抖阴社区

CHAPTER 27

2.8K 77 16
                                        

"Baby, gising na, nandito na tayo." sabi ni Chris.

"Daddy?"

"Nandito na tayo sa Mall, Baby, sabi ng daddy mo." sabi ni Yedda sa anak nila.

Biglang sumigla ang anak nila nang marinig ang salitang mall. "Yehey!!" sigaw nito. "Daddy, I want toys! Daddy, punta tayo agad sa Toy Kingdom, please!! I want a toy!"

"Okay, okay, Baby. Hush. Pupunta tayo do'n agad, then we will eat our lunch." 10:40 a.m. na kasi sila nakarating sa Mall dahil traffic, pero bago sila pumunta rito ay dumaan muna sila sa isang fancy restaurant para bilhan ng pagkain ang anak nila, hindi kasi ito mahilig sa fast food. Sa katunayan, habang bumibili sila kanina ay may namukhaan siya. Bago pa sila makalabas sa restaurant ay may sumigaw na lalaki na agaw-atensyon dahil sa lakas, pero hindi na lang niya ito binigyan ng pansin dahil nagmamadali na sila para agad na makapunta sa Mall upang makapag-bonding sila ng anak niya.

Pagkarating sa Parking Lot ay agad na binuksan ng anak nila ang pintuan at nagtatatakbo sa labas. "Mommy, hurry! Gusto ko na ng toys !" tuwang-tuwang sigaw nito.

Ganito kasaya ang anak nila kapag magkakasama sila. Noong nakaraang araw ay malungkot dahil maraming sugat. Sabi ng kaniyang asawa ay lagi itong nagsusugat, pero ang mga sugat nito'y parang hindi sugat ng isang bata. Ayaw na lamang niya ito bigyan ng issue, dahil baka mag-away silang mag-asawa.

"Daddy?" tawag nito sa kaniya.

"Yes, anak?" sagot niya rito.

"Pakarga po, Daddy, please."

Nagpapa-cute na naman ang anak nila para makarga ito. Napangiti siya dahil kamukhang-kamukha talaga niya ang bata, kaya naman hindi na siya nagduda na anak niya nga ito. Kinarga niya ang kaniyang anak dahil miss niya nang gawin ito rito at saka sila nagsimulang maglakad papasok sa Mall.

"Iba talaga ang pakiramdam kapag kasama mo 'yung taong nagpapasaya sa 'yo, lalo na 'yung anak mo, nakakawala ng pagod."



"Kuya Calix, hindi ba tayo papagalitan ni Daddy Yusuke kasi tumakas tayo?" tanong ni Noah sa kaniya.

"Natural, papagalitan tayo ni Daddy kasi tumakas tayo. Ikaw kasi, ang kulit mo! Sabi ko naman kasi, eh, hintayin natin sila. Iyan tuloy, nawawala na tayong dalawa." sagot niya sa kaniyang kapatid.

"Sorry, kuya. Kasi naman, gusto ko na makapunta dito, tapos ang tagal-tagal pa ni Daddy Yusuke."

"Okay lang. Sure ako, mahahanap din natin sila." sabi niya sa kaniyang kapatid. "Tahan na, wag ka nang umiyak diyan. Remember, big boys na tayo."

Naglakad-lakad silang magkapatid para mahanap nila sina Sebastian at Seraphina, nawawala kasi sila dahil sa kakulitan ni Noah. Tingin dito, tingin doon, pero wala pa rin ang mga kapatid nila. Gusto na nilang umiyak dahil hindi nila alam ang gagawin nila. Baka kunin sila ng hindi nila kilala at ibenta sila. Ayaw nilang mangyari 'yun dahil mami-miss nila ang kanilang mommy at daddy.

"Daddy. . ." rinig niyang bulong ng kaniyang kapatid.

"Tahan na, nandito naman ako, oh. Kaya natin ito, mahahanap din natin sila." Hinawakan niya ang kamay ng kapatid niya para hindi na ito matakot.

Sa isang banda naman ay nakatingin si Chris sa mga batang lalaki, kambal, na parang nawawala. Nilapitan niya ang mga ito at tinanong dahil nakakaawa naman kung talagang nawawala nga ang mga ito, wala kasi itong kasamang matatanda.

"Hello, nawawala ba kayo?" tanong niya sa mga bata. Napansin niyang nagulat ang mga ito. Nang lingunin siya ng mga ito ay parang may kamukha ang mga bata, hindi nga lang niya alam kung sino.

"Op⸻"  Sasagot na sana ang isa ngunit pinigilan ito ng kasama nito na siguro ay ang mas matanda rito.

"Shhhhh. . . wag mong sasabihin, Noah. Remember, Daddy told us na don't talk to strangers."

"Oo nga pala, 'no. Sorry, kuya, muntikan na."

Natatawa naman siya sa pagbubulungan ng mga bata dahil akala siguro ng mga ito ay hindi niya naririnig ang usapan nila.

"Hindi po, hindi po kami nawawala." sagot ng isa.

"Guys, don't worry, I'm not a bad guy. I have a son, too." sagot niya. Hindi niya alam pero ang gaan ng loob niya sa mga bata.

"Oh! Really, mister?" maangas na sagot ng isang bata. Ito ang nagsabi sa kapatid nito na wag sasabihin sa kaniya na nawala nga ang mga ito. Nagulat naman ang dalawang bata nang bigla siyang tinawag ng kaniyang anak.

"Daddy! Daddy! Ito po 'yung toys na gustong-gusto ko, oh." sabay abot sa kaniya ng laruan.

Nakita niya ang expression ng dalawang bata sa kanilang mag-ama, siguro ay naniniwala na ang mga ito sa kaniya. Binalikan niya ang dalawang batang nakatingin sa kanilang mag-ama.

"So, boys, nawawala na ba kayo?" ulit niyang tanong sa mga ito.

"Hmmm. . . Opo, nawawala po kami." sagot ng isa. "Kasi tumakas kami sa daddy namin." Naluluhang sabi nito sa kaniya.

"Noah, wag  ka nang umiyak, mahahanap din natin sila." pagpapatahan ng kapatid nito sabay punas sa luha nito na gustong tumulo.

"Pero I already miss them, Kuya Calix. Kasi kung hindi ako nagyaya dito, edi sana kasama natin sila." sabay punas nito sa uhog na tumulo mula sa ilong nito.

Tama ang hinala niya, mas matanda itong batang maaangas, halata naman sa pananalita nito. Hindi niya alam, pero kahit maangas ang dating nito ay hindi siya nayayabangan sa bata, bagkus ay natutuwa pa siya, dahil napaka-cute nitong tingnan at may kamukhang-kamukha ito. Nakatingin lamang siya sa dalawa, at bigla niyang nakita ang kaniyang sarili sa mga ito dahil nawala rin siya noon.

"Tahan na, little man, tutulungan namin kayo ng anak ko. Right, Nate?" pang-aagaw-pansin niya sa anak niyang nakatingin lamang sa dalawa.

The Shell of What I was [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon