抖阴社区

45th Break: Answers

Magsimula sa umpisa
                                    

"Daddy!" Hindi niya mapigilang mapasigaw ng barilin ang kotse nila.

"Daddy will protect you, princess."

Bumilis ang pagmamaneho ng ama niya habang nakikipagsabayan ng barilan dito. Her 8 year old self realized how dangerous their life is. Oo nga at masyado pa siyang bata pero hindi yon sapat na dahilan para wala siyang gawin.

"Give me your gun, daddy."

Walang pagdadalawang-isip na ibinigay sa kanya ng ama ang hinihingi niya. Binuksan niya ang bintana sa gilid niya at walang pag-aalinlangan na binaril ang dalawang gulong sa unahan ng sasakyan ng mga ito. Nakita pa niya sa side mirror ang paggewang ng mga ito.

"You're a fast learner, princess."

"Thank you, daddy." Ibinalik niya sa ama ang baril.

Ilang araw na ang nakalilipas mula ng mangyari iyon at wala pa ulit na nagtatangka sa kanya. Both of their parents were at home that time kaya mas nakampante sila ng kuya niya na walang makakakuha sa kanya. Pero hindi nila inaasahang pagtatangkain siyang kunin sa mismong pamamahay nila.

She was sleeping soundly while hugging her favorite stuff toy. Naalimpungatan siya ng makarinig ng kaluskos sa mismong loob ng kwarto niya. Madilim ang paligid pero hindi naging hadlang sa kanya iyon dahil kasama sa pagsasanay niya ang makakita sa dilim at pakiramdaman ang paligid.

Bago pa siya makakilos ay may tumakip na sa bibig niya. Amoy pa lang alam niyang ang kuya na niya iyon. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita na lang niya ang sarili na buhat-buhat ng kuya niya habang nakikipagbarilan. Ganoon din ang mga magulang niya.

Her family killed all the intruders and throw their bodies to the sea. Hindi na rin siya nakapagtanong sa mga magulang dahil nage-empake na ang mga ito. Sa kalagitnaan ng gabi ay lumipat sila ng matutuluyan.

Kumirot ang puso ni Alesia sa pagbabalik-tanaw na 'yon. Napapikit siya ng mariin at mas hinilot ang sentido. Pero hindi pa doon nagtatapos ang lahat dahil 'yon pa lang ang simula.

Pauwi na sila ng kapatid mula sa pamimili ng grocery nang may humintong van sa tapat nila. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay wala silang nagawa ni Dale. Pinaamoy sila ng pampatulog at parehong isinakay sa sasakyan.

Nagising na lang siya na nasa isa siyang puting kwarto at may nakatapat na ilaw sa mukha niya. Sinubukan niyang kumilos pero hindi niya magawa dahil nakatali siya.

Napamura siya sa isipan ng makita ang pagpasok ng ilang taong nakasuot ng lab gown. Doon pa lang ay alam na niya ang kahahantungan niya. Ginalaw ng mga ito ang stretcher na kinahihigaan niya.

"She doesn't deserve this!"

"No! Alesia!"

Ito ang alaalang nakita niya no'n. Pero ngayon ay hindi na malabo sa kanya ang mukha ng mga ito.

Mga magulang niya ang sumisigaw at nagpupumiglas sa mga taong kapareho ng mga ito ng kasuotan. Dinala siya ng mga ito sa kwarto na puno ng mga machine na may iba't ibang kulay ng likido. Tinurukan at kinabitan siya ng kung ano-ano. Kinukuhanan din ng dugo.

Pinahid ni Alesia ang mga luhang pumapatak. Masakit pa rin sa kanya ang alaalang iyon. Pakiramdan niya ay nararamdaman pa rin niya ang sakit ng pinaggagawa sa kanya ng mga ito. Na kahit nagmamakaawa na siya ay hindi siya pinakinggan ng mga ito. Mga bingi itong nagpatuloy sa pag-aaral sa kanya.

Hindi niya na alam kung pang-ilang araw na niya sa impyernong lugar na iyon. Nagising na lang siyang nasa loob ng isang tube na may asul na likido. Wala siyang kahit na anong damit maliban sa mala-fetus niyang ayos na sapat na para takpan ang mga pribadong parte ng katawan. May mask sa bibig niya kaya nakakahinga pa rin siya kahit nakalubog sa tubig.

"I'm sorry... I'm sorry baby..." boses ng ina ang kanyang narinig bago pa niya muling ipikit ang mga mata.

Ilang taon ang lumipas na wala siyang maalala matapos ang pangyayaring iyon. Pagak na napatawa si Alesia ng maalala ang mga nangyari ng magising siya.

"Love!" sabi ng isang lalaki na nakayakap sa kanya. Napakurap-kurap siya at niyakap ito pabalik.

"L-love..."

"How do you feel, love?" tanong nito na ikinakunot ng noo niya. Napansin naman nito iyon. "Love, nahimatay ka kanina sa date natin."

Napangiti siya ng maalala iyon. Nasa isang beach nga pala sila para i-celebrate ang first anniversary nila.

"Sorry for ruining our date."

"It's fine, love. You sure that you're okay now?"

"I am, love. Tara i-enjoy na natin ang date natin."

And they did as she told. Nandiyan ang naghabulan sila, magwisikan ng tubig-alat at iba pa.

"Ikukuha lang kita ng maiinom." paalam nito sa kanya bago umalis.

Naupo siya sa buhanginan at pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nasa ganoon siyang pwesto nang may lumapit sa kanyang babae at lalaki.

"Alesia!" sabay na wika ng mga ito sa kanya at akmang yayakapin siya kung hindi lang narinig ng mga ito ang sinabi niya.

"Sino kayo?"

Nagpakilala ang mga ito at sinabi kung ano sila sa buhay niya pero...

"Sorry pero baka kamukha ko lang ang tinutukoy ninyo." sabi niya at tipid na ngumiti.

"Love!" sigaw ng kasintahan niya na pumigil sa akmang pagsasalita ng dalawa.

"Sorry, mauna na ako."

"How dumb of me to believe on their lies?!" gigil na saad ni Alesia. Pati ang mga nananahimik na bula ay pinagpipitik niya sa sobrang inis. "Pero kumusta na kaya sila?"

Nawala ang inis niya ng maalala ang mukha ng mga kaibigan.

~*~

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon