Napasulyap ako sa nag-aayos sa buhok ni Ella. Napaangat din ng tingin ang nagpe-pedicure sa akin. Kung alam ko lang na ganito ang magiging usapan, hindi na sana ako nagsalita pa.
"I don't know how you fool people. Siguro dahil mayaman ka at bait baitan kaya lahat naloloko mo, pero ako..."
"Hindi ko alam kung paano mo nasasabi 'yan, Ella. I know I'm not that kind. I have my own negative traits but never did I once try to fool anyone with it. Alam kong galit ka sa akin simula noong nangyari kay Alonzo at kung hindi mo ako mapapatawad sa nangyari, hindi kita masisi dahil ilang taon ko ring sinisi ang sarili ko tungkol doon."
"Buti naman at may konsensiya ka, Sancha. I'm sure Alonzo will eventually notice what I'm talking about. You always play innocent when the truth is you're not. Gaya sa nangyari noon. Kunwari ka pang si Alonzo ang dapat sisihin, e, kitang kita sa video na ikaw ang nag initiate ng halikan! Ang landi mo, si Alonzo ang sumalo sa kalandian mo. At ngayon, nilalandi mo na naman siya dahil gusto mo siya!"
Kitang-kita ko ang gulat sa itsura noong bading. Ginugupitan niya na si Ella at napatigil siya para lang sumulyap sa akin. Tumikhim ang nasa counter na para bang pinipigilan kami na mag-away. I want it to stop, too, but I think opportunities like these don't always come.
"Nasisiguro kong kita rin ni Tita Laura at Tito David iyon! Nakakahiya ka, Sancha."
"Yes, initiated that kiss. I explained myself so many times with the counselor and the school but it's done. Alonzo was gone. I tried hard to take the blame but maybe it's all too late. Malandi na ako, gaya ng sinasabi mo. At sige, scheming bitch at bait-baitan, Ella. I do hope Alonzo notices that, I'll tell him, or maybe you tell him your side of it or whatever your opinion of me. Para maaga pa lang kami sa relasyon namin, iwan niya na ako at hindi na kami mahirapan pa."
Namilog ang mga mata ni Ella at biglaang napatayo. Tinanggal niya ang nakatapis sa kanyang leeg at ibinagsak.
"Kayo na?"
Hindi ako nagsalita. She laughed a bit and shook her head.
"Kita mo na? Ang bilis mo rin, 'no? Kaya ang tapang mong humamon sa akin?"
She walked out of the salon. Tahimik ang mga tao roon buong pagpapaayos at treatment ko. I saw Alonzo's text for me earlier that day. May minor procedure daw siyang gagawin at magtext lang ako kung nasaan ako at kung matagalan siya susunduin niya na lang ako sa cafe.
Almira:
Nandito si Ella, hinahanap si Alonzo. Anong mayroon?
Paulit-ulit kong binura ang mga tinipa ko. Hindi malaman ano ang sasabihin kay Almira tungkol diyan. I might have been too carried away by our argument. Dapat ba hindi ko na sinabi iyon. Pakiramdam kasi ni Ella, nanloloko ako sa lahat. Kung iyon ang tingin niya, hindi ko siya pipigilan na ilantad ako kung gusto niya.
Ako:
May kaunting hindi pagkakaunawaan lang. Baka mag-uusap lang sila ni Alonzo.
Almira:
Huh? Bakit? At hinayaan mo? May ginagawa pa si Alonzo.
Ako:
Ayos lang naman, Almira.
Nasa kalahati na ako ng hair treatment ko. Sinulyapan ko ang cellphone para sa mensahe ni Almira. Kalalapit naman ng hairstylist para mang usisa.
Almira:
Anong ayos lang? Ayos lang si Alonzo at si Ella?
"Siguro inggit lang 'yon sa'yo, Miss Sancha. At totoo naman na sa kanya galing 'yong food poison, e," sa wakas ay nagsalita simula ng umalis si Ella.

BINABASA MO ANG
Getting To You (Azucarera Series #2)
RomanceCrisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and proper. Walang mag-aakalang may magagawa siyang isang bagay na ikakahiya ng kanyang pamilya. When it ha...
Kabanata 37
Magsimula sa umpisa