ITALY
Bumungad sa amin paglabas ng airport ang samo't saring mga tao. Sa harap namin ay ang mga naglalakihang mga buildings at matatayog na mga towers. Sa gilid naman ay may dalawang linya ng mga sasakyan. Ang isa ay para sa mga sasakyan na rented na at hinihintay nalang ang mga nag-rent sa kanila. Kadalasan, ginagamit ito kung marami kayo at hindi kasya ang mga bagahe sa taxi.
Sa pangalawang linya naman ay mga taxi. Ayon sa source ko, this is cheaper than those cars na to be rented. Mahigit 40 euros to 60 euros ang mababayaran mo kung sasakay ka ng taxi depende kung saan ang destinasyon mo.
Sa kaliwa naman ay ang mga public buses. Isa din ito sa mga transportasyon dito sa Italy. This service is the cheapiest among all of the choices. Pero ang disadvantage lang is like sa buses sa Pilipinas, hindi din kayo mahahatid sa mismong lokasyon o lugar na gusto niyo.
Inilibot ko ang tingin sa paligid ko at unlike sa Pilipinas , namangha ako na kung gaano kakalat ang lahi natin ay siya rin namang ka organisado ang mga tao rito. Lahat ng batas ay sinusunod talaga nila. May nakita rin ako kanina na tinulungan ng isang mag-asawa ang isang matanda. Parang lahat ay pantay lang at friendly din sila.
Binalingan ko si Kuya, " Kuya, una ka muna sa bahay nila Oli o hihintayin mo ako dito. " sambit ko habang nakangiti.
Seryoso naman akong tiningnan ni Kuya, " Saan ka naman pupunta? Hindi pa naman natin kabisado ang lugar na ito. " matamang saad niya.
" May pupuntahan lang ako. Hindi naman siguro ako mawawala, I will take a cab naman para diretso at ibaba ako mismo sa lugar na patutunguhan ko. " paliwanag ko.
" Sasama ako sa ayaw at gusto mo. Mamaya, mapagtripan ka na naman. Tsk. " wika niya at nagsimulang maglakad bitbit ang mga bagahe namin, hindi man lang ako hinintay .
" Sige na nga lang. " ngusong sambit ko at hinabol si Kuya na nakalayo na. Ang bilis namang maglakad.
Kinausap ni Kuya ang driver in an english way. Mabuti nalang, nakaintindi naman si Manong kundi baka gabihin kami rito para magsalita ng Italian, wala pa naman kaming alam non.
" Saan tayo pupunta, Aya? " Napatingin ang dalawa sa akin. Kita ko ang kalituhan sa mukha ng driver.
Inisip ko ng mabuti kung ano nga ba yung exact na pangalan base sa sinabi ni Oli pero wala talaga eh, Academia bridge lang. " Academia bridge near Grand Canal lang naalala ko eh. "
" Oh! I know that place. " ani naman ng driver at ngitian ako. Gumanti naman ako ng ngiti sa kaniya.
Binuksan niya ang pintuan ng kaniyang taxi at iginaya kaming pumasok doon. Siya na din ang nagsira. Umikot siya patungo sa seat niya at di kalaunan ay pinaandar niya ito.
Tiningnan ko ang orasan ko at nakitang alas kuwatro na pala ng hapon. Dahil 6 hours late ang time dito, 10 pm na ang oras sa Pilipinas.
Habang nakasakay, nakatingin lang ako sa bintana. Minamasdan ang bawat madaraanang mga estruktura. Siguro karamihan ng mga ipinupunta dito ay ang buildings talaga, they are old but hindi nawawala ang pagiging maganda, attractive kahit pa nalipasan na ng panahon. Well, of course included na din ang mga canals.
Pagkarating, bumaba ako at agad sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin sa Italy lalo na sa parteng ito na malapit sa Grand Canal. Napayakap ako sa sarili ko at kinuha ang gloves tsaka sinuot ito. Winter season na pala rito.
Napagpasiyahan namin na huwag nalang dadalhin ang aming bagahe. Sa tingin ko naman, wala namang kukuha noon lalo pa at may mga nagbabantay dito. Kusa din namang sinabi ng driver na naging kaibigan namin na dahil saglit lang kami ay hihintayin nalang niya kami ni Kuya kasama si Oli.

BINABASA MO ANG
The Page We're On { Book 1}
Teen FictionThe saddest way of saying "Goodbye" is telling "I Love You" for the last time. Date Started: August 2020 Date Ended: March 2021