TALK
Kakatapos lang i-announce ang mga nanalo sa mga paligsahan. Nanalo ako at laking pasasalamat ko na may cash prize kasi makakabili na ulit ako ng mga bagong mga gamit sa pagpinta at babayaran ko na rin ang tubig at kuryente para sa susunod na padala ni mama, itatabi ko nalang.
Ang laki ng ngiti ko pag-akyat ko sa stage at nakuha ko din ang aking medalya. Pagkababa ko, yinakap ako ng magkapatid.
" OMG! Congrats mahal kong Leti. Ang galing mo talaga! " sabay yugyog sa balikat ko tapos niyang itinaas ang kaniyang dalawang kamay sa taas.
" Congrats, Aya." tipid ngiting sambit ni Ate Charry.
Sumulpot naman bigla sa likod ko si Lloyd.
" Congrats! Palakpakan tayo diyan!" bibong saad niya at pumalakpak pa, sumabay naman si MJ. Napailing nalang kami ni Ate.Simula nung araw na iyon, naging close kami. Kilala na din siya nila Ate. Pinakilala ko sa kanila at naging instant magkaibigan sila ni MJ. Ang weird pa ng reaksiyon ni MJ noong nagshake hands sila, ang laki ng ngiti niya para tuloy siyang killer sa lagay na iyon.
" Arat na! Kain tayo!" ani ni MJ.
"May pera kayo? May pera?" pasaring kong wika at nginusuan sila.
"Aba! Sino bang may panalo diyan? Sino bang may malaking pera ngayon?" pagpaparinig nila.
" Oo nga, Aya libre naman diyan... Pagkain lang naman, ang damot." pabirong wika ni Lloyd. Napatawa nalang ako, mukha talaga siyang bata kahit na mas matanda siya amin. Basta pagkain, game siya kaagad. Palibhasa, hindi tumataba.
Napakrus ako sa braso ko." Hoy, Lloyd! Nakakarami ka na ng itatawag sa akin ha. Noong una, masungit tas ngayon damot naman? Aba, ngayon lang tayo nagkakilala ganiyan ka na."
Nagpeace sign lang siya. " Bestfriend na kaya tayo, di ba?" umaasang saad niya.
" Hindi. Feeler ka." seryosong sagot ko. Gusto kong tumawa sa mukha niya, para siyang kinawawa dahil sa itsura niya na parang nasaktan talaga siya.
" Eto naman, di mabiro. Umiyak ka pa diyan, kasalanan ko pa." birong sabi ko at inakbayan siya.
Tinaas-baba niya ang kaniyang kilay.
" Hindi mo talaga ako matiis." Umirap ako." Tara na nga! Kumain na tayo, libre ko nalang." napipilitan kong wika. Napa-yes naman sila.
Pagdating namin sa karenderya, iyon lang ang kaya ko pero wala naman silang reklamo. Hah! Bawal magreklamo kapag libre noh.
" Ngayon pa lang nanglilibre si Leti, kaya lubos-lubusin na natin." bulong ni Axe kay MJ.
" Oo nga." mahina niyang tugon.
Napatingin ako sa kaliwa ko ng may nagbubulong. Tiningnan ko sila , hindi naman nila ako napapansin kasi busy silang nag-uusap na parang hindi ko iyon naririnig. Ngayon lang nila napansin na nanonood ko sa kanila. Tinaasan ko sila ng kilay.
" A-aya, n-nandiyan k-ka p-pa l-la." takot na wika ni Lloyd parang nahuli ko sila sa ginawa nilang kasalanan.
" Hai-i , Leti-i" awkward na bati ni MJ.

BINABASA MO ANG
The Page We're On { Book 1}
Teen FictionThe saddest way of saying "Goodbye" is telling "I Love You" for the last time. Date Started: August 2020 Date Ended: March 2021