mon Jules, seriously? Eh Korean to eh!"

"Bakit? May subtitle naman ah!"

"Ang hirap kayang manood ng ganyan" inis na sabi ko sa kanya.

"Eh sa yan yung gusto ko eh, may problema ka ba don?" sabay taas ng kilay nya.

"Iba na lang kase"

"Isa Dani"

"Marami pa namang—"

"Dalawa Dani"

"Eto na lang kasing---"

"Tatlo!"

"Tss, eto na nga o, ipplay ko na. Wag ka na ngang maingay dyan at nang makapagstart na ko sa panonood"

Ngumiti naman sya sakin ng matamis.

"Good girl" sabi nya sabay upo sa sofa.

"Pwedeng umupo sa tabi mo?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman sya.

"Pero tandaan mo, isang maling galaw mo lang, durog yang bumbunan mo"

"Aw ang hard!"

"Bagay lang yan sa mga rapist na tulad mo!"

"At kelan naman kita ni-rape? Tsk! Gusto mo rin kaya---"

"Shhhh, simula na, wag ka nang maingay dyan."

"Gusto mo ng popcorn" tanong ko sa kanya.

"Nah, busog pa ko, andami mo naman kasing pinakain sakin kanina eh"

Ngumiti naman ako ng nakakaloko.

"May isa pa nga dapat akong ipapa----"

Bigla akong natahimik dahil sinamaan nya ko ng tingin at hinawakan ulit yung baseball bat.

"Sabi ko nga manonood na lang ako eh" mahinang sabi ko.

"Good."

At syempre, dahil wala naman talaga kong kainte-interes na panoorin yung movie, palihim ko lang syang tinitigan habang seryoso syang nanonod.

Nakakatawa syang panoorin dahil parang feel na feel nya yung bawat eksena sa movie. Pag nakakatawa yung nangyayari, humahagalpak talaga sya ng bongga, at pag malungkot yung scene, ayun si ate, naiiyak. Ang cute-cute nya lang talaga. Sana lang talaga sakin na lang sya ulit.

"Halos patapos na yung movie nang makaramdaman ako ng antok. Gusto ko na sanang pumasok sa kwarto ko pero ayoko namang iwan mag-isa si Julie dito. Hindi ko alam kung ilang minuto na kong nakatulog nang maramdaman kong inihilig ni Jules yung ulo ko sa balikat nya at naramdaman ko na iniyakap nya yung mga kamay nya sa bewang ko.

Pero dahil antok na antok na ko, hindi ko na magawang makapagreact sa ginawa nya.

At bago ko tuluyang makatulog, narinig ko syang bumulong.

"Goodnight my Dandan, I love you, mahal na mahal na kita" hindi ko alam kung nananaginip ako o totoong sinabi nya yon.

Ang alam ko lang, nakangiti akong nakatulog. At sigurado kong mahimbing ang tulog ko ngayong gabi.

I love you too Jules..soooooooooo much.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon