Giann's Point of view
Fvckk this, do we really need to have a date on that party? Urghh!! Hindi nalang ata ako pupunta.
After a long period of time thinking that "Christmas Carnival" thing eh pabagsak balikat nalang akong sumuko kakaisip kung tutuloy bako o hindi.
Hindi ko alam kung bat ako napadpad ulit dito sa cafeteria infact kakaalis lang namin nila Terence kanina, hindi ko alam kung pano ako nahiwalay sakanila and here I am still looking at the piece of cake that I ordered.
'sino naman kayang matinong lalaking mag-aayang I date ako' tskk isang kahibangan, magkukulong nalang ako sa kwarto ko magdamag.
"Uyy bansot!" nagulantang nalang ako sa pagiisip ko dahil sa pagsulpot ng kung sino at kung minamalas ka nga naman oo.
"what are you doing here, naghahanap ng lalaki?" segunda mano pa nito kaya napayuko lang ako't hindi ito kinibo.
"hahaha just kidding, by the way you're the only one here? nasan sila Terence?" kahit kinakabahan ako I manage to lift up my head and look at him pero agad din akong nagbawi ng tingin as he is also looking at me.
"k-kakaalis lang nila kanina" I uttered before i look down to ease this fvkin thing inside me na kanina pa nagrarambulan, okay naman ako kanina ah.
"Ohh I see, would you mind if I sit here?"
"S-sige lang, p-paalis din naman nako eh" I was about to stand up and leave him here pero binawi nya yung dinampot kong plate at binalik sa lamesa.
"Stay still I just wanna asked you something" sa pagtingin ko sakanya ay sya ding pabaling ko palayo ng tingin dahil nakatitig pala ito sakin, fvck this thing inside me bakit ba ganito tong lamang loob ko pag malapit ang lalaking to.
"A-ano yun?" hindi nako bumalik sa pagkakaupo at nanatili nalang nakatayo, gusto ko na talagang umalis dito, feeling ko kasi lahat ng galaw ko pupunahin nya at gagawin na naman nya akong katawa-tawa.
"Umm I just thought that since wala namang sigurong matinong lalaking mag-a-aya sayo sa party, ako nalang siguro ang magyaya sayo kawawa ka kasi eh hahahaha oh wala ka ng lugi sakin"
...wala namang sigurong matinong lalaking mag-a-aya sayo sa party.
...wala namang sigurong matinong lalaking mag-a-aya sayo sa party
Palihim nalang akong napakuyom ng kamao kasabay ng pagyuko ko dahil sa pagbabadya ng luha sa mata ko, ganun ba talaga kababa ang tingin nya sakin para kaawan?
Now I have my reason para hindi na nga pumunta sa letchugas na party na yan...am I really that too ugly to asked for a date?
Pilit kong pinipigilan ang pamumuo ng mga butil ng luha sa mata ko at hilaw na ngiting tumitig sakanya.
"A-ah...m-may nag aya na kasi sakin, t-tama...m-may partner nako...oo-tama" para akong matutumba sa panghihina ng mga tuhod ko, ganito pala ang pakiramdam ng kaawaan ka ng taong gusto mo.
".. and who?" pagtaas na kilay na tanong nya kaya mas lalo lang akong kinabahan at sinimulang luminga-linga sa bawat sulok nitong cafeteria, sakto naman ng pagdaan ni Alvarez sa table namin.
(Remember the guy sa team ni Shin yung muntik ng ma-eliminate dahil kay Terence)
Bahala na...hinila ko papalapit samin ang walang kamuwang-muwang na si Alvarez na nabigla sa ginawa ko, mamaya nalang ako mag so-sorry.
"S-sya yung n-nag-aya sakin" walang kaide-ideyang napatingin sakin si Alvarez kaya tumingin lang ako sakanya ng 'im sorry look'
"good for you then, may naawa sayo tsk" prente itong tumayo sa pagkakaupo nya kasabay ng pag tigil nito sa gilid ko.
"i didn't know basketball players pala ang puntirya mo...pftt" ilang segundo pakong nanatiling nabato sa kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan akong napaluhod sa panghihina ng tuhod ko, good thing is that na supportahan ako ni Alvarez sa pagkakabagsak ko.
"Ayus kalang?" tuluyang kumawala ang mga nagbabadyang luha sa mata ko kasabay ng mga habol hiningang pag hawak ko sa dibdib ko.
"S-salamat and I'm sorry sa panghihila ko sayo, it's just I don't have a choice nadamay pa kita, I'm really sorry" hingi ko ng paumanhin at hindi ko namalayan ang pagsuporta nito sakin paupo sa may isang bleachers.
"Hindi ayus lang, bakit binubully kaba nun nung maangas na lalaki kanina?" natawa nalang ako sa paraan ng pagdidescribe nya and at the same time tuwa dahil first time ko palang sya na-encounter at ako pa yung nakaabala pero ang bait nya.
"Hindi naman, sinabi nya lang na wala daw magdadate sakin sa party which is totoo naman and dahil sa ayaw kong mapahiya sa hambog na yun sabi ko meron at yun na nga ikaw nahila ko, and I'm really sorry for that I really do by the way I'm Giann" pag-abot ko sakanya ng kamay ko senyales ng pakikipagkilala ko na nakuha naman nya at pag-abot din ng kamay nya.
"Tristan"
_ _ _ * * * _ _ _
Alvin's Point of view
"Are you sure you don't wanna come with us? sabay na tayo kay bombay?" pang pitong tanong na sakin ni Terence yan at pang pitong tanggi ko na rin.
Isang oras na nya kong kinukulit na sumabay na sakanila pauwi pero isang oras din akong paulit-ulit na tumatanggi dahil sobrang layo talaga ng tinutuluyan ko ayoko naman ng maka-abala pa sa oras nilang dalawa, kaya ayun bagsak balikat lang na hila-hila ni Shin si Terence habang mangiyak-ngiyak syang kumakaway at nagpapa-alam sakin...ang cute nila tignan hahaha.
Nagpakawala nalang ako ng malalim na buntong hininga at nagpatuloy sa paglalakad ko palabas ng campus at habang naglalakbay ang utak ko sa kawalan sumagi sa isip ko yung magaganap na Christmas Carnival sa makalawa.
Wala naman akong hilig sa mga ganyan at kung saka-sakaling ma-engganyo ako eh wala din naman akong pangregalo at pang renta ng damit na gagamit sayang lang magagastos ko kung sakali, magbabasa nalang akong libro sa bahay.
*Beeepp...
"Ayy Kabayo!!" Muntik nakong atakihin sa puso dahil sa busina ng sasakyan sa likod ko at halos kumawala ang kaluluwa ko sa paghahabol ko ng hininga dahil sa gulat.
"I'm sorry are you okay? hahahaha" nabalik ako sa wisyo dahil sa pagtigil nung sasakyan sa tapat ko kasabay ng pagbaba ng bintana nito at pagsilip ng naka-shades na nagma-maniobra ng sasakyan.
"I'm glad im just on time, hop in" nagulat naman ako sa pagtanggal nito ng suot nyang shades and it was Lander na halos mapunit ang labi sa laki ng ngiti nya.
"H-hindi na s-sasakay nalang akong jeep" hilaw na ngiti kong sagot sakanya habang dina-digest ko parin yung gulat factor ko kanina.
"Hop in ano kaba, I also have something important to tell you tara na" wala nakong nagawa pa dahil sinusundan nya talaga yung lakad ko sa pagmamaneho nya, sana pala sumabay nalang ako kila Terence kanina at least medyo panatag ako at hindi masyadong mahihiya dahil kaibigan ko naman si Terence.
Mamaya may makakita pa samin na isang tinitingalang Lander Chavez kasama ng isang pipitchuging scholar eh baka ma issue pa sya, kilala pa naman ang pangalan ng pamilya nya.
"How's your day?" tanong nito pagkapasok na pagkapasok ko palang sa kotse nito na akala moy matagal na kaming magkakilala.
"A-ayus lang naman...ano pala yung sasabihin mo Lander? saka sa may paradahan ng jeep mo nalang ako ibaba para hindi nako maka-abala sayo sa pag uwi mo" hindi ko na alam kung san pako kakapa ng sasabihin ko dahil pangalawang beses ko ng nasakay sa kotse nito at nahihiya parin ako baka kung anong katangahang masagi o madumihan ko dito sobrang linis pa naman at halatang mamahalin.
"Y'all having a Christmas Carnival Party this coming week, I guess pupunta ka?" binalingan ko sya ng may pagtatakang tingin dahil papanong nalaman agad nitong may Christmas Carnival sa school gayong kaka-announce lang nila kanina.
"What's with that look? hahaha if you gonna ask how did I know....here" nabigla naman ako sa pag about sakin nito ng isang black envelope na may logo ng S.U sa gitna na mukhang invitation card.
"and if you gonna ask where did a get this...I'm a Chavez I have my connection so I'm invited, so would you mind if you answer my question?" napipi nalang ako sa pagkakaupo ko dahil detalyado na ang paliwanag nito...edi sya na.
"A-ah hindi nako pupunta, wala din naman kasi akong pera pang renta ng damit saka hindi ko hilig ang ganyang party" ako na ang bumitaw ng tingin dahil halos hindi na kumurap ang mata nyang nakatingin din sakin, nakakailang.
"This is useless then" nagulat nalang ako sa biglaang pagtapon nito ng envelope sa bintanang dinudungawan ko kaya na alarma ako't dumungaw sa pinagtapunan nito.
"Itigil mo Lander yung invitation!" hindi ko alam ng dahil sa adrenaline ko mahina kong pinagpapalo ng braso nito para patigilin sya sa pagmamaneho napatingin naman sya sa gawi ng braso nyang pinapalo ko kaya natauhan ako.
"P-pasensya na y-yung invitation kasi" nahihiyang pagbawi ko ng kamay ko at napayukong bumalik sa pagkakaupo ko.
"Hindi ka naman pupunta so what's the use of it?" tuluyang pinatigil nito ng sasakyan nya sa gilid kaya muli lang akong dumungaw sa bintana at nakitang medyo may kalayuan na yung invitation mula sa kinaroroonan namin.
Agad naman akong lumabas at tinakbo yung invitation buti nalang hindi nilipad sa malayo kung hindi konsensya ko pang hindi sya maka-attend ng Christmas Carnival sa S.U.
Pinagpagan ko ang kaunting duming dumikit dito saka napagpasyahang bumalik sa kotse ni Lander pero hindi ko inaasahan ay ang pag sunod pala nya sakin dito.
"H-hindi naman nasira" pag-abot ko sakanya nung invitation pero ilang minuto pang nasa ere ang kamay ko pero hindi man lang nya inaabot kaya napatingala ako sakanya.
"Pupunta lang ako pag pupunta" seryosong saad nito at nakakatakot pala sya pag direstong tagalog sya magsalita.
"Wala din kasi akong pang renta ng damit, sakto lang yung allowance ko at wala pakong napapasukang trabaho, kaya hindi talaga ako makakapunta" mahabang paliwanag ko saka ako na mismo ang nagabot ng invitation sa kamay nito.
"Leave it to me, I can buy everything for you" nabigla naman ako sa tinuran nito kaya pailing-iling akong tiningala sya.
"H-hindi naman kailangan eh, s-saka wala akong pambayad" napahawak nalang ako sa braso ko dahil nanliliit na talaga ko sa sarili ko
"Hey, wala naman akong sinabing babayadan mo, I just want your presence at the party and the rest of everything is up to me. I only need you there nothing else I don't care about the money, just you Alvin" nakailang lunok ako ng nanunuyut kong laway kasabay ng confusion na naka-imprinta sa buong sistema ko dahil sa tinuran nito.
"Okay sige... pupunta ako pero ako na ang bahala sa sarili ko para matapos na to" I said in defeated dahil alam kong makikipagmatigasan pato at walang patutunguhan kong makikipagtalo pako...bahala na
Ang problema ko naman ngayon ay sino ang partner ko? Eh wala naman akong kakilala sa buong S.U tanging sila Terence lang.
"One more thing... can I be your date?"
_ _ _ * * * _ _ _
Terence's Point of view
"sana sinabi mong dito tayo pupunta para napilit ko si Alvin...eto kahit kailan talaga" pagrarant ko sa nakadekquatrong si Shin na prenteng naka sandal sa sofa malapit sakin.
"if I tell you hindi ka naman sasama tsk" aba angas ah? bangasan ko kaya mukha nito.
"HEH Bombay!!" yawa checkmate ako dun ah, nahuli ko namang palihim na natawa ang gago kaya kinurot mo sya sa binti dahilan ng pag-aray nya, syempre balat yung pinuruhan ko para damang-dama hanggang bituka.
"SHH*TT sadista ka talaga" sapo-sapo nito ang binti nya kaya ako naman ngayon ang tumatawa dahil ang sama ng tingin nya sakin, aba wag mokong matitigan ng ganyan baka tuhugin ko yang mata mo.
"Abnoy talaga" pabulong pa nya kahit rinig ko naman kaya pinaningkitan ko sya ng mata.
"Ano-"
"Mr. Kennt!" naputol ang sanay sasabihin ko dahil sa pagpasok ng isang postured, blonde at balingkinitang babaeng sa palagay koy nasa mid 30's pero hindi halata sa pustura at pananamit nya.
"Miss A" pagtayo ng bombay sa pagkakaupo nya at nakapamulsang tinungo yung tinawag nyang Miss A, so ano ako dito etchapuwera na?
"What a sudden visit- OH MY GOSHH" nabaling ang tingin nito sakin at halos humiwalay ang puti at itim sa mata nya ng madako ang atensyon nya sakin.
"TERENCE SYNDER?!" halos patiling banggit nito sa pangalan ko kaya nakaramdam nako ng hiya at hilaw na ngumiti sakanya, sino bato at kilala nya ko?
"I'm such a big fan of yours!" pakamot batok nalang akong kumakapa ng bibitawan kong salita pero ni Hi ni Ho wala akong nasabi.
"Miss A" pareho nalang kaming nagulat dahil sa diin ng boses ng nasa harap namin kaya napabitaw ng yakap si Miss A sakin at inayos ang pustura nito.
"I'm sorry Mr. Kennt, any way what brought you here?" panaka-naka ang pagtitig nito sakin kaya hindi ko mapigilang mailang dahil parang away nyang alisin ang pagkakatitig nya sakin.
"We need a costume for our upcoming party and I need the BEST and NEW one cancel all your schedules for the whole week because I need you to focus on our costume and one more thing-"
"Huyy bombay ano kaba bat kailangan pa I cancel lahat ng schedule nila eh pwede naman na tayong mamili dito oh andami-dami" pagtukoy ko sa kasulok-sulukan nitong boutique na may mga naka display na mga eleganteng gown designs.
"It's okay Mr. Synder, I'm his exclusive fashion designer so no worries I'll work with your costumes" bagsak ang panga kong nakatitig sakanilang dalawa lalong lalo na kay bombay na halatang nang-aasar sa paraan ng ngiti nya, seryoso?! may exclusive fashion designer tong bombay nato?!
Kaya pala hindi sunod sa uso ang bombay nato dahil may sarili syang designer and all of his attires was a trend maker...shuta maka-hire nga din fashion designer.
To be continue....
A/N: finally for almost a year naka update din, I know you already forgot what's happened to the previous chapters so I advise to re-read it hahaha anyways here it is, I'll try to finish the remaining 10 chapters before our school classes begin, nakapag sulat lang naman ako ngayon it is because of our semester break so wish me luck so I can finish this before our official class starts...lovelots
by: lalalans_m