"Kamusta kana Cerl?" pambungad na tanong ni Viridian.
"Ayos naman ako, hindi naman ganoon kalala ang natamo kong sugat kumpara kay Azura. Kamusta na siya? May balita na ba kayo tungkol sa kondisyon niya?" Hindi ko mapigilang mag-alala sa kalagayan niya.
"Nawalan ng madaming dugo si Azura kaya kinailangan siyang salinan ng dugo. Maayos na ang kalagayan niya ngayon ayon kay Doc pero hindi parin siya nagigising," paliwanag ni Roux.
"Ano ang room number niya?" tanong ko habang nakatingin kay Roux na naupo sa tabi ng kama ko.
"Room 101," he replied shortly.
"Pwede ko ba siyang puntahan? I want to check her condition," pagpapaalam ko. I badly want to see her.
"No Cerl, you need to rest. Baka nakakalimutan mong may sugat ka rin," pagkontra ni Viridian sa akin. Mukha siyang nanay ko.
"May dala kaming mga prutas. Kumain ka muna para naman lumakas ka. Kami na ang bahala kay Azura. Babalitaan ka nalang namin tungkol sa kaniya. Sa ngayon magpahinga ka muna," Cole assured.
Sinunod ko na lamang ang gusto nila. Sana ay bumuti narin ang lagay ni Azura. Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masa sa kaniya ng dahil sa akin. This is all my fault kung hindi sa akin ay hindi naman mangyayari sa kaniya 'yun. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi ko na sana siya tinulungan. Ako nalang sana ang kumalaban kay Bros.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto nito. Wala na tayong magagawa nangyari na, ipanalangin nalang natin na bumuti na si Azura. Na sana maging okay na kayong dalawa," Viridian said.
"Aalis na muna kami ni Viridian para puntahan si Azura. Roux, maiwan ka muna rito bantayan mo si Cerl," paalam ni Cole na tinanguan ko na lamang.
Umalis sina Cole at Viridian samantalang kaming dalawa naman ni Roux ang naiwan. Habang kumakain ako ng mansanas ay tumayo siya at nagpaalam na mag-c-cr muna sandali. Tumango ako at nang makapasok na siya sa cr ay tumayo ako at inalis ko lahat ng mga nakalagay sa akin na mga apparatus. Mabilis kong nilisan ang kuwarto para puntahan si Azura.
Nakatayo na ako ngayon sa harapan ng pinto ng kuwarto kung saan naka-room si Azura. Binuksan ko ang pinto at isinara ito. Nilapitan ko ang nakahigang si Azura. Mahimbing siyang natutulog. Hindi ko maiwasang hindi maiyak. Nagsisisi ako sa nangyari. Dapat ako nalang ang nakaratay at hindi siya. She didn't do anything wrong. Hindi niya deserve ito.
Hinawakan ko ang kamay niya at tuluyan na akong naiyak. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Gumising ka na Azura. Nagulat nalang ako ng gumalaw ang kamay niya. Tinignan ko siya at doon ko lamang napansin na gising na pala siya.
"Are you okay? How are you feeling? May masakit pa ba sayo?" Sunud sunod na tanong ko.
Pinilit niyang ngumiti, "Maayos naman. Ikaw? Kamusta na ang sugat mo?" She queried back.
"I have fully recovered," pagsisinungaling ko. Ayokong mag-alala siya sa akin.
"Good to know that, wait, are you crying?" Puna niya habang tinititigan ang aking mata.
Napaiwas ako ng tingin. "Crying? Namamalikmata ka lang siguro. I am not crying. Crying is for girls only," I denied.
Natawa siya ng bahagya, "You're not a good actor. Tell me, kaya ka ba umiiyak ng dahil sa akin?" napangiti siya ng matamis.
"What? Bakit naman kita iiyakan?"
"Sus. Talaga bang hindi mo ako iniiyakan?" pangungulit pa niya habang natatawa.
"Of course not. Why would I do such thing?" suplado kong sagot.
"Kamusta na pala sina Bros at Sienna? Ano ng nangyari sa kanilang magkapatid?" Puno ng kuryosidad na tanong niya.
"Nakakulong na sila ngayon. Don't worry about them. Magpagaling ka na muna," I assured.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon sina Cole at Viridian na parehong nagulat ng makita nila ako.
"Why are you here Cerl? You need to rest," parang nanay na pagbabawal sa akin ni Viridian.
"Oo nga, don't worry about Azura," gatung ni Cole. Napapikit ako ng mata sa sinabi niya.
"Talaga? Nag aalala ka sa akin Cerl?" hindi makapaniwalang wika ni Azura.
"No," I replied quickly. Pahamak talaga itong si Cole kahit kailan.
"Then what are you doing here?" Kunot noong tanong niya sa akin.
"I am just wandering around tapos napadpad ako rito," pagdadahilan ko. What a lame excuse.
"Oh really?" nakangiti siya ng pilyo.
"Babalik na ako sa kuwarto ko" paalam ko atyka mabilis na naglakad palabas.
─── A Z U R A ───
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil halata namang nagsisinungaling si Cerl. I can see that he's really worried about him. Napaka-tsundere talaga niya.
"Totoo bang fully recovered na siya?" Nagtatakang tanong ko. Para kasing hindi naman totoo.
"Hindi pa, sinabi niya lang 'yun para hindi ka mag alala sa kaniya," Viridian replied.
"Paano niyo nalamang siya si Cerl?" kunot noong tanong ko. Hindi pa nasasagot ang katanungang 'yon na siyang bumabagabag sa akin.
"Kanina ng pauwi na sana kami ni Cole. Biglang nag ring ang phone ko at siya ang tumatawag. Ayaw ko na sanang sagutin pero nagpumilit itong si Cole kaya siya ang nakiusap. Wala pa kasi akong tiwala kay Yohan nun dahil nga alam nating siya si Unknownimous hindi si Bros na nagpapanggap bilang si Cerl," pagsasalaysay ni Viridian.
Itinuloy ni Cole ang pag uusap, "Nang kausapin ko si Yohan ay sinabi niya ang lahat ng kaniyang nalalaman kaya nalaman naming nagpapanggap lang pala si Bros bilang siya. Pumunta kami sa opisina ni Yohan para kausapin siya ng face to face. Ayaw nga naming maniwala sa sinasabi niya pero may isang palatandaan ang totoong Cerl. May balat siya sa likod malapit sa spinal cord. Doon lang namin napagtanto na siya nga talaga si Cerl. Nag formulate kami ng plan. Hindi namin alam na pumunta ka pala ng clubroom dahil ang akala ni Yohan ay napigilan ka niya dahil nga sa ipinadala niyang code pero nagkamali kami. Huli na ng malaman naming nabihag ka ni Bros."
"So kanina niyo lang din nalaman ang tungkol sa itinatagong lihim ni Yohan na siya si Cerl?" I concluded.
"Tama ka, alam nating mahirap ang pinagdaanan niya dahil kailangan niya pang magpanggap na ibang tao para hindi siya makilala ni Bros. Mabuti nalang at ang kabutihan pa rin ang nagwagi. Sana lang ay mabulok sa kulungan si Bros at ang kapatid niya. They need to learn their lesson and face their consequences," mariing sambit ni Viridian. She despised those siblings so much. I mean, who wouldn't? After what they did. Dapat lang na tumira sila sa jail.
"That's true, sa huli panalo ang club natin laban kay Bros. We didn't expect na ganito ang mangyayari sa atin, especially that Bros is Cerl. But winning against him is the most important thing that happened today."
🎼 C O D E P L A Y 🔎

BINABASA MO ANG
CODEPLAY | #Wattys2021
Mystery / ThrillerThe mysterious band that you will ever know! Detective club is banned in Northville High school and there's a rule that every student shall join a club. A group of students both have talent in music and detective stuff formed a club with a little se...
LVII : Case Closed
Magsimula sa umpisa