I know we bicker each other sometimes, it's how we met and can't stop right away, but I already treat her as a friend that I don't want to lose, too. I will treasure her just like how I treasure my friends. I've learned a lot of things because of her. Siguro kung hindi niya ako sinabihan tungkol sa kaingayan at kaartehan ko ay baka ipinahamak ko na rin sina Sho.
Mabuti na lang at nakinig ako.
"Kumusta ang anit natin, Dans?" pagbibiro ni Andrei na inirapan ko naman.
I pouted and massaged my scalp.
"Masakit." I winced in pain but continued massaging it, anyway. "May lahi yatang unggoy 'yon. Mahigpit kumapit, eh."
Mahapdi ang anit ko. Sa tingin ko Pa nga ay nalagasan ako ng kaunting buhok dahil mas masakit ang ilang parte nito kumpara sa iba.
"Let me." Inalis ni Clent ang kamay kong nasa ulo ko at ginamit ang kanya para marahang hilutin ang anit ko.
"Eh ikaw?" tanong ni Angelo.
"Of course! You know me guys, hindi ako nagpapatalo." Ngumisi ako at ipinakita sa kanila ang palad kong naglalaman ng buhok ng demonyita. Binitawan ko na iyon at sunod na ipinakita ang sampung daliri ko na may mahahabang kuko. "I'm sure na hindi lang sasakit ang anit niyan. Magsusugat pa."
Natatawang napailing na lang sila sa akin. I'm sure that they are touched on what they heard from me a while ago and they're just shy to show it. Napangiti na lang ako sa kanila.
"Anong nakita n'yo? May nakuha kayo?" tanong ni Mich. Wala na sa kanya si Shaun dahil na kay Dale na.
This guy, too. He looks mysterious that's why I don't trust him. Really. I'm also curious on what's his relationship with Alesia. The way they interact with each other, it's just too sweet. Sana lang ay hindi sila mag-jowa dahil mas boto ako kay Sho kaysa sa lalaking yan. I'm a ShoLes shipper.
It sounded like a shoelace but it's kinda funny and unique, tho.
"Do you still want them to go with us?" tanong ni Sho kaya napatingin ako sa kanya.
"I badly want to stay away from them but I don't want my conscience go after me, so, yeah, they can still go with us." I sighed. Labag talaga sa loob ko ang sinabi pero wala naman akong magagawa dahil ayaw ko namang habulin ako ng konsensiya ko.
"Pero kapag naulit pa ulit 'yong kanina, ako na mismo ang magtutulak sa kanya sa mga zombie." saad ni Mich na nakapagpangiti sa akin.
Nag-apir pa kami na ikinailing lang ni Sho. We may be the total opposite of each other but there are times that we get along, too.
"We're going inside the building. We secured some floors so, we can stay for at least a week." imporma ni Sho at binuhat na si Alesia. "George, let's go."
George and his teammates led the way. Nobody dared to break the silence that's enveloping us and I'm good with that. Pinagmamasdan ko ang mga nadadaanan namin at masasabi kong isang call center building 'tong kinaroroonan namin dahil sa dami ng mga cubicle na may tig-iisang computer.
"Sho, gumagana pa ba 'yong mga computer?" I asked with a little bit of hope in my voice.
"Yes, but there's still no signal."
Bumagsak ang mga balikat ko sa narinig. Well, all I have to do is to pray for our parents' safety and ours too.
Nakarating kami sa isang kwarto. Malamig dito dahil sa aircon na pang-meat storage yata ang set temperature. May malaking mesa sa gitna, whiteboard sa unahan, projector sa itaas at mga komputer sa gilid. Kulay itim ang carpet at nakabukas ang mga kurtina kaya kitang-kita rito kung gaano kagulo sa labas.
"Kung may cellphone at charger kayo, mag-charge na dahil generator lang ang nagpapatakbo rito na puwedeng masira anumang oras." saad ni George. "Saka sino ang marunong magluto? May mga pagkain sa canteen nila. May mga ready to eat na pero ang karamihan ay kailangang lutuin pa."
"I am." presinta ni Mich. She knows how to cook but she can't cook everything. Kaunti lang ang klase ng ulam na kaya niyang lutuin. But it doesn't matter anyway, ang mahalaga naman ay may makain kami.
"Nathaniel will accompany her." utos ni Dale. "He'll cook a soup for Sia."
Nathaniel has been silent since the moment Alesia passed out. And for an unknown reason, he's creeping me out.
"Sasama na rin ako." saad ni Lysa. Umalis na silang tatlo at kami namang mga naiwan ay tumahimik bigla.
"Why is she still not waking up?" tanong ni Angel na nakatingin kay Alesia na nakahiga sa malapad na mesa.
"I don't know." Dale answered and seriously looked at us. "I wish she's just exhausted from overusing her power and not because they shut her down. Katapusan na natin kapag nagkataon."
"What do you mean?" I raised my right brow at him. What did he know about her?
"Hindi n'yo na kailangang malaman pa. All you need to know is don't make her use her power, again. It's dangerous for her." Dale answered coldly. "And Nicole, the next time you put them in danger, I won't hesitate to kill you."
I shivered after hearing his last sentence. What kind of person is he?

BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...
26th Break: Kill
Magsimula sa umpisa