抖阴社区

Phoebian (18+)

By cultrue

1M 15.5K 451

(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya pa... More

Phoebian
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 32

16.5K 219 0
By cultrue

Pagod kong tinignan si Phoebian. Pareho kaming stress na dalawa— hindi lang pala kaming dalawa. Pagpunta namin dito sa mansyon ni Lola Gracia ay pumarito din ang parents ni Phoebian. Hindi ako makatingin ng diretso sa nanay ni Phoebian dahil pakiramdam ko ay kapag tumingin ako sa kanya malulusaw ako dahil pagdating nila ay tinalakan agad si Phoebian.

Isang baso ng malamig na tubig ang linagay sa harap ko. Nag-angat ako kay Aling Lupe bago ko siya nginitian at nagpasalamat. Nasa kusina ako. Iniwan niya muna ako para makapaghanda siya sa hapunan. Nahihiya nga ako na dito ako maghahaponan sa mansyon dahil nandito ang mga magulang ni Phoebian.

"Ayos lang yan 'neng. Hindi naman galit sayo ang mommy ni Phoebian. Sa anak niya yun galit dahil pumatol sa anak ni ma'am Hilga."

Tinapik ni Aling Lupe ang balikat ko. Kinuha ko ang baso. Nanuot sa kamay ko ang lamig ng tubig. May yelo kasing laman kaya mas lumamig.

"Hindi naman po niligawan ni Phoebian si Valentine." Pagdepensa ko. Hindi naman talaga niligawan ni Phoebian si Valentine.

"Ay hindi ba? Pasensya na 'ija. Subagay dahil wala pa naman akong nabalitaan na naging nobya nitong si Phoebian. Ikaw palang." Aniya.

Napakamot ako sa aking buhok. Nahihiya akong nagbaba ng tingin. Syempre dahil sa akin lang naglakas-loob si Phoebian na ligawan ako. At yun nga... naibigay ko din ang sarili ko sa kanya dahil kakaiba din ang taong yun.

"Opo." Sagot ko.

Naiwan ako ni Aling Lupe dahil may inaabala din siya. Pagpasok ni Phoebian sa kusina ay tipid ko siyang nginitian. Hindi na maayos ang kanyang buhok. Nagulo man ang bangs niya pero makintab parin ito. Siguro ay may nilagay siyang hair gel sa kanyang buhok kaya hindi dry.

"Hindi ka okay?" Alam ko na weird ang tanong ko na yun pero hindi siya okay. Kaysa tanungin ko siya na okay lang ba siya pero hindi pala.

"No I'm not. Mom is so mad at me."

"Paano yan? Nagpaliwanag ka ba ng maayos?"

Napahilamos siya ng mukha. "I already did but she's as stubborn as me."

Hindi na ako magtataka kung kanino siya nagmana. Sa nanay niya na hindi marunong makinig sa kanya. Dapat makonsenti niya ang Mommy niya na hindi niya nagustuhan manlang si Valentine.

"At least hindi ka guilty diba? Dahil hindi mo naman naging girlfriend si Valentine."

Tumango siya at saka tipid din akong nginitian. Pareho kami ng sitwasyon ngayon dahil lang kay Valentine. Kung hindi lang sana siya nanggulo edi walang issue. May video kasi na nakunan kaya nakarating yun sa parents ni Phoebian. Syempre magrereact sila dahil alam ng mundo na ako ang girlfriend ni Phoebian at may eskandalo pang lumabas— at nandon pa ako. Iisipin ng mga viewers nun na inagaw ko si Phoebian kay Valentine. Yung ibang tao pa naman, mahilig manghusga agad.

"They're still there inside the library. I got out because I wanted to check on you." Mahinahon niyang saad.

"Okay lang naman dito. Pero nababagot ako. Sana pala sa apartment nalang tayo dumiritso." 

"Okay. After here sa apartment tayo."

Naghintay lang kami sa may kitchen. Minsan ay kinakausap kami ni Aling Lupe kung okay lang ba kami. Hindi na kami pumasok sa library dahil nandun pa ang parents niya.

Nang makaalis sila at umakyat saka kami lumabas. Pumasok din si Aling Lupe para tanungin kami. Nagtataka kasi siya na aalis na kami.

"Hindi ba kayo dito maghahaponan?" Tanong ni Aling Lupe.

Umiling si Phoebian. "Sa apartment na po kami kakain. We're not going to stay up late. May pasok din kami bukas sa trabaho."

"Oh siya. Mag-ingat kayo. Ako na ang magsasabi sa Abuela mo."

"Thanks." Si Phoebian.

Sinakop ng daliri ni Phoebian ang mga daliri ko. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa labas. Alam ko naiinis siya. Naiinis siya sa nangyari. Hindi ko man mabasa ang tumatakbo sa isip niya, pero alam ko na magiging ayos lang siya.

Nakarating kami sa apartment. Tahimik kaming pareho. Nagtanong lang siya sa akin kung ano ang kakainin ko dahil nagvolunteer siya na magluto. Naghintay ako ng sampung minuto na matapos siyang magluto. Sanay na kami sa ganitong set up. Ganito kami minsan. Hindi naman every day dahil kailangan niyang umuwi sa penthouse niya.

Tahimik kaming kumain. Hindi ko alam kung paano ko siya sisimulang kausapin tungkol sa nangyari kanina. Pakiramdam ko ay wala siya sa mood para pag-usapan namin yun.

"Let's sleep." Aya niya.

Mukhang pagod na siya. Umuo ako. Sabay kaming umakyat papunta sa kwarto ko. Nakasunod siya sakin. Ako muna ang pumasok sa loob ng kwarto ko para magbihis.

Tabi kami sa kama. Nakaharap ako sa kanya at nakatingin lang sa mukha niya. Ang seryoso niya. Nakapatong ang kanyang braso sa kanyang noo at nakatingin lang diretso sa kisame. Napalabi ako. Siguro ay sineryoso niya ang sinabi ng mommy niya. Hindi ko man naintindihan ang pinag-usapan nila kanina pero palagay ko ay malalim ang pinaghugutan nun.

"Phoebian?"

Sinilip niya ako mula sa ilalim ng kanyang pilik-mata nang tawagin ko siya sa mahinang boses.

"Why?" Sagot niya sa mahinang boses.

"Anong nangyari kanina?"

Matagal bago siya sumagot. Nag-iwas din siya ng tingin. Mukhang hindi maganda yung nangyari kanina. May nasabi ba ang mommy niya na ikinairita niya?

"It's about Valentine. Mom... thought that I both dating you at the same time." Sagot niya.

Nawala yung antok ko. Bumangon ako sa pagkahiga at umupo sa kama. "Eh bakit mukha kang seryoso diyan? Hindi naman naging kayo ni Valentine kaya bakit mo pa iniisip yun? Buti pa magpahinga ka nalang diyan."

"Hindi lang yun."

"Ano pa ba ang pinag-usapan niyo?" Taka kong tanong.

Ang lalim ng pagkakunot ng noo ko. Kaya ba namomroblema siya ngayon dahil may iba pang problema? Ano kaya yun? Sana ay sabihin niya sakin para kahit kunting tulong lang ay may maiambag ako. Hindi ko naman siya pababayaan. Palagi niya akong inaalala kaya dapat ngayon ay ako naman ang aalala sa kanya.

"It's about my parents' business. Dad wants me to take over the position as a new CEO. But I can't. Malulugi yun kapag hindi masalba agad."

"Bakit hindi mo nalang yun ibigay kay Phinneas? Tutal kapatid mo siya kaya kung ayaw mo, bigay mo nalang sa kanya para tapos ang usapan." Saad ko.

"Kung ganun lang kadali nagawa ko na. But he doesn't want to. Ako ang panganay at ako ang nakahandle sa sitwasyon na'to. Dad is too old to handle his company. Masama din sa health niya ang mastress. Patanda na siya."

Napatikom ako ng bibig. Usapang pamilya niya ay wala akong masabi. Lalo na kapag sa business nila ang pag-uusapan. Wala akong maibigay n matinong advice sa kanya. Ano naman ang sasabihin ko?

"Tatanggapin mo ba?" Tinanong ko siya.

Kung kaya niya ay ayos lang yan. May tiwala naman ako sa kanya. Alam ko na hindi niya pababayaan ang pamilya niya dahil hindi siya madaling sumuko. May tiwala din siya sa sarili niya.

Bumuntong-hininga siya. Inalis niya ang braso sa kanyang noo. Naupo siya katabi ko. Nakakulubot parin ang kanyang noo.

"I don't know. I feel like if I accept it, mapapabayaan ko ang sarili kong kompanya. You know how much I love my cosmetics. At ayokong mawala ang attention ko doon. That's why I didn't accept Dad's offer before because I don't like taking care of someone's business but mine only."

"Kung ayaw mo ay sino naman ang gagawa nun?"

Bumuntong-hininga ulit siya. Mabigat nga na problema yan kung hindi ka interesado sa business ng iba. Pero kung hindi siya gagawa, sino? Mahirap ang sitwasyon na yun. Lalo na kung umayaw si Phinneas. Si Phinneas naman ay sigurado akong tatanggihan sila. Mag-aaway lang sila kung pilitin pa nila si Phinneas. Kung ayaw niya ay ayaw talaga.

Hinawakan ko ang balikat niya. Tinapik ko yun ng tatlong beses. Nandito lang ako para sa kanya. Palagi naman. Hindi ko naman siya pababayaan. Kung may problema siya ay madali akong makatulong sa kanya. Kahit hindi ko kabisado ay gagawin ko parin dahil kahit sa kunting paraan lang ay may magawa ako.

"Nandito lang ako. Kapag may problema ka ay nandito lang ako."

Lumingon siya sakin. Napangiti siya. Ang lungkot ng kanyang mata. Kinabig niya ako at pinasandal sa kanyang balikat. Pinulupot ko ang aking braso sa kanyang bewang. Sinampa ko ang isang binti ko sa kanyang binti.

Nakatulog ako nang lumagpas tatlong oras na kaming nakaupo lang  sa kama. Pagkagising ko, tulog pa si Phoebian. Hindi pa ako bumangon dahil napagawi ang tingin ko sa kanya. Napangiti ako. Hinaplos ko ang mukha niya. Sinuklay ko ang bangs na tumatabing sa kanyang buhok. Binaba ko ang mukha ko at hinalikan ang ilong niya.

Tinignan ko muna siya bago ako nagpasyang bumangon. Kinuha ko ang towel at kumuha ng damit pamalit. Naligo ako at hinanda ang gamit, tapos ay nagligpit sa loob ng kwarto. Hindi na ako aakyat pa kapag bumaba na ako dahil nakakatamad ng umakyat ulit. Nagluto ako at kumain. Hindi magagalit si Phoebian kapag nauna akong kumain dahil mahuhuli lang ako kapag sumabay ako sa kanya.  Siya kasi ay mabilis kumain kahit marami siyang kinakain.

Patapos palang ako sa pagkain nang marinig ko ang yapak niya pababa. Nakita ko siyang nakabihis na at bagong ligo. Sakto lang pala ang pagkain ko. Dala niya ang attaché case niya na may lamang mga dokumento. Hindi na niya yun napag-aralan kagabi dahil marami ang iniisip.

"Morning." Bati niya, humalik siya sakin pagkalapit niya sa kusina.

"Good morning din. Kain na habang mainit pa." Aya ko.

Tumango siya. May nakalagay na plato sa kanyang harap. Ako na ang naglagay ng kanin at siya na ang ulam. Linagyan ko rin ng tubig ang baso niya. Hindi na ako nakapaghugas ng pinggan. Iniwan ko lang muna ang mga hugasan sa sink. Pag-uwi ko naman ay maglilinis ako.

"Let's go."

Pinatong niya ang braso sa aking bewang at naglakad na kami palabas ng apartment. Nag-init ang pisngi ko sa gesture niya. Minsan nagagawa niya yun sakin pero minsan hindi. Ewan ko lang kung bakit niya ginawa yun ngayon? Sa tingin ko naghahanap lang siya ng pampalakas ng loob kaya niya yun ginawa.

Guminhawa ang loob ko nang makabalik ako sa opisina. Nakakamiss ibaling ang atensyon sa trabaho. Nakakapagod kapag yung problema sa bahay ang iniisip. Pagbalik ko dito sa opisina ay trabaho agad ako. Wala akong sinayang na oras. Naeenjoy ko yung pakikitungo ko sa workmates ko. Namiss ko talaga yun.

Pagbalik ko sa apartment ay hindi pa umuuwi si Phoebian. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Tinawagan ko siya. Napatigil din agad ako. Nakaisang tawag lang ako at hindi niya nasagot. Iniisip ko na baka nasa kalagitnaan siya ng meeting. Baka nga may meeting siya ngayon.

Ang ginawa habang naghihintay sa kanya ay pinagluto ko siya ng pagkain. Kalahating oras akong naghintay sa kanya. Lumabas ako para salubungin siya. Umamo ang aking paningin nang makita si Phoebian na pagod ang itsura.

Sinalubong ko siya ng yakap. Mahigpit niya akong niyakap. Tinanggap ko ang mabigat niyang katawan. Ang higpit ng yakap niya sakin.

"May nangyari ba?" Tanong ko.

"I'm so stress. Ang daming kailangan tignan at suriin. Dad and I talked again earlier this afternoon."

"Anong pinag-usapan niyo?"

Nagkibit-balikat siya. "You know... about his business. Hindi pa ako pumayag. But how? I still have a lot of work to do with my cosmetics."

Tinapik ko ang kanyang likod. "Kaya mo yan. May secretary ka naman na gagawa ng iba mong trabaho. At diba sabi mo kailangan ay may umupo na na bagong CEO sa kompanya mo? Kapag may bagong CEO na ay pwede mong suriin yung business ng daddy mo. Then kung hindi kaya, maghire ka ng hahawak. Pero ikaw o yung daddy mo parin ang chairman."

Matagal niya akong tinignan na may pagkamangha. Napangisi siya.

"You're right. Bakit hindi ko naisip yun kaagad?" Namamangha niyang sabi.

Napangisi ako. At least may ambag ako kahit papaano.

"I call Louis for that. He's my appointed CEO. Magaling siyang tao and I believe him. But we didn't get the chance to meet again and discuss the whole procedure of Phoebian's."

"Mag-usap kayo. Magpaset ka ng meeting. Alam mo ayaw ko lang na nakikita kang pagod ang itsura kapag umuuwi ka. Kahit stress ka ay ngumiti ka parin dahil yun ang ginagawa ko kapag umuuwi ako. Ang problema sa opisina ay sa opisina lang, ang problema sa bahay ay dapat sa bahay lang. Dapat may boundaries para hindi magulo."

"I take note of that. Thank you so much sweetheart. You made my night." Muli niya akong niyakap. This time ay pinatakan niya ako ng halik sa noo.

Mahigpit niya akong niyakap saka binitawan. Pumasok kami sa loob ng apartment na magkahawak-kamay. Pumasok kami sa kusina at doon pinagpatuloy ang pag-uusap patungkol sa personal na usapan. Kunti lang ang about sa business niya at ng kanyang daddy. Pinag-usapan naman namin ang tungkol sa buhay naming dalawa hanggang sa dinalaw na kami ng antok. Naghugas muna ako ng pinggan, tinulungan ako ni Phoebian. Siya ang nagpupunas sa mga pinggan habang ako ang nagsasabon at nagbabanlaw.

Sabay din kaming pumasok sa loob ng kwarto at natulog. Parehong pagod sa araw na dumaan.

Continue Reading

You'll Also Like

40.2K 722 26
STATUS: COMPLETED STARTING DATE: February 5,2022 ENDING DATE: May 3,2022 Si Iya Mendoza na mula sa isang malayong probinsya ng visayas sya ang tumayo...
81.5K 1.2K 34
(Fletcher series 2) This is work of fiction. Names, Characters, Business, Place, Event and Incidents are either the products of the authors imaginati...
20.5K 216 41
Isa siyang baliw. Iyon ang tawag sa kanya ng lahat. Ngunit maniwala ka ba kapag sinabi ko na nabaliw ako sa isang baliw na tulad ni Zed Daven Ashford...
89.4K 1.5K 22
Stella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. Pero isang araw, nabalitaan na lang niya...