04-20
Geo Lacsamana
6:34 P.M.
Lilo:
Geo
Geo:
Bakit?
Lilo:
Busy ka ba?
Geo:
Hindi naman
Bakit?
Ang seryoso mo naman
Lilo:
Nahihiya kasi ako
Geo:
Hahahaha bakit naman?
Lilo:
Pwede ka bang pumunta dito?
Kung okay lang sana
Geo:
Sa bahay niyo?
Lilo:
Oo
Geo:
Okay lang naman
Ano ba meron?
Lilo:
Talaga???
Okay lang???
Geo:
Oo nga hahahaha
Wala naman ako ginagawa
Lilo:
Thank you
Ngayon na sana
Geo:
May problema ba?
Lilo:
Wala pero kasi pinaglilihan ka ni Mama
Gusto ka niyang nakikita
Geo:
Ahh buntis pala mama mo
Congrats!!!
Lilo:
Oo
Naeexcite na nga ako eh
Kala ko di na ako magkakaroon ng kapatid eh
Geo:
Ano gusto mo girl o boy?
Lilo:
Twins na girl and boy
Geo:
Ay wow
Lilo:
Cute kasi eh hahaha
Pero kahit ano naman
Gusto ko lang ng kapatid
Tsaka dapat healthy
Geo:
Oo yun naman nga importante eh
Alis na ako dito li
Lilo:
Ingaaaat gregory IV
Thank you
Sorry sa abala
Geo:
Hahahaha wala yon ano ka ba