抖阴社区

CHAPTER 49

568 43 33
                                        

Hindi niya alam kung paano niya nga ba ipapaliwanag ang mga bagay na ngayon ay napakakomplikado na. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng sagot sa tanong nito.

"Ah, Baby. . ." palipat-lipat ang kaniyang titig kay Noah at Chris. "He's mommy's friend. Siya 'yung tumulong sa akin para mabigyan ng dugo ang kapatid ninyo." Ito na lamang ang nasabi niya dahil hindi rin agad maniniwala ang mga bata kung sasabihin niyang ama nila ito.

"Ang galing naman, 'no? Kaibigan pala ni Mommy 'yung tumulong sa atin." sabi ni Calix. Nagulat siya nang biglang tumakbo ang dalawa papalapit kay Chris upang bigyan ito ng yakap at makipagkwentuhan.

Hindi niya alam, pero kung sana ay nasa maganda silang lagay ngayon at sila pa rin ni Chris, matatawag niya ang pamilya niya na masaya, pero hindi dahil wala sila sa ganoong sitwasyon. Iba na ang landas na kaniyang kinaroroonan at masaya na siya kung nasaan siya ngayon. Hindi niya nga lang alam, pero may parte pa rin sa puso niya na gusto niyang mabuo sila.

Habang abala sa pag-aayos si Nanay Tes ng mga gamit nila sa hospital ay lumabas muna siya dahil hindi siya makahinga sa loob ng kwarto. Si Calix at Noah naman ay abala sa pakikipagkwentuhan kay Chris, si Sebastian naman ay nagbabasa lamang ng libro, at si Seraphina ay natutulog pa rin.

Nakaupo lamang siya sa labas ng kwarto. Hindi niya alam kung saan niya kukunin ang sagot sa "kung bakit naging ganito kalala ang sitwasyon ng anak niya." Iniisip niya kung hindi nga ba siya naging tutok dito kaya bumalik ang sakit nito. Hindi ba siya naging maalaga rito? Pumikit na lamang siya habang iniisip ang mga nangyayari sa kaniya. Hindi niya alam na doon na rin siya makakatulog sa upuan. Pagod siya sa lahat, pero hindi siya pwedeng sumuko dahil may anak siya at kailangang niyang lumaban.

Naguguluhan si Violet kung bakit ganoon ang gustong mangyari ni Chris para sa kanila. Ang alam niya ay masaya na ito sa bago nitong asawa, pero hindi niya naman iyon nakikita sa kilos at sinasabi nito sa kaniya. Parang bumaligtad ang mundo dahil siya naman ang hinahabol nito. Ito naman ang gusto niyang mangyari at ganito ang plano niya sa simula pa lang, pero bakit parang hindi siya satisfied sa mga nagaganap ngayon?

Wala siyang ibang maisip ngayon kundi magtanong sa taas kung bakit sa kanila at sa kaniya pa talaga nangyayari ang ganitong mga bagay. Napapaisip siya kung hindi pa ba sapat ang mga pinagdaanan niya noon at hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang binibigyan ng pagsubok. Ngunit kahit anong pagtatanong at paghihingi ng sagot ang kaniyang gawin ay alam niya na wala namang babalik sa kaniya at hindi ito masasagot. Humihingi na lamang siya ng patnubay na samahan sila sa ganitong pagsubok at walang mangyaring masama sa anak niya, na ngayon ay lumalaban.

She want to cry right now, but she know that crying is not the best way to do. She need to be strong for her Seraphina, her little angel. Sa tuwing nakikita niya ang kaniyang anak na nahihirapan, mas nasasaktan siya dahil wala namang ina ang gustong masaktan ang anak. Kung pwede lamang niyang kunin ang sakit nito ay gagawin niya.

Isang yugyog ang nagpagising sa kaniya. Nakita niyang si Yusuke ang gumising sa kaniya. Halata sa mukha nito ang lungkot at kaba.

"Love?" Agad siyang nakabawi mula sa kaniyang pagtulog.

"Hmmm. . . dumating ka na pala?" sabi niya na may lungkot sa boses.

"Yes. Pasensya na, Love, may ginawa lang akong importante kaya natagalan ako. Nakita ko ang findings ni Seraphina." Nakatingin lamang siya rito dahil umupo ito sa tabi niya.

"Pasensya na, hindi ko agad nahalata na may problema si Seraphina. Naturingan akong doctor pero hindi ko man lang natingnan nang maayos ang anak natin. Pasensya na."

Naririnig niya ang iyak ng kaniyang fiancé. Napakasakit, para sa kaniya, na marinig ang mga tunog na iyon. Hindi niya iyon gustong marinig dahil naiiyak din siya.

"Walang kailangan sisihin. Hindi rin natin alam dahil malakas naman si Seraphina, hindi ba? Kaya wag ka na umiyak, Love, nasasaktan ako."

Tango lang ang ibinigay nito sa kaniya at saka siya niyakap. Umiyak ito nang mahina. Alam niyang natatakot ito dahil baka maulit ang nakaraan nito.

Habang yakap ni Violet si Yusuke ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kung saan naroon ang anak niya at saka lumabas si Chris. Ganoon ang eksena na naabutan nito sa kanila ni Yusuke, ngunit wala siyang pakielam doon dahil mas malala naman ang nakikita niya noong magkasama pa sila sa iisang pamamahay. Alam niyang magugulat ang kaniyang fiancé at magtataka kung bakit at paano ito napunta rito. Biglang tumayo si Yusuke at bakas sa mukha ang ang pagtataka.

"Hmmm. . ." Magsasalita na sana siya nang biglang magsalita si Chris. Sa totoo lang ay hindi pa siya handa sa ganitong sitwasyon, pero ngayon, ang ayaw niyang mangyari ay nagaganap na.

"I'm Violet's ex-husband," sabi ni Chris. "Also, I'm the real father of the quadruplets." dagdag pa nito. Napanganga siya sa idinagdag nito

The Shell of What I was [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon