抖阴社区

CHAPTER11

495 5 4
                                        

Y u r i k a

Ang tahimik. Sobrang tahimik. Wild guess ko ang haba ng secret na tunnel na to. Kasi kung kinidnap man yan si MJ,nasa kanto ka palang rinig mo na.

Ang lakas tumili eh. Kanina pa ko nakatayo dito. Ayoko gumalaw.
Kasi parang may kutob ako na kapag gumalaw ako, may mangyayaring masama.

Huminga ako ng malalalim and took one quiet step at pumikit. May tumunog na parang light switches turning on. Pagbukas ko ng mata ko, torches were on the wall.

Torches? No hindi man lang gawin modern rong creepy na place na to. Nakatira  yata sa ilalim ng bato yung gumawa nito. Ni hindi man lang ako natatakot.

Naglakad ako ng kaunti at walang nagbago. Malapit ko na mabagsak yung flashlight ko nang may narinig akong mga yapak ng paa mahina papunta dito. Palakas ito ng palakas.

San ako magtatago?! Hinawakan ko yung torch at biglang gumalaw ito at may bumungad na isa pang hallway.

Papalapit na yung mga yapak ng paa. Wala akong choice kundi pumasok dito. Pumasok ako at sumara agad yung pintuan.

Maglalakad na sana ko nang biglang may tumakip ng bibig ko at nahimatay na ko.

.

.

.

.

A S H L E Y

Ba't parang ang tahimik ng bahay?

Si Felicia nag 7 eleven. May pa 7 eleven pang nalalaman tong babaeng to maraming pagkain sa ref ano ba!

Ang tahimik tuloy ng bahay. Para kong mag-isa. Pinatay ko yung TV at nagpunta sa kwarto ni Yurika.

Pagbukas ko ng pinto,wala siya don. Nakikipagtaguan yata tong batang to.

In this group Felicia is the oldest,tas ako,MJ,and Yurika

A/N: Meg konting tiis nalang mag aapear na na PROMISE

Lahat kami 17. Pero months lang yung difference. Si Yurika 16. O diba sobrang fetus pa niya pero feeling matanda.

Hinanap ko siya for 2 hours. Napunta ulit ako sa living room. Paikot ikot na yata ko.

"Tangina Yurika nasan ka ba?!" Sigaw ko.

Naisipan kong pumunta sa kwarto ni MJ,kahapon nakitira na sila dito. Kasama si Felicia. Mga duwag kasi,baka patayin daw sila habang tulog.

Ano,may halimaw sa ilalim ng kama? Uso pa pala yon ngayon.

Bumukas yung pintuan at pumasok si Felicia.

Sinarado niya ito,nilapag yung mga 7 eleven na kung ano man yon at binatuhan ako ng unan.

"Aray ano ba! Para san ba yon?!" Sigaw ko.

"Ang ingay mo kasi! Rinig na rinig ko na sa kanto palang!" Reklamo niya.

"Sorry po ate," sabi ko at nagkunwaring malungkot.

"Wag ka nga mag-inarte diyan," sabi niya." Teka,ba't parang ang tahimik?"

Pinagtawanan ko siya. "Ngayon mo lang napansin yan? Kanina pa nga ko naghahanap dito. Si Yurika at si MJ nawawala." Explain ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim.
"Tara hanapin natin,"

Class PictureWhere stories live. Discover now