抖阴社区

CHAPTER 21

2.5K 71 8
                                        

Habang nagluluto ng umagahan si Violet kasama ang mga anak niya ay nagtatanong ang mga ito tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid nila. Matatalino kasi ang mga batang ito, kahit ano ay tinatanong, dala na rin ng curiosity dahil sa murang edad.

"Mommy, kailan kaya ulit ikaw magkaka-baby po?" tanong ng bunso niyang anak na si Seraphina.

"Baby, 'di pa alam ni Mommy. Kayo pa lang ang lilikot na, pa'no pa kaya kapag nadagdagan kayo," sagot niya rito.

"Eh, Mommy, malaki na naman kasi kami, eh. Gusto na namin ng bagong baby, ayaw na namin kay Seraphina." sagot ng pangatlo niyang anak na si Keanne Noah.

"Oo nga, ayaw na namin kay Seraphina na maging baby girl. Bleh!" paggatong naman ng pangalawa niyang anak na si Calix.

"Mommy. . ." sabi ni Seraphina sa kaniya habang naluluha ang mga mata.

"Hay!" Napapa-facepalm na lamang talaga siya sa mga anak niya, ang hilig ng mga ito na asarin ang bunsong kapatid. "Nako, mga anak, itigil nyo na 'yan, ayaw nating umiiyak si Seraphina, 'di ba? Kaya mag-sorry na kayo sa kaniya, baka magtampo ang baby natin. At tsaka, mga anak, kung dadagdagan ko pa kayo, ewan ko na lang baka hindi kayanin ni Mommy ang kakulitan n'yo."

"Joke lang 'yun! Ikaw pa rin ang baby namin, Seraphina." sabi ni Calix sabay yakap sa kapatid

"Oo nga, baby ka kaya namin. Kiss nga si kuya."sabi naman ni Noah.

"Ahuh! Ahuh! Ako lang ang baby muna, ha, Mommy? sabi ni Seraphina sa kaniya.

Wala na siyang ibang mahihiling pa kundi ang maging masaya kasama ang mga anak niya. Kung maari sana ay walang mangyaring hindi maganda sa kanilang mag-iina, tama na ang sinapit niya sa ama ng mga ito.

"Mommy?" tawag sa kaniya ng panganay niyang anak na si Sebastian.

"Yes, Baby?"

"Mommy, nasaan pala si daddy?"

Bigla siyang natigil at hindi makasagot sa tinanong ng anak niya. Ito ang pinakaayaw niyang itanong ng mga anak niya sa kaniya, dahil natatakot siya na baka hanapin ng mga ito ang tunay nilang ama. Pakiramdam niya ay dumating na ang kaniyang kinakatakutan.

"Mommy, 'yung pancake, nasusunog na po!" sigaw sa kaniya ni Noah.

Bigla siyang napatingin sa pancake, at oo nga, nasusunog na nga ito. Dali-dali niya itong inalis sa frying pan. Buti na lamang, sumigaw si Noah, dahil kung hindi ay mas kukulitin siya ng panganay niya. Hindi niya pwedeng sagutin ang tanong ng anak niya, wala siyang maisasagot at siguradong mahahalata lamang siya ng panganay niya kapag nagsinungaling siya. Alam niyang matalino ang batang ito.

"Mga anak, tara, kumain na tayo. Pwede naman na siguro itong luto ni Mommy, 'di ba?"

"Opo, Mommy, gutom na rin 'yung stomach ko. Gusto ko nang kumain ng luto mo. Masarap 'yan!" sagot ni Seraphina. Nambola na naman ang anak niyang babae.

"Yehey, kakain na kami!" sigaw ni Noah at Calix.

"Mom?" pang-aagaw-pansin sa kaniya ni Sebastian.

"Sebastian, kumain na tayo, anak, alam kong gutom ka na rin, 'di ba? Halika na." palusot niya rito.

Alam niyang dissapointed ang anak niya dahil hindi niya sinagot ang tanong nito, pero hindi niya kasi ito kayang sagutin. Parang bomba na sumasabog ang mga tanong ng anak niyang panganay sa kaniya, parang Boy Abunda kung magtanong. Syempre ayaw niyang masaktan ang mga anak niya kapag sinabi niyang iniwan niya ang tatay ng mga ito noon dahil magkakaroon na ito ng ibang pamilya. Isa pa, ayaw niya ring sirain ang image ng totoong daddy ng mga ito.

Habang naghahain siya ay may biglang humalik sa kaniya sa pisngi. "Hello, Love. Good morning!"

"Daddy Yuske!" sigaw ng mga anak niya.

"You just need to find the right person to be happy and contented." ⸻Yusuke

The Shell of What I was [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon