抖阴社区

Panglabing-tatlo

Magsimula sa umpisa
                                        

   Tiningnan ko si Candida.

     "Ipangako mo na magiging masaya ka." paniniguro ko.

     "Ipinapangako ko."

     "Sino na laang maglalagay ng kolorete sa akin'g mukha?" ako'y nagbiro, kasabay nang pagbagsak ng amin'g mga luha.

     "Tonta, panahon na upang ikaw ay matuto." natatawa pati ang akin'g kaibigan.

     "Candida." tinawag na siya ng kanya'ng asawa.

     "Sige na, Eleonor, balikan mo na ang iyo'ng Juan Antonio."

     "Maayos ka lang ba talaga?"

     "Oo, Eleonor. Sige na."

     "Kay ganda ng iyo'ng suot at ng iyo'ng bulaklak. Pati ang kolorete sa iyo'ng mukha. Hanggan'g sa muli, akin'g kaibigan."

   Tumango-tango siya. Nagpipigil na pumatak muli ang mga luha.

   Nauna'ng naglakad palayo si Candida. Nagpunas na rin ako ng luha bago bumalik sa kinauupuan ni Juan Antonio.

   Naglalakad na'ko pabalik nang salubungin ako ni Don Emiliano. May hawak ito'ng dalawa'ng kopeta.

     "Vino para sa'yo, Senyorita Eleonor."

     "Salamat na lamang, Don Emiliano." pahakbang na'ko'ng muli nang harangin niya ang akin'g daraanan.

     "Hindi ko akalain na ikaw pala ay iyakin din na babae. Sinasabi ko na nga ba at sa panlabas lamang ang iyo'ng tapang. Kagaya ka lang din lamang ng iba'ng babae na marupok, mapusok, mahina."

     "Tapos ka nang magsalita? Maaari na ba ako'ng dumaan?"

     "Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako ay iyo'ng labis na pinapahirapan."

     "Ikaw ata ay nagkakamali. Hindi kita pinapahirapan. Sadyang wala ako'ng katiting na atensyon para sa iyo. Kaya paumanhin."

   Akto'ng haharangan niya'ng muli ang akin'g daraanan nang marinig ko ang boses ni Juan Antonio na tinatawag ang akin'g ngalan.

     "Nagtaka ako na ikaw ay matagal na nakabalik. Kaya hinanap na kita." ako'y kanya'ng tinabihan.

     "Kaya pala pursigido'ng pursigido ka'ng lagpasan ako dahil may naghihintay pala sa iyo." nanuya ito'ng ngumiti. "Emiliano nga pala. Don Emiliano. May-ari ng tindahan ng prutas at abano. Ikaw siguro ang doktor na naniningala'ng pugad sa akin'g Eleonor?"

     "Hindi mo 'ko pagma-may-ari."

     "Juan Antonio Rubio." inabot ni Antonio ang kanya'ng palad.

   Tiningnan lamang ni Emiliano ang nakaabang na palad at sa akin muli ang atensyon.

     "Ito ba ang lalaki na iyo'ng napupusuan, Eleonor?"

     "Ang bagay na iyan ay hindi mo na sakop, Senyor."

   Nanunuya ito'ng ngumiti at tiningnan si Juan Antonio na nakaabang pa rin ang palad. Wala'ng gana ito'ng tinanggap ni Emiliano.

     "Babalik na kami ni Eleonor sa amin'g upuan."

   Natawa si Emiliano. Tila ay hindi ito makapaniwala.

   Hindi ko itatanggi, ngunit sumaya ang akin'g puso na si Juan Antonio ay nasa akin'g tabi sa malungkot na araw na iyon.

Hindi ko na maipagkakaila pa sa akin'g sarili na tunay na nga ako'ng umiibig sa doktor. Kapag siya ay akin'g nakikita, pakiramdam ko ay ako ay ligtas, na kung sakali man may kapahamakan na dumating, alam ko na hindi ako pababayaan ni Juan Antonio. Siya ay mapag-aruga, hindi lamang sa akin kundi pati na rin sa akin'g pamilya at mga kasambahay. Kanya'ng minamahal ang mga tao sa akin'g paligid. Ako'y kanya'ng pinapakinggan sa akin'g hinaing, o hindi kaya kapag napansin ko kung gaano kaganda ang araw, kung gaano kasariwa ang hangin, kung bakit tila nakangiti ang buwan. Siya ay nagmistula'ng akin'g matalik na kaibigan, isa'ng kaibigan na hindi takot sabihin na ako ay kanya'ng sinisinta.

Ang Unang ReynaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon