抖阴社区

                                        

"Miss Arkesha, ipapasok ko na po sa loob ang mga gamit niyo," Heloise smiledly offer.

"Sige, tulungan na kita," paboboluntaryo ko rin.

Hindi na kumontra si Heloise at hinayaan na nga ako sa pagtulong sa kaniya sa paglalabas ng mga maleta at gamit namin ni Leigh sa may compartment ng sasakyan.

"Si Ms.Boa?" tanong ko rito.

"Pumasok na."

"Akala ko maabutan ko siya ngayong umaga," ani ko.

"Maaga siyang umalis eh. Hindi na nga kumain ng agahan iyon, nagmamadali sa pagpasok."

"May deadline kasing kailangan i-meet sa kompanya ngayon," paliwanag ko rito.

Nang maisalansan sa kabilang kwarto ang ilang maleta at mga gamit ni Leigh kung saan ang magiging kwarto niya ay dumeretso ako sa kusina kung saan naabutan ko si Heloise na nagluluto. I offer to help her at walang pagtutol siyang tumango.

Habang nagluluto kami ay hinahabilinan ko na rin si Heloise nang mga dapat kainin ni Leigh at mga bawal dito. Gan'on rin ang mga gamot at vitamins na kailangan inumin ni Leigh sa ganitong oras.

Before lunchtime ay natapos kami sa pagluluto ni Heloise. Habang kumakain kaming lahat ay nakakapagtakang umupo si Leigh sa upuan malayo sa akin. Si Noah na lang tuloy ang nasa tabi ko at sinusubuan. Bahagyang tahimik ang apat na sulok ng hapag-kainan. Ang tanging bumabasag lang sa katahimikan ay ang pagiging madaldal ng anak ko.

Pasimple kong sinusulyapan si Leigh at kada nahuhuli niya ako ay iniirapan niya ako. Napapangiwi na lang ako pagkatapo. Ano na namang nagawa ko?

Matapos magkainan ay nag-boluntaryo akong hugasan ang mga pinagkainan namin ngunit hindi na ako hinayaan ni Heloise. Magpahinga na raw ako dahil malamang ay pagod ako sa paglilipat ng mga gamit mula sa condo. Wala naman akong nagawa kaya pinapasok ko na si Leigh sa kwarto nito para pagpahingahin din pagkatapos ay pinatulog ko na lang si Noah sa kwarto naman niya.

Nang makatulog na si Noah ay pati ako halos lamunin na nang mahimbing na pagkakatulog. Naalimpungatan na lang ako dahil sa mahinang pagkatok sa pinto. Maingat kong inalis ang kamay ni Noah sa tyan ko na yumayakap sa akin at marahang bumangon. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa harap ko si Leigh na parang batang paslit na hindi malaman ang gagawin at yakap-yakap ang unan.

"Bakit?" usisa ko rito.

"I can't sleep," mahina nitong tugon.

Bahagya nitong sinilip si Noah sa likod ko. Pinaglalaruan nito ang kaniyang mga kuko sa daliri habang nakasubsob ang mukha sa unan. Namumula pa ang pisngi nito. Hindi ko mapigilang mapangiti sa pinapakita nito. Cute.

"Come in," pagaaya ko.

Nagliwanag ang mukha ni Leigh at wala nang sali-salita pang pumasok na nga.

"Dito ka na lang sa tabi ko para magkasya tayong tatlo," utos ko rito.

Nauna akong nahiga at umusog nang kaunti upang mabigyan ng space si Leigh. Binalik ko ang kamay ni Noah kanina na nakayakap sa akin sa tyan ko. Sumunod naman si Leigh at maingat na tumabi sa akin.

Nakapikit ako ngunit pinapakiramdaman ko siya. Nang buksan ko ang isang mata upang silipin ito ay nakatingin lamang ito sa akin nang mataman habang yakap-yakap ang unan.

"You can hug me if you want t-" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang agad nitong inangat ang kanang braso ko at doon humiga. Nagsumiksik naman ito sa akin at yumakap nang mahigpit.

"Let's sleep," tugon ko na lang habang nakapikit at marahang hinahaplos ang kaniyang likod.

Lalamunin na sana muli ako nang mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman ko si Leigh na tinutusok ang pisngi ko.

"Why?" tanong ko habang nakapikit.

"Who is she?"

"Who?"

"That blonde girl." Agad kong nahulaan kung sinong tinutukoy nito.

Tuluyan akong napadilat dahil doon. Namumungay ang mga mata ni Leigh dahil sa antok habang nakatingin nang deretso sa akin.

"Sorry, I forgot to introduce her to you. She's Heloise, yaya ni Noah and would be your nurse also," sagot ko.

"Where is Ms.Boa?"

"Pumasok na raw."

Parang ahas na mas pumulupot sa katawan ko si Leigh, ramdam ko rin ang pagsinghot nito sa amoy ko.

"I love you po, my love," panglalambing niya.

"I love you too." Inabot ko ang ulo nito at masuyong hinalikan. "May problema ba?" usisa ko.

"Nothing." Sandali itong tumahimik. "I just don't like her."

"Huh? Sino?" taka ko namang tanong.

"Heloise."

Hindi ko naiwasang mapatawa nang mahina. "Are you jealous?"

"No," deretsong sagot nito.

"She's Ms.Boa's fiancé," tugon ko na lang, "Please, be behave with her," habilin ko.

Mahigit isang minuto na yata ang nagdaan na wala akong natanggap na tugon sa kaniya.

"Leigh?" pagtawag ko rito, baka kasi nakatulog na.

"Hmm?"

"Promise?

Sumiksik ito sa leeg ko. "I can't promise, but I'll try. I still don't like her."

Natatawang napailing na lang ako. "Bahala ka. Matulog na tayo."

Masuyong hinalikan ko ang buhok nito at tuluyan na rin akong nagpatangay sa mahimbing na pagkakatulog.

Nakatulog akong may ngiti sa labi. I love this feeling. Para na kaming isang pamilya.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon