"Pasensya na tinulak kasi ako ni Laira kaya kita ano--"Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng dahan dahan niyang ilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa 1 inch nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko yung mint niyang hininga at ang tangos ng ilong, ang kilay, ang kanyang pilikmata. WHAT AKIRRA!? Anong nangyayari sayo!?
"Huwag mo kong guguluhin lalo na pag natutulog ako!"Napalunok ako dahil napakalapit niya talaga, pakiramdam ko pigil na pigil ko ang aking hininga. What now Akirra sapakin mo na!? Tsk nakikipag-away ako sa aking sarili. I'm f*cking crazy.
Bumalik lang ako sa realidad ng makita ko ang isang flash galing sa kabilang building, sa tapat ng room namin. Naitulak ko ang lalaki kaya napaupo siya sa sahig.
"Huwag mo na ulit gagawin yun!"Ngumisi lang siya at tumayo na, ako naman ay lumabas na ng room at iniwan ang lalaki. Kabwesit.
Pagkababa ko ay pumunta kaagad ako sa likod ng university kung saan naghihintay ang taong may dala ng pagkain ko. Agad akong naglakad palapit sa puno kung saan nakaupo ang lalaki, sa totoo teacher ba talaga siya?
"Hey lil sis."Saka niya ako binato ng throwing knife niya kaso nasalo ko bago pa makalapit sa aking kinauupuan. Ganyan talaga kami makipag-greet.
Tumakbo naman ako ng mabilis at nasa likod na niya kaagad ako habang nakalapit ang point ng knife sa kanyang leeg.
"Oy lil sis biro lang baka tuluyan mo ko."Nginisian ko lang siya at mamaya lang din ay nasa harap na niya ako.
"Yung knife ko?"Sabay lahad niya ng palad sa aking karapan, nginuso ko naman ang bulsa niya na agad niyang kinapa at dun niya nakuha ang throwing knife niya na nakatupi na.
"Hindi na ako nasanay."Sabay iling niya kaya ngumiti nalang ako at umupo sa kanyang tabi.
"So kuya yung pagkain ko?"Napatingin ako sa kanya ng bigyan niya ako ng pera, kumunot ang noo ko.
"Nakalimutan ko ikaw nalang ang bumili."Bumuntong hininga ako at kinuha ang one thousand, meron naman akong pera kaya lang mas gusto kong gastusin ang pera ni kuya keysa yung akin.
"Hindi ko alam na teacher ka pala dito?"Tanong ko habang pinaglalaruan ang maliliit na bato at damo.
Ang akala ko kasi sa ibang university siya magtuturo, yun pala dito din ang bagsak nitong si panget.
"Si mom ang nagsabi sa akin na dito nalang daw ako magpaturo. Alam niya kasing gagawa ka ng kalokohan."Sinamaan ko siya ng tingin saka inilapit sa mukha niya ang kamao ko.
"Easy masyado kang seryoso."Tumayo na ako at pinagpagan ang aking suot.
"Bye sir GONZALES!"Iniwan ko na si kuya dun dahil kumakalam na ang aking tiyan.
"Kay bago bago dito malandi na."
"Kaya nga nilalandi agad si prince Tristan!"
"Tumingin ka naman sa salamin!"
"Panget na nga malandi pa."
Wala akong oras makinig sa mga chsimis nila sadyang lahat ng madadaanan ko nagkwekwentuhan tungkol sa akin, ang galing putcha first day palang famous na ako. Tinungo ko nalang ang daan papunta sa cafeteria.
Automatic akong napahinto ng paglalakad dahil sa kung anong masakit na tumama sa aking noo. Hinawakan ko ang aking noo at may itlog.
May itlog ulit na tumama sa iba't ibang parte ng katawan ko at hindi lang yun may kung ano ano pang binato sa akin.
Huminga ako ng malalim saka sandaling kinuyom ang kamao. Tinignan ko ang paligid at lahat ng students ay nakatingin sa akin habang tumatawa.
"Yan ang bagay sayo!"
"Ambisyosa ka kasi."
"Hahaha!"
Kung wala lang akong kailangang gawin kanina pa mga nakaratay sa semento ang katawan nila! Nakakainis!
"Hey nerd, sabi ko diba don't mess with me!"Sabay turo niya sa akin habang naglalakad palapit sa aking kinatatayuan.
"Ano bang ginawa ko?"Inosente kong tanong, totoo naman hindi ko alam kung bat sila nagwawala na parang baliw. I think mga takas mental talaga sila, lalo na itong si Laira.
"Huh? Alam mo masyado kang malandi ang panget mo naman."Punong-puno na ako baka gusto mo sa iyo ko isabog?
"Hindi ko kayo maintindihan."Tinarayan niya ako saka sumenyas at ilang sandali lang ay may dalawang babae na lumalapit sa amin. May pinakita yung isang babae sa akin na larawan dahilan para bumilog ang mata ko. Napalunok ako, paanong?
Sh*t yung flash kanina galing pala sa cellphone yun dahil pinicturan kami, bat ba kasi hinayaan kong mangyari yun?
"Una si sir Gonzales at sunod ang boyfriend ko!?"Sabay sampal niya sa akin na nagpadugo sa gilid ng aking labi. Sir Gonzales!? Yung kuya ko what the f*ck!? Papatulan ko talaga toh!
"Wala naman--"Napahinto ako dahil muli niya akong sinampal at talaga namang namanhid ang pisngi ko.
"Aba sumusobra ka na!"Sabay suntok ko sa kanya na naging dahilan para makanock-out. Tinignan ko ang dalawang babae na hindi makapaniwalang tulog na ang prinsesa nila.
"Gusto niyo rin?"Sweet kong tanong pero nangigigil na ako sa loob loob ko. Umiling lang sila saka binuhat si Laira na talaga namang tulog at may pasa pa sa pingi.
Pasalamat siya yan palang ang inabot niya.
Huwag mo akong subukan babae hindi mo kilala ang binabangga mo, f*ck you!
VOTE and COMMENT!
--Author niyong makulit

BINABASA MO ANG
That Nerd is a Gangster?
Teen FictionNERD? Syempre una na dyan laging may suot na salamin, laging may dalang libro, laging nakapang manang, walang lakas lumaban para ipagtanggol ang sarili sa mga nangbubully dito, at isa pa PANGET. Yan si Akirra Reyes sa paningin ng iba, pero ang totoo...
Chapter 2
Magsimula sa umpisa