"Ano?"
"Wala. Uy nga pala, sabi ni coach, next year na daw yung try-outs sa national team ah. May plano ka bang sumali?"
Hmmm, talagang binago yung topic ha. Pero sige, sasakyan ko yan. Pasasaan ba at mapapaamin din kitang bruha ka.
"Pinag-iisipan ko nga eh. Pero kung gusto ni Julie, go kami jan! Ikaw?"
"Hmmm, siguro. Kung matutuloy kayo"
"Kami ni Jules?"
"Sino pa ba?"
"Si---"
"Po? Sige po coach." Sigaw nya habang nakatingin kay coach. "Okay, tawag ako ni coach. Game time na ulit" sabi nya sabay tayo at layo sakin.
Natatawang-naiiling na lang ako sa reaksyon nya. Halatang-halata kase. Kahit kelan talaga, hindi marunong magtago ng nararamdaman nya tong babaeng to.
Duh, halatang-halata naman kasing hindi sya tinatawag ni coach. Ni hindi nga nakatingin sa kanya si coach nung nagsasalita sya. Haha!
"Oy, mukhang may ginawa kang hindi maganda kay Jobs ah! Hanggang ngayon, namumula pa don sa isang tabi" narinig kong sabi sakin ni Ate Jing kaya napalingon ako sa kanya at nakita ko syang nginunguso si Jobs.
Natawa naman lalo ako sa itsura nya ngayon. Hay nako Jobelle, mamaya ka talaga sakin!
"Nga pala nabanggit ko pala kay Julie yung tungkol sa pagiging malulungkutin mo nung time na nagkaron sya ng boyfriend, yung lahat-lahat ng nangyari. Pinag-usapan nyo ba kagabi?" tanong pa sakin ni Ate Jing.
Umiling-iling naman ako sa kanya.
"Hindi naman ate, pero---"
"Pero?"
Umiling ulit ako.
"Nevermind ate"
Yun lang at iniwan na nya ko.
Napangiti naman ako. Kaya pala. Kaya pala ganun kasweet si Julie sakin pag-uwi namin sa condo.
-FLASHBACK-
"O, bat antahimik mo babe?" tanong ko sa kanya nang makapasok na kami sa condo. After kasi ng 'celebration' ng mansari namin last night, ang tahimik ni Jules sa sasakyan hanggang nung makarating kaming dalawa sa condo.
"May iniisip lang babe" sagot naman nya.
"Tungkol saan?"
"Wala naman, medyo naiinis lang ako sa sarili ko."
"Why?"
"Dahil nasaktan kita, nasasaktan kita at ndi ako sure kung masasaktan kita sa future" malungkot na sabi nya.
Nagulat sya nang bigla kong pinisil yung ilong nya.
"Anong kadramahan naman yan babe? Wag mo na ngang isipin yan. Ang importante, masaya tayo ngayon at mahal natin yung isa't-isa."
"Pero---"
"Pero ka dyan! Wala ng pero pero babe. MASAYA TAYO NGAYON period. Yun na lang isipin mo ok?"
"Hindi ka galit sakin? Wala ka man lang sama ng loob?"
"Bat naman ako magagalit sa'yo?"
Nagsigh muna sya bago sya nagsalita.
"Wala, sabi mo nga wag na nating pag-usapan yon. Ang mahalaga naman lagi yung ngayon diba?"
Tumango naman ako.
"I love you Dani. So much" seryosong sabi nya.
"I know Jules. And I love you too. So, ititigil mo na yung kadramahan mo?"

BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...
Chapter 27
Magsimula sa umpisa