"Sorry about that. We didn't mean it. Nadala lang kami, we were trying to save our club and that was the only way. Hindi kami nag imbestiga ng maayos. We're really sorry for what happened to you," I apologize sheepishly.
"Don't worry i'm 100% innocent. Natapos na ang ginawang pag iimbestiga sa akin ng mga pulis at wala silang nakuhang anumang ebidensya na makakapagpatunay na ako nga ang hinanap niyong criminal mastermind. Alam kong nagawa niyo lang 'yun para mapanatili ang lihim niyo. I already forgive you and your clubmates," nakangiting sambit niya.
"Thank you Yohan. Kahit na nagkamali kami pinili mo parin kaming patawarin. Hinding hindi na mauulit pa ito," I assured.
"No problem. Just make sure na malalaman niyo na kung sino ba talaga si Unknownimous this time," he said.
"Speaking of, can you help us find who is Unknownimous?" Pakiusap ko.
"I'm sorry about that but I can't be involved in your business," tutol niya habang umiiling.
"What do you mean?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi ako pwedeng makialam sa paghahanap niyo kay Unknownimous. It'll be too risky for me. Kapag nalaman ng mga students na tinutulungan ko kayo baka madawit pa ang pangalan ko sa issue niyo. I can't let that happen. Pag nagkataon ay maaapektuhan din ang Journalism club. Baka hindi na nila paniwalaan ang mga news na isusulat namin. If I am a simple student I can help you but I have a name and position to protect. Besides I believe in you guys, naniniwala ako sa kakayahan niyo, malalaman niyo rin kung sino siya. Sorry but I can't help you this time. Labas muna ako diyan."
"I understand," napatangong wika ko.
"Anyway, I need to go. Bumalik kana sa classroom niyo, the classes will start soon," paalala niya sa akin.
Tumango nalang ako bilang pag agree sa kaniya. He waved his hand for farewell and then he leave the room. Now that Yohan is excluded from the Unknownimous suspect, mahihirapan na naman kaming malaman kung sino si Unknownimous. We need a clue or a hint na makapagtuturo sa kaniya or else we can't prove our innocence. Ngayong wala na kaming club at wala narin siyang alam tungkol sa amin. Hindi niya parin ba kami tatantanan?
Narinig ko ang ringtone ng cellphone ko na nasa pocket ng palda ko. I took out my cellphone and opened it. Nagregister sa screen nito ang pangalan ni Cerl. He's calling me. Pinindot ko ang answer button.
"Yes?" I asked habang nakataas ang kilay.
"Pumunta ka dito sa school garden," tamad na sagot niya. Batugan talaga.
"Ngayon na?" Pangungumpirma ko.
"You know the answer already" he hung up the call. Ang bastos talaga, kinakausap ko pa siya e. Ibinalik ko na ang cellphone sa aking bulsa.
Palabas na sana ako ng mapansin kong may pamilyar na card na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Bakit hindi ko ito napansin kanina? I'm sure na wala ito dito kanina. Lumapit ako sa mesa ng puno ng pagtataka. Sigurado talaga ako na walang card dito. Biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari kanina.
Si Yohan! Siya ba ang nagdala ng card na ito? Pero hindi naman siya gumalaw sa pwesto niya kanina. He was standing near the door. Hindi siya pumasok sa loob. Pwede niyang gawin 'yun before niya ako tawagin. Bakit hanggang ngayon ay kahina hinala parin siya para sa akin gayong napatunayan namang hindi siya guilty? Pero wala namang ibang pumasok sa clubroom na ito maliban sa aming dalawa.
Kaya ba ayaw niya kaming tulungan dahil siya talaga si Unknownimous? Alam niya ang sikreto ng club namin. Madalas siyang nagpupunta dito sa clubroom kaya posibleng alam niya kung saan namin itinatago ang mga files namin. Ang pen naman niya ay Unknownimous. Lahat na yata ay nagpo-point out sa kaniya. How could he be proven not guilty? Paanong walang nakitang ebidensya ang mga pulis sa kaniya? But he confessed that he is not what i'm thinking he is. Totoo bang walang kinalaman si Yohan sa lahat ng nangyayari sa amin? Should I believe him? I don't know. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. He must be lying but on the other hand he is not.
Nasira na ang tiwala ko sa kaniya simula ng malaman kong siya si Unknownimous. Alam kong mabait siyang tao pero hindi ko talaga maiwasang magduda. Wala na akong maisip na ibang makakagawa nito sa amin kundi siya lang. Kami lang ang nakakaalam ng lahat at siya narin. Hindi naman isa sa amin si Unknownimous. Hindi namin lolokohin ang isa't isa. I believe to my clubmates. Walang perpetrator sa amin.
Bago pa ako mag isip ng kung ano ano ay kinuha ko ang card at binuksan ito para malaman kung ano ang laman nito. Is it another code? A greeting card?
Rule of Manga
sevitected kcab emoclew
noitacav ruoy deyojne uoy epoh I
drah a gnivah era uoy taht deciton I
ytitnedi ym ginwonk emit
eulc a uoy evig ll'I ,tfig a saVIBGYOR
suominownknU-
As expected from Unknownimous, lagi talaga siyang may pakulo everytime na may gusto siyang sabihin sa amin. He's really fond of Codes and Ciphers. Napakamot ako ng batok. Panibago na namang sakit ng ulo. Hindi ko na naman maintindihan ang message niya. Kailangan ko ng tulong ni Roux. Rule of manga? Oh, the Japanese comics? Hindi ako nagbabasa ng manga but I know it. Ibubulsa ko na sana ang card ng makita ko ang pangalan ni Unknownimous.
Teka nga, baligtad ba ang pagkakasulat ng mga letters? Di kaya baligtad ang card? Tinalikod ko ang card pero wala namang mga letters na nakalagay sa likod nito. Ibig sabihin nakareverse ang mga letters! That's it!
Rule of Manga
Welcome back detectives
I hope you enjoyed your vacation
I noticed that you are having a hard
time knowing my identity
As a gift, I'll give you a clue
ROYGBIV
-Unknownimous
🎼 C O D E P L A Y 🔎

BINABASA MO ANG
CODEPLAY | #Wattys2021
Mystery / ThrillerThe mysterious band that you will ever know! Detective club is banned in Northville High school and there's a rule that every student shall join a club. A group of students both have talent in music and detective stuff formed a club with a little se...
LI : First Hint
Magsimula sa umpisa