抖阴社区

More Than Before

By AtashiaBliss

5K 225 0

Two broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrive... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 32

111 4 0
By AtashiaBliss

Jerick Francis'

"Hoy! Gago ka, nasaan ka ba? Hinahanap ka sa'kin ni Kay kagabi pa! Pati si Dawnita, inaaway na rin ako e! Ano bang nangyayari sayo?!" Napabuntong hininga na lang ako habang pinakikinggan ang mga litanya ni Lynard mula sa kabilang linya. "Tarantado ka, umuwi ka nga sa inyo at iyak na daw nang iyak ang anak mo!"

"I'm busy" simpleng sagot ko sabay tungga ng alak na nasa harapan ko na surprisingly ay hindi ko na nalalasahan ang pait at hindi ko na nararamdaman ang init na humahagod sa lalamunan ko sa tuwing umiinom ako. Dahil siguro sanay na. Halos ilang buwan na rin kasing alak tanging kasangga ko simula nung mahulog ako sa board exam.

Tangina! Ginawa ko yung lahat. Ultimo yung mga pamahiin, sinunod ko para pumasa lang pero wala pa rin.

Siguro kaya iniwan ako ng parents ko. I am a failure. Wala akong kwenta.

"Huwag mo nang hintayin akong makauwi diyan, Salvacion! -- dahil sinasabi ko sayo, pag hindi ka umayos, kakaladkarin talaga kita pauwi sa inyo" ramdam ko na yung inis sa tinig ni Lynard kaya mas minabuti ko na lang ang manahimik. Siguro, blessing in disguise din na nagkalagnat si Andrea sa Manila kaya to the rescue doon ang kaibigan ko dahil kung nagkataong nandito ang gago, sigurado akong mata ko lang ang walang latay.

Lynard might be playful, bubbly and childish sometimes but he is somehow deadly so don't you dare messed up with him -- he's someone that can destroy you in a snap. Hindi siya mananakit nang malala physically pero pag nagsalita siya, parang mas gugustuhin mo na lang ang maglaho.

"I am serious, Salvacion. Go home and fix yourself! May anak kang kailangang buhayin! Aba kung gusto mo, kunin ko na si Kendrix at aampunin tapos bahala ka na sa buhay mo!"

Tumaas ang sulok ng labi ko at saka tumayo na ng stool. Narito kasi ako ngayon sa isang bar para maglibang. Ayokong magmukmok sa bahay. Saka isa pa, nahihiya ako kay Kays at sa anak ko. Ayokong makakita ng awa sa mga mata nila dahil sa pagkabigo ko. "Gumawa ka ng sayo. Wag yung anak ko ang pag-interesan ko"

"Then act like a responsible father! Bro, isang beses ka lang nahulog sa board tapos nagpakagago ka na? Gusto mo bang ipaalala ko pa sa'yo yung mga pinagdaanan mo noon bago ka pa makagraduate ng college? Hanga ako sayo noon kasi ang dedicated mo! Pero ngayon, gusto na kitang lunurin! Umayos ka nga! Next week, sasamahan kitang magfile ulit at sasamahan pa kitang mag-exam. Wag mong isipin yung pagbagsak mo dahil hindi naman yan magrereflect sa lisensya mo! Wag mo ding isipin na napag-iiwanan ka. Hello, kami nga ni Miguel nag-aaral pa rin e! Ang isipin mo lang ngayon ay yung mag-ina mong naghihintay sayo sa bahay! Sa kanila ka kumuha ng lakas para bumangon ulit! Nakapagluksa ka na, nakaiyak, nakainom, tama na yun! Tanggapin mo na lang ang katotohanan tapos move on na!" Mahabang sabi niya at kasunod noon at sunod-sunod na mga hingang malalim. Parang hiningal ang gago.

"Fine. Bye" bago pa niya ako muling mabungangaan ay binaba ko na ang tawag at ibinulsa ang phone. Isinuot ko ang jacket ko at nagbayad bago ako naghandang umalis.

"Salvacion?" Napakunot ang noo ko nang may tumawag sa'kin mula sa likod. Paglingon ko ay nakita ko yung prof namin nung college kaya nakaramdam ako ng hiya. Siguradong itatanong niya kung kamusta ang board exam ko at hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya.

"Sir. Magandang Gabi po" magalang at formal na bati ko.

"Magandang Gabi. Kamusta ang anak mo?" Napakamot na lang ako sa ulo ko. Kilala niya si Kendrix dahil one time na dinala ko ang anak ko sa school ay nagkaroon kami ng biglaang quiz kaya siya ang nagbantay sa bata.

"Ayos naman po, Sir" tumango-tango siya at inakbayan ako. Nagpahila na lang ako sa kanya nang dahil niya ako sa isang table at pinaupo.

Akala ko ay magkakamustahan kami ni Sir pero doon ko nalaman na may tinitiktikan pala siya sa loob ng bar na iyon. Isang sindikato na nagbebenta ng mga high-end drugs at dekalibreng mga illegal na baril. Ikinwento niya sa'kin ang ginagawa niya at somehow ay nakaramdam ako ng excitement. Ganitong-ganito ang gusto kong gawin. Ang mag-imbestiga .. kaya nang tanungin niya ako kung gusto ko bang maging isang volunteer agent ay hindi na ako nagdalawang isip na pumayag.

Walang operation na nangyari dahil sabi ni Sir ay naroon lang daw siya para mangalap ng impormasyon. Pagkauwi ko sa bahay ay kaagad na bumungad sa akin si Kays na busy sa harap ng laptop niya. Isa pa yun ang ikinaliliit ko sa sarili ko. Yung sa halip na ako ang bumubuhay at nagtatrabaho para sa kanilang mag-ina ay siya na ngayon ang gumagawa ng mga bagay na dapat ay ako.

Sabi ko noon, pag nakapasa ako at makapagtrabaho, hinding-hindi ko pagtatrabahuhin si Kays. Dito na lang siya sa bahay at alagaan ang anak namin. Ang hirap kasing lumalaki yung bata ng walang gumagabay. Paano naman namin gagawin yun kung pareho kaming busy? Pero ibang maglaro ang tadhana. She aced their board exam and got an opportunity to teach in one of the most prestigious universities here in town. Ngayon ay siya na ang nag-aakyat ng pera sa bahay na ito. Lalo tuloy akong naging walang kwenta.

Para akong sinampal ng sampung beses nang makita ko ang luha sa mga mata ni Kays. Tama siya. Hindi lang ako ang nahihirapan. Hindi lang ako ang nasasaktan sa nangyaring pagkabigo ko.

Hindi ako makatabi kay Kays at Kendrix nang gabing yun. Hiyang-hiya ako sa mga pinaggagawa ko. Wala na nga akong kwentang tao, wala pa akong kwentang ama at kapareha.

Kinabukasan, maaga akong naligo at naghanda ng pagkain para sa mag-ina ko. Kailangan kong bumawi sa kanila.

"Daddy! You're here!" Malakas na sigaw ni Kendrix nang nakita ako. Ang mga mata niyang ilang araw kong nakikitang walang buhay ay nagniningning ngayon sa kasiyahan. Gusto kong suntukin ang sarili ko. Ano bang ginawa ko? Bakit nagawa kong saktan ang pinakamamahal kong anak?

Kaagad na binuhat ko si Kendrix at pinaghahalikan sa pisngi. "I love you, mahal"

"I love you too, Daddy. Wag ka na alis ha" nakangusong sabi niya sabay siksik sa leeg ko. Saktong lumabas naman si Kays sa kwarto at nung nagtama ang mga mata namin ay kagaya rin ng kay Kendrix ang nabasa ko sa mga mata niya.

"Welcome home, Daddy" masuyong sabi niya habang may ngiti sa labi.

I'm definitely home.

--

Napakunot ang noo ko nang mahitsurahan ko ang lalaking kausap ni Kays habang narito kami ni Kendrix sa labas ng gate ng university nila. Ito yung gagong may gusto sa asawa ko nung high school kami e. Sarap tusukin ng mata dahil iba kung makatingin sa asawa ko!

Nakaramdam ako ng selos pero nang talikuran siya ni Kays para lumapit sa aming mag-ama ay kaagad din akong napangisi. Sisiguraduhin kong hinding-hindi makakaporma ang gagong yun sa asawa ko!

Lihim na napailing ako. Asawa? Ni hindi ko man lang siya mabilhan ng singsing. Hindi ko man lang siya kayang dalhin sa mamahaling restaurant. Hindi ko man lang siya mabilhan ng mamahaling regalo dahil wala akong pera. Ultimo pangkain nga namin siya pa ang nagpoprovide.

Hindi pa kasi ako kinokontak ulit nung dati kong prof. Ilang buwan na rin kasi ang lumipas. Baka nalimutan na ako ni Sir.

I tried looking for a job pero walang tumatawag. Sala sa over qualified, under qualified naman. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

--

Napatitig ako sa pintong nilabasan ng mag-ina ko. Gaya ng palaging nangyayari sa tuwing nag-aaway kami ni Kays ay nilayasan na naman nila ako.

Ang tanga ko! Bakit ko nga naman nakalimutang magbayad ng bills?

Pero hindi iyon ang masakit. Mas masakit na marinig mula sa bibig Kays na pagod na siya sa akin. Siguro ganun talaga. Kaya palagi akong iniiwan dahil nakakapagod akong pakisamahan.

Kinabukasan, balak ko sanang sunduin na ang mag-ina ko sa bahay nina Tito Ignacio nang makatanggap ako ng tawag mula sa dati kong professor.

Doon nagsimula ang mga raket ko bilang isang volunteer agent. Noong una, sinasamahan ako ni Sir Carlos pero nung naglaon ay nakakaya ko nang mag-isa. madali lang naman. Kukuha lang ako ng ebidensya, magmamanman nang kaunti tapos ang pulisya na ang bahala. That work excites me and I find it fulfilling. Yun nga lang, hindi ko masundo ang mag-ina ko at maiuwi sa apartment. Natatakot kasi ako para sa siguridad nila. Baka madamay pa sila. Mas safe sila doon kina Tito Ignacio.

"Wanna go somewhere else, darling?" Napapikit ako nang bumulog sa tenga ko si Charrie kasabay nang paghagod niya sa dibdib ko. She's ten years older than me pero hindi halata sa hitsura niya. Siya yung pinababantayan sa akin ni Sir Carlos dahil siya ang isa sa mga utak ng sindikatong kumikidnap ng mga sanggol at ibinebenta sa mga foreigner na hindi magkaanak.

Pilit na nginitian ko siya at pasimpleng lumayo ako sabay inom ng alak na hawak ko. "I'm sorry. I'm not in the mood"

"Psh. Palagi naman" inis na sabi niya pero hindi pa rin siya umalis sa tabi ko. Napailing na lang ako. I've been investigating her for two weeks pero masyado siyang maingat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam yung location ng pinagdadalhan nila sa mga sanggol na nakikidnap nila. Naiinip na ko. Miss na miss ko na ang mag-ina ko.

"Who's that kid?" Napalingon ako kay Charrie nang magtanong siya. Mukhang nakita niya ang picture ni Kendrix sa lockscreen ng phone ko. Kaagad kong ibinulsa at ang phone at kiming nginitian siya.

"My son"

"Oh? Really? Ang bata mo palang nagkaanak" di makapaniwalang sabi niya kaya napailing na lang ako. Sanay na ako sa ganun saka totoo naman. Bata naman talaga akong magkaanak.

I grinned at her. "Yep. I had him when I was in high school"

"Where is he?"

"Nasa Nanay niya. We're not in good terms" hindi makatinging sabi ko.

Ngumisi siya at hinaplos ang pisngi ko. "That's good. Anyway, want to have another one?"

Bigla akong kinilabutan kasabay ng kaba dahil pakialam ko ay naririnig ko na ang pagbubunganga ni Kays. Pati pagkurap ay iniiwasan ko dahil kini-kinita ko na rin ang matalim na mga mata ng asawa ko sa tuwing pumipikit ako. 

"Nah. Mahirap ang buhay"

Natawa siya at mas lumapit pa sa akin. Gustuhin ko man siyang itulak ay hindi ko magawa. Baka lumayo siya at masira pa ang plano. Buti nga, nakuha ko ang loob niya. Sabi kasi ni Sir ay pili lang daw ang kinakausap nitong tao dahil wala mahirap itong magtiwala.

"Kaya kong baguhin ang buhay mo. All you have to do is to help me with my business"

Kaagad na nabuhay ang dugo ko nang marinig ko yun. "What kind of business is that?"

Ngumisi siya at saka mas sumiksik sakin. Habang nagkukwento siya ay tahimik na nakikinig lang ako. Nang makuha ko na ang mga impormasyong kailangan ko ay kaagad din akong nagpaalam sa kanya. Dumeretso ako sa apartment at tumawag kay Sir Carlos para magbalita. That night, bumuo sila ng plano at bukas na bukas rin ay huhulihin na ang sindikato nina Charrie.

Sa wakas, matatapos na rin. Makakasama ko na ulit ang mag-ina ko.

Kinabukasan, gaya ng plano ay nakipagkita ulit ako kay Charrie sa bar. Akala ko okay na. Hinihintay ko na lang ang tawag ni Sir Carlos dahil kasalukuyan na silang bumabyahe papunta sa hide out nina Charrie pero out of nowhere ay biglang sumulpot si Kays.

Gustong-gusto ko siyang habulin para magpaliwanag pero parang natulos na ako sa kinatatayuan ko.

"I've had enough, Jerick. Let's stop this. Let's break up" parang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko ang boses niya.

"Babe?" Tawag sakin ni Charrie pero mabilis akong lumayo. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Wala na akong ibang naririnig sa paligid kahit na noong nagsisimula nang magbarilan sa paligid dahil dumating na pa ang ibang team ni Sir Carlos at hinuhuli ang ibang mga kasapi ng sindikato na kasalukuyang naririto rin sa bar.

Matapos kong tumestigo laban sa grupo nina Charrie ay dumeretso ako kina Ly. Nasa gate pa lamang ako ay nanghina na kaagad ang tuhod ko kaya napaluhod na lang ako. Tinulungan na lang ako ng mga guards na makapasok sa mismong bahay.

"Pare, anong gagawin ko? Tangina! Nasaktan ko si Kays" wala akong pakialam kung pagtawanan ako ni Ly dahil sa pag-iyak ko sa harapan niya. Kailangan ko ng kausap ngayon. Hindi pwedeng magmukmok akong mag-isa sa bahay dahil baka lalong malaking kasalanan ang magawa ko.

"Tanga ka e. Bakit kasi hindi ka nag-explain?" Naiiling na tanong niya sabay abot sa akin ng isang baso ng tubig.

"E ayaw nga niyang makinig. Saka ang epal pa ng Gavin na yun. Uupakan ko talaga ang putanginang iyon pag nakita ko"

Natawa at napailing si Ly. "Ewan ko sa'yo. Parang natanda kang paurong. Hindi naman kayo ganyan dati ah? Ano bang nangyari sa inyo? Kung gusto mong bumawi sa mag-ina mo, ayusin mo muna ang buhay mo. Tigilan mo na ang kakainom dahil hindi kita bibigyan ng discount sa ospital pag nagkasakit ka sa atay" pang-aasar pa niya kaya inirapan ko siya. Kakatapos lang naman niya akong bugbugin dahil ikinwento ko sa kanya ang kagaguhan ko.

Gaya ng sabi ni Lynard ay inayos ko muna ang buhay ko. Hindi ko muna kinulit si Kays para na rin bigyan siya ng space. Once again, I filed an application for my licensure examination. Pinangako ko sa sarili kong last na exam ko na yun.

Nagfocus ulit ako sa pagrereview kasabay ng paminsan-minsang pagtanggap pa rin ng raket kay Sir Carlos para makaipon.

"Good luck, pare! Pag nagtop notcher ka, sagot ko ang lambanog!" Nakangising sabi ni Hans kaya napailing na lang ako. Narito na ako sa tapat ng school na pag-eexaman ko at biglang tumawag ang mga siraulo. Ayos na din. Pantanggal kaba.

"Suot mo ba yung padala kong brief na red?" Tatawa-tawang tanong ni Miguel kaya sinamaan ko siya ng tingin. Buti na lang at may suot akong earphones. Nakakahiya ang pucha! "What? Effective yun, tanga! Ganun din ang regalo ko kay Honesto nung LET! Ta'mo pasa agad"

"Tumahimik nga kayong dalawang panget! Hayaan ninyong magfocus si Salvacion. Sige na, pare. Good luck!" Saway sa kanila ni Lynard na mukhang wala sa mood dahil matapos sabihin yun ay biglang nawala sa screen.

"Anyare dun?" Takang tanong ni Hans kaya natawa si Miguel.

"Nasa Cebu si Andeng. One week na atang nandoon" 

Sabay-sabay kaming natawa at napailing. "Ay kaya"

Nang buksan ang gate ng school ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko. Huminga ako nang malalim bago pumasok at hinanap ang assigned room ko.

Three days ang exam namin kaya tatlong araw din ako sa Lucena. Mas minabuti kong i-off ang phone ko para makapagfocus ako. Pagkatapos ng mga exams ko ay umuuwi kaagad ako sa hotel para magreview. So far naman ay magaan ang pakiramdam ko dahil sa mga naunang exam ko ay medyo confident ako.

Napangisi ako nang makalabas ng school. Last day na ng exam. Sa wakas ay natapos din.

Lord, bahala Ka na.

Kaagad kong hinagilap ang phone ko at in-on. Sunod-sunod kaagad ang dating ng mga messages mula sa mga loko kong kaibigan. Lahat ay nanghihingi ng update.

Napakunot ang noo ko nang makitang ang daming missed calls sa akin ni Kays. Bigla akong kinabahan. Baka kung ano nang nangyari sa kanila.

Mabilis akong naghanap ng tindahan para magpaload. Buti na lang talaga at nakahiram ako ng motor kay Ly kaya kahit papaano ay may service ako.

Matapos kong magload ay tumawag kaagad ako kay Kays and as usual ay nauwi na naman sa pagtatalo pero nang malaman ko ang nangyari sa anak ko ay napalitan ng pag-aalala ang lahat ng inis ko.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kaagad kong pinaharurot ang motor pauwi para mapuntahan ang anak ko. My poor baby.

Madilim na nang makarating ako sa ospital. Pagkapasok ko sa kwarto ni Kendrix ay kaagad na nag-init ang ulo ko nang makita kong magkausap si Gavin at Kays. Talagang ayaw tantanan ng gagong 'to ang asawa ko! At ang kapal pa ng mukha niyang hawakan ito. Tapos ito namang babaeng 'to, parang nabobola na. Tsk.

Hindi ko na sila pinansin. Mas kailangan ako ng anak ko kaya kaagad akong lumapit sa bata. Nadoble pa ang inis ko nang makita ko ang pasa niya sa may tuhod.

Naiinis ako kay Kays pero hindi ko kayang itanggi sa sarili ko na miss na miss ko na siya. Miss ko na siyang kayakap, miss ko na siyang mahalikan at miss ko na siyang makatabi. Pakiramdam ko naman ay pareho lang kami ng nararamdaman kahit pa sabihing kulang na lang ay isumpa namin ang isa't-isa.

"Bitaw nga kasi! Tsansing ka na naman. Break na nga tayo e" nakangusong sabi niya pero nakayakap naman sa bewang ko at nakaunan sa dibdib ko. Nangsisiksikan kami ngayon dito sa couch.

Lihim na napangiti ako at hinalikan siya sa tuktok ng ulo niya. Ang daming nagbago sa kanya. Noon ay napakahinhin at di makabasag pinggan. Hinding-hindi rin nagmumura o kahit sumigaw man lang. Pero ngayon, parang lalagnatin na siya pag hindi nakakapagligalig. Nakakatuwa minsan pero kadalasan ay nakakarindi na rin kaya ang ending, magtatalo na lang kaming dalawa.

She said na mas mabuti nang ganito na lang muna kami kaya nirespeto ko ang desisyon niya. Tama naman siya. We really need this space para mas makapag-isip-isip. Isa pa, nasasaktan na rin kasi si Kendrix sa mga away namin kaya mas mabuting di na rin muna kami magsama ni Kays.

"Ano kayo, teenager? Kung kailan malaki na ang anak ninyo saka pa kayo nag-inarte mg ganyan?" Natatawang tanong ni Tito Ignacio habang narito kami sa bar counter ng bahay nila. Kakatapos ko lang patulugin si Kendrix at nacorner na naman ako ni Tito para makipag-inuman sa kanya.

"Mas komportable naman po sila dito. Okay na siguro yung dumadalaw-dalaw na lang ako" sagot ko naman kaya natawa ulit siya.

"Bakit di ka pa dito tumira?"

"Alam niyo namang mainit pa rin ang dugo sa'kin ni Senyora. Buti nga nakakapasok pa ako dito at nakakadalaw sa anak ko"

"Mabait naman yung asawa ko. Sayo lang hindi dahil naaalala niyang sinira mo daw ang pangarap niya sa anak niya" pang-aasar pa niya na alam kong totoo naman.

Napabuntong hininga ako. "But she's successful now. Natupad niya ang pangarap niya. Na-delay man, pero naging matagumpay pa rin siya. Kahit kailan ay hindi ko nakitang naging sagabal si Kendrix dun" depensa ko.

Tinapik niya ang balikat ko. "Kaya nga tanggap ka na niya ngayon e. Malaki ang pasasalamat sayo nun dahil napagtapos mo si Kaycee"

"Tanggap? Di nga ako matingnan sa mata"

"Ugali na niya talaga yun. Mataray at hindi showy pero maniwala ka. Tanggap ka na ng biyanan mo" napailing na lang ako at hindi na nagkomento pa.

Hindi ko alam kung masasabi bang okay na kami ni Tito Ignacio dahil lagi pa rin niya akong binabatukan at sinisisi pero okay na din. Masaya akong may nakakausap ako paminsan-minsan na parang father figure sa akin.

"Dito ka na matulog. Masyado nang gabi. Ako na ang bahala sa biyanan mo" tinapik niya ang balikat ko at tumayo na. Naiwan naman ako doon sa bar counter at nagligpit bago ako umakyat sa guestroom na lagi kong ginagamit pag dito ako natutulog.

Pahiga na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Mula doon ay pumasok si Kays na tanging robe lamang ang suot. Nakahalukipkip siya at nakataas ang kilay kaya napakunot ang noo ko. "Ano na namang kasalanan ko?"

"Bakit dito ka matutulog?"

"Yun ang sabi ni Tito Ignacio e. Wag kang mag-alala. Bago ka pa magising bukas ay nakaalis na ako"

Nakatitig lang siya sa akin at pagkuwa'y ngumuso at tumalikod na. Bago pa siya tuluyang makalabas ng kwarto ay hinila ko na siya at marahang iginaya papalapit sa akin hanggang sa makayakap ko siya. Nanlaki ang mga mata niya pero nginisihan ko lang siya at hinaplos ang pisngi niya. "Why? Di ka makatulog?"

Wala sa sariling napatango siya kaya lalo akong napangisi. Binuhat ko siya kaya impit siyang napatili at nanlaki lalo ang mga mata sa gulat. Ihiniga ko siya sa kama at kinubabawan. "Ipaghehele ba din kita?"

Pinanlakihan niya ako ng mata ay pilit na itinutulak. "Pakawalan mo nga akong walanghiya ka! Babalik na ako sa kwarto! Baka magising si Kendrix!"

"Bat ga lagi ka na laang galit sa akin?"

"Kasi nakakainis ka palagi!" Nakangusong sabi niya habang hindi makatingin sa akin kaya sinapo ko ang mukha niya at mabilis na pinatakan ng halik ang nanunulis na nguso.

"I'm sorry na po. Bati na tayo?"

"Ayaw" mahinang sabi niya pero ipinalibot naman ang mga braso sa leeg ko. Unti-unti niyang hinapit ang ulo ko hanggang sa muling magtagpo ang mga labi namin.

Ahh, I missed this.

--

Napa-angat ang tingin ko nang biglang bumukas ang pinto ng apartment. Kakauwi ko lang mula sa isang misyon kaya pagod na pagod pa ako at gusto nang matulog.

"Love? What are you doing here? Where's Kendrix?" Takang tanong ko kay Kays na siyang pumasok sa apartment.

Hindi siya nagsalita at basta na lang lumapit sa akin at yumakap. "Congratulations, my love. You did it!"

Bago pa ako makapagtanong sa kung anong ibig niyang sabihin ay ihinarap niya na sa akin ang phone niya. Nagtatakang tiningnan ko naman iyon at ganun na lang ang kabang naramdaman ko nang ma-realized kong page pala ng PRC ang kasalukuyang nakaflash doon.

Gamit ang nanginginig na mga kamay ay nagscroll ako at awtomatikong nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo nang mabasa ko ang pangalan ko doon.

"Totoo ba 'to? P-pumasa ako?"

Sinapo ni Kays ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. "Yes, love. I'm so proud of you"

Hindi na ako sumagot. Basta ko na lang siyang binuhat at dinala sa kwarto. Hindi na pala ako pagod. Well, I deserved a reward after all.

Hinihingal na hinampas ako ni Kays sa balikat at pinanlakihan ng mata. "Naisahan mo na naman ako! Wala naman 'to sa plano e! Dapat iko-congratulate lang talaga kita ngayon e!"

Natatawang hinalikan ko muna siya sa labi bago ako umalis sa ibabaw niya at tumabi sa kanya. Hinapit ko siya hanggang sa makaunan siya sa dibdib ko. "Love, tatlo yun hindi lang isa" pang-aasar ko pa kaya lalo siyang nainis at hinampas ako sa dibdib.

"Lintik na 'to! Paalis pa ako bukas at may seminar ako sa Calatagan. Wala na nga akong pahinga, pinagod pa lalo!"

"What? Don't you miss me? Saka reward ko yun. Ni-claim ko lang" bahagyang umuklo ako para ako na ang sumiksik sa leeg niya. Ang bango palagi.

"Paladesisyon ka talaga!" Natatawang sabi niya habang hinahaplos-haplos ang buhok ko. "Sayo muna si Kendrix ng tatlong araw. Kailangan kong umattend ng 2 days seminar sa Calatagan"

"Okay. Uwi ka agad ha"

"Di pa nga nakakaalis, uuwi na agad. Bitaw nga muna, baka hinahanap na ako nung anak natin!" Dali-dali siyang tumayo kaya napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya. Gustuhin ko mang sumama sa kanya pauwi sa bahay nina Tito Ignacio ay hindi ko magawa dahil antok na antok ay pagod na pagod na ako. Ihinatid ko na lamang siya hanggang sa may sakayan ng jeep.

"Are you Jerick Francis Salvacion?" Tanong sa akin ng isang lalaking medyo may katandaan na. Pabalik na sana ako ng apartment para magpahinga matapos maihatid si Kays nang salubungin ako ng lalaki. Bahagyang tumango ako kaya nginitian niya ako at inilahad ang kamay sa harapan ko. "Attorney Asuncion. I am your grandfather's personal lawyer. Pwede ba kitang makausap?"

Nagtataka man ay mas pinili ko na ring sumama sa kanya at makipag-usap. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya tungkol sa mga ari-ariang iniwan daw sakin ng Lolo ko. Sobrang bata ko pa noong namatay si Lolo at hindi ko rin alam na ganito pala siya kayaman. Ito pala yung sinasabi ni Tito Ignacio noon na pamana daw sa'kin.

Matapos ibigay sa akin ni Atty. Asuncion ang lahat ng mga titulo at dokumento ay kaagad akong dumeretso kina Ly para magpatulong kung verified nga ang mga iyon at hindi ako niloloko lang ng abogado. Naghire si Tito Alonso ng abogado para tumulong sa akin kaya nalaman kong legit ang lahat. Totoo ngang sa akin nakapangalan ang lahat ng mga ari-arian ni Lolo at hindi biro ang halaga ng mga yun.

Noong mga oras na yun, si Kendrix at Kays lang ang nasa isip ko. Sa wakas ay mabibigyan ko ka rin sila ng magandang buhay.

Una kong ginawa ay ang pagtubos sa luma naming bahay. Thankfully ay aalis na rin sina Mr. Gomez dahil naisipan na nilang mag-migrate sa ibang bansa kaya mabilis ko ring nabawi ang bahay.

Balak ko siyang ipagawa at ipaayos ulit at gusto ko ay dito na rin kami titira ng pamilya ko. Sunod ay bumili ako ng singsing para kay Kays dahil gustong-gusto ko na siyang pakasalan at mabigyan ng kumpletong pamilya ang anak ko.

--

"Ano 'to?" Takang tanong sa akin ni Tito Ignacio nang iabot ko sa kanya ang isang envelope na naglalaman ng iba pang mga ari-arian ni Lolo. Alam kong ito ang dahilan ng galit niya sa akin at alam kong siya rin naman ang naghirap na magpalago nito noon. Saka kahit naman maghati kami ay hindi pa rin talaga mauubos ang tamang iniwan ni Lolo.

"Your share. Nakuha ko na ang pamana ni Lolo at alam kong ito ang dahilan ng galit mo sa'kin kaya ibinibigay ko na po sayo ang kalahati" napakamot ako sa ulo ko. "Albor muna po yung kalahati. May pinag-aaral po akong anak"

Nagtagal siyang nakatitig sa envelope at pagkuwa'y napakurap-kurap at hinarap ako. Napangiwi na lang ako nung binatukan niya ako. "Aanhin ko yan? Sayo na yan. Mas kailangan mo yan. Saka palagay mo sa'kin, poor?"

This time ay ako naman ang natigilan at pagkuwa'y napakunot ang noo. "Di'ba ito ang dahilan ng galit mo sa'kin dati? Kasi sabi mo inagaw ko sayo ang lahat ng pinaghirapan mo?"

Natawa siya at tumungga ng alak sa basong hawak. "Dati yun. Nakamove on na 'ko"

Napatitig ako sa kanya. "Sure ka bang hindi ikaw ang totoong Tatay ko?"

Nasamid siya at pagkuwa'y sinamaan ako ng tingin. "Imposible yan! Kahit kailan hindi ko pinakialaman ang Mommy mo noon!"

"Seriously? Why?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Anong why?" Inis na tanong niya pabalik.

"My mom is gorgeous. She's a beauty queen. Imposibleng di ka na-tempt sa kanya"

Napakamot siya sa ulo niya. "Yes she is. Pero malaki ang respeto ko sa kanya at pinangarap kong maiharap muna siya sa altar bago yung bagay na yun. Saka mga bata pa kami nun" bigla naman akong nailang at napaiwas ng tingin kaya natawa siya at muli akong binatukan. "See? Hindi ka nagmana sa'kin kaya hindi talaga kita anak"

Napabuntong hininga ako at saka tumungga ng alak.

"Bakit? Gusto mo akong maging Tatay?" Narinig kong natatawang tanong niya. "Aba kung ganun pala edi magkapatid na kayo ni Kaycee. Anak ko yun e"

Napasimangot ako. "No way!"

"Yun pala e. Edi wag mo nang pangaraping maging anak ko. Saka Diyos ko! Magkamukhang magkamukha kayo ng tatay mo tapos pagdududahan mo pa ako. Ang pangit niyo pareho!"

--

Naiiling na tiningnan ko si Kendrix habang narito kami ngayon sa guidance office ng school nila. Ako kasi ang nakatokang sumundo sa kanya ngayon pero nang makita ako ng adviser niya ay dito na ako pinaderetso dahil as usual ay nandito na naman ang anak ko. Ewan ko ba, favorite niya atang tambayan ang guidance office. Di ko rin alam kung saan siya nagmana dahil hindi naman ako ganun nung bata ako.

"Mr. Salvacion, isang chance na lang po ang kaya naming ibigay kay Kendrix. We are not tolerating any kind of bullying here in our school!" Formal na sabi ng guidance counselor kaya napahilot na lang ako sa sintido ko. Lagot na naman ako kay Kaycee nito.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay ni Kendrix matapos kong pumirma ng kasunduan. Ayoko sanang maniwala na nakapanuntok ang anak ko pero may bangas nga yung batang nakaaway niya. Iyak ito nang iyak kanina nung dumating ako. Buti na lang at mabait yung Mommy nung bata kaya naareglo nang maayos. Aminado din naman siyang makulit daw talaga ang anak niya.

"Daddy, are you mad?" Nakangusong tanong ni Kendrix nang makalabas kami ng office. Hindi na lang ako nagsalita dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Ayokong pinapagalitan ang anak ko pero di talaga ako natutuwa sa ginawa niya.

"I'm sorry, Daddy. Siya naman po kasi ang nauna e. Kinuha niya yung pencil ko na hindi nag-aask ng permission. I know my things because I always put yours and mommy's name on them" katwiran pa niya at talagang umiiyak na kaya napakamot na lang ako sa ulo ko. Huminto ako sa paglalakad at lumuhod sa harapan niya.

Ginulo ko ang buhok niya at pinisil ang pisngi niya. "I'm not happy with what you did, mahal. Di'ba lagi kong sinasabi sayo na bad ang manuntok at manakit ng ibang tao? Next time na ginawa mo yun, magagalit na talaga ako sayo"

"I'm sorry, Daddy" tuluyang yumakap siya sa akin kaya napailing na lang ako at binuhat siya.

Minsan talaga, napapaisip ako. Tama ba yung ginagawa kong pagpapalaki sa anak ko? Hindi ko naman kasi alam kung paano ang maging isang ama dahil wala naman akong role model habang lumalaki ako.

Pagkasakay namin ng sasakyan ni Kendrix ay tahimik lang siya. Sumisinghot-singhot pa rin at paminsan-minsa'y nagpapapahid ng luha. Napailing na lang ako habang nagmamaneho. Mukhang maamo at kaawa-awa, ibang klase namang mapikon dahil basta na lang nanununtok. Napipikon din naman ako sa kakulitan ni Ly noong kaedad namin si Kendrix pero hindi ko naman siya sinusuntok. Saan ba talaga nagmana 'tong anak kong 'to?

Hanggang sa makarating kami sa pinagtatrabahuhan ni Kays ay tahimik lang ang bata at nakanguso kaya natatawang binuhat ko siya at binilhan ng ice cream. "Stop crying, mahal. Magagalit na naman sa'kin ang mommy mo niyan e"

"You're mad at me" nakangusong sabi niya habang ang pisngi at labi ay may amos ng ice cream. Ang galing ko talagang gumawa dahil ang cute ng anak ko. Pasaway nga lang.

Natatawang pinaghahalikan ko siya sa pisngi. "Hindi nga po. I love you, okay? Basta promise me, hindi mo na uulitin yung ginawa mo ha. For now, no more video games and chocolates for you for the next two weeks"

Nakangusong tumango-tango naman siya. Alam na niya yun dahil iyon palagi ang kasunduan namin sa tuwing may nagagawa siyang kasalanan.  "Opo. Oh! That's mommy!!" Biglang sabi niya nang mabaling ang tingin sa may gate ng university.

Nang lingunin ko si Kays ay hindi ko mapigilang mapangiti nang makita siyang tumatakbo papalapit sa amin. Siguradong miss na miss na niya ang anak namin dahil dalawang linggong nasa akin ang bata. Busy din kasi siya saka gusto kong makabonding ang anak ko bago ako magtraining.

Syempre, hindi lang ang anak ko ang gusto kong makasama. Kahit naman palagi kaming magkaaway ni Kays ay palagi ko pa rin siyang namimiss.

Nagpunta kami sa probinsya ng biological mom ni Tito Ignacio. Doon naganap ang isa sa mga memorable kong araw. Kabang-kaba talaga ako nun dahil hindi ko alam kung papayag ba si Kays na magpakasal sakin. Tapos nung pumayag siya, para akong nakalutang sa ulap. Iba yung saya. Parang nung unang araw lang na nakita ko ang anak ko.

Pumasok ako sa training para maging isang ganap na jail officer dahil ito ang unang ahensyang tumawag sa akin sa lahat ng mga inapplyan ko. Habang nasa loob at baon ko ang pag-asa, pagmamahal ng mag-ina ko at ang kasiyahang paglabas ko dito ay tuluyan na kaming magiging isa ni Kays.

Pagkatapos ng training ko, kaagad din akong mag-enrol para kumuha ng master's degree. Gusto ko pa rin kahit papaano'y matupad yung pangarap ko. Gusto kong makapasok sa NBI. Gustong-gusto kong mag investigate.

Akala ko sanay na akong pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral pero hindi pa rin pala. Mahirap pa rin pala kaya hindi rin ako nagkaroon ng oras na asikasuhin ang kasal namin ni Kays.

--

"Kamusta na po ang construction ng bahay, Mang Domeng?" Tanong ko sa manggagawa na kinuha ko para mapaayos dati naming bahay. Medyo naluma na kasi.

"Malapit na ring matapos, Sir. Kaunting ayos na lang sa bandang likod" napatango-tango na lang ako.

"Sir may naghahanap po sa inyo" napalingon ako sa kasamahan ni Mang Domeng nang tawagin niya ako. "Noong isang linggo pa po iyong pabalik-balik dito e"

Napakunot ang noo ko. "Sino daw po?"

"Anak" bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Makalipas ng maraming taon, ngayon ko lang ulit narinig ang boses na yun.

Gumuhit ang masuyong ngiti sa mga labi niya at may butil ng luha ang tumulo sa mga mata niya. "Kamusta ka na?"

Naikuyom ko ang mga kamay ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Ang payat payat na niya. May tungkod at puti na ang buhok. Lubog ang mga pisngi at bahagyang nakapikit ang isang mata.

Tangkang lalapit siya sa akin nang bigla siyang inihit ng ubo kaya kaagad ding tumalikod. Kitang-kita ko ang pagtalsik ng pulang likido mula sa kanyang bibig kaya kahit parang tila namamanhid ang katawan ko at awtomatikong lumapit ako sa kanya at inalalayan siyang maupo. "Ano ho bang nangyari sa inyo, Daddy?"

"P-patawarin .. mo .. a-ako .. a-anak" namumutla na siya at parang hirap na huminga kaya mas minabuti kong buhatin siya at itakbo sa sasakyan ko. Labis labis ang kaba ko habang nasa byahe kami. Wala na akong pakialam kung maviolate ko ang mga traffic rules. Kailangan kong makarating kaagad sa ospital.

--

Naging maayos ang kalagayan ni Daddy. Hindi pa rin kami nag-uusap pero hindi ko siya kayang iwan. Pagod na pagod at puyat na puyat na ako dahil sa pagtatrabaho, pag-aaral at pagbabantay kaya aminado akong napabayaan ko na rin ang mag-ina ko.

--

Ngayon ang nakatakdang kasal namin ni Kays. Pagkauwi ko mula sa duty ay bumyahe kaagad ako papuntang munisipyo ngunit nasa may parking area pa lamang ako ay nakatanggap naman ako ng tawag mula sa personal nurse ni Daddy. He's in critical again. Nag seizure daw ito kanina at ilang beses kang nirerevive ng doktor. Ayaw man ay umalis ako sa munisipyo at hindi ko na nasipot ang kasal namin ni Kays. Kailangan ako ng tatay ko. Magpapaliwanag na lang ako kay Kays mamaya.

--

Hindi rin ako nakaalis kaagad dahil ayokong iwan ang Tatay ko sa ganung sitwasyon. Dagdag pang nakatanggap ako ng tawag mula kay Mommy dahil humihingi din siya ng tulog sa akin. nagpasundo siya sa airport dahil wala daw siyang mauuwian dito sa  Pilipinas. Syempre, Hindi ko siya natiis. Sinundo ko siya at doon ko nalaman na namatay na pala yung asawa niya doon sa ibang bansa. Hindi lang yun, ginugumon na rin siya ng malubhang sakit.

--

I was dialing Kay's number while I was looking at my parents who was casually sitting in the gazebo. Naroon sila sa garden habang masayang nag-uusap na parang walang away na naganap sa kanila noon. Parang hindi sila naghiwalay, paring hindi nila ako iniwan.

Naging maayos ang lagay ni Daddy makalipas ng isang buwang pamamalagi sa ospital. Si Mommy naman ay tuloy-tuloy pa rin ang gamutan pero malakas naman ang pangangatawan niya. Dito sila nakatira ngayon sa bahay namin dati.

Noon, sabi ko sa sarili ko, hindi ako aalis sa bahay na 'to dahil naniniwala at umaasa akong dito din nila ako babalikan. Pero ngayong narito na sila, masaya ba ako? Wala na ba yung galit, tampo at mga hinanakit ko?

Sa totoo lang ay hindi ko pa rin sila kayang kausapin pero hindi ko naman sila kayang tiisin. Hindi ko pa rin kakayanin pag nawala sila sa akin nang tuluyan.

"Hello?" Napakunot ang noo ko nang lalaki ang sumagot ng tawag ko kay Kays. Napakurap-kurap ako at chineck ang phone pero tama naman ang number na nai-dial ko. Sino ang gagong 'to? "Pasensya ka na pare, tulog pa si Kay e. Sasabihin ko na lang mamaya na tumawag ka"

Naikuyom ko ang mga kamay ko.

Galit na galit sakin at ayaw pakinggan ang paliwanag ko yun pala may ibang lalaking kasama?!

Tangina lang?!

...

Continue Reading

You'll Also Like

641 53 26
Years after the heartbreak, they crossed paths again... but this time, they told themselves to stay apart - to protect what's left of their hearts. M...
3.1K 47 48
Alice, a girl from a broken family, wants to do everything to make her mother proud. For her, grades are much better than anything. Even though her m...
10.4K 571 16
The feelings faded from the first time. Will love still be able to get them back? Will love be the finish line for two broken hearts to be whole agai...
70.4K 1.8K 67
Meet Errieah, the girl living in seoul who doesn't felt free , existing and loved by his own parents because of some reason that she didn't even kn...
抖阴社区 App - Unlock exclusive features