抖阴社区

                                    

"Bahala ka sa buhay mo!"

"Sorry na babe, promise hindi na po mauulit" sabi ko sabay halik sa noo nya.

Naramdaman ko naman na kumalma sya kaya agad kong kinuha yung unan at inihagis sa sofa.

"Promise hindi mo na ulit tatakutin?"

"Opo promise" sabi ko sabay smile sa kanya. "I love you" bulong ko sa kanya.

"Pasalamat ka mahal kita" sabi nya sabay irap.

"So hindi pa tayo break ha!"

"Chos lang yon! Galit ako kanina eh!"

"Hmm, so pwede mo na kong samahan sa kusina? Uhaw na uhaw na kasi talaga ko eh!"

"Sige pero mauna ka! Baka kung ano na namang gawin mo pag nagpahuli ka!"

"Fine!" sabi ko sabay lakad papunta sa kusina.

Hindi na ko nagulat nang hawakan nya yung kamay ko.

"Baka kasi kumawala ka na naman!" sabi nya.

"Hindi na po, hinding-hindi na" sweet na sabi ko sa kanya.

"Asus, bumabawi ka lang eh!"

Ngumiti lang ako sa kanya.

Pagdating sa kusina ay sya yung kumuha ng tubig sa ref at nakangiting iniabot sakin.

"Eto na po yung utos nyo mahal na prinsesa"

"Nah, hindi dapat ganyan"

"Huh? Ano dapat?"

"Mahal kong prinsesa dapat" sabi ko sabay kindat.

Napangiti naman sya lalo sa sinabi ko.

"Ang corny mo"

"Ganun talaga pag nagmamahal babe"

"Sus, nga pala, nasabi ko na kay Krissa yung about sating dalawa" sabi pa nya.

"And?"

"Nung una hindi sya makapaniwala, pano ba naman kase, alam nya kung gaano kalaki yung galit ko sayo non. Naisip ko pa ngang gamitin si RJ para makaganti sayo eh. Kala ko kasi mahal mo pa sya, yun pala, patay na patay ka na sakin" mayabang na sabi nya.

"Whoa! Nasan na yung totoong Julie? Yung slow na Julie? Ilabas mo sya!!" arte ko sa kanya.

"Heh! Tigilan mo ko! Maka-slow kayo ng kuya mo sakin wagas ha! Eh kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa?"

"Eh totoo naman kasing ang slow mo dati eh, ang shunga mo pa para isipin na sayo ko nagseselos nung magkausap kayo ni RJ"

"Eh pano kase---"

"O tapos na yun, wag na nating pag-usapan"

"Ok pero uhm, ano, ano kase"

"Yes Jules?"

"S-sabi kasi ni Krissa, papano daw kung pinaglalaruan mo lang ako, kung hindi naman daw pala totoo yung nararamdaman mo para sakin" nakatungong sabi nya.

"Anong sabi mo nung sinabi nya yon?" tanong ko sa kanya.

"Sabi ko hinding-hindi mo magagawa sakin yon. Sabi ko alam kong mahal na mahal mo ko"

Agad ko naman syang nilapitan at iniharap sakin. Kinuha ko din yung kamay nya at akmang itatapat ko may puso ko kaya lang bigla nyang binawa yung kamay nya.

"A-anong gagawin mo?" tanong pa nya sakin.

"Babe, wag puro kabastusan yang nasa isip mo. Akin na yang kamay mo" sabi ko sabay kuha ulit dito at tapat sa puso ko. "Ikaw lang yung nandyan ok? Tumitibok yan para sayo, at hinding-hindi ko magagawang paglaruan ka dahil mahal na mahal kita" seryosong sabi ko sa kanya. "And salamat dahil naniwala ka sa pagmamahal ko sayo"

Ngumiti naman sya sakin.

"Ramdam ko naman kase kung gaano mo ko kamahal kaya hindi ako naniwala sa sinabi ni Krissa" sabi pa nya.

"I love you"

"I love you too Dani. O sya, late na, matulog na tayo."

"San ka matutulog?"

"Malamang sa kwarto ko. Hoy hindi porke girlfriend mo na ko eh papayag na kong tumabi sayo sa pagtulog" bigla namang nagbago yung tono nito.

"Oh ok. Sigurado kang dun ka tutulog?"

"Oo naman!"

"Hmmm, mag-isa ka lang don. Tapos late na, tapos---"

"Fine, dun na ko sa kwarto mo matutulog pero lagyan mo ng unan sa gitna"

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Sabi na eh, bibigay din to.

"Eh papano kung biglang may—"

"Oo na, wag mo ng lagyan ng unan! Ok na? Manyakis!"

"Huh? Wala naman akong ibig sabihin don eh"

"Ewan ko sayo, basta wag na wag mo kong hahawakan!"

"Wow, conservative! Gusto ko yan, mas nakakaexcite"

"Heh! Tigilan mo ko, ubusin mo yang iniinom mo at inaantok na ko"

"Ikaw talaga, halatang excited ka na makatabi ako sa pagtulog eh. Wag mo kong rereypin ha!" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Mukha mo! ASA ka! Tse!" at hinila na nya yung kamay ko papasok sa kwarto.

Nakangiting nagpahila naman ako sa kanya. Magpapakipot pa ba ko?

Yes naman, honeymoon na to! Charaught!

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon