抖阴社区

Memories in the Roads (Street...

By itsjepg

49.4K 1.7K 246

馃搷Nuestra Street Ryu Concepcion, the matured, smart and wise son never expected that he will met a boy who's... More

Street Series #3
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Up Next

Chapter 7

767 39 6
By itsjepg

Chapter 7: Enough

"Huwag ka nang bumalik sa Casa Poblacion! Malapit na rin naman pasukan eh," si Gabriel sa kalagitnaan ng activities namin.

Nandito kaming lahat sa school at noong nalaman na namin ang section namin ay nagkaroon ng dry run at orientation. Binigyan na rin kami ng bagong set ng uniform pati para sa PE at sa sinalihan kong club.

Ngayon ay nasa campus kami para sa bawat activities na required naming salihan. Kasama ko ang mga kaibigan ko na mabuti nalang ay kaklase ko ulit sila ngayong taon.

"May two weeks pa bago magpasukan, Gab. Besides, I am enjoying there so what's the point of going home when I have a lot of time to spend there?" I said.

"Ayaw mo lang sumama sa mga trip namin eh! Kill joy mo talaga, Ryu!" singit ni Harvey.

Pinatong ko na ang huling blocks para matapos na ang ginagawa naming building structure.

"Last year sinamahan ko lahat ng outing natin ah! Gusto ko lang muna mapag-isa ngayon," I reasoned which I think, not true.

Hindi naman ako mag isa sa Casa Poblacion. In fact, I'm with my cousins and I'm with him. I was just lonely when I'm on my room the whole day but many days passed, I'm with him. And I was happy and contented so far. Hindi iyon ang inaasahan ko na mangyayari sa bakasyon ko pero masaya ako dahil iyon ang nangyari.

I met him on a hot summer in Casa Poblacion and we talked about so many things even if it's sometimes, we have different point of view to a topic. But the important is, we understand each other's perspectives at all times.

"Siyempre iba yung ngayon---" natigil si Harvey nang pinukol siya ng isang kakase namin at hindi lang siya ang natamaan ng plastic bottle, ang gawa rin namin!

Nagulat kaming lahat at umakyat agad ang galit sa akin. Tinignan ko nang masama si Gio, ang feeling superior/siga sa classroom o sa buong school at sa likod niya ang mga alagad niyang akala mo mga kuko.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ni Harvey at sinalubong niya sila Gio, sumunod naman kami ni Gabriel sa likod ni Harvey.

"Bakit mo chinachat girlfriend ko?! Naghahanap ka ba ng gulo?!" Gio said loudly.

Nagtagis ang bagang ko at kumuyom ang kamao ko. Ayaw ko sa lahat ay yung nadadamay ang pinaghirapan ko dahil sa kalandian nilang yan.

"Bobo ka ba?! Siyempre nagtanong sa akin, alangang hindi ko sagutin!" buwelta ni Harvey, galit na galit.

Mabilis siyang kinuwelyuhan ni Gio pero bago pa sila mag abot ay tinadyakan ko na si Gio sabay tadtad ng suntok sa mukha niya. At doon na nagsimula ang rambulan sa campus.

"You stupid! Anong karapatan mong idamay ang gawa namin, ha?!" sigaw ko, galit na galit at nasapak na ako ni Gio kaya nagdugo ang labi ko.

Uminit pa lalo ang ulo ko kaya mas malakas ko siyang tinulak sabay sapak.

"Ba't ka ba nakikialam, Ryu?! Kinukunsinti mo kaibigan mo?!" aniya kaya mas lalo akong nagliyab dahil hindi ako ganoon. Nagpapalitan kami ng suntok pero mas marami akong ganti sa kaniya dahil magaling akong umiwas at siya pa ang nakahiga sa sahig.

"Boys! Stop it! Go to disciplinary office! Now!!!" one of the teachers said as the guards started to stand between us to wean and to separate us.

Bumangon ako at inayos ang kuwelyo. Masama pa rin ang tingin ko kay Gio habang pinupunasan ko ang dugo sa labi ko.

Si Gabriel at Harvey ay parehong may galos din pero hindi naman malala dahil nagtatake kami ng taekwando kaya may ilang kaming idea. At for sure matatanggal na kami roon kapag nalaman ng trainer namin ang nangyaring gulo.

Pero sa totoo lang, hindi naman ako bayolente sadyang napuno lang ako dahil iyon na naman ang ugat ng away at nadamay na naman ang gawa namin. Maraming beses nang nangyari ang ganito pero inaawat ko nalang ang mga kaibigan ko at kinakausap nang matino si Gio, pero hangga't hindi ata nakakatikim ay hindi niya kami titigilan.

"Ryu Concepcion, explain what happened!" the proctor said.

Nandito na kami sa office at may tapal na ang mga sugat namin ganoon din ang mga galos ng grupo ni Gio. Masama akong nakatingin sa kanila pero hindi sila makatingin sa akin.

I've had enough. Napuno na ako sa kanila kaya nakasakit ako kahit hindi naman talaga ako ganoon. Ngayon lang talaga ako nasagad sa loob ng ilang taong pambubuwisit nila sa mga kaibigan ko at nadamay pa talaga ang gawa namin so we need to redo it again!

Like what I've said: Im not into violence and physical fight. I'd rather throw a harsh words than to throw a fist. Pero mukhang hindi sila nasasaktan sa mga pinagsasabi ko kaya dapat ipamukha na ang sakit.

"Diosmio, mga hijo. Nasa grade nine palang kayo, wala pa sa kolehiyo pero pagibig na agad ang pinoproblema at pinag aawayan niyo! I need all of your parents tomorrow except for you, Mr. Concepcion," he decided that made us shocked.

"Ang unfair! Siya rin naman nagsimula ng gulo---"

"Kayo nagsimula, mga tanga!" putol ni Harvey kay Gio.

"Shut up! Just bring your parents or I will call them right now while you are all here?" he warned and stood.

"I'll bring my parents too, Sir. To be fair and square," saad ko at lumabas na sa office, sumunod naman ang mga kaibigan ko.

Sinimulan ulit namin ang paggawa ng building structure habang ang mga kaibigan ko ay nagrarant tungkol sa nangyaring gulo samantalang ako ay pinagsasabihan sila na parang ako ang magulang nila.

"What?! Are you serious, Ryu?" Mom said shockingly that she almost choke coz she's drinking tea.

Suminghap ako at yumuko. "Yes, Mom. I'm sorry. Hindi ko naman po sinasadya. You know me, right?"

Mom smiled. "Of course coz you're my son!"

Tumango ako. "Napuno lang po talaga ako dahil nadamay pa ang gawa namin dahil lang sa jowa jowa na yan..." nagtiim bagang ako.

Ngumisi si Mommy and she sipped on her tea. "Now I understand completely. Ayaw mo nga pala sa mga love love na yan---"

"It's not that, Mom. Ayaw ko lang po sa masyadong kalandian nila. And I don't think that's love? In our generation, it's not love. It's just attractions and infatuation..." I stated.

Mom nodded and she tousled my hair. "You're so full of wisdom, anak! Dinaig mo pa kami ng Daddy mo noong nasa edad mo kami..." aniya at ngumisi ako at tinanaw ang asul na tubig sa swimming pool ng mansion namin dito sa Maynila.

"But you know what, hijo. At your generation, they take love as an inspiration and motivation. Nasosobrahan at nagiging OA lang talaga minsan, ano?"

Tumango ako. "Exactly, Mom." sambit ko at nag apir pa kami ni Mommy sabay tawanan.

Lumipas ang mga araw sa Maynila at nasa school lang ako maghapon at kapag uwian na ay sa mga bahay bahay ng mga kaibigan ko't nagmomovie marathon o video games.

"Gusto mo pa bang bumalik sa Casa Poblacion, Ryu? Ilang linggo lang ay pasukan niyo na rin naman..." si Dad nang nasa dinner na kami sa may restaurant.

"Babalik pa po ako, Dad. Two weeks pa before school year starts so..." sabi ko habang hinihiwa ang medium steak.

"Why? You like it there?" said Mom.

"Yup. It's peaceful," I said my other reason because I have many reasons why I like Casa Poblacion.

"Then, do you want to go back tomorrow? O gusto mong sumama sa may business events namin ng Daddy mo?"

Napakurap ako. Tapos na pala ang mga school activities namin kaya puwede na akong umuwi sa Casa Poblacion at gaya ng sinabi ko kay Eli na tatlong araw lang ako rito. Pero ano bang dahilan niya at bakit gusto niya agad ako na bumalik?

"You want to come with us? After that ay didiretso na tayo sa Casa Poblacion," Mom uttered.

"Yeah, sure..." I decided.

Gusto ko rin kasi na sumasama sa mga business event nila dahil marami akong natututunan about business and trade industry that soon I will take.

Ganoon nga ang nangyari sa mga nagdaang araw at hindi naman ako nagsisi na sumama sa mga magulang ko dahil bukod sa marami akong natutunan ay marami rin akong nakilalang anak ng businessmen na parang ako lang rin dahil sila rin ay may interest sa industriyang ito kaya sumasama sa parents nila.

"Sumama ka lang ba, Parrish para maghanap ng babae?" tanong ko sa pinsan ko.

Pareho kaming naka black suit and leather shoes. Both of us are look young entrepreneur. Pero itong si Parrish ay may pakindat kindat na sa kaninong babae.

"No. Gusto ko rin may matutunan about sa business, Ryu." sagot niya pero nasa mga babae ang tingin.

"Talaga? Halata nga. Ibang business ata ang gusto mo," ngisi ko sabay inom sa juice dahil bawal pa kami sa champagne.

"Well, if that's what you think. Maiwan muna kita, Ryu the great. Sabihin mo kay Mommy na nakikipag socialize lang ako," sambit niya sabay tapik sa balikat ko at kinuha ang iniinom kong juice!

"Okay. Parrish the explorer..." I sighed and focus on what the speaker is saying.

He's Scott Carvajal, the greatest bachelor in Manila. He's handsome and very muscular and manly but don't have a wife and family and I don't know why. Maybe he's enjoying his life and success... Alone.

I admire him and his experiences plus wisdom. He worked hard and took all the opportunities that's why he made this far and successful. I bet he's on twenty-six or twenty-seven? Not so old but not so young. Kaya siguro hindi pag nagaasawa ay dahil bata palang naman siya. Marami lang talaga akong kilala na sa edad niya ay may asawa't pamilya na.

Ito na ang huling business event na dadaluhan namin at bukas ay didiretso na kami sa Casa Poblacion dahil may appointment ang mga magulang ko roon at hindi na ako makapaghintay na bumalik.

"Saan ka ba galing? May kiss mark ka pa oh," sambit ko kay Parrish nang pumasok na siya sa sasakyan.

Hinihingal pa siya at pulang pula ang labi na may lipstick pa sa paligid ng labi niya. He's handsome so some girls won't hesitate to kiss him. Well, hindi ko naman nilalahat, yung ilan lang.

"May nakilala akong babae and I think, she's the one..." aniya, namamangha.

Suminghap ako at sinupalpal siya ng tissue para punasan niya ang labi. "Ilang beses mo na yan sinabi. She's the one my foot," I mocked him.

Siniko niya ako. "Why don't you try to find a girl? Nang hindi ka bitter diyan!" saad niya.

I sighed boredly then I shook my head. "Not my priority, dude." sambit ko at niluwagan ang kuwelyo ng dressed shirt ko sabay tapat ng aircon sa akin.

"I expected you to say that. But, I'm just enjoying my youth. Huwag kang mag alala. Hihigitan ko ang kasipagan at katalinuhan mo kapag nagsawa na ako sa mga ginagawa ko," he assured and I just nodded boredly, ilang beses niya na rin sinabi sa akin iyan.

"Pupunta ka Casa Poblacion? Doon na rin ako. Kuya, huwag mo nang ihinto sa bahay namin. Sa mansion nila Ryu ako matutulog," utos niya sa driver.

"What? Wala kang dalang damit at bakit biglaan mong gustong sumama sa Casa Poblacion?" usisa ko.

Huminga siya nang malalim at sinandal ang ulo sabay pikit.

"Wala lang. I've been busy hanging out with my friends in the past few days. Nagsasawa na ako sa mukha nila at gusto ko naman makita ang mga gago kong pinsan doon..." aniya.

Ngumiwi ako. "May ganyang side ka pa pala? Akala ko puro ka lang saya eh,"

"Aba'y oo naman! For sure, matutuwa si Dad dahil umuwi ako sa Casa Poblacion kaya ipapagamit niya sa akin ang BMW sa pasukan," he smirked and I knew it!

"Ah! So kaya ka pupunta ng Casa Poblacion ay dahil iyon ang gusto ni Tito at Tita? At sinunod mo naman pero may kapalit? Wow! Wala na akong masabi..." ngiwi ko sabay tawa.

"Ssshhh. Huwag kang maingay, Ryu. Susunugin ko ang mga libro mo kapag nagsumbong ka---ouch shit!" natigil siya dahil sinuntok ko na ang hita niya pero natawa naman siya.

"I was joking! But don't tell this to them, please?" nagpacute pa na parang baby.

Halos irapan ko siya. Let's say that Parrish is my opposite? Pero kahit magkaibang magkaiba kami ay super close kami katulad nalang rin ni Eli.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis dahil nga maraming errands ang mga magulang ko roon. Naghihilik pa nga si Parrish na nasa tabi ko habang nasa biyahe kami at kalaunan ay nakarating na rin agad kami dahil walang traffic.

Humihikab pa si Parrish nang bumaba na kami. Pareho pa kaming nakasuot ng wayfarer nang lumabas at sinalubong kami ng mga pinsan naming pawis na pawis!

"Woah! Si Parrish nasa Casa Poblacion?! Nananaginip ba ako?" si Teodus.

"Anong nakain mo, brad?" si Dion naman.

"Ba't pumunta ka pa rito? Masaya na kami rito!" si Froilan naman kaya nagtawanan kami pero napatingin ako sa kay Eli na kalalabas lang sa mansion.

Ngumiti ako sa kaniya pero suplado siyang nag iwas ng tingin at para bang hindi niya ako kilala! Naglakad na siya't lumiko papunta sa rancho.

"Hindi naman kayo ang pinunta ko rito mga ingrown!" ani Parrish.

"Weh? Miss mo lang kami eh! Tara na basketball!" anila at kinaladkad na nila si Parrish at hindi na hinayaan na mag palit!

"Nga pala, Ryu. Birthday ni Eli kahapon ah? Akala niya uuwi ka raw sabi ko baka bukas pa dahil may pinuntahan ka," pahabol ni Dion bago sila umalis at nagtungo sa court.

Nanlalaki ang mga mata ko ngayon dahil gulantang sa biglaang nalaman.

Birthday niya kahapon?

Continue Reading

You'll Also Like

26.1K 1K 49
馃搷Gevancio Street Meet the best trio of barangay: Froilan Venturero, one of the heir of Ventureros didn't know the real definition of love. For him...
11.7K 402 26
a BOYxBOY love story tunghayan ang makulit, nakakatawa, at napasweet na kwento ang ating dalawang bida .. subaybayan kung paano sila sinubok at pinag...
2.7K 329 31
Love knows no gender. For Janeese, she's straight - pero normal ra para niya makakita ug babae nga uyab babae, or lalaki nga uyab lalaki. She support...
6.7K 194 39
Baste Garcia is a college freshman. He is excited to start his university life to find his ideal girl of his dream. His friend Adrien, defined him as...