抖阴社区

Memories in the Roads (Street...

By itsjepg

49.5K 1.7K 246

馃搷Nuestra Street Ryu Concepcion, the matured, smart and wise son never expected that he will met a boy who's... More

Street Series #3
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Up Next

Chapter 28

684 30 4
By itsjepg

Chapter 28: Save


Nakikita ko pa rin kung gaano siya kasaya dahil sa mga sinabi ko. Bakit naman ganito siya kasaya dahil lang doon?

"Totoo ba ang lahat ng iyon?" he asked again.

I nodded nervously then I tapped his chest para umalis na siya sa harap ko dahil para kaming naglalandian dito. Tinignan niya ang kamay kong nakapatong na sa dibdib kaya agad ko itong inalis.

"Totoo yun?" he whispered softly.

"Fuck! Oo nga!" now I pushed him and I immediately open the door of the car and went inside.

Hindi ko alam kung bakit ako hinihingal o sadyang nagwawala lang ang sistema ko. Nakita ko siyang umikot na rin at binuksan na ang pinto. May ngisi pa rin sa labi niya hanggang sa umalis na kami papunta sa hotel na tutuluyan namin.

"Seriously? What's your problem?" I asked.

Nagawa ko pa talagang magtanong! Nilingon niya ako, nagngingiti.

"Wala. Hindi ba puwedeng masaya lang sa sinabi mo? At least ngayon, alam ko na na masaya ka kapag kasama ako. Hindi na ako mag ooverthink..." salaysay niya.

"Whatever. You weirdo..." sabi ko nalang at sa labas nalang ng bintana tumingin habang siya ay tumatawa na habang nagmamaneho.

"Ryu..." he called again kaya iritado ko siyang tinignan.

"What now?!" bungad ko agad kaya tumawa siya.

"Suplado naman!" anito. "Iniisip ko lang kung ganito pa rin kaya tayo pagtanda? Kapag pareho na tayong successful, may sarili ng pamilya, company, tingin mo? Magagawa pa kaya natin ito?"

Tinitignan ko na siya habang nagsasalita at may sagot na rin sa utak ko. Hindi ko alam. Dahil sino ba ang nakakaalam ng bukas?

"I don't know..." I shrugged.

"Tingin ko, Oo. Magagawa pa rin natin to. Basta ako kahit gaano kabusy ay maglalaan ako ng oras para sa roadtrip na siyempre kasama ka..." he uttered.

I blinked once again. Hindi ko na talaga maunawaan ang mga sinasabi niya o sadyang nagbibigay lang ako ng meaning sa mga iyon? Pero para naman akong tanga kung bibigyan ko ng meaning.

We're friends and I am contented with that. May feelings ako para sa kaniya pero hindi naman ako desperado na aminin ito sa kaniya at hindi ako umaasa na magugustuhan niya rin ako!

He's straight guy! Kaya imposible na magustuhan niya rin ako pabalik. Kaya ko lang naman siya nagustuhan kahit na lalaki siya ay dahil nga sa pansexual ako.

At first, I thought I was a straight boy or a bisexual but no. I could love everyone, no specific gender. That's what I thought about me. There's no gender identity when it comes to me.

And these will all past dahil alam kong matatauhan ang puso ko at maalala na kaibigan ko lang talaga si Eli. Hanggang doon lang iyon kaya hintayin natin na dumating ang araw na iyon. Hindi ko ipapahalata na gusto ko siya, magiging normal lang ako. Dahil hindi ko rin naman gusto itong nangyayari sa akin.

"Hmm. We're not sure. Nasasabi mo lang yan dahil hindi ka pa super busy..." pambawi ko.

"Hindi ah! Believe me, Ryu. Gusto mo puntahan pa kita sa kung nasaan ka pa eh!" he blathered.

"At paano mo malalaman kung nasaan ako?" I smirked coz what he thinking is impossible.

"Simple lang. Gagawa ako ng app para sa ganyan. I mean, may GPS naman pero gagawa ako ng mas specific para malaman ang lokasyon ng isang tao. Pero yung mga relatives o friends lang ang makakaalam siyempre, hindi buong mundo!" he clarified before he laughed.

Namangha ako sa ideya niyang iyon and I don't know but I want to hear more about his plans.

"Talaga? Ano pa ang gagawin mo bukod diyan?" I asked enthusiastically.

Ngumiti siya dahil interesado na sagutin ang tanong ko.

"Marami. Yung alam kong mapapadali nito ang buhay ng isang tao. At pangako ko sayo na magiging successful ako katulad ni Mark Zuckerberg. Mark my words, Ryu..." he looked at me and winked.

Ngumisi ako at tumango. "Sige ba. Aasahan ko yan ah. Siyaka dapat ako ang unang mag-iinstall ng mga apps na gawa mo?" giit ko na mabilis niyang tinanguan.

"Oo ba! Tawagan agad kita o gusto mo sumama ka pa sa akin bago ko ipublish ang isang app!" aniya.

"Talaga?! Sabi mo yan ah!" sambit ko.

And I noticed that we are both excited for the near future ahead of us. He's really excited because he know that no matter what happen he will pursue his dreams.

"I promise. Cross my heart!" aniya at pareho kaming tumawa habang patuloy na tinahak ang madilim na daan.

Sa mga sumunod na araw ay puro roadtrips lang ang ginawa namin. Halos isang linggo rin kaming wala sa Casa Poblacion dahil sa mga malalayong lugar na pinupuntahan namin.

Ngayon ay nandito kami sa Malabrigo beach sa may Batangas. Dahil sa pagod ay napagdesisyunan naming dalawa na magpahinga muna buong araw. Mas pagod si Eli dahil nagmamaneho pa siya.

"Ako naman magdrive bukas? You look tired eh..." I said while drying my hair.

Nakatapis ako ng puting tuwalya. Ganoon rin si Eli. We're both topless, only white towel around our waist. Tapos na akong maligo kaya si Eli naman ang sunod.

Tumayo na siya at tinigil na ang pagtingin sa camera. He took a lot of photos! Nakita kong bumaba ang tingin niya sa katawan ko at ngumisi siya nang nakakaloko.

"Ganda ng katawan natin ah? Buti naman at na-motivate ka ng katawan ko?" he bragged as he touch his abs.

Mas maganda at sexy talaga ang katawan niya kaysa sa akin. Mas malapad ang dibdib at matikas samantalang ako ay mas payat sa kaniya pero may abs na rin naman kahit papaano.

"Shut up. Dion and Teodus motivate me!" panlaban ko.

"Sus! Pansin ko na lagi kang nakatingin sa katawan ko kapag topless ako at para kang namamangha? Kaya hindi malabo na ako ang inspirisyon mo para magpaganda ng katawan?" he keep on chattering.

Hinampas ko na siya ng tuwalya. "Fine. Oo na, ikaw na! Happy?" I said.

Pero tumatak sa isipan ko ang sinabi niya. So napapansin niya rin ang paninitig ko sa katawan niya? Shocks! Nakakahiya. Akala ko kung ano ang iisipin niya at mabuti nalang ganoon ang tingin niya at hindi niya binigyan ng meaning! Dahil namamangha lang rin naman ako at hindi ko siya pinagnanasahan no! Ang dugyot ng ganoong pag-iisip.

He smirked handsomely. "Don't worry. Sasamahan kitang mag gym since magkasama na tayo ngayong college, di'ba?" he clicked his tongue before he winked.

Halos irapan ko siya. "Whatever..." I just shrugged and roll on the deodorant on my underarm.

"Ryu!" tawag niya. Nakapasok na siya ngayon sa banyo pero sumilip siya. Nagulat ako nang bigla niyang hinagis ang tuwalyang pinangtapis niya!

He laughed so hard and he shut the door immediately. This little boy! Akala mo'y wala pang pubic hairs kung kumilos.

Pero natawa rin ako dahil para siyang bata talaga kung umasta minsan. A good looking guy, hot and sexy, but sometimes he's childish. That's the one and only, Eli.

Humiga na ako sa kama at nakapatong sa hita ko ang laptop para iedit ang mga pictures namin. His shots were all good and aesthetics! Karamihan nga lang ng kuha niya ay ang mukha ko na maayos naman kahit candid. And he took pictures aesthetically of all the scenic and diverse landscape of every places we've passed by. Kung ano ang itsura at kulay ng mga tanawin ay ganoon din sa picture. Eli knows how to find the good lighting and timing.

Sa kalagitnaan ng pag eedit ko ay hindi ko maiwasan ang mangiti kapag nakikita ang pictures ni Eli. He looks so happy and amuse. Natigil nga lang ako nang marinig siyang kumakanta.

"I look at him and have to smile

As we go driving for a while

His hair blowing in the open window of my car

And as we go, the traffic lights

I watch them glimmer in his eyes

In the darkness of the evening

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh, and I can't keep my eyes on the road

Knowing that he's inches from me" he sang confidently. That's why my smile grew.

I was distracted because he continue singing. His voice is not bad, but not good also. Tama lang at mapapangiti ka rin kapag narinig mo. Napansin ko na sobrang saya niya talaga sa mga nakalipas na araw na magkasama kami. Hindi na naman bago iyon dahil ganoon naman talaga siya lagi sa tuwing may roadtrip kami pero mas iba ang saya niya ngayon.

"Psssttt...Ryu!" tawag niya kaya natauhan ako at biglang nilusaw ang ngiti.

Nilingon ko siya. Bagsak ang buhok niya dahil basa iyon. Masaya namang dumadaloy ang bawat butil ng tubig sa leeg papunta sa balikat niya. Nginuso niya ang hinagis niyang tuwalya kanina kaya bumangon ako para ibigay ito sa kaniya.

Nakangisi na siyang nakatingin sa akin.

"Bakit mo pa kasi hinagis kanina?!" I nagged.

"Sorry na. Gusto lang kitang inisin..." he said and pouted. Ngumiwi ako at inabot na ang tuwalya sabay balik na ulit sa kama.

Nang natapos na siyang magbihis ay humiga na rin siya sa tabi ko. Pareho kaming nakaputing T-shirt at pajama. Umusod siya sa tabi ko para panoorin ang ginagawa ko.

"Wow. Ang galing ah..." aniya sabay tingin sa akin.

Napalunok naman ako dahil sobrang lapit niya na naman sa akin. Wala akong balak ipahalata sa kaniya ang nararamdaman ko pero hindi talaga maiiwasan na magwala ang puso ko kapag sobrang lapit niya.

"Thanks. Ang ganda rin ng mga shots mo ah..."

"Yeah." he yawned.

"Ang cute natin dito oh!" tinuro niya ang picture naming dalawa na magkasama: Nakangisi kaming pareho pero si Eli ay nawala ang mata noong ngumiti, namumula naman ako dahil sa araw at sa likod namin is the long river with mangroves. Maganda rin ang formation ng mga ulap habang tirik ang araw.

"Yeah. Nawala na naman ang mata mo..." puna ko. Sabay kaming tumawa.

"Yup. Ikaw nga namumula eh. Sa init ba yan o kinikilig ka lang sa akin?" he said abruptly and unexpectedly.

Kinagat ko ang labi ko sabay hinga nang malalim. Kumalma ka, puso. Baka mamatay ako nang maaga!

"A-At bakit naman ako kikiligin? Mainit lang talaga kaya namumula ako!" I said guiltily.

"Siyempre joke lang yon, naniwala ka naman eh. Tulog na tayo!" aniya.

Ngumisi ako. "Mauna ka na. Tapusin ko lang ito..." giit ko.

"Okay. Goodnight, Ryu..." hikab niya at pinatay na ang lamp kaya madilim na sa buong kuwarto.

Tanging ang liwanag na galing sa laptop ko ang naging tanglaw. Maya't maya na rin ang hikab ko kaya nang natapos iedit ang halos daang litrato ay pinatay ko na ang laptop at humiga na rin.

Nang humiga na ako ay naramdaman ko agad ang pagyakap ni Eli sa akin. Nasa balakang ko na ang kamay niya. Madilim na kaya hindi ko na siya kita pero ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga so tulog na siya. Umusod pa ako at nabigla ako nang tumama ang ilong ko sa ilong niya. Napalunok ako at pinikit na ang mga mata.

This evening is so peaceful but my heart isn't. Parang may giyera sa sistema ko lalo na kapag tumatama ang hangin na nagmumula sa ilong niya sa mukha ko.

I closed my eyes tightly and tried not to move. Hinayaan ko ang puwesto namin hanggang sa hinila na rin ako ng antok.

"Your son is better now but the incident leave a trauma. The incident traumatized him that's why he's acting strange these past few weeks..." I heard the doctor said as I slowly opened my eyes.

Nasa kuwarto na ako. Napatingin ako sa mga magulang kong nasa tabi ko. Mom's beside me holding my hand while crying meanwhile my Dad's soothing my crying mother.

"We'll go to America for his treatment, Doc..." Daddy uttered.

"The better, Mr. Concepcion. That's the best advice we can give..." the doctor response.

"We'll go tomorrow..." Dad said to Mommy and Mom just nodded. Hindi nila alam na gising ako dahil abala sila sa pakikipag usap sa doctor.

The next day, we are about to go in America. Bago ako sumakay sa sasakyan ay may nakita akong isang bata sa gilid. Nakatingin ito sa akin at ngumiti ako nang maalala siya.

Siya ang batang nagligtas sa amin ni Teodus kaya hindi kami tuluyang nalaglag sa bangin. Ngumiti rin siya sa akin pero ang kaibahan ng ngiti naming dalawa, malungkot sa kaniya.

Then I saw my parents walking towards him. My mother hugged him tightly and I heard what he uttered to the boy.

"Thank you for saving my son, Felizardo. You're such an angel and a good boy!" my mom's voice is shaking.

"W-Walang anuman po. I-Ingat po kayo ah!" the boy answered.

"Yes. I'll introduce you to my son when we get back home, okay? Sa ngayon, iiwan muna namin ang Casa Poblacion..." si Mommy.

Tumango ang bata at tumingin na naman ito sa akin. Ngayon ay masaya na siyang ngumiti sa akin.

"Bumalik ka ah! Ako nga pala si Eli!" biglang sabi nito sa akin kaya medyo nagulat ako. Nilingon ako ng mga magulang ko't ngumiti sila sa akin.

"Ako si Ryu! Nice to meet you, Eli... " I said happily to the boy who save my life.

And that's the end of my dream. I know now who saved my life back then but I don't clearly remember what the incident is all about.

Unti unti ko nang dinilat ang mata ko. Maliwanag na sa buong paligid namin pero ang una kong nakita ay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Our eyes locked and the very first thing that happened this morning is when my heart started to beat louder again. He's looking at me seriously.

Sobrang lapit namin sa isa't isa at nagtatama pa rin ang ilong namin, nakayakap pa rin siya sa akin.

And then I figured out that this man infront of me saved my life back then.

And I think, that's one reason why he's different from all the people I've met.

Because he saved me and now... He's making me happy.

Continue Reading

You'll Also Like

6.8K 197 39
Baste Garcia is a college freshman. He is excited to start his university life to find his ideal girl of his dream. His friend Adrien, defined him as...
69.1K 3.6K 62
鉁 M R . H A R D H E A D E D M E E T S H I S F O U R S T E P B R O T H E R S 鈥| 岽勧磸岽嶀礃薀岽囜礇岽囜磪 ||鈥 (岽犪磸薀.1) HIGHEST RANKING @2020 : #45...
11.8K 402 26
a BOYxBOY love story tunghayan ang makulit, nakakatawa, at napasweet na kwento ang ating dalawang bida .. subaybayan kung paano sila sinubok at pinag...
76.4K 3.3K 71
[SEASON 1] - COMPLETED Hindi lahat ng bida ay talunan sa labanan, basahin mo ito at papatunayan ko sayo, Pano kung ang isang high heels lang ay nagt...