Natatandaan na niya ang lalaking kausap at katabi niya ngayon, ito ang tatay ng tatlong batang lalaki at isang babae na nakilala niya sa Toy Kingdom noong kasama niya ang anak niya."Hey, Bro, thank you ulit sa pag-aalaga sa mga anak ko, ha? Kung hindi dahil sa 'yo, hindi siguro ligtas ang mga bata. Masyado kasing matalino, mana sa tatay, eh, baka saan makarating. Hindi lang doon, buti kinausap mo, kahit papaano ay natuon sa 'yo ang atensyon."
"Welcome, Bro. May anak din ako kaya alam ko ang pakiramdan ng gano'n. Malikot din ang akin, eh. Nga pala, Bro. Asawa mo?" Si Violet ang tinutukoy niya na ngayon ay papunta na sa kinaroroonan nila, galing ito sa restroom. Si Yedda naman ay wala pa.
"Hmmm. . . For now, she's my girlfriend. But later, she will be my fiancée. Magpo-propose na ako sa kaniya ngayon." sabi nito na may ngiti sa labi.
Hindi niya alam kung bakit, pero naiinis siya ngayon. Naiinis din siya sa lalaking kausap niya. Pinapakisamahan niya lamang ito dahil gusto niyang maging professional, ayaw niyang masira ang image niya.
"Hey, Love!" sabi ni Violet pagkarating nito sa kinaroroonan nila.
"Love, si Chris pala, 'yung nakakita kanila Noah noong tumakas sila sa akin dahil pumunta sila sa Toy Kingdom. Nakwento ko na sa 'yo iyon, 'di ba?" sabi ni Yusuke.
Pansin niyang napatigil si Violet sa sinabi ng boyfriend nito. Alam naman niyang hindi komportable si Violet sa kaniya, dahil nga siguro sa nakaraan nila. Maging siya rin naman ay hindi, ayaw niya lang maging bastos dito. Tingin niya rin ay hindi pa sinasabi ni Violet kay Yusuke na siya ang dati nitong asawa.
"Anak? May anak pala sila? Pero hindi naman kamukha ng lalaking ito ang mga bata. Baka sa ibang lalaki tapos tinanggap na lang siya nito dahil siguro magaling ito sa kama," sa isip-isip niya.
"Thank you, Mr. Villamor. Siguro kung hindi ikaw ang nakakita sa dalawa, siguro may masama nang nangyari sa kanila. Pagpasensyahan mo na 'yung dalawa, si Calix at Noah, malilikot talaga 'yung mga 'yun."
"Sure, your welcome!" Iyon na lamang ang nasabi niya. Sa sobrang inis din niya ay iba pa ang naging tono ng pagkakasabi niya noon. Naiinis siya dahil sa titig ni Violet, parang wala man lang itong galit sa kanila ni Yedda.
"Excuse me, Mr. Villamor, isasayaw ko lang ang reyna ko." sabi ni Yusuke sa kaniya, at sumayaw na nga ang dalawa sa bulwagan. Halos lahat ng tao ay nagsialisan sa gitna, at si Violet at Yusuke na lamang ang natira. Hindi niya alam kung bakit, pero nakakaramdam siya ngayon ng inggit, at hindi niya pwedeng maramdaman ang bagay na iyon.
Habang nagsasayaw ang mga ito ay bigla na lamang lumuhod si Yusuke at nagsabi ng "Will you marry me, Violet Jones?" Bago sumagot si Violet ay nagbigay ito ng maikling mensahe. Hindi niya alam, pero nasasaktan siya sa mga sinabi ni Violet, na parang nagsisisi siya, at parang gusto niyang kunin si Violet at sabihing wag itong sasagot ng "Oo" sa lalaking iyon. Pero huli na ang lahat, nagsabi na ito ng "Yes" kay Yusuke at pumayag nang magpakasal. Dali-dali siyang umalis dahil baka magalit siya nang tuluyan, at ayaw niyang mangyari iyon dahil ayaw niyang gumawa ng scandal. Mahirap na, kilala pa naman siya.
Habang ang mga paa niya ay palayo nang palayo sa bulwagan, isa lang ang nasa isip niya, babawiin niya ulit ang dati niyang asawa. Wala siyang pakialam kung engage ito at may asawa siya ngayon. Isa lang ang gusto niya, 'yun ay ang makuha si Violet kay Yusuke. Isa pa, kasal pa rin sila ni Violet at hindi pa nito nababalik sa kaniya ang annulment paper.

BINABASA MO ANG
The Shell of What I was [PUBLISHED]
RomanceSYNOPSIS Minsan ang pagmamahal natin sa isang tao ang siyang nagtutulak sa atin para gumawa tayo ng mga bagay na pwedeng ikasira at ikasakit natin. Tulad ko, kahit saang anggulo tingnan, ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Akala ko, kapag nakat...