BESIDE YOU |2|
"Ann! Gising na, ma la-late ka na!" Rinig kong sigaw ni tita sa labas ng aking kwarto. Kinusot ko ang aking mata, nag-inat ng katawan at bumangon na ako.
Niligpit ko ang aking higaan at kumuha ng tuwalya upang maligo na. Bago ako pumuntang cr ay tinignan ko muna ang wall clock upang malaman kung anong oras na. 8am na. At alam kong late na nga ako, pero parang walang gana ang aking katawan para kumilos. Kung dati ay kapag na la-late ako, halos hindi na ako makaligo maka pasok lang upang hindi pagalitan nang prof namin. Ewan ko kung bakit wala akong gana ngayon.
I'm a journalist college student. At isang taon na lang at sa wakas ay makaka tapos na ako sa pag-aaral. Kaonting kembot na lang, mararating ko na ang tagumpay.
Kung iniisp niyo kung bakit tita ko ang gumising sa akin, imbis na ang mama ko or ang papa ko ay dahil nasa probinsya sila nakatira. Akala niyo patay 'no? Lol hindi 'to kdrama. Yung tipong namatay ang magulang ng isang main character dahil sa isang car accident at dahil doon magiging matapang yung main character. Tsk.
Nakikitira lang ako sa tita ko rito sa Manila. Mahirap kasi kung ba-byahe pa akong manila galing sa probinsya namin. Sobrang gastos ng pamasahe. Buti na lang at mabait ang tita ko at dito niya ako pinatira sa tahanan niya. Hindi naman ako tinatrato ng masama ni tita, ang totoo nga niyan ay parang anak na rin ang turing niya sa akin gawa nang namatay ang anak at asawa niya dahil sa isang trahedya.
Hindi naman kamahalan ang binabayad ko sa university na pinapasukan ko dahil scholarship ako. Ang hirap maging scholar student, dahil kailangan hindi mo talagang huwag mabitawan ang mga matataas kong grado na nag papabawas ng gastos ko sa paaralan. Buti na lang at masasabi kong matalino ako at nagagamit ko iyon upang maka tipid ako sa gastusin.
Kaonti lang ang allowance ko. 800 sa buong linggong pasok ko. Napag kakasya ko naman iyon sa loob nang isang linggo. Malapit lang kasi ang university na pinapasukan ko rito kaya nag lalakad na lang ako at yung hindi ko nagagastos ay pambayad sa mga bayarin sa school. At yung tira, tinatago ko. O, di kaya naman ay kapag maraming tira, binibili ko nang pagkain ko.
Mahirap maging mahirap 'no?
Minsan nga gusto ko na lang tumigil sa pag-aaral at mag trabaho na lang. Pero kasi, iba 'yung may pinag-aralan ka. Sa society ngayon, hindi ka tatanggapin sa trabaho komo raw wala kang pinag-aralan o natapos man lang. So what? Hindi ako sang-ayon sa gano'ng mindset ng mga tao. Mas naniniwala ako sa kasabihang..'Daig pa nang masipag ang matalino.' Useless din ang talino mo, kung wala kang kasipagan. Kahit ipag-mayabang mo pa kung gaano ka ka-talino, wala rin 'yan.
Nang matapos na akong makapag-ayos ay bumaba na ako.
"Good morning po." Bati ko kay tita na nang lilinis ng salas.
"O, hija. Late kana aba, kuhain mo na ang baon mo diyan sa lamesa at umalis kana, papagalitan ka ng prof mo. Ang tamad mo ngayon a? Kung dati ayaw mo nang mala-late ka, ngayon parang wala lang sa 'yo a?" Naguguluhang sabi sa akin ni tita.
Ewan ko rin kung bakit wala akong gana...
Ngumiti lang ako sa kaniya ng matamis at nag mano sa kaniya. "Alis na po ako." Sabi ko at kinuha ko na ang baon ko sa lamesa.
Nag simula na akong mag lakad papuntang university. Wala ako sa mood ngayon. Bakit ang tamlay ko ngayon? Wala namang malungkot na nangayari sa akin kagabi. Wala ako sa sariling nag lalakad na para bang lantay na gulay.
Habang nag lalakad ako ay may napadaan ako sa isang park malapit sa university. Hindi ko alam kung ano'ng nag tulak sa akin na pumunta roon. Imbis na pumasok ako ay dito ako napunta. Ano ba'ng problema sa akin ngayon?
Ewan, basta ang nararamdaman ko ngayon ay parang may kulang sa akin at kailangan kong hanapin? Jowa? Loko. No boyfriend since birth 'to.
Umupo ako sa isang bench katapat ng mga palaruan. Wala masyadong tao, may pasok ngayon tiwak ay busy lahat ng tao. May mga nag bebenta ng street food dito. Hindi naman ako natutuksong bumili ng street food 'no, sinabi ko lang.
Tinanaw ko ang paligid ko. May mga dumadaang mga tao, may nakatambay din katulad ko, at may mga estudyateng batid ko ay nag cutting classes.
Napa iling-iling na lang ako. Ano pa bang tawag sa ginagawa kong 'to? Dapat nasa school ako, ano ang ginagawa ko rito? Cutting classes ka rin e.
Okey lang naman na um-absent ako sa first subject ko. Ngayon lang naman aabsent e, pagbigyan niyo na ako. At saka nakaka-antok din ang first subject ko, terror pa ang prof. Pero mataas ang grades ko ro'n. Maging tamad ka, pero maging masipag ka haha. Bawi-bawi lang 'yan.
Lumingon ako sa katabi kong bench. May naka-upong isang pulubi. Lalaki. Madungis, may dalang sako na puno ng mga bote. Punit din ang kaniyang damit at naka pants na luma. Batid kong mas matanda siya sa akin, pero hindi naman halata.
Nagulat ako nang lumingon siya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway. Gusto ko nang makaka-usap ngayon. Kahit pulubi, okey lang at least may makaka-usap ako.
Lumipat ako sa bench niya at tumabi sa kaniya. Naamoy ko agad ang mabahong amoy. Pero pakialam ko?
Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko.
"Hi!" Masaya kong bati sa kaniya.
Ngumiwi siya at bahagyang umusog palayo sa akin. Grabe, hindi naman ako mabaho e. Siya nga 'yun e- stop! Bad!
Naiilang siya.
"Gusto mong kumain?" masayang tanong. Busog ako, pero tingin ko, siya hindi.
Biglang nag liwanag ang mukha niya. Sabi na e, gutom siya.
Mabilis siyang tumango-tango.
Natawa ako. "Tara kain tayo doon," tinuro ko ang bentahan ng mga street food at nag paunang nag lakad.
Sumunod naman siya.
"Ate, limang kwek-kwek, limang kikyam at limang fishball nga po," sabi ko habang nilalabas ang aking wallet. Bahala na sa allowance ko.
Nagbayad ako at kinuha ang binili, kinuha niya ang isang baso ng kwek-kwek.
Bumalik na kami sa bench kung sana kami naka-upo kanina.
"Bakit mo ako nilibre? Hindi naman ako nanghihingi sa 'yo," sabi niya habang sumusubo ng kwek-kwek. Gutom na gutom.
Natawa ako ng bahagya. "Ayaw mo no'n? Nag kukusa nga ako e," biro ko.
Natigilan siya sa pag nguya. "May masama kang balak sa akin 'no?" Pinanliitan niya ako ng mata. Ang baba ng boses niya, kitang kitang ang kaniyang adum's apple, hindi gaanong matangos ang ilong at mahaba ang buhok.
Nanlaki ang mata ko. "Bakit naman ako mag babalak ng masama sa 'yo? Grabe ka naman, hindi ba pwedeng gusto ko lang ng makaka-usap?" Ngumuso ako at hinawakan ang dibdib na para bang nasasaktan.
Marami naman akong kaibigan sa school, pero ayoko sa kanila. Ang plastik kasi.
Dahan-dahan siyang tumango at pinag patuloy ang pag nguya. "Bakit wala ka bang kaibigan para wala kang maka-usap?" Tanong niya habang ngumunguya.
Ngumisi ako. "Ayoko sa kanila," simple kong tanong.
Tumango ulit siya. "May problema ka 'no?" Maya mayang tanong niya.
Marahan ko siyang tinapik. "Wala, nararamdaman ko lang na may kulang sa akin," tumingin ako sa malayo.
Kinuha niya ang isa pang baso ng fishball at sinubo iyon. "Ano nama'ng kulang sa 'yo?" Tanong niya.
Namamangha akong tumingin sa kaniya. Bilib ako sa pulubing ito, kahit ganito lang siya, kita kong masaya siya sa kinakain niya ngayon.
"Wala lang, nakakapagod kasi maging estudyante at maging anak," ngumiti ako ng tipid sa kaniya.
Tinagilid niya ang ulo sa akin. "Napapagod ka? Matulog ka," sabi niya at pinag patuloy ang pag-kain.
Natawa ako ng malakas. "Loko!" Namamangha akong tumingin sa kaniya. "Ikaw ba? Hindi ka ba napapagod?"
Natigilan siya. "Napapagod syempre. Araw-araw kailangan kong kumulekta ng mga bote at mamalimos para may pang kain ako. Pag napapagod ako, umuupo ako rito sa park, pagka tapos mangangalakal ulit ako. Kadalasan nag sa-side-line ako sa iba't-ibang trabaho. Mag hahanap ng maayos na lugar na matutulugan at nag papahinga na ako." Nag kibit-balikat siya. Sanay na sanay.
Ngumiti ako. "Hindi... ang ibig kong sabihin, hindi ka ba napapagod na ganito ang buhay mo?" Malumanay kong tanong. Bilib ako sa kaniya, kahit ganito lang ang buhay niya, nagagawa niya pa ring mabuhay ng masaya.
Sumubo muna siya ng isang kikyam bago nag salita. "Napapagod minsan. Syempre ganito lang buhay ko, wala na akong magulang o kapatid. Wala akong kasama sa pangangalakal, wala akong tinuturing na kaibigan, wala akong kaklase kasi hindi naman ako pumapasok bilang isang estudyante. Pero ang masaya sa buhay ko ay ang napupunta ako sa iba't-ibang lugar nang libre. Nakakapag travel ako, tamang sabit lang sa mga jeep. Adventure ang buhay ko, at iyon ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko. Ang dami kong bahay dito sa Manila, pwede akong tumulog at pumunta sa kung saan-saan nang walang kumukontra," Masaya niyang kwento habang ngumunguya.
Napangiti ako ng matamis sa sinabi niya. Doon ko na-realize na may mas mahirap pa ang pamumuhay kesa sa akin, pero hindi sila sumusuko at tamadin. Dapat gano'n din ako, nakukuha ko na nga ang gusto ko ganito pa ako ka-drama? Tsk.
"Salamat sa magandang kwento. Ang drama ko. Pasensya na, nahihiya ako sa 'yo. Ang positive thinker mo kahit ganito ang buhay mo, pero heto ako nag dadrama na para bang kulang na kulang ang buhay ko," napa-iling-iling ako.
Naubos na niya ang pagkain niya. "Lahat naman ng tao karapatang mag drama, kahit gaano pa ka perpekto ang buhay nila. Hindi naman mawawala sa buhay 'yon. Pero sa tingin ko kailangan mo nang pumasok sa school mo, malapit na ang next subject mo," naka ngiti niyang sabi.
"Oo nga pala haha. Sige, alis na ako. Baka pagalitan ako ng next terror kong prof. Lintek na 'yon," tumayo ako at kumaway sa kaniya.
Patakbo ako nang marinig ko ang boses niya. "Salamat sa treat!"
Hindi na ako tumugon pa sa kaniya at tumungo na ako sa school.
Bigla akong natigilan. Teka...paano niya nalaman na ito na ang oras ng next kong klase? Bigla akong nagilabot.
Pinilig ko na lang ang ulo ko at tumungo na lang sa room. See you next time pulubi boy.
"Hoy, bakit hindi ka pumasok sa first subject?" Bungad sa akin ng seatmate ko.
Ngumiwi ako. "Bigla kasing sumakit ulo ko, kaya nag pahinga muna ako," palusot ko, pilit akong ngumiti.
"First time absent huh?" Tanong pa ng isa kong kaklase.
Ngumisi na lang ako sa kanila.
"Hoy girl, alam mo bang may bago tayong prof sa next subject natin?" Sambit ng seatmate ko.
"We? Nice, sana hindi terror," ngumisi ako.
"Sana nga e," ngumuso siya.
Sana naman, mabait ang bagong prof na iyon. Hay.. miss ko na agad si pulubi boy.
Maya maya pa ay magsisimula na ang klase nang pumasok ang isang lalaki sa room na batid kong iyon ang bagong prof namin.
"Good morning class," humarap siya sa amin.
Nanlaki ang mata ko kung sino ang bagong prof na iyon! Si pulubi boy?!
Nag tama ang mata namin. Naka ngiti siya hindi siya nagulat, hindi kagaya ng mukha ko ngayon. Totoo ba 'to?!
Bigla akong tumayo. "Pulubi boy-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumenyas siya na h'wag akong maingay. Hindi dahil sa sinasaway niya ako bilang estudyante, kung hindi sinasaway niya ako dahil sa sasabihin ko!
Nilagay niya ang hintuturo niya sa bibig niya. Senyales na h'wag akong maingay!
Dahan-dahan akong umupo nang marealize ko kung ano ang ginagawa ko.
Nnag maka-upo ako ay ngumisi sa akin.
Doon lang nag sink-in sa akin lahat! Kaya pala alam niya na may klase ako!
Prof ko siya?! Owenji na pulubi 'to! Nalinlang ako!
Hayssss--ang dami talagang manloloko sa panahon na 'to!! Ang kaninang madungis na kasama ko, napaka linis at gwapo na ngayon!