抖阴社区

                                        

"Guys, nagpaalam ako kay Sir kung pwedeng bumili ng food. Pwede raw basta isa lang 'yung pupunta sa canteen," hinihingal na sabi ni Arielle dahil tumakbo pa ito sa kabilang side ng building para kausapin si Sir Viejo.

Naisip ko lang na hindi pwedeng si Arielle pa 'yung bibili dahil sa estado niya ngayon kaya ako na lang ang nag-volunteer. Kinolekta ko ang pera at order nila at saka naglakad papunta sa canteen. Diskarte ko rin kasi 'to para makatakas dun.

"Manang, lima pong malamig na Real Leaf at lima ring burger," sabi ko sa tindera at binigay agad sa kaniya ang bayad. Exact na kasi 'yung pinadala ng apat sa 'kin since kabisado na namin mostly ang presyo ng mga pagkain dito sa canteen.

Binigay na ni Manang sa akin ang isang paperbag na may lamang burger pero kumunot ang noo ko 'nung napansing mukhang naguguluhan siya at hindi pa rin kinukuha 'yung Real Leaf sa ref.

"Hija, may kasama ka?" tanong niya habang tumitingin-tingin sa magkabilaang gilid ko pero wala siyang may nadatnan.

"Wala po, eh..."

"Paano 'yan? Kaya mo bang dalhin lahat 'to? Hindi kasi pwedeng ilagay 'yung mga drinks sa paperbag dahil hindi kasya at baka mapunit. Malamig pa naman iyan."

As much as we all hate it, may No-Plastic Policy na kami sa university na kailangang sundin dahil kapag hindi, may multang babayaran. Vendors inside the school premises are not allowed to use plastic bags, cups, or even utensils. Kaya heto at puro papel na lang ang ginagamit nila which can be really inconvenient especially at a time like this.

At kahit ayaw ko man mahirapan, go pa rin. Wala nang atrasan.

"Okay lang po. Kaya ko naman siguro."

Naisip ko kasi na pwede namang yakapin ko na lang 'yun sa harap ng dibdib ko since konti lang naman. Mababasa lang 'yung blouse ko dahil sa lamig ng drinks pero bahala na. Kakayanin ko na lang.

Ganoon na lang 'yung ginawa ko hanggang sa palabas na 'ko ng cafeteria. Medyo nahihirapan ako dahil sa takot na mahulog ang mga dala ko dahil hindi masyadong mahigpit ang pagkakahawak ko pero push lang. Keri ko pa.

Padaan na 'ko 'nun sa pinto nang saktong nakasalubong ko—sa hindi inaasahang pagkakataon at sa pinakaayaw kong sitwasyon—si Hiro na may kasamang isang lalaking nursing student base sa uniporme nito.

Peste kasi.

'Yung presence niya lang... 'yung nakita ko lang 'yung mukha niya, hindi ko mapigilan ang sarili kong maalala ang tweet niyang napaka-controversial pagdating sa 'kin dahil sa sobrang pag-ooverthink ko.

Kaya heto, sobrang na-distract na 'ko by just his mere presence to the point na bumagsak na 'yung mga dala ko sa sahig.

"Sige, kas. 'Wag na lang pala. 'Di na lang ako magpapalibre sa 'yo," rinig kong sabi niya sa kasama niya na agad din namang umalis sa eksena.

Tahimik lang ako pero kinakabahan na talaga ako na parang ewan. Mas lumala pa 'yon nang sinamahan niya na 'ko sa sahig na nakaluhod at tinulungan akong pulutin ang mga nahulog na bottles sa harap ko.

Ayan.

Pandagdag ko na naman 'to sa listahan ng mga dahilan kung bakit ang lakas kong mag-overthink.

May pinapakita kasi siya, eh.

"Saan mo dadalhin 'yan? Sa building natin? Kina Rianna?" sunod-sunod niyang tanong. Tinanguan ko lang siya ng isang beses. Sa sitwasyong 'to, tingin niyo makakapagsalita pa 'ko?

Aangatin ko na sana ulit ang mga dala ko tulad 'nung setup ko kanina kaso naudlot iyon nang bigla na lang kinuha ni Hiro ang apat na bote ng Real Leaf at saka tumayo.

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon