抖阴社区

                                    

"Julie naman eh!"

"O sya, bahala kang mauhaw dyan!"

Inis na napailing na lang ako. Tsk, anong klase ba namang slave to! Hindi mautusan ng maayos, nakakainis lang!

"Fine, sasamahan na kita"

"Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis eh" nakangiting sabi nya.

"Wag kang magfeeling, nauuhaw lang talaga ko at baka mamatay pa ko dito kung hihintayin kong mawala yung takot mo!"

"Eh bat kasi hindi na lang ikaw yung kumuha." Sabi pa nya.

"O eh di sige, maiwan kang mag-isa dito sa kwarto" sabay labas ng pinto.

At napangiti naman ako nang maramdaman kong kasunod ko na sya.

"O bat ka sumunod?"

"Eh baka kasi natatakot ka, sasamahan na lang kita"

"Ows? Baka naman ikaw yung natatakot?"

"Di ah!" psh, ang yabang, kanina lang inamin nyang natatakot sya tapos ngayon, nagdedeny na naman.

"Sige nga, kung hindi ka natatakot, mauna ka!"

At mayabang naman na umuna ang bruha. Bigla namang may pilyang planong pumasok sa isip ko.

"So hindi ka talaga natatakot ha!" sabi ko sabay tago sa likod ng sofa.

"Bat naman ako matatakot---" sabi nya sabay lingon sa likod nya.

Nakita kong nanlaki yung mata nya ng makitang wala na ko sa likod nya.

"D-dani?" kinakabahang tawag nya.

Pigil na pigil naman yung tawa ko habang takot na takot naman na nagsasalita si Julie.

"Dani naman kase, hindi ka nakakatuwa ha!" sabi pa nya.

At dahil pwedeng buksan yung TV gamit yung phone ko, agad ko itong binuksan at halos mapatalon sa takot si Julie nang may magsalita sa TV.

Eksaktong-eksakto, 'Sinister' yung palabas sa star movies and eto na yung scene na may kausap yung bida sa movie tapos biglang gumalaw yung mukha ni 'mr boogie' sa laptop nya at lumingon sa kanya.

Mangiyak-ngiyak na pinatay ni Julie yung TV.

"Dani, seryoso na ko, hindi na ko natutuwa." Takot na sabi pa nya.

Unti-unti ko naman syang nilapitan sa may bandang likod nya sabay yakap sa kanya.

"BOO!" sigaw ko sa may tenga nya.

Nagulat ako nang bigla nya kong hampasin ng unan sa mukha.

Sabi ko nga eh, dapat hindi ko tinatakot si Julie. Nahahampas tuloy ako ng throw pillow sa mukha.

"Bwisit ka kahit kelan kang halimaw ka! Bwisit ka!!" sabi pa nya habang patuloy akong hinahampas ng unan sa mukha at sa buong katawan.

Grabe namang magalit to, parang nagkakaron ng superpowers at lumalakas.

"Sorry na, sorry na babe!" natatawang sabi ko sa kanya.

"Ang sama-sama mo!"

"Papano naman kase, nakakatawa yang kaduwagan mo, hahahahaha!" sabi ko habang umiilag sa mga hampas nya.

"Ayoko na sayo! Ayoko na sayo!"

"Talaga?"

"Oo, ayoko na!"

"Ang OA mo Jules!"

"Nakakainis ka kase!"

"Sorry na, ang cute-cute mo kase pag natatakot ka eh" lambing ko sa kanya habang inaagaw yung unan sa kamay nya. Masakit na kase yung mga hampas nya.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon