抖阴社区

                                        

Bahala na magfo-focus na muna ako sa pagpapatumba sa lider ng mga ungas. Inumpisahan ko ang kwento nung after namin mag-inom. Halata sa mga mukha nila na hindi din sila makapaniwala na may binayarang crew para mapainom ako ng pampatulog.

"Ang lakas maka-telenobela, feeling leading lady ka na niyan?" pang-aasar ni Marco.

"Walang sayo, nicole!" Biglaang hirit ni Jaxon.

"Oh siya, kayo na tumapos ng kwento," asar na banat ko sa pagsinget nila sa pagku-kuwento ko.

"Sorry, madam," muling hirit ni Marco.

Sumenyas ito na magpatuloy na ako sa pagkukuwento, itinuloy ko na ang pagbagtas sa mga nalaman ko. Sinabi ko na sa kanila na ang unang plano ay bugbugin ako ng naka-video at ipapapanood kay Ryder. Halatang hindi nila nagustuhan ang pinatutunguhan ng kinukuwento ko sa kanila.

Tuluyang napalitan ng galit ang mukha ng tatlong mokong pagkasabi ko na palabas lang talaga ni Raven ang lahat at na ginagamit lang ako nito sa paghihiganti niya kay Ryder.

Gusto ko pa sana i-singet na as if may silbi ako sa paghihiganti niya kay Ryder. May girlfriend yun na maganda at mabait. Mapapasana all ka na lang talaga.

"Gago naman pala talaga yung hayop na iyon," galit na kumento ni Marco.

"Bro, kailan mo pa nalaman yan?" pagt-uusisa ni Cameron.

"Mga ilang araw na rin ang nakalipas, pero hindi ko pinapahalata sa kanila. Wala pa kasi akong maisip na plano kung ano ang dapat gawin kaya naisip ko ng magtanong sa inyo," tugon ko.

"Plano? Paduguin ko na nguso para tapos na," galit na hirit ni Marco.

"Padaganan natin kay Cameron," banat ni Jaxon ng natatawa.

Magrereact pa sana si Cameron kaso tumunog na ang school-bell, nakasimangot itong bumalik sa upuan niya at sumesenyas na lagot sa kanya si Jaxon.

Mapangasar namang tumatawa si Jaxon patungo sa upuan nito. Gayon rin kami ni Marco, nagtungo na sa aming upuan.

Ibang iba talaga ang pakiramdam kapag kasama ko itong tatlong mokong kumpara sa mga alipores ni Raven. Walang halong pagpapanggap at kumportable kasama. Ni hindi ko kailangan magpanggap na natatawa sa mga banatan nila.

Nag-umpisa na ang klase namin ngunit wala pa rin dito ang focus ko. Iniisip ko pa rin ano ang pwede kong gawin para makabawi kila Raven. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko, sinenyasan nila ako na makinig sa professor.

Gaano ba kahalata sa mukha ko na lumilipad ang isip ko?

Natapos ang klase namin ng wala akong naintindihan ni isa sa sinabi ng professor namin. Inayos ko ang mga gamit ko at napansin na nakatayo na ang tatlo sa tabi ko.

"Anong ginagawa niyo?" tanong sabay lingon sa kanila. Pagkaharap ko sa kanila, ngumiti ang mga ito sa akin ng nakakaloko.

Aba, mukhang may naisip na ang mga kumag.

Sinabi na nila sa akin ang kanilang plano, aaminin ko napaka-simple ng naisip nila pero posible.

"One... Two... Three!" pagbibilang ni Jaxon.

Magrereklamo na sana ako na para saan iyon ng marinig ko si Raven, "Dean, tara na ihatid na kita pauwi."

Kinakabahan akong lumapit kay Raven. Nagpaalam na ko sa tatlo at lumakad na patungo kay Raven. Paano kung mabuking niya ang mga plano namin. Hindi dapat makahalata si Raven. Kailangan galingan ko.

Ngumiti ako at inaya na si Raven maglakad pauwi. Sa likuran ko nag-okay sign ako sa tatlong mokong. Sana naman nakita nila iyon, sayang naman effort ko kung hindi.

Hindi ko alam paano ko uumpisa ang plano namin pero ito na iyon dapat na ako kumilos. Wala ng atrasan pa ito.

Sa daan patungo sa dorm ko napansin ko sa hindi kalayuan si Ryder at Bea na magkasama. Biglang nanikip ang dibdib ko parang biglang ang hirap huminga.

Agad naman itong napansin ni Raven. Lumapit ito para akayin ako, tinignan nito ang gawi ng aking paningin. Alam kong nakita niya si Ryder tulad ko, bigla kasing nabalot ng galit ang mukha ni Raven.

"May gusto ka ba kay Ryder?" tanong ni Raven na labis kong ikinagulat. Hindi ako makasagot kaya naman nagpatuloy na ito " hindi mo na ako kailangan sagutin, Dean. Nakikita ko sa iyong mga mata ang sagot. Bakit ganoon lagi akong natatalo ni Ryder? Noon kay Krystal, ngayon sayo."

Tila huminto ang mundo sa mga katagang narinig ko. Pinapasakay na naman ako ng hayop na ito.

Nagulat ako ng umpisahan nitong umamin sa mga plano nila ng mga alipores niya. Inamin na nito ang lahat, gaya ng narinig ko sa isa sa mga tauhan niya.

Anong nangyayari, bakit umaamin siya sa akin?

"Nagbago ang lahat Dean ng masnakilala pa kita. Hindi ko inaasahan na ang taong inoobserbahan ko para gamitin sa kalaban ko ay mabibihag ang puso ko."

Hinawakan nito ang mukha ko "I like you, Dean. For reals."

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon