抖阴社区

                                        

"'to si Ethan " turo ko Kay Ethan na ngayon ay poker face lang "Tapos et si Ashton." turo ko nma Kay Ashton na nakangisi, parang manyak na ewan. "Tsaka si Raden."  turo ko Kay Raden na ngayon ay nakangisi rin, ewan ko ba para silang may masamang balak.

"Yung Isa nasa kusina si Devon, tapos si Declan sila ang Pentagon."

"Eh? Pentagon?" Naguhuluhang tanong nila.

Omg, ayoko mag paliwanag ng about sa shape ngayon at kung may ilang side 'yon.

"Ah basta."

"Hi there, beautiful ladies." napatingin ako sa bukana ng kusina ng marinig ko ang boses ni Devon, naka topless lang s'ya at naka apron!

M-my virgin eyes..

"What the fvck! Devon! Wear your clothes, hindi mo ba nakikitang may mga babae?!"  Nagulat na lang ako dahil sa sabay sabay nilang sigaw kay Devon si Devon naman ay tumawa.

Napakagat labi ako ng maramdaman ko ang pag higoit ng kapit sa'kin ng dalawa. Medyo bumaon pa ang kuko ni Shae sa braso ko kaya palihim kk s'yang siniko. Masakit kaya.

"Okay okay. I'm sorry." Tumatawa pang sabi ni Devon tapos ay nilampasan kami para tumaas.

"Tara sa kusina" yaya ni Declan sa amin, sabay sabay naman kaming nag lakad papunta ro'n.

Malaki at mahaba naman ang lamesa nila kaya kasya kami.

Maya maya pa ay bumaba na ulit si Devon na naka yellow t-shirt. Ang gwapo n'ya tingnan do'n.

"Let's eat," nakangiti nyang sabi.

Napatingin ako sa lamesa, ang daming pagkain may kaldereta may miduno, tinola at ibat ibang klaseng ng ulam.

"Ang dami." nasabi ko nalang, narinig ko syang tumawa.

Grabe ibig pala talagang sabihin e magaling s:ya pag dating sa pag luluto.

"Sabi kasi ni Declan malakas ka daw kumain." tumatawang sabi n'ya. Kumunot naman ang noo ko at napatingin kay Declan na ngayon ay nakangiti ng nakaka-loko ng mag tama ang paningin namin ay nag kibit balikat lang s'ya. Napangiwi na lang din ako pero hindi na sila pinnasin ng marinig ko silang mahinang nag tawanan.

Umupo na lang ako.

Ako          Shae      Jane    Devon

Declan   Ashton   Raden   Ethan

Yan ang sitting arrangement namin ngayon.

"Kumain na kayo."  Ani Devon at nag simula na s'yang nag sandok ng pagkain n'ya, nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa matapos s'ya pero agad akong napatingin kay Declan ng maramdaman ko ang talim ng titig n'ya.

Kumuha na lang ako ng plato at nag panggap na walang nangyari. Sinimulan ko ma rin ang pag sasandok ng sarili kong pagkain. Nang matapos ako ay sinimulan ko na rin ang pag kain kahit medyo naiilang ako, ewan ko pakiramdam ko may ilang pares ng mata ang nakatingin sa'kin.

"Masarap ba Neveah? Okay lang?" Nag angat ako ng tingin ng mag tanong si Devon, nakangiti akong tumango sa kanya habang may laman ang bibig. Ang sarap ng lahat ng niluto n'ya! Halos lahat tinikman ko agad lahat ng 'yon.

"Sino pa marunong mag luto sa inyo?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pag kain namin.

Minsan lang kasi ako maka-encounter ng lalaking marunong mag luto, totoo 'yon bukod kay papa wala na akong ibang kilala pero ngayon meron na at ipinag luto pa kami.

Si Devon.

"Si, Declan, ako si Ethan." sagot ni Devon "pakainin lang namin ang dalawang 'yan." sabay nguso n'ya Kay Raden at Ashton.

"Wow, ha." sabay silang nag tawanan.

Napatingin ako Kay Declan.

"Marunong kang mag luto, Declan?" Parang gulat na tanong ko, hindi kasi halata.

"Oo." Maikling sagot n'ya.

"Talaga? Lutuan mo nga din ako Declan?" Excited na sabi ko sa kan'ya pero napanguso ako ng makita ko ang pag ngiwi n'ya.

"All right, pero 'di ngayon." ngumisi s'ya, tumango na lang ako, at least gagawin n'ya pa rin.

"Eto pa oh." Napa-tingin ako kay Raden dahil sa sinabi n'ya, nilalagyan nya ng pagkain ang Plato ni Jane, halos wala ng pag lagyan sa dami! Napatingin din ako kay Jane na parang kamatis na ang mukha sa sobrang pula.

"Raden tama na, ang dami na n'yan" ngumuso ako sa plato ni Jane.

"Oo nga Raden boy." sabi ni Ashton, napatingin din  ako Kay Shae, parang kamatis fin ang mukha jusme! Anong ginawa ng mga to sa kaibigan ko?!

"O-ww sorry." sabi ni raden, tumango lang si Jane, pero pula pa rin ang mukha n'ya.

Gosh sino nga ba ang hindi?

"Ethan bagay kayo ni Devon." Tumingin ako kay Declan dahil sa sinabi n'ya, sinabayan n'ya pa 'yon ng malakas na pag tawa, grabe talaga ang mood swing nitong lalakinh 'to.

"Oo nga boy." tawa din ni Ashton at Raden.

Okay? Talagang mag kasundo pala sila.

"Picture-an mo bilis bilis." Bigla na lang din akong  natawa dahil sa reaksyon ng dalawa pati ang mga kaibigan ko ay hindi napigilan ang pag tawa, pano ba naman kasi mag kaharap Sina Devon at Ethan.

Tumitingin ako sa daawa, parehong mag pasalubong ang kilay.

"Shut up, guys." inis na sabi ni Ethan at tumayo.

"HAHAHA"

Tumayo din si Devon hindi ko alam kung saan pupunta, ang bilis pala nilang mapikon pero ang cute! Ewan Hahahah!

"May Dessert d'yan sa ref baka gusto nyo." inis na sabi ni Devon bago umalis sa kusina, saktong tapos na rin naman kaming kumain.

"Salamat Devon boy!" Natatawang sigaw nilang apat.

"Wait lang may kukunin ako sa taas" tumayo ni Declan, tumingin s'ya sa akin kaya tinanguan ko lang, nag lakad ako papunta sa ref nila at kinuha ang dessert na sinasabi ni Devon, Graham!

"Ito oh." nilagay ko 'yon sa lamesa, mabilis naman silang nag sikuhanan.

Limang minuto na 'ata ang nakalipas pero wala pa rin si Declan o kahit sino sa tatlong umalis kanina, ang tagal naman n'ya, ayaw ko siyang sundan pero umalis ako sa hapag para sundan parin s'ya, halos ikutin ko ang buong bahay na 'to pero hindi ko sila makita, natigil nalang ako ng may marinig akong nag uusap sa may hallway ng second floor nila.

"May bagong leader ang Knights Declan." boses ni Devon.

"Kilala nyo na ba?" Si Declan.

"Nah, pero malakas daw." si Ethan.

"The hell! We need to know, who's that fvcking leader!" Inis na sabi ni Declan.

"Yeah alam nating lahat na kailangan nating malaman kung sino. Alam na 'to ng dalawa kanina lang namin nalaman" si Ethan ulit.

Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila pero kinakabahan ako.

Knights? Leader?

Huminga ako ng malalim bago tumalikod sa kanila.

I don't know pero sobra ang kabang naramdaman ko at sobra rin akong nacu-curios dahil sa mga narinig ko.

Started With a Dare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon