抖阴社区

                                    

Lalo ding lumaki ang balita tungkol samin ni Declan alam na ng halos lahat ng buong school ang tungkol samin. Ang alam nila ay totoo ang relasyon namin.

Umuunti na lang ang nag titilian sa kanya twing daan siya na kasama ako, minsan pa pag ako lang ay nandiyan ang mga mata ng mga tao nakatingn sa'kin, hindi ko maintdihan kung bakit.

Nagulantang nalang ako dahil sa pag tunog ng cellphone ko, kinuha ko iyon at tiningnan, nandito ako  ngayon sa green field ako lang mag isa dahil bumili ng pagkain ang apat. Oo apat magkakasama sila Jane, Shae, Ashton at Raden.

Nagulat ako ng makita ang text ni Declan.

Supladong Declan:
Where are you? Wala ka sa Catlleya kanina pa kita hinahanap.

Mabilis akong nag tipa ng reply.

Ako;
Nasa green field  ako Declan, bakit mo'ko hinahanap?

He replied fast.

Supladong Declan:
You will come with me alright, nandyan nako in five minutes.

Hindi na ako nag reply sa kaniya para mag tanong kung bakit at kung anong meron kahit naguguluhan ako.

Dumating na rin ang apat at may dalang ibat ibang klase ng pagkain.

"Let's eat," Ani Ashton at inayos ang mga pagkain.

May latag kami ditong kumot na oara bang nag pipicnic kami.

Nagulat na lang ako ng may marinig na mga sigawan mula sa ibat ibang sulok ng school.

Oh! I knew it, it's pentagon.

"Pentagon! Whoo ngayon ko lang ulit kayo makikitang mag kakasama" napatingin ako sa mga sumigaw bago nabaling ang tingin ko kay declan.

Kasama nya si Ethan at Devon sa mag kabilang gilid niya, magaganda ang tindig nila habang nag lalakad palapit sa gawinnamin, minsan naisip ko kung sinasadya ba nila yun oh ganon talaga dahil ang lakas ng dating.

Tumigil si declan sa harap ko.

Napaiwas ako ng ilapit nya ang mukha nya sakin, oh! Damn! He's making scene..A big scene.

"Good afternoon miss," anito bago ako hinalikan ng mabilis sa pisgi.

Nag lakasan ng sigaw ng mga tao, may nag titilian animoy kinikilig may mga umiirap at may mga nag sasabi pa ng "Kiss sa lips"  "sa lips dapat" napangiwi na lang ako ng higitin nya ako at agad ipinulupot ang braso sa bewang ko.

"Let's go," He smiled sweetly. Dahil doon ay agad akong napaiwas ng tingin, pakiramdam ko ay nag aalab ang pisgi ko dahil sa sobrang init o hindi lang pisngi kundi ang buong mukha ko.

"Cute," Humalakhak pa siya kaya agad  nahampas ko siya sa braso.

"We need to go, thank you penta," Aniya at nilingon ang apat. Tumingin din ako sa dalawa at sinenyasan na aalis kami. They just smiled at me and nodded.

"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko habang nag lalakad kami palabas ng University, kaliwat kanang tilian din ang naririnig ko pero syempre wala akong pake sa kanila, kung ano man ang isipin o gawin nila. I don't damn care, I don't really care.

Nag kibit balikat lang siya ng nakangisi pero hindi niya naman sinagot ang tanong ko. Nang makarating na kami sa parking lot ay nakita ko ang bagong kotse, hindi na Black Mazda yung kotse niya ngayon kundi ay BMW na, napangiwi nalang ako san naman napunta ang Black Mazda?

Daming sasakyan neto ah? Okay edi sya na.

"San napunta si black mazda?" tanong ko ng pag buksan nyako ng pintuan.

"Nasa garage," simpling sagot niya. Tumango na lang ako, umikot na siya papunta sa driver seat kaya nag seatbelt na ako at gano'n din siya, maya maya pa ay inistart na niya ang kotse.

Habang nag mamaneho siya ay may biglang sasakyaang umovertake sa amin sa sobrang gulat ko ay napapikit ako at kumalabog ang dibdib ko, isang malakas na sigaw lang ang narinig ko.

"Sorry Declan boy! Una na kami!" Hindi ko man palaging naririnig ang boses ni Ethan ay alam kong siya iyon.

"Fuck!" malakas na mura ni decaln ang narinig ko. Sunod sunod, at malulutong.

"I'm gonna kill that man," mariing sabi nya.

"Are you okay?" He looked at me worriedly.

"Y-yeah, sila Ethan nman pala iyon eh,"

"Declan, sa'n tayo pupunta?" tanong ko sa kanya, kanina kopa to gustong malaman eh

"Secret," Hindi na ako nangulit pa, mukhang wala syang balak sabihin sa 'kin kung saan kami pupunta.

"D-declan?" Sandali niya akong nilingon pero agad na bumalik ang atensyon niya sa kalsada.

"Hmm?"

"Hanggang kailan ang contract?" Lakas loob na tanong ko pero hindi ako makatingin sa kaniya ng itanong ko iyon.

"N-nev?" Hindi makapaniwwlang tawag niya sa pangalan ko.

Itinigil niya pa ang kotse sa gilid ng kalsada pero umiling na lang ako at lumonoi.

"Y-yeah, let's go"

"Are you alright?" He asked worriedly.

Huminga ako ng malalim.

"Masakit," unti unting nag init ang sulok ng mata ko, namumuo ang mga luha ko ng maramdaman pa ang biglaang pagsakit ng dibdib.

"Hey," lumapit sya sa'kin pero agad din siyang natigilan ng magsalita ako.

"I want to end this contract," I bit my lower lip. Tumingala ako oara pigilan ang oag luha.

"W-hy? Nev? What's wrong?"

"I-im already f-falling" Hindi ako iyakin pero ngayon ay sunod sunod ang mga luhang dumadaloy sa pisgi ko. Bakit ba pagdating sa kanya ay nakapa emosyonal ko.

"I-im falling inlove, w-with you." I added. Napapikit ako nang mariin ng maramdamam ko ang labi niya sa labi ko siniil nya ako ng isang halik, halik na may kasamang kuryente at patuloy na dumadaloy sa katawan ko.

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon