"This picture is the evidence," inabot ni Al ang picture frame kay Mr. Anderson. "As you can see, nasa picture na iyan si Ms. Jenica, si Ms. Cecilia at gayundin si Dave. Anyone who see this picture will definitely have only one conclusion. Dave is closer to Ms. Jenica than Ms. Cecilia."
"But this photo can be deceiving! Posible namang close lang talaga sila at walang katotohanan ang sinasabi mo, h-hindi ba?"
"I think Ms. Jenica tried so many times to tell her sister about what she feels for Dave kaya lang ay lagi siyang napipigilan. Isa pa ay napamahal na din sa kanya ang kapatid kaya ayaw niya din naman itong masaktan. She was caught in between her and her sister's happiness so she decided to suppress her feelings instead. Kaya lang ay hindi niya na ito nakayanan pa nang sabihin ni Ms. Cecilia sa kanila ang tungkol sa ipinagbubuntis nito."
"Nakita namin sa garbage bag na nasa pintuan ng bathroom ni Ms. Jenica ang isang pares ng gloves at basahan na may mga bakas pa ng dugo. At base sa resulta ng lab test ay dalawang set ng DNA ang nakita namin dito—DNA ni Ms. Cecilia at Ms. Jenica," halos mapaluhod sa panghihina si Mr. Anderson sa sinabi ni Detective Martinez.
"Si Ms. Jenica ang nagdala ng juice na tinimpla ni manang Ofelia para kay Ms. Cecilia. Nilagyan niya ito ng dissolved sleeping pill kaya naman madali niya itong nadala sa bathroom nang makatulog na ito. Doon niya isinagawa ang plano niyang pagmukhain itong suicide. The cuts on Ms. Cecilia's wrist was made deep, out of anger. It was the suppressed feelings of Ms. Jenica that she can't control anymore," dugtong pa ni Al.
"K-Kung ganun... s-si Jenica nga ang pumatay sa kapatid niya?" hindi din makapaniwalang tanong ni Attorney. Malungkot na tumango naman dito si Al.
"Matapos patayin ni Ms. Jenica si Ms. Cecilia ay agad siyang pumunta sa kwarto niya para i-dispose agad ang gloves na ginamit niya. Kumuha din siya ng basahan para punasan ang mga dugong naiwan niya sa kwarto ni Ms. Cecilia at gayundin dito sa kwarto niya. She was about to dispose the garbage bag, when she suddenly met an unexpected visitor."
Napapikit ako ng mariin at saka napahinga ng malalim. "It was Ms. Elizabeth," rinig kong sabi ni Al. I knew it.
Tiningnan ko si Al na mukhang tinatantsa ang sasabihin base sa reaksyong ipinapakita ni Mr. Anderson. "Base sa resibong naretreive ng mga pulis kanina ay lumalabas na pasado alas-siyete kagabi nang bilhin ni Ms. Elizabeth ang isang pares ng gloves at lubid sa malapit na supermarket. Iniwan niya ito saglit sa kwarto niya at saka inihanda ang gagamitin sa plano niya sa kabilang kwarto. During that time, Ms. Cecilia visited her unattended room and found out about her plan."
"Kung ganun, iyon ang dahilan kung bakit nakita sa likod ng cabinet niya ang supot na may lubid! She intentionally hid it to stop her sister's plan..." tumatangu-tango pang saad ni Detective Martinez.
"T-Teka, a-anong sinasabi mong plano? Huwag mong sabihing ang pumatay kay Jenica ay—"
"Yes, the one who visited Ms. Jenica's room after she killed Ms. Cecilia. It was none other than Ms. Elizabeth," sagot ni Al dito. "Nang bumalik siya sa kwarto niya at nakitang nawawala ang pinamili niya ay agad siyang naghanap ng ibang pamalit dito. Nakahanap naman siya sa likod-bahay na pwedeng gamitin."
"Teka! Kung ganun, yung nawawalang lubid sa likod ay—"
Tumango si Al sa binatilyo. "Kinuha niya ang lubid na nakita sa likod-bahay at saka sinimulan ang plano."
Iniabot ni Al kay Mr. Anderson ang isang notebook. It was the same notebook I saw earlier on Ms. Elizabeth's table containing different inventions.
"Sa panglimang page, makikita niyo kung anong ginamit niya para maibigti ang biktima," sumunod naman ito at saka binuklat ang notebook. "It was an remote-controlled adjustable swivel chair na ginawa niya para lang isakatuparan ang plano niyang pagbigti dito. Tingin ko, pumunta muna siya sa kwarto ni Ms. Jenica para pagpalitin ang swivel chairs nila at pagkatapos ay bumalik siya sa sariling kwarto para kunin ang lubid. Nang makahanap ng lubid ay saka siya bumalik sa kwarto ni Ms. Jenica at saka ito pinatulog. She probably used a chloroform or a sleeping spray gas to make her sleep. Nang makatulog ito ay iniupo niya na ito sa adjustable swivel chair, sinet-up ang lubid sa kisame at pagkatapos ay ibinigti ito gamit ang remote control. Pinaltan niya ang swivel chair ng upuang nasa bedside table ng biktima at pagkatapos ay inilipat niya na ulit ang swivel chair sa sariling kwarto na parang walang nangyari."
"Woah! She's an engineer, isn't she?" reaskyon ni Detective.
Isa na lang ang natitira...
"Why... everything you said makes sense..." napapailing na sabi ni Mr. Anderson. "Why did she have to kill her sister then?"
"Ms. Elizabeth loves her sister so much that she really wants her to be happy. Alam niya ang tungkol sa nararamdaman ni Ms. Jenica kay Dave kaya naman bago pa man magkagulo ay siya na ang gumawa ng paraan. She killed Ms. Jenica for the sake of her sister, Ms. Cecilia," mukhang biglang nahirapang huminga si Mr. Anderson kaya agad itong inalalayan ng mga medic na sadya naming ipinatawag bago magpaliwanag si Al kanina.
"Kaya naman nang maisakatuparan niya na ang plano niya ay agad siyang pumunta sa kwarto ng kapatid niya. She was so excited that she went right away only to find her sister, already lifeless on her tub..."
"Si Elizabeth... don't tell me..." napapailing na saad ni Attorney.
"You could have imagined her feelings that moment when she saw her sister's lifeless body, Attorney..." mahinang sabi ni Al dito.
"So tama nga ang suspetsa namin," sabat ni Detective Martinez. "Ms. Elizabeth intentionally killed herself by drinking the poison found in her bedside table."
"N-No... h-hindi totoo yan!" umiiyak pang sabi ni Mr. Anderson. "My daughters..."
"Yes, Ms. Elizabeth killed herself. That was the choice she made after she saw her sister's body," sagot ni Al dito.
She felt miserable and alone...
"No... that's not true..."
I can't help but to sigh heavily while hearing Mr. Anderson's sobs. I looked at Al's sad eyes as he leaned his back on the wall. It was indeed a very sad case.
A murder that occurred one after another and a suicide that ends it all—a death loop.
Matapos ang kaso ay nagpaalam na kami kay Detective Martinez at gayundin sa mga taong nakatulong sa paglutas ng kaso. Pasimple akong bumalik sa bahay namin habang si Al naman ay nagpaalam na din na uuwi na sa kanila.
I never thought something bad would happen though after that night.
The next morning, I woke up with my phone bombarded with messages and missed calls. But only one thing caught my attention and completely woke my whole system. It was a message from ate Euri.
Death is here. Call me ASAP.
***TBD

BINABASA MO ANG
ALTERSEVEN
Mystery / Thriller[Formerly 'Gangster Nerdie'] || Mystery ? Thriller ? School ? Romance || Joshua Rilorcasa is your typical nerdie guy in thick black glasses, taking up Medicine course this year at Elite's Academy. Hindi siya sikat unlike his sister Ms. Ice Queen E...
Chapter 46: Death Loop
Magsimula sa umpisa