Warning Spg. Read at your own risk.
Sa ikalawang palapag ang kwarto ko. Malawak ito, mas malaki pa sa naging kwarto ko sa Maynila. Queen size ang bed, may bookshelf, at ang lawak ng banyo, may jacuzzi.
Sinimulan ko ng linisin ang kwarto ko dahil sobrang maalikabok. Nagring naman ang cellphone ko.
"Hello."
Chappy ang boses na naririnig ko kaya binuksan ko ang sliding door ng terrace para makasagap ng signal.
"Nandyan ka na ba sa mansyon mo?" unti-unti ng luminaw ang boses ni Charlie. Isa siya sa mga kaibigan ko.
"Oo." tugon ko.
"Kinukulit ako ni Arianna kung nasaan ka raw." aniya, tukoy niya sa ex girlfriend ko.
"Wag mong sasabihin kung saan ang address ko ah." sabi ko.
"Oo naman. Ano, marami ba dyan magaganda o mga guwapo?" tanong niya.
"Hmm, ewan. Hindi pa naman ako lumalabas." sabi ko.
"O sya sige, tawagan nalang kita o ikaw ang tumawag, at chikahan tayo kung may nabingwit ka ng hombre o gelay dyan." aniya. Napailing nalang ako at napangisi.
"Sige, bye." At binaba ko na ang tawag.
Isa lamang si Charlie sa mga naging friend kong bisexual. They're fun to be with. Nakakamissed din ang mga malalanding yun.
Lumabas na ako ng mansyon nang makaramdam na ng gutom. Tanghaling tapat na pala. Hindi pa nga ako nag aalmusal.
Maghahanap nalang ako ng karinderya. Habang naglalakad ako ay pinagmamasdan ko ang paligid. Hiwa-hiwalay ang mga kabahayan, may kubo at semi concrete na bahay. Tanaw naman sa malayo ang napakalawak na karagatan.
Hindi nagtagal sa paglalakad ay may nadaanan na akong karinderya at doon na kumain.
Napahalukipkip nalang ako nang makabalik na sa mansyon. Ang daming lilinisin. Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy na sa pagpunas ng sahig.
Natanaw ko dito sa terrace ang caretaker at kasama nito ang anak niya sa labas ng gate.
Kumurba ang bibig ko. Infairness naman sa anak nito.
Bumaba na ako at pinagbuksan sila ng gate.
"Tutulungan ka namin maglinis."
"Nakakahiya naman po sainyo."
"Tulad ng sinabi ko kanina, bukal sa loob ko ang pag alaga sa mansyon niyo."
"Hindi pa nga pala ako nagpapakilala, ako si Nikolas at ito naman ang panganay kong anak na si Vince." pakilala nito
"Vince nga pala pare," Nilahad niya ang kanyang kamay.
"Axel," Tinanggap ko ang kanyang kanang kamay.
Magaspang ang palad. Lalaking-lalaki.
Mas matangkad pa siya sakin ng konti.
Kinuha na nila ang mga panglinis sa isang bodega sa bakuran at nagsimula ng maglinis sa loob. Ako, sa kwarto parin naglilinis, si Mang Nikolas naman sa sala sa baba, at si Vince naman sa mga dingding.
Hininto ko muna ang paglinis dahil bibili ako ng Miryenda nila. Naabutan ko si Vince na abala sa pagkuskos sa hagdan. Nakahubad na ito ng damit pang itaas. Nakajersey short na suot. Pawisan na siya. Dumako ang paningin ko sa abs niya. Napatingala siya sakin, napaiwas naman agad ako ng tingin doon.
"Bibili lang ako ng miryenda." sabi ko. Tumango naman ito.
"Mag ingat ka sa pagbaba, baka madulas ka." paalala niya.
Tumango ako.
Napatingin ako sa hagdan sa ibaba at makintab na nga ito. Maingat naman akong bumaba ng hagdan.
Bumili ako sa nakasalubong kong naglalako ng banana que sa daan. Bumili din ako ng 1.5 na coke sa tindahan.
Sa pagbalik ko sa mansyon ay inanyayahan ko na silang kumain muna ng miryenda.
Nagpupunas na si Vince ng pawis gamit ang kanyang face towel. Hindi ko talaga maiwasan siyang pagmasdan. Ang hot na niya sa paningin ko habang tumatagal, at, at parang tinitigasan na ako. Ganyan ako kapag may pinagnanasaan.
Kumain na kami sa may sala at nagsimula na ng kuwentuhan.
"Nakapagtapos ka na ba ng pag aaral iho?" tanong ni Mang Nikolas.
"Opo. Graduate na ng business." sagot ko.
"Dito ka na ba for good?" tanong naman ni Vince.
"Isang taon lang ako mamamalagi rito, dahil ibebenta ko na ang mansyon na 'to." sagot ko. Yun ang sabi sakin ni Papa noon, na ibenta ko raw ang mansyon kung sakaling wala na sila. At ang makukuhang pera ay itatayo ko ng negosyo. Pero bago ko ibenta, gusto ko munang tumira rito.
Tumango ang dalawa.
Napatingin ako sa labi ni Vince na may bahid pa ng banana que. Ang bilis niyang kumain. Naubos niya agad yung isang stick. Nagtama ang mga mata namin, at agad akong umiwas ng tingin.
Nakakahiya. Baka isipin niya, gusto ko siya.
"Kamusta po pala yung baka niyo?" tanong ko kay Mang Nikolas.
Napailing naman ito. "Matanda na kase ang baka kaya ayun, nanghihina na talaga ito."
"Pa naman, parang suko ka na agad, pagagalingin natin si Cowcow." sabi ni Vince.
Kung sa ibang pagkakataon, baka natawa na ako. Yung mukha kasi ni Vince parang inagawan ng kendi.
"Eh, sa matanda na siya, gusto niya ng magpahinga." giit ni Mang Nikolas.
"Tsk! Papagamutin ko si Cowcow sa veterinarian." maktol ni Vince.
"May pambayad ka ba?."
"Didiskarte ako."
Pagkatapos ng usapan nila ay pinagpatuloy na namin ang paglinis. Naisip ko na tutulungan ko nalang sila sa pagpapagamot sa baka.
Hapon na natapos ang paglinis namin. Pinasadahan ko ng aking palad ang railings ng hagdan. Walang alikabok. Napakaaliwalas ng tingnan ng paligid.
"Salamat po sa tulong niyo." sabi ko nang lumabas kami ng mansyon.
Tumango ang dalawa.
"Saan po pala kayo nakatira?" tanong ko.
"Dyan lang sa malapit." turo ni Mang Nikolas sa kaliwang banda ng kalsada.
Tumango sakin si Vince bago sila lumabas na ng gate at sinusuot na nito ang jersey niya pang itaas.
Guwapo niya. Mukhang sa lalaki na naman ako.
Gabi nang marinig kong may nagdoorbell. Lumabas ako ng mansyon. Hindi ko maaninag kung sino ito. Bulto ng isang lalaki. Nang makalapit na, nakumpirma kong si Vince ito.
"Bakit?" tanong ko pagkabukas ko ng gate.
"Pinamimigay ni Papa na hapunan." Nilahad niya ang isang tupperware.
"Nag abala ka pa." nahihiyang sabi ko at tinanggap na ito.
Sumilip siya sa mansyon.
"Hindi ka ba naboboring? Ipakilala kita sa mga tropa ko." aniya.
"Ah, hindi naman. Tamang nood lang ng tv, at wag mo na akong ipakilala, nakakahiya" sabi ko, at tumango siya.
"Salamat dito." Pakita ko ng bigay niya.
"Walang anuman." ngiting sabi niya.
Ang cute ng mga ngiti niya.
"Vince!" Rinig naming tawag sa paligid.
May lumapit naman na babae na mahaba ang buhok. Akala ko babae, bakla pala.
Kumawit ito sa braso ni Vince.
"Hi pogi! Dyan ka nakatira? Anong name mo?" tanong nito habang pinapasadahan ako mula ulo hanggang paa.
"Axel." alinlangan kong sagot.
"Ako si Queenie." pakilala niya.
"Sige pare, uwi na kami." si Vince.
"Why? Nag iinit ka na ba?" tanong nung Queenie kay Vince.
Napailing nalang si Vince at kumaway muna sakin bago sila tumalikod.
Kumunot ang noo ko.
Jowa niya ba yun?
Nilapag ko muna ang bigay ni Vince sa mesa sa sala, at lumabas para bumili ng softdrinks.
Sinarado ko ang pinto at ang gate. Mahirap na, baka may makapasok na magnanakaw.
Dumaan ako sa kaliwang bahagi ng kalsada kung saan doon daw nakatira sila Mang Nikolas. Sana may tindahan dito. Tanging poste lang ang nagbibigay tanglaw sa daan na ito. Maraming puno kaya medyo kinikilabutan ako na baka may mga engkanto rito. May mga kabahayan naman na hiwa-hiwalay. Nakarinig naman ako ng kaluskos at biglaang pag ungol.
"Ugh! Sarap..."
Hindi ko ikakaila na ang naririnig kong yun ay may gumagawa ng kababalaghan.
Nag eavesdrop ako sa malaking puno at hinanap kung saan galing ang ingay, or should I say kababalaghan.
Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag si Vince na nakasandal sa puno at nakababa ang short, at si Queenie naman ay nakaluhod sa harapan nito na sinusubo ang pagkalalaki ni Vince. Nakikita ko ang pangyayari dahil may flashlight ng cellphone na nakaharap sa kanila.
Parang uminit ang pakiramdam ko habang naaaninag ang mahabang ari ni Vince. Nakatingala lang si Vince at mukhang sarap na sarap sa pinaggagawa sakanya ni Queenie.
Napakagat labi ako.
Hindi nagtagal ay tumigil na sila sa kababalaghang ginawa nila, siguro ay nilabasan na si Vince dahil nagpapahid na si Queenie sa gilid ng labi niya. Tinaas na ni Vince ang kanyang short at inabutan siya ni Queenie ng pera.
"Oh ayan, may pang vet ka na sa alaga mong baka."
Tumalikod na ako, baka mahuli pa nila ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang walang nakitang kababalaghan.
***
To be continued....