"I'm always here for you. And whatever happens in the US, just give me a ring and I'll be there, not literally but, I will be there to help you." — Monique Allison Youdelman
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
"INGAT kayo do'n Illyza,"
Nakangiting sabi ni Monique. Nandito sila ngayon sa opisina ni Kevin sa Youdelman International Airport nagpapalipas ng oras. Good thing Kevin isn't around.
Ngayon ang alis nila Illyza papuntang US at masaya siya dahil ito ang simula ng malaking pagbabago sa buhay niya, thanks to Mihira dahil ito ang tumulong sa kanya.
"Pakarga nga ako sa baby Amarah namin," ani Monique at tumabi ng upo kay Illyza sa sofa. "Mamimiss ko talaga ang batang 'to."
Napangiti si Illyza. "Masyado na talaga kaming nakakaabala sa'yo Monique. Do'n nalang kami sa waiting area maghihintay."
Ngumiti si Monique at tumingin sa kanya. "Sabing okay lang, masaya nga ako dahil kahit papano, nakatulong ako."
"Maraming salamat Monique, maraming salamat sa lahat ng tulong na binigay mo sa'kin, saming dalawa ng anak ko."
Tikom bibig na ngumiti si Monique. "Alagaan mong mabuti ang anak mo do'n huh..." paalala nito. "You are the most important person in her life. All I ever wish is for you to be brave and empower yourself to fight against the crux of life." Binigay niya muli kay Illyza ang bata and cupped its face. "I'm always here for you. And whatever happens in the US, just give me a ring and I'll be there, not literally but, I will be there to help you."
Tumulo ang luha ni Illyza nang tuluyang umangat ang eroplanong sinasakyan nila. This is the reality, she can't back out now.
Huminga siya nang malalim at tinanaw ang unti-unting pagliit ng mga tanawin sa ibaba. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanila ng anak pagdating sa US pero isa lang ang hinihiling niya, sana hindi na niya makita pang muli ang ama ng anak niya dahil hindi niya alam ang gagawin dito 'pag nakita niya ito. Pero kampante naman siyang hindi magko-krus ang landas nila, malaki ang US para magkita pa silang dalawa. Pupunta lang siya do'n para tuluyang makamove-on sa mga nangyari sa buhay niya at maghanap buhay sa batang pinakamamahal niya. 'Yon lang 'yon wala ng iba.
"Okay ka lang Illyza?" Tanong ni Mihira na nasa tabi niya nakaupo.
Tumango siya at pinunasan ang mukha. "Okay lang, naiyak lang ako dahil mamimiss ko ang Pilipinas."
The woman smiled. "One year lang naman pagkatapos no'n pwede ka nang bumalik... at sa pagbalik mo, I'm sure wala ng sakit sa nakaraan." Tinapik nito ang balikat niya. "Hindi mo man makalimutan ang nakaraan at least may natutunan ka diba?"
She smiled but it didn't reach her eyes. "Salamat,"
"Walang ano man, idol kasi kita eh. Ang ganda kaya lahat ng mga teleserye mo," pinasigla ni Mihira ang boses nang sabihin 'yon. "Ang ganda mo bagay mo talagang mag-artista pero okay lang, mas bagay sa'yo ang maging ina ni Amarah." Kinurot nito ng mahina ang pisngi ng bata. "Si Amarah namin na maganda, na mabait at hindi iyakin..." Masiglang sabi nito at nilaro-laro ang bata.
Illyza's heart sunk in the view of her daughter smiling with felicity. Nasasayahan itong nilaro-laro ng kaharap. Tawa ito ng tawa kaya napahalik siya sa pisngi nito.
"I love you baby," buong pagmamahal niyang sabi.
Tumawa ang bata at hinaplos ang kanyang pisngi. "Mama, wab you, mama," paisa-isa nitong sabi kaya mas lalong nasiyahan ang puso niya. Hindi man nito mabigkas ng maayos ang salitang love at least naintindihan naman niya. Being a mother is the best and the most fulfilling job she ever had. Wala na siyang hihilingin pa, wala mang amang kasamang gagabay sa bata but still she can stand both a mother and a father.
"You sleep na muna mahal hmm? Malayo pa ang byahe natin..." Kausap niya sa anak pagkatapos ay hinalikan ang noo nito.
-----
"OH mom, please stop!"
Naiinis na sabi ni Vaughn sa ina. Hanggang ngayon hindi parin siya tinitigilan nito, sa araw-araw na pangungulit nito parang gusto nalang niyang sumuko at sundin ang gusto nito. Hindi naman niya magawang magalit ng matagal dahil ina niya parin ito and he loves her. It's just that, he hated the fvck that she kept on pushing Willa Jenica to him. It pisses him off big time.
(That would be impossible son!) Sabi ni Leticia sa kabilang linya. (Please get married now you're getting older!)
"I'm sorry mom but I cannot do that! Can't you see I'm enjoying my life?! This is bulls—"
"I'll let you manage the AVENUEWORLD son! That's what you want right aside from military? I'll give it to you!" Desperada na talaga ang ina niya.
Nahilamos ni Vaughn ang isang kamay. Napapaisip tuloy siya kung paano nakayanan ng ama niya na pakisamahan ito sa loob ng maraming taon.
"Listen mom, I am contented working as an assistant manager here in the AVENUEWORLD Maryland. I couldn't ask for more."
(No—)
"Bye mom," mabilis na binaba ni Vaughn ang tawag at napapikit ng mariin. Kailan kaya siya titigilan ng ina? Kapag tuluyan na siyang nagpakasal kay Willa Jenica? Why would he do that, hindi niya ito kayang gawin dahil hindi niya ito mahal. Wala man siyang kwentang tao but he respects the sanctity of marriage. Magpapakasal lang siya kapag mahal niya ang babae, hindi niya kayang mangako sa harap ng altar na walang nararamdaman sa papakasalan niya. Pakiramdam niya hindi lang siya sa Diyos nagsinungaling pati na rin sa mga taong dumalo.
Sa inis niya ay tinapon niya ang cell phone sa sofa at pabagsak na umupo. Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib niya kaya napasigaw siya.
"BULLSHIT! BULLSHIT!"
-----
NAGISING si Illyza nang biglang umuga ang eroplanong sinasakyan. Napatingin siya sa kabilang gilid kung nasaan ang anak. Gising na pala ito, nginitian niya ito at hinalikan sa noo. Ito ang isa sa mga bagay na ipinagpasalamat niya for having Amarah, hindi man lang ito naglilikot o umiiyak. Parang naiintindihan nito kung anong nangyayari sa kanyang paligid.
Magsasalita na sana siya nang magsalita ang isa sa mga crew ng flight.
She hemmed and look over the window, nasa US na pala sila.
Hindi niya maintindihan ang sarili nang biglang bumilis ang tibok ang puso niya. Huminga siya ng malalim at umiling-iling.
"Uy Illyza, okay ka lang? Ba't namumutla ka?" Tanong ni Mihira nang nasa lobby na sila. "Kailangan pa natin ng another trip para makarating sa Colorado." Pagpapatuloy nito.
Muli siyang huminga ng malalim at tinignan ang anak na nasa stroller. "Okay lang ako."
"May candy ako dito gusto mo?"
"Hindi na, okay lang. Ano lang siguro 'to, jet lag."
"Jet lag ba 'yan? Para namang hindi."
Umiling-iling niyang hinarap ang babae. "Ah, basta, okay lang ako. No need to worry."
The woman shrugged. "Sige, ikaw bahala."
"AVENUEWORLD"
Basa ni Illyza sa pangalan ng hotel and resort kung saan huminto ang van na sinasakyan nila. Ngayon ay nandito na sila sa Colorado.
"Thank you," aniya sa driver nang ilabas nito ang mga bagahe nila.
Inayos niya ang anak sa stroller at kunot noong tinignan ang kasama. "Anong ginagawa natin dito? Akala ko ba do'n tayo didiretso sa apartment mo?"
"Ahehe, okay lang 'yan afford mo pa naman diba?"
Napapikit siya at napabuga ng hangin.
"Mihira naman, hindi sa naghihirap na ako pero kailangan ko ng magtipid para sa anak ko. Siguro kong sarili ko lang iisipin ko kaya ko pa, afford pa naman pero may anak na ako. First priority ko na ang bata kisa pumasok sa..." Umangat ang ulo niya. "Sa labas palang mukha ng mamahalin, papaano nalang sa loob?" Seryoso niyang sabi ngunit tinawanan lang siya nito.
"Hahaha ang seryoso mo nakakatawa ka alam mo 'yon?" Tinapik nito ng mahina ang braso niya. "Syempre ako di ko afford 'to kaso mabait ang amo natin. Binigyan tayo ng one week allowance para maghappy-happy at sa luxury hotel and resort pa! Ano ka ba, sagot ni Señora lahat ng kakailanganin natin."
"Sure ka dito? Sobra naman yata 'yon. Bakit hindi mo sinabi noong nasa Pilipinas palang tayo?"
"Naman para surprise! Tignan mo nasurprise ka diba?"
Illyza almost rolled her eyes. "Mihira naman 'yong totoo, kinakabahan ako sa'yo eh..."
"Ano ka ba totoo! 'Wag kang mag-alala hindi kita lolokohin."
"Sure ka? Totoo talaga 'to?"
Umikot ang mga mata ni Mihira. "Illyza naman mukha ba akong nagbibiro? Ang sakit ha, hindi ka naniwala. At saka, ganito naman lahat ng empleyado sa Grande Amore..."
"Totoo? Mihira sinasabi ko sa'yo pupugutan talaga kita ng ulo dito. Sobrang yaman at bait ba ni mam para iparanas niya satin 'to?"
"Haha nakita at nakausap mo siya through video call, siya pa nga ang nag-interview sa'yo no'n diba? Ikaw na ang humusga. Señora ang itawag mo kapag kaharap mo na siya, Señora Luscinia." Mihira snapped her fingers and wiggled her brows. "Yung van na sumundo sa'tin kay Señora iyon at dito niya tayo pinahatid para maghappy-happy muna. Kaya tara na! Pagod na ako gusto na ng katawang lupa ko na magpahinga. At maawa ka naman diyan sa anak mo hindi nga nagrereklamo pero pagod din 'yan. At saka hindi pa 'yan sanay sa klima dito kaya tayo na baka mapano pa 'yan..."
Wala ng nagawa si Illyza kundi magpaanod rito. Iniisip niya din ang kalagayan ng anak hindi pa naman ito sanay sa klima dito.
"Magswimming tayo sa pool," anang Mihira habang abala siya sa pagpapadede sa anak.
"Hindi na, dito nalang kami. Tatawag nalang ako ng room service kapag may kailangan."
"Ano ka ba naman Illyza kahapon pa tayo nandito. Magsaya naman tayo,"
Tinignan niya ito. "Ikaw nalang siguro, 'wag kang mag-alala okay lang ako dito. Promise."
Nameywang si Mihira at tinaasan siya ng kilay.
"Ano maghapon ka nalang bang uupo diyan sa higaan mo o di kaya'y do'n sa sofa? Ang boring kaya! Kahit hindi ka nalang magswimming maglibot ka nalang sayang ang ganda ng AVENUEWORLD kung hindi mo man lang makita."
"Mihira iba na kasi 'pag may dala-dala ka ng bata," aniya at inayos sa pag-upo ang anak, tapos na itong dumede.
"Akin na 'yang bata tapos mo ng paliguan diba?"
Tumango siya. "Kanina pa,"
"Akin na, ako na muna ang magbabantay maligo ka muna."
Ngumiti siya. "Sige salamat,"
-----
NAPANGITI si Mihira sa kanyang kalokohan. Lumabas siya ng kwarto dala-dala si Amarah. Naliligo pa naman si Illyza, sila nalang muna ng bata ang magsasaya.
"Tayo na muna ang lalabas ha baby Amarah, naliligo pa si mama. Tatawag lang 'yon kapag hinahanap na niya tayo hmm..." Kausap niya sa bata. Tinignan lang siya nito pagkatapos ay nginitian.
"Tignan mo 'yon baby oh!" Tinuro niya ang pool kung saan may mga batang naliligo, may slide do'n na paikot. "Maganda diba? Kaso di ka pa pwedeng maligo diyan baby ka pa kasi eh, bilisan mong lumaki hehe," kausap niya rito nang mapatingin siya sa jacket na suot nito. "Ayy... ayusin muna natin 'yang suot mo. Do'n na muna tayo sa lobby hmm?" Aniya at naglakad nang makarating sa lobby ay umupo agad siya sa sofa. Hindi niya dala ang stroller ng bata kaya nang makaupo ay napapikit siya, gumaan ang pakiramdam niya. Hindi pala talaga madali magkarga ng bata.
"Dito na muna tayo baby Amarah ha, wait nalang natin si mama dito." Napangiti siya ng tumango at ngumiti ito. "Gandaaa..." Nasabi niya at pinaupo sa tabi ang bata.
Mihira is too focus on her phone at nakasaksak pa ang headphone nito sa tenga nang hindi niya namamalayan ang ginagawa ng bata. Hinahayaan lang niya si Amarah sa kung ano ang gusto nitong gawin.
May malaking halaman sa kanilang likuran at patuloy itong inaabot ng bata, ang malalaking dahon niyon ang nagbigay interes sa bata para abutin ito. Nang maabot ito ni Amarah ay nilakumos nito ito at hinihila hanggang sa kumalat sa sahig ang ibang parte ng dahon na nakuha nito.
Patuloy iyong ginagawa ng bata nang walang kamalay-malay si Mihira. Hinayaan pa niyang bumaba ito sa sofa at pumunta sa likuran.
Nakangiti at nasisiyahan ang bata sa ginagawa nang may biglang lumapit.
A foreign man, he knelt on one knee to level her height.
"Hey adorable little sweetheart," titig na titig ang lalaki sa bata, he tapped her head lightly. "You're pulling the leaves off the stem baby." He said softly.
Ngumuso ang bata at tumungo. "I'm sowwy, sowwy..." Amarah asking sorry in a whisper. She held out her hands showing a handful of leaves. "It's mawaki... and mag-anda... and osto ko, po..." Magalang at putol-putol na sabi ng bata.
Halos umangat ang kilay ng lalaki nang hindi maintindihan ang sinabi ng bata. He smiled, this little girl reminded him of someone na minsan ding magsalita ng lenggwaheng hindi niya maintindihan. He shook the thoughts off, it's almost 2 years ago and should forget her. Parte nalang siya ng nakaraan niya.
Amarah looked deeply in his eyes, she then cupped his face.
Her warm little hands. The man felt something strange, something he can't even name. It was like she's touching his heart and soul. His breathing is becoming uneasy. His heart pumped so fast.
"What is your name honey?" Tanong ng lalaki at hinawakan ang kamay ng bata na nakahawak sa kanyang mukha at tinitigan ito ng maiigi. He can't get off the strange feeling inside him.
"Amarah, mama, call," tinuro nito ang sarili. "...me, me Amarah."
"What a beautiful name it is..." He pinched her cheek lightly and smiled genuinely. "I'm Vaughn, nice to meet you young lady." He said tenderly.
Nginitian ito ng bata pagkatapos ay binawi ang mga kamay at muli na naman sanang aabutin ang ibang dahon nang pigilan ito ng lalaki.
"Uh, uh. The plant's gonna cry because you're pulling its leaves..." Mahinahong sabi ni Vaughn.
Nanlaki agad ang mga mata ng bata at pumorma ng bilog ang bibig nito. Marvel is very obvious in her eyes. "It's... now ugly,"
Tumango siya. "Uh, huh!"
Bubuka na muli sana ang bibig ni Vaughn nang may marinig.
"Amarah? Amarah?"
Kinakabahang tawag ni Mihira sa bata nang hindi ito makita.
"Amarah?" Tumayo siya at umikot sa sofa. "Oh my Amarah! Oh my god!" Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nagkalat ang mga dahon sa sahig. Napatakip ang kamay niya sa bibig. Patay! Parang mamahalin pa naman ang halamang pinakialaman ng bata.
Napakamot siya sa ulo at parang gusto nalang umiyak. Bata ito, hindi nito alam ang ginagawa. Siya ang matanda, siya ang nagbantay kaya siya ang mananagot rito. Papaano ito ngayon? Papaano niya ito ipapaliwanag kay Illyza? Napapikit siya ng mariin, mahirap pala talaga mag-alaga ng bata.
"What have you done?" Kinakabahan niyang sabi, gusto nalang niyang magpapadyak at umiyak. Ilang dolyar kaya ang halaga ng halamang nasira?
"You're probably the mother?"
Napatingin si Mihira sa taong nagsalita. She was astonished seeing a guy in his handsome corporate suit. Sobrang gwapo nito sa paningin niya at nanunuot sa ilong niya ang panlalaking pabango nito. His feature is hard and his body is well-built pero parang may kamukha ito na kakilala niya.
Tumikhim siya at umiling. "Uh... no,"
"A nanny?"
"Of course not! Do I look like a nanny?"
His brows rose so quickly and look in another direction. He sighed and called one of the staffs.
"Good morning, sir." Ani ng lalaking staff.
"Take this out and put a new one here,"
Medyo nagulat pa ang staff nang makita ang dahon na nagkalat sa sahig.
"Alright sir,"
"And clean this clutter."
"Yes, sir."
Lalakad na sana si Vaughn nang pigilan ito ni Mihira.
"Excuse," aniya. "You're probably the boss, the manager or I don't know. I just want to say sorry for what the baby had done. It was all my fault. She's young, she don't know what she's doing. I'll take full responsibility of this. How much will I need to pay for the damage, sir?" Magalang na sabi niya. This is all her fault hindi niya nabantayan ng maayos ang bata.
Tinignan siya ng lalaki. "Look over the child before she messed out another one here."
Mabilis na hinanap ng mga mata ni Mihira ang bata at nanlaki ang mata nang makitang pupukpukin na sana nito ang glass table gamit ang feeding bottle nito.
"Amarah, no!"
-----
HUMINGA ng malalim si Illyza nang tumunog ang elevator hudyat na nakarating na siya sa unang palapag. Dali-dali siyang lumabas ng elevator at lumiko ngunit agad ding naestatwa nang makakita ng hindi inaasahan.
Isang lalaki, kakalabas lang nito ng elevator. Akala niya hindi na niya ito makikita pang muli pero heto ito ngayon nakatayo ilang hakbang ang layo sa kanya.
"Vaughn?"
To be continued...
✴ever_minah✴