CAUSE
Mag-iisang linggo na ang nakalipas magmula noong sinabi ni Oli na gusto niya ako.
Oo, gusto ko siya pero hindi sa punto na makipagrelasyon na ako sa kaniya at marami pang mas importante na mga bagay na dapat kong pagtuonan ng pansin kaysa lovelife ko.
At isa pa, natatakot ako na baka sa huli iiwan pa rin ako kahit na nagmahal lang naman ako ng todo. Parang may sumpa din ako sa mga lalaking nasa buhay ko, una si Papa tas si Kuya napahamak naman, ano susunod si Oli?. Hindi ko na yata kaya yon . Huwag naman sana, napailing ako sa mga iniisip ko.
Nakahiga ako sa kama habang nakatingala sa kisame. Napadako ang tingin ko sa cellphone kong patuloy na nag-iilaw. Napabuntong-hininga nalang ako at inabot ito at sinagot.
" Oh?" masungit kong tugon.
" Aying! Sa wakas, sinagot mo na ang tawag ko." masayang wika ni Oli.
"Bakit ba?" iritadong ani ko habang nakaupo sa gilid ng kama.
"I'm sorry. Joke lang naman dapat yun eh." sinserong saad niya.
Sarkastiko akong tumawa, "Hah! Joke lang?"
Kasi naman isang araw kong hindi sinasagot ang mga tawag niya. Magbiro ba naman na maghihintay siya hanggang sa mamatay siya. Ayoko pa naman sa lahat ang taong mahilig magbiro ng mga bagay tungkol sa patay o mamatay kaya ayun umiyak ako at hindi siya pinansin.
O.A na kung O.A pero hindi ko talaga gusto iyong mga biro na ganiyan lalo pa't minsan na din akong nawalan ng mahal sa buhay at ang hirap noon.
Hindi siya sumagot at patuloy lang humihingi ng patawad. Napahinga nalang ako ng malalim.
" Sa susunod huwag ka ng magbiro ng ganoon, please lang. Hindi ko yata kakayanin kung pati ikaw..." malumanay kong sambit.
Tumayo ako at pumunta sa bintana at hinawi ang kurtina gamit ng kaliwang kamay ko kasi nasa kanang kamay ko ang phone. Tumambad sa akin ang asul na kalangitan at si Mr. Sun.
"Anong pati ako?" inosenteng ani niya.
" Naalala mo naman diba ang nangyari sa papa ko?" pag-iiba ko ng usapan.
" Pasensiya na, Aying. Pangako hindi kita iiwan ulit hindi gaya noong bata pa tayo." pampalubag-loob niya pa.
Umiling nalang ako at hindi nagsalita. Nakatanaw lang ako sa kalangitan habang may ngiti sa labi. Knowing Oli, hindi niya babasagin ang pangakong iyon.
***
"Frenny! Punta tayo sa sentro ng bayan. May pinapabili si mama sa akin eh." ani ni MJ habang nakahiga sa sofa at nakahawak sa tuktok ng ulo ko.
Nandito kami ngayon sa bahay nila, nanonood ng mga bagong pelikula sa telebisyon habang kumakain ng mga inihanda ni Tiya.
Nakaupo naman ako sa sahig kaya tumingala muna ako kay MJ at sinagot siya. "Okay." tugon ko at binalik ang tingin sa pinanood.
Dalawang oras din kaming nanonood bago nagpasya na pumunta na sa sentro ng bayan. Habang nakasakay sa jeep, patuloy ang daldalan namin ni MJ, hindi inalintana ang mga tingin ng ilang mga pasahero kalaunan nakitawa din sila sa aming kuwento, laki kasi ng bibig ni MJ.
Pagkababa namin, papunta pa lang kami sa pupuntahan namin ng may namataan ako.
"MJ, mauna ka na. Susunod lang ako." paalam ko at tumango siya.
"Tawagan mo ako, Aya." bilin niya pa.
Naglakad ako at tumigil sa may isang bakanteng lugar at mayroong isang tindero na may katandaan na nagtitinda ng cotton candy.

BINABASA MO ANG
The Page We're On { Book 1}
Teen FictionThe saddest way of saying "Goodbye" is telling "I Love You" for the last time. Date Started: August 2020 Date Ended: March 2021