Tumango-tango naman sya.
"At pwede na nating simulan yung gusto kong mangyari?"
Kunot-noo naman nya kong tiningnan.
"This" at pagkatapos ay hinila ko na sya papasok sa kwarto ko. Kung ano man yung ginawa naming dalawa. Samin na lang yon. Bleh!
-END OF FLASHBACK-
"San Jose!" narinig kong tawag sakin kaya biglang napabalik yung isip ko sa kasalukuyan.
"Bakit ba?!" inis na tanong ko na hindi tinitingnan kung sino man yung tumawag sakin. Nakakainis kase, nakita naman nyang nirereminisce ko yung nangyari kagabi tapos bigla syang mang-iistorbo. Tsk!
"Baka pwede ka nang tumayo dyan kase magsstart na ulit yung training. Kung ok lang naman sa'yo. Kung hindi naman, eh baka gusto mo na lang magstay dyan habang ngumingiti na parang baliw" sarcastic na sabi nito sakin.
Sasagot pa sana ako nang pabalang nang mapatingin ako sa kung sino man yung nagsalita.
Nakasimangot itong nakatingin sakin. Bigla naman akong napatayo nang wala sa oras.
"Coach! Ikaw pala! Sorry, may iniisip lang ako. He-he." Sabi ko sabay kamot sa ulo ko.
"Ano ka ngayon Dani, kamot sa hindi makati!" narinig kong sigaw ni Jobelle.
Inis na inirapan ko lang sya.
"Okay lang ba kung magsisimula na tayo San Jose?" sarcastic pa ring tanong ni coach.
"Oo naman coach." Sabi ko sabay smile ng bongga at pumunta sa pwesto ko. "O guys, game na, training na ulit. Wag tayong tatamad-tamad at gawin nating proud si coach satin! Go go go!" sigaw ko sa mga teammates ko.
Bigla naman silang nagtawanan ng malakas habang iiling-iling na umupo sa pwesto nya si coach.
Tsk, sa susunod kase Dani, wag na wag ka nang magdday dream habang nagttraining kayo.
At ayun nga, halos maghapon kaming nagtraining kase sabi nga ni coach, kailangan kami pa rin yung magchampion this conference. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa nyang sabihin samin yon eh obvious naman na kami pa rin yung mananalo this season. Hello? Nasa team nya kaya si Danielle San Jose. Duh! Hahaha! Okay, medyo nagiging humble na naman ako. Pero totoo naman kase yon. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi pa ulit kami natatalo sa ngayon. Sabi ni coach, mag-ingat daw kami sa Cagayan kase magaling nga daw yung bago nila. At sino nga ba yung bago nila? Yung girlfriend ko. Sus, hindi ako natatakot don no! Alam ko naman na mas magaling ako sa kanya, oh well, wag nya lang akong aakitin sa loob ng court dahil nawawala talaga yung concentration ko.
"Grabe, nakakapagod no! Ang bongga ng training natin ngayon!" reklamo ni Jobelle habang nag-aayos kami sa locker room.
"Yeah, oh well, medyo magagaling daw kasi yung mga bago kaya kailangan nating mag-ingat. Bawal daw kasi tayong maging 2nd place lang. Dapat daw laging champion" sabi naman ni Ate Jing.
"Girls girls, alam naman natin na never mangyayari na matalo tayo diba?" sabi ko naman sa kanila.
Kunot-noo naman silang tumingin sakin.
"Duh! Dahil nandito ko sa team. Dahil kakampi nyo ko." grabe ang humble ko talaga.
Bigla naman akong napasimangot dahil bigla silang tumalikod sakin at kumutingting ng kung anu-ano na para bang hindi nila narinig yung sinabi ko. Grabe talaga tong mga to.
"Ah girls, ano to, dedma lang forever?"
Naiiling na umakbay naman sakin si Jobelle.
"Alam mo Dani, mas ok pa nung bago ka eh. Yung tahimik ka lang at laging nasa isang tabi, kesa ngayon na ganyan ka ka-humble" sabi pa nya sakin.
"Weh? Alam kong mas gusto nyo na ganito ako ngayon. Kesa yung dati na hindi ko kayo pinapansin" sabay belat ko sa kanya.
"Pero seryoso, happy kame kase masaya ka na ulit. Sana hindi na maulit yung nangyari noon"
Tumango-tango naman ako sa kanya.
"Don't worry Jobs my dear, hinding-hindi na mangyayari yon. Ngayon pa na super saya ko na ulit kay Jules"
"Good. Buti naman!" sabi nya at akmang aalis na ng bigla ko syang hawakan ulit.
"Ay wait, may tatanong pala ko sa'yo"
"Ano yon?"
"Kelan nga pala yung tryouts para sa national team?"
"Hmmm, basta within this year daw. Kase next year na nga daw yung national competition"
Tumango naman ako.
"I see. So wala pang oras or araw?"
"Wala pa eh."
"Sasali ka?"
"Oo naman, basta sasali kayo."
"Sabay tayong magttry?"
"Kung ok lang sa inyo ni Julie"
"Ilan daw ba yung kukunin nila?"
"20 daw"
"Ilan yung libero don?"
"Tatlo."
"So gusto mo nga si Krissa?"
"Oo." Derechong sagot nya kaya biglang nanlaki yung mata nya at napahawak sa bibig nya.
"Good" Nakangiting sabi ko.
"H-hinde ano kase Dani, akala ko kase, ang tanong mo, kung gusto kong makapasok din si K-krissa sa national team. O-oo yun nga!" pautal-utal nyang sabi habang namumula.
"Wooshoo! Narinig naming lahat Jobelle. Ang sabi mo gusto mo si Krissa. Kaya naman pala tinotoo mo yung kiss eh! Wooo!" tatawa-tawang sabi ko.
Mas lalo namang namula yung bestfriend ko dahil nakisali na sa pangangantyaw yung iba naming teammates.
"O sya, alis na ko ha. Yaan mo Jobs, sasabihin ko kay Julie, ilakad ka kay Krissa" yun lang at lumabas na ko sa locker room.
May narinig akong sumigaw ng 'Nooooooooooooooooooo!' pero hindi ko na lang pinansin at dere-derechong lumabas ng court.
Sabi ko na nga ba, kayang-kaya kong paaminin yung bruhang yon. Oh well, hindi naman talaga ko makekelam sa lovelife nya. Gusto ko lang kasi talagang malaman.
Pero kung hihingi sya ng tulong, go lang ako. Ano pa't naging magbestfriend kaming dalawa diba? Pero bago yung lovelife nya yung isipin ko, yung sakin muna. Excited na kong umuwi dahil sabi ni Jules, may surprise daw ulit sya sakin. Baka ibibigay nya na yung matagal kong hinahangad. Baka this time, hindi na ko mabitin. Kaya kesehodang mahuli ako ng traffic enforcer dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko, wala akong pakelam, ang importante, makauwi agad ako. <insert innocent smile here>

BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...
Chapter 27
Magsimula sa umpisa