Nagpapasalamat siya nang marami sa anak niyang si Seraphina, dahil hindi siya nito inilaglag kay Violet. Kung hindi ba naman kasi niya iniwan ang mga bata sa labas ay hindi sana mawawala ang mga ito. Minsan talaga ay sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya ginagamit ang pagiging professional niya. Pero mas nagpapasalamat pa rin siya dahil bumalik agad si Seraphina sa Kuya Sebastian nito. Hindi naman pala talaga ito nawala, sadyang umalis lang ito para hanapin si Noah at Calix."Matalinong bata."
"Nak," tawag niya kay Seraphina. Talagang pinangatawanan niya na ang pagiging ama sa mga ito na para bang galing ang mga ito sa kaniya, dahil simula nang dumating sa kaniya sila Violet at ang mga anak nito ay naging makulay ang kaniyang buhay, na dati ay parang isang madilim na daan kung saan ay pwede kang mawala at maligaw ng landas. Hindi kasi siya masaya dati, dahil puro trabaho lamang siya. May mga nakalandian naman siya noon, pero iba pa rin 'yung saya na ibinibigay sa kaniya nila Violet at ng mga bata.
"Yes, Daddy?" nakangiting sagot nito sa kaniya. Kamukhang-kamukha talaga nito si Violet, sa ngiti pa lang.
"Malapit na tayo sa Toy Kingdom, ayaw mo bang magpabuhat kay Daddy?" tanong niya dito. Madali kasi itong mapagod, hindi katulad ng iba nitong mga kapatid.
"Daddy, big girl na po ako, hindi na po ako magpapabuhat. Sabi kasi ni kuya, kapag malaki na daw ako, bawal na pong magpabuhat kasi mabibigatan na daw po kayo."
Iba talaga ang kuya nito. Hindi niya alam kung kanino ito nagmana at advanced masyado ang utak nito. Ang babata pa ng mga 'to, pero ganito na kung mag-isip.
"Hindi ba, Kuya Seb, sabi mo 'yun?" Tanong nito sa kanilang panganay, pero isang tango lamang ang binigay nito sa bunso nila.
"Pero ikaw pa rin ang princess namin, kaya kahit na mabigat ka at ang mga kuya mo, gusto pa rin namin kayong buhatin." At walang pag-aalinlangan niyang binuhat si Seraphina sabay patong sa kaliwang braso niya. Tumawa lang ito sa kaniya habang pinagmamasdan siya. Sa kanan naman ay hawak niya ang kamay ni Sebastian.
"Daddy, ang pogi mo po." sabi nito kaya napatawa siya.
"Bata pa lang, bolera na. Siguradong marami itong mapapaiyak na lalaki," sa isip-isip niya.
Nakarating na sila Yusuke sa Toy Kingdom, at umaasa sila na sana ay narito nga ang mga anak niya.
"Daddy, tara na, pasok na tayo!" sabi ni Seraphina sa kaniya.
Agad niyang sinunod ang kaniyang anak, pumasok sila at nagtanong sa counter kung may napansin ang mga ito na dalawang batang lalaki na magkamukha. Ang sabi naman ng staff ay meron at saka sila tinuruang pumunta sa bandang dulo. Nagpapasalamat siya dahil nandito nga ang mga ito. "Thank you, Lord! Amen!" Ang hindi niya naman alam ay nandito rin ang lalaking nanakit sa taong pinakamamahal niya, ang dating asawa nito. Patuloy lang sila sa paghahanap sa mga anak niya nang may narinig siyang pamilyar na boses.
"Hey, mister! Dalhin mo na kami doon sa mga nawawalang tao dito sa Mall." Ang ibig nitong sabihin ay sa Lost and Found Office ng mall na ito.
Natawa siya sa tapang ng pananalita nito, para itong boss na nag-uutos, at alam niyang Calix ito.
"Oo, dadalhin ko rin kayo doon, pero hayaan mo muna akong bilhan ng laruan ang kapatid mo. Tingnan mo, oh, umiiyak siya."
"Daddy!!" pang-aagaw-pansin sa kaniya ni Seraphina. "Daddy, sila kuya iyon!" turo nito sa bandang kaliwa niya. "Kuya!!" sigaw ni Seraphina habang nagmamadaling bumababa sa kaniya. Tumakbo ito papunta kay Noah at Calix at niyakap ang mga ito.
"Kuya, bakit ba kasi kayo umaalis? Kanina pa namin kayo hinahanap ni daddy, buti na lang, alam namin kung saan kayo pupuntahan! Next time kasi, makinig kayo kay Kuya Sebastian!"panenermon ni Seraphina sa mga kuya nito.
"Oo, sige. Next time, makikinig na kami kay kuya. Sorry." sagot ni Noah at saka niyakap si Seraphina na parang matagal silang hindi nagkita.
Tumingin si Noah at Calix sa gawi niya, at tumakbo papunta sa kaniya upang yakapin siya at humingi ng tawad sa kanilang dalawa ng Kuya Sebastian nila.

BINABASA MO ANG
The Shell of What I was [PUBLISHED]
RomanceSYNOPSIS Minsan ang pagmamahal natin sa isang tao ang siyang nagtutulak sa atin para gumawa tayo ng mga bagay na pwedeng ikasira at ikasakit natin. Tulad ko, kahit saang anggulo tingnan, ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Akala ko, kapag nakat...