Naalimpungatan siya dahil may parang humahalik sa kaniyang pisngi. Narinig niyang tumatawa ito nang mahina."Mwuah! Happy birthday, Mommy," bati ni Seraphina
"Happy birthday, Mommy. Mwuah!" bati naman ni Calix.
"Happiest birthday, Mommy," bati rin Sebastian.
"Happy birthday, Mommy!!" pasigaw na bati sa kaniya ni Noah.
"Hey! Stop it, Noah, baka magising si Mommy." bulong ni Calix dito.
Alam na alam niya ang kung kanino ang mga boses na iyon. Muntik niya nang makalimutan ang 29th birthday niya. Idinilat niya ang kaniyang mga mata upang makita ang kaniyang mga anak, na ngayon ay pinagsasabihan si Calix dahil sa pagsigaw nito.
"Good morning, my babies!" ngiti niyang sabi sa mga ito. Napatingin ang mga ito sa kaniya.
"Ikaw kasi, Noah! Ang ingay mo kaya nagising si Mommy! Hay nako." sabi ni Calix sabay hawak sa noo nito na parang may malaking problema.
"It's okay, guys! Kiss n'yo nga si Mommy."
Sabay-sabay na lumapit sa kaniya ang mga ito at hinalikan siya. Wala naman siyang ibang hiling kundi gumaling si Seraphina na ngayon ay nagke-chemotherapy na upang mawalan na ito ng cancer.
Isang buwan na rin ang nakalilipas simula noong nagkita sila ni Chris. Sa ngayon ay hindi naman sila nito ginugulo o ano pa man, pero kapag therapy na ni Seraphina ay nandoon ito. Sa ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi sa mga anak niya na si Chris ang ama ng mga ito, hindi niya pa kaya at wala pa siyang lakas ng loob para sabihin iyon. Nababahag ang buntot niya kapag minsan ay nagtatanong ang mga anak niya kung bakit nandoon lagi si Chris kapag chemotherapy na ng anak niya. Hindi niya masagot kaya iniiba na lang niya ang usapan kapag nandoon na.
Isang buwan na rin pala simula nang mawalan ng buhok ang kaniyang munting angel. Si Seraphina mismo ang nagdesisyon na magpakalbo ito. Itinuloy pa rin nila kahit na masakit para sa kaniya at sa kaniyang anak ang pagpapakalbo nito⸻mahal na mahal kasi ni Seraphina ang buhok nito dahil ito ang pinamahalaga kanino man.
"Mommy, gusto ko pong patanggal na itong hair ko." sabay turo ni Seraphina sa sarili nitong buhok na ngayon ay unti-unti nang nalalagas. Naawa siya sa kaniyang anak sa tuwing may nakikita itong nalalagas na buhok paggising sa umaga.
"Bakit naman, Baby? Ayaw mo na ba ang hair mo?"
"Hindi naman po, Mommy. Kaso nga lang po, naiinis na po ako kasi lagi na lang may hair do'n sa pillow ko kapag nagigising po ako. Bakit hindi ko na lang po alisin, hindi po ba? Kaysa sa pakonti-konti, eh, maaalis din naman po lahat ng ito."
Hindi niya alam, pero sa mga sinabi ng kaniyang anak ay mas naawa siya para dito. Pero mas nagulat siya dahil ito mismo ang nagdesisyon na magpakalbo na lang. Her Seraphina is more than a warrior, she knew that. Mas malakas ang kaniyang anak kaysa sa kaniya.
"Mommy, may suprise pala kami sa 'yo, pero secret 'yun!" Mayabang na sabi ni Calix sa kaniya.
"Secret, pero sinabi. Si Calix talaga."
"Kuya, bakit sinabi mo kay Mommy iyon? Secret nga 'yun, 'di ba?" sabi naman ni Seraphina dito. Napatakip na lamang ng bibig si Calix sabay ngiti nang nakakaloko.
"Ikaw talaga, Kuya!!" sigaw ni Noah at sabay-sabay silang nagtawanan lahat.
Hinihiling niya na, sana, hindi na matapos ito. Ito ang gusto niya, palaging masaya, palaging may tawanan, at kuntento sa kung anong meron sila.
Nagulat na lamang sila Violet nang biglang bumukas ang pintuan. Naabutan sila ni Yusuke na nagtatawan, may dala-dala itong mocha flavor na cake, ang kaniyang favorite flavor.
"Happy birthday, Love! More birthdays to come!!" bati nito sa kaniya at hinalikan siya.
"Guys, ano ang gagawin natin?" tanong ni Yusuke sa mga bata.
Wala siyang kahit anong ideya kung ano ang tinutukoy nito, nagulat na lamang siya nang tumayo ang kaniyang mga anak at humarap sa kaniya.
"Ako diyan, Kuya Calix! Doon ka, 'di ba?" sabi ng kaniyang anak kaya naman natawa siya. Naka-by height ang mga ito mula kay Sebastian hanggang kay Seraphina.
"One!" sigaw ni Yusuke.
"Two!" sigaw ni Sebastian.
"Three!" sigaw ni Calix.
"Four!!" sigaw naman ni Noah; at
"Five!" sigaw ni Seraphina sabay giggle.
"One, two , three, go!!" sabay-sabay ang mga ito.
"Happy birthday to you!" sabay turo sa kaniya.
Kakantahan pala siya ng mga ito. Natatawa siya dahil may steps pa talaga ang mga ito, at kapag "To you" na ay ituturo sa kaniya ang daliri ng mga ito.
"Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!!" Habang kinakanta ito ng mga bata at ni Yusuke ay sumabay na rin siya sa pagpalakpak at itinuturo ang kaniyang sarili kapag nasa "To you" na ang lyrics.
Pagkatapos ng kanta ay hinalikan siya ulit ng mga ito. Hindi niya na gustong matapos ang araw na ito. Gusto niya na lamang manatili sa ganitong sitwasyon at panahon upang hindi niya na maisip na may problema sila, na may sakit ang kaniyang anak.
"Mommy, wish ka na po!" sabi sa kaniya ni seraphina na ngayon ay nakatingin sa kaniya nang may saya sa mga mata.
"Okay, Baby, magwi-wsh na si Mommy."
Ipinikit niya ang kaniyang mata at doon niya sinimulang mag-wish. She wished Seraphina to be healed, soon, at sana ay hindi na magulo ang kaniyang pamilya na ngayon ay masayang-masaya na. Hiniling niya rin na maging malusog ang mga anak niya at matapos na ang pagsubok sa kanila, magiging mas masaya siya doon, at wala na sanang ibang problema ang dumating sa kanila. Pagkatapos niyang humiling ay binuksan niya ang kaniyang mga mata. Lahat ay sa kaniya nakatingin, pati na rin si Yusuke.
"Ano pong hiniling n'yo, Mommy?" tanong sa kaniya ni Noah. Sasagot na sana siya pero bigalng sumagot si Sebastian.
"Kapag daw nag-wish ka, hindi mo dapat sabihin, kasi daw hindi ito matutupad. Dapat sa 'yo lang 'yun para maging totoo."
"Totoo ba 'yun, Mommy? Gusto ko sanang malaman, eh." tanong ni Noah.
"Sorry, Baby, pero totoo ang sinabi ni Kuya Sebastian. Kapag nag-wish ka, dapat sa 'yo lang 'yun. Secret 'yun na dapat ikaw lang ang makakalam, dahil kapag nalaman ang wish mo, it will be vanished." sagot niya sa anak niya.
"Okay po! Blow n'yo na po candles n'yo, Mommy!"
Hinipan niya ang mga kandila na hugis numbers, pagkatapos niyon ay bumaba na sila at nag-umagahan. Maraming bumati sa kaniya, mapa-social media man o text message. Hinihiling niya na, sana, wala nang mangyari pa na iba dahil buo na ang araw niya.
"Mommy, pupunta po ba tayo sa Mall ngayon?" tanong ni Noah sa kaniya.
"Yes, Baby. Pupunta tayo sa Mall ngayon, kakain tayo sa labas!" excited niyang tugon sa anak niya.
"Mommy, daan tayong Toy Kingdom, ha!" sabat naman ni Calix.
"Oo nga po, Mommy. Bibili ako no'ng bagong model ng robot." pangungumbinsi sa kaniya ni Noah habang sinusubo ang pagkain nito.
"Ako, Mommy, daan tayo sa National Bookstore. Bibili lang ako ng bagong book kasi patapos ko na 'yung binili n'yo sa akin ni Daddy galing Korea." sabi naman ni Sebastian.
Wala namang bago dahil lagi naman silang ganito. Kapag pumupunta sila sa Mall ay laging Toy Kingdom ang daan nila at National Bookstore.
"Oo sige, mga anak. Dadaan tayo sa mga 'yan, basta be a good boy lang, ha! Walang tatakas kagaya ng ginawa n'yo sa daddy n'yo. Isa pa, behave lang kapag nandoon na tayo sa mga gusto n'yong lugar." mahabang sabi niya sa mga ito.

BINABASA MO ANG
The Shell of What I was [PUBLISHED]
RomanceSYNOPSIS Minsan ang pagmamahal natin sa isang tao ang siyang nagtutulak sa atin para gumawa tayo ng mga bagay na pwedeng ikasira at ikasakit natin. Tulad ko, kahit saang anggulo tingnan, ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Akala ko, kapag nakat...