"Mga anak, may lakad lang si Mommy, ha?" sabi niya sa mga anak niya bago siya umalis. Napakaraming paper works pa ang kailangan niyang aasikasuhin sa trabaho.Makalipas ang ilang oras ay kinausap niya ang panganay niyang anak sa telepono. "Sorry, hindi makakasama si Mommy sa lakad natin. Pasensya na, babawi na lang si Mommy sa inyo, promise." Nagkaroon kasi sila ng biglaang meet-up ng isa sa mga investor sa kaniyang kompanya. Sayang, dahil nangako pa naman siya sa mga bata na magpa-family bonding sila ngayon. Kaya para mapawi ang lungkot ng mga anak niya at naisipan niya na si Yusuke na lang ang sasama sa mga bata, para maka-bonding din ito ng mga bata.
Nandito siya ngayon sa isang fancy restaurant, hinihintay ang ka-meet-up niya na isa sa mga investor ng kaniyang kompanya, dito kasi nila napagdesisyunang magkita.
Napatayo na siya nang makita niyang dumating na ang ka-meet-up niya na si Dave Sebastian, ang kaniyang best friend. Dito rin nagmula ang pangalan ng panganay niyang anak na si Sebastian Jake. Unexpected friendship are the best one. Ito ang tumulong sa kaniya noong na-rape siya. Matagal na panahon na iyon pero hinding-hindi niya iyon makakalimutan, lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa rin nakilala ang taong gumahasa sa kaniya.
"Hello, Dave! Long time, no see." bati niya rito.
"Hello, Violet! Paganda tayo nang paganda, ah." bati rin nito sa kaniya.
"Napakabolero mo talaga. Ikaw naman!" sabay hampas niya sa likuran nito.
Naging matalik silang magkaibigan dahil tinulungan siya nito bago siya manganak, ang kaso nga lang ay umalis ito ng bansa, pero hindi naman siya nito pinabayaan. Nawalan lang sila ng communication, dahil pinalayas siya ng ina nito bahay ni Dave. Sinasabi kasi ng ina nito na pabigat lang siya kay Dave. Akala siguro ng nanay nito ay humihingi siya ng pera dito, pero ang hindi nito alam ay pumasok siya rito bilang katulong at pinapaswelduhan siya. Pinagbintangan din siya na maduming babae, dahil ang akala nito ay inaakit niya si Dave, kaya naman napilitan din siyang umalis doon. Sabi naman ni Dave, hinanap siya nito nang makauwi ito sa Pilipinas. Hindi ito tumigil hanggang sa magkita sila, pero hindi na bilang isang katulong, kundi bilang C.E.O. ng isang kompanya.
"So, Violet, kamusta na ang mga bata?" tanong nito sa kaniya.
"Iyon, hinahanap 'yung ninong nilang maraming atraso sa kanila." biro niya dito.
"Nako, Violet, parang ayaw ko na yatang magpakita sa kanila, nakakatakot."
Tumawa na lang siya sa biro nito sa kaniya. "Tara at maupo na tayo," sabi niya dito, dahil nakakahiya naman sa isang investor kung hindi niya ito pauupuin, kahit na kaibigan pa niya ito, dahil pag-uusapan pa nila ang tungkol sa business nila.
Habang kumakain sila ni Dave ay hindi siya mapakali. Animo'y may nararamdaman siyang kakaiba, pero hindi niya malaman kung ano ito. Mula sa pagkakatingin siya sa kaliwa ay bigla na lamang siyang napalingon sa bandang kanan, dahil may namukhaan siya. Saka na lamang siya nagulat nang maalala niya kung sino iyon, at iyon ay walang iba kundi si Chris, ang dati niyang asawa. Biglang bumalik ang kaniyang nararamdaman, hindi pag-ibig kundi dahil pagkasuklam at pagkamuhi niya sa taong ito. Napakapit siya nang mahigpit sa kaniyang tinidor, dahil parang gusto niya itong habulin at saksakin.
"Hey! Violet, ayos ka lang?"
Bumalik ang kaniyang tingin kay Dave, pero tumitingin-tingin pa rin siya sa lalaking ayaw niya nang makita.
"Oo, Dave, ayos lang ako." sagot niya dito habang nakangiti. Hindi siya ayos, hinding-hindi, hangga't hindi umaalis sa restaurant ang lalaking iyon. Wala siyang magawa, hindi rin siya makagalaw, dahil kaunting galaw niya lamang ay makikita siya nito, at ayaw niyang mangyari iyon, dahil hindi pa oras.
Habang pinagmamasdan niya ang lalaking iyon ay hindi niya maiwasang masaktan, dahil sa mukha ng lalaking iyon ay parang wala man lang nangyari sa kanila, sa kaniya noon. Parang mas okay talaga na nawala siya. Sabagay, sino nga ba siya? Masaya na siya ngayon at hindi na niya kailangan ang lalaking iyon.
Nagulat siya nang may biglang yumakap sa paanan nito, isang batang lalaki na halos kasing edad lang ng mga anak niya at isang babaeng namumukhaan din niya. Ito ang babaeng itinulak niya noon. Hindi niya maipaliwag ang itsura ng babaeng dati pa lang ay marami nang kolorete sa mukha. Nakatitig siya sa babaeng ito. Hindi siya nakakaramdam na pagkainggit dito, pagkamuhi lamang. Ang saya ng mga ito, parang walang nasaktan na tao.

BINABASA MO ANG
The Shell of What I was [PUBLISHED]
RomanceSYNOPSIS Minsan ang pagmamahal natin sa isang tao ang siyang nagtutulak sa atin para gumawa tayo ng mga bagay na pwedeng ikasira at ikasakit natin. Tulad ko, kahit saang anggulo tingnan, ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Akala ko, kapag nakat...