抖阴社区

Chapter 43: Worst Day Ever

5.4K 361 45
                                        

Kanina pa ako hindi mapakali kaiisip kung paano at kailan ko nakilala si Philip. Hawak niya ang pocket watch na gaya ng meron ako. Ibig bang sabihin niyon, kaya rin niyang bumalik sa nakaraan?

Kung oo, bakit ako? Ako ba ang dahilan kung bakit siya bumabalik?

Bakit ako? Ano ba ang ginawa ko para balikan niya? Paano ko ba siya nakilala?

Sa sobrang pag-iisip ko, tiningnan ko na lang ang listahan ko ng mga panahong gusto kong balikan.

Noong huling birthday ni Mama na buhay pa siya.

Noong graduation ko noong high school na walang pumunta para sa akin.

Noong nasa hospital si Mama at nag-aagaw-buhay.

Noong burol ni Mama.

Noong ipinakilala ni Papa si Grace sa akin.

Noong ibinigay nina lola sa akin itong bahay.

Noong araw bago pa mamatay ang nanay ni Miminggay.

Siguro, kailangan ko na lang alisin sa listahan ang araw na ipinakilala ni Papa si Grace.

Kinuha ko ang pocket watch at sinusian ulit iyon.

"Gusto kong bumalik sa araw kung kailan ko unang nakilala si Phillip."



* * *



Hindi ko alam kung paano ako nakilala ni Phillip at ano ang dahilan niya para gawin ang lahat ng ginawa niya. Napadilat na lang ako pagbalik ko.

"Nasaan ako?"

Tumingin ako sa kanan. Tumingin ako sa kaliwa.

Nasa restroom ako . . . ng school ko noong high school?

Nandito si Phillip?

Whoah, wait!

Sino siya?

Napatingin ako sa salamin. Namumula ang mukha ko pero hindi dahil sa makeup. Medyo mahapdi pa ang mukha ko. Hinawakan ko nga at mukhang katatanggal ko lang yata ng makeup ko.

Okay na ito, makakalabas ako nang hindi sinesermunan ang sarili ko.

"Ano'ng araw na ba?"

Hindi ko alam kung paanong napunta rito si Phillip, at kung paano ko siya nakilala sa panahong ito. Wala akong matandaang nakilala ko siya rito sa school.

"Uy, 'te!"

Natigilan ako sa paglalakad at nakita na naman siya. Napahugot ako ng malalim na hininga at ngayon ko lang siya natitigan nang mabuti.

Patpatin, hindi pa katangkaran . . . at . . .

"PJ . . . ?" may lungkot sa tono kong pagtawag sa kanya.

Nagulat din yata siya kasi alam ko ang pangalan niya.

"Kilala mo 'ko, 'te?" tanong agad niya.

Hindi. Hindi puwede.

Napakagat ako ng labi at napahimas ng sentido.

"PJ . . ." Napalunok ako bago ituloy ang sinasabi ko. "PJ, Philip Jacinto ba ang pangalan mo?"

Napatingin agad siya sa ID niya at saka niya ibinalik ang tingin sa akin. "Paano mo nalaman pangalan ko, 'te?"

Halos bumagsak ang balikat ko at tinulalaan lang siya.

When It All Starts AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon