抖阴社区

                                    

Binato ko yung katawan nung lalaki at pumasok sa isa sa mga kwarto ng 2nd floor

"May mga patay dito halughugin niyo yung mga kwarto" lagot

Naghanap ako ng matataguan napatingin ako sa bintana hays no choice

"Doon ka ako rito" nandito na sila sa kwarto

"Wala pre, wala dito tol" naghintay ako ng ilang segundo at umakyat na ulit

Paano ako nagtago? Tinali ko yung damit na suot ko sa bintana at nakakapit ako dun, nangalay ako bwiset

May narinig akong putukan kaya dali dali akong kumuha ng baril sa mga patay na lalaki kanina

May nakasalubong akong mga armadong lalaki

"Let's get it on b*tches" pinaputukan ko sila habang pasugod may lumapit sakin kaya nilagay ko muna sa kanang kamay ko yung baril ko at kinuha yung dagger ko binato ko sa ulo niya yung dagger at pinaputukan siya

"Easy!" ngisi ko may narinig akong mga yapak ng paa kaya wala na akong maisip na paraan at nagpatay patayan nilagay ko yung katawan nung lalaki sa ibabaw ko

"Nasaan na yun?!" Pasigaw na boses ni trebor

"Bwiset" sabay sipa niya sa paa ko

Pinigilan ko yung sakit ng pagkasipa niya

"Hanapin niyo dalian niyo?!" Sigaw niya mukhang gusto niya na talaga kami mamatay ah

"Hanapin niyo mga hunghang dadating yung matandang emerald kaya dalian niyo!"

Nanlaki mata ko

Hindi nako pwedeng magtagal dito

Nang mapansin kong wala na sila inalis ko yung mabahong katawan ng lalaking toh sakin

Napansin ko yung lugar ng sumabog kung saan ako binato ng bomba ni trebor

Sa tabi lang nun yung kwarto ni josh kung saan kami natulog

Kahit may mga apoy dumiretso ako parin ako papunta sa kwarto namin pero pagdating ko dun walang tao

Kinakain narin ng apoy yung buong kwarto ng mapansin kong may kumikinang sa reflection ng salamin tumingin ako sa paligid ko at nakita ko yung salamin na may nakatutok na flashlight

Kinuha ko yung papel sa tabi neto

—18-21-14 Kinishinaide, wree' faes—

Napangiti ako kaya dali dali akong kumuha ng maraming damit at tinali tali ko

Tinali ko sa bintana at naghanda sa pagbaba

Laki ng dinulot ng bintana sakin ngayon ah

Pero bago ako bumaba binunot ko yung bilog ng bomba at binato sa loob ng kwarto bago ako nagmadaling bumaba mula 3rd floor

Nang makababa ako kaysa ko napansin yung mga mga tunog ng mga kotse na paparating dumiretso agad ako papunta sa may madilim na kagubatan habang nakangisi

Trebor's POV

Galit na galit ako sa nangyari sa kapatid ko kaya ginamit ko lahat ng source ko para mahanap yung pinagtataguan nila

Susugod ako ngayong gabi nagbayad pako ng mga tauhan para maisagawa yung plano ko

"Kapatid hindi mauuwi sa wala ang lahat ipaghihiganti kita lahat kayo nila dad,mom at si bunso" sabi ko naghulog ako ng bulaklak

"Maghand kayong lahat! Walang ititirang buhay!" Sigaw ko at sumakay sa kotse dumiretso agad kami sa malaking bahay kung saan sila nagtatago ngayon

"Kahit saan kayo magtago hahanapin ko kayo!" Sigaw ko at pinasugod lahat ng tauhan ko

That assassin nerd is into me(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon