抖阴社区

XLIV : Pseudonym

Magsimula sa umpisa
                                    

Do you want to know what's the worst part? Nilagpasan lang nila ako at hindi man lamang sila humingi ng sorry sa ginawa nila sa akin. Tumayo ako at pinagpagan ang aking sarili. Doon ko lang naalala ang cellphone ko. Nakita ko ito malapit sa may stairs. Buti nalang talaga at hindi ito nahulog sa ibaba kundi sira na ito ngayon. Pinulot ko ang phone ko at tinignan kung may basag ang tampered glass nito at himala naman kung wala kaya meron ito at ang nakakainis ay ang laki ng crack. Halos wala na akong makita sa screen ng cellphone ko.

Nakakaasar ang mga lalaking 'yun. Bakit ba dito pa nila naisipang magtakbuhan? Marami namang lugar dito sa school dito pa nila napili. Pinunasan ko ang screen ng cellphone ko gamit ang aking kamay. Nasaan ba 'yung panyo ko? Kinalap ko ang aking bulsa pero wala ang panyo ko roon. Bakit wala dito?

Bigla kong naalala na naiwan ko nga pala ito sa table ni Yohan. How stupid of me. Anong gagawin ko ngayon? Nakasara na ang clubroom nila kaya hindi ko na makukuha ang panyo ko. Napahilamos nalang ako ng mukha. We bare bears pa naman 'yun at limited edition lang ang handkerchief na 'yun. Bahala na nga.

Bumalik ako sa office nina Yohan. Nasa tapat na ako ng pinto nila ngayon. Tumingala ako para tignan kung may cctv ba para hindi ako mapagbintangan na may ginagawa akong mali. Wala namang cctv na malapit kaya sinimulan ko ng buksan ang padlock. Gamit ang aking lockpicking skill ay nabuksan ko ang pinto. Pumasok ako sa loob at isinara ang pinto.

Pumunta ako sa office ni Yohan. Naglakad ako papalapit sa mesa niya at kinuha ang favorite kong panyo. Pagkakuha ko nito ay natamaan ko ang envelope na nasa tabi nito kaya naman nalaglag ito at nagkalat ang mga papel na laman nito sa sahig. Kung kailan talaga nagmamadali ka doon pa mas lalong napapatagal. Baka may makakita sa akin nito at mapagkamalan akong nagnanakaw.

Lumuhod ako at nagmadaling pinulot ang mga papel na nakakalat sa sahig. Inilagay ko ang mga papel sa brown envelope. Ibabalik ko na sana ang papel sa loob ng envelope ng makita ko ang pangalang BROS na nakaimprenta sa isa sa mga papel. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang nakakuha ako ng impormasyon patungkol kay Bros. This is something handy. Hindi naman pala nasayang ang pagpunta ko dito sa office nila. Kinuha ko ang papel at binasa ito.

BROS, THE NEWLY ELECTED STUDENT COUNCIL PRESIDENT WHO WON THE HEARTS OF THE NORTHNIANS

Eh? Ano 'to? Kumunot bigla ang noo ko habang patuloy parin sa pagbabasa ng headline na naka-capslock at bold letters.

Lumingon ako sa aking paligid para tignan kung may nakabalik na ba sa kanila buti nalang at wala pa. I need to read this article first before I return it. Ni-lock ko ang pinto for safety purposes na walang makakapasok na ibang tao at walang makakita sa akin. Ipinatong ko sa mesa ang envelope at binuksan ito. Kinuha ko ang mga papel at inilatag ang mga ito sa mesa. Nakakaboring dahil tungkol lang sa election ang nakalagay na information at kung paano nakuha ni Bros ang loob ng mga mag aaral dito. Nailuklok siya bilang president dahil sikat siya sa school at maging sa labas ng campus. No doubt na matatalo niya ang mga kalaban niya. Hindi ko na sana itutuloy ang pagbabasa ng may makita akong pamilyar na pangalan na nakalagay sa article.

Bros win over Cerulean Sevilla, the former president of Northville.

Former president si Cerl? Really? Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa aking nabasa. Unti unti na naman akong naguguluhan. I tried to read the next paragraph pero wala na silang nabanggit tungkol kay Cerl not until I reached the end of the article. Hindi tungkol kay Cerl ang nakita ko but a familiar name or codename. Normally ang pangalan ng mga journalist ay nasa top pagkatapos ng headline but this one is different. Nasa pinakababa or huling part ang pen name ng sumulat.

Nanginig ang mga kamay ko habang hawak ko parin ang last page ng paper at nakatitig ang mga mata ko sa pangalang nakalagay dito.

By: Unknownimous

Bakit nasa table ito ni Yohan? Hindi kaya siya si... No! Hindi niya ito magagawa sa amin. Malapit siyang kaibigan ni Cerl at kami narin. Mabait siyang tao kaya imposible ang iniisip ko ngayon. Wala namang nakalagay na pangalan niya kaya malamang hindi siya ang nagsulat nito.

Dali dali kong ipinasok sa loob ng envelope ang mga papel at ibinalik ito sa lugar kung saan ito nakalagay. Si Yohan? Siya nga ba si Unknownimous? Hindi maaari. Wala akong patunay na siya nga ang kumakalaban sa amin. Napatingin ako sa mga nakakumpol na papel sa tabi ng table ni Yohan.

Kailangan kong makumpirma kung siya nga ba o hindi. Kinalkal ko ang mga papel na nakita ko sa loob ng office niya pero wala akong nakitang Unknownimous na nakalagay. Mga draft articles ang mga 'yun na iba ibang journalist ang nagsulat. Tama, hindi nga siya si Unknownimous. Naupo ako sa monobloc chair na katabi ng kaniyang table. Dapat noong una palang hindi ko siya pinaghinalaan. Sorry Yohan.

Napatingala ako at doon ko lamang nakita ang mga naka-laminate na certificate na nakasabit sa dingding ng office niya. Tumayo ako at nilapitan ang mga 'yun isa isa.

This
CERTIFICATE OF RECOGNITION
is given to
UNKNOWNIMOUS
for winning 1ST PLACE in EDITORIAL WRITING (English) during Ville Schools Press Conference (VSPC) held on September 7-8, 2017.

🎼 C O D E P L A Y 🔍

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon