“Huwag ka nang malungkot,” nakasimangot na sabi ni Lalaine habang magkayakap kaming dalawa sa airport.
Later is her departure. Hindi ako makapaniwala na aalis na talaga siya. Ilang oras mula ngayon, iiwan na niya ang Pilipinas at ako.
Naiiyak ako pero pinipigilan ko ang aking sarili. I don’t want to discourage her, but I guess my sadness just really won’t go unnoticed. It’s hard not to feel sad.
Ang naiwan niyang oras bago dumating ang araw na ito ay inubos namin sa pag-gawa ng mas maraming alaala. We spent time together, trying things we haven’t done before.
Nagpunta kami sa Enchanted Kingdom and rode the ferris wheel. We drank until it is morning already and both had severe headaches when we woke up.
“Mag-ingat ka roon, Lalaine,” hindi ko mapigilan ang sarili kong maging emosyonal.
“Of course. Ikaw rin dito, mag-ingat ka lagi. Always lock the door. I’m gonna miss you, Telle.”
Sana maging maayos siya sa Las Vegas. Sana… maging mabuti sa kaniya ang pamilya ng biological father niya. I hope everything will go easy on her in the foreign country.
“Take care there, Lalaine,” Nectarine said habang nakahawak siya sa bewang ko. “Good luck on your journey.”
“I will take care of myself. Pero hoy, Nectarine Santivañez, ‘wag mong pabayaan itong kaibigan ko, ha? Uuwi talaga ako rito para saktan ka kapag nalaman kong sinaktan mo ‘to.”
“As if I can,” Nectarine sighed. Siya ang nagdala sa maleta ni Lalaine.
Malungkot na tiningnan siya ni Lalaine. “Always remind Shantelle to eat. Minsan kapag sobrang abala siya sa isang bagay, nakakalimutan niyang kumain. Hindi siya kumakain ng gulay sa gabi at huwag mo na siyang painumin masyado ng kape dahil nagpapalpitate na siya minsan.”
Tumango si Nectarine. Napasimangot ako dahil para namang hindi pa alam ni Nectarine ang mga tungkol doon. Pero ayaw niyang sirain ang moment ng kaibigan ko.
Lalaine kissed me farewell. Malungkot na malungkot ako habang niyayakap siya. She said many things na isa-isa kong inintindi. This is probably one of the hardest goodbyes.
Nang nawala na siya sa paningin ko, hindi ko na napigilan. I hugged Nectarine and cried on his chest. Niyakap niya ang bewang ko at walang sinabi na kahit na ano. Even though it’s painful to watch her leaving, I want to be happy for her.
Lalaine deserve so much better in this world. Unfortunately, she wouldn’t find what she deserves here.
The first morning without her sucks. Maaga akong nagising at nagluto ng agahan. Nawala sa isip ko na mag-isa na lang ako. Naparami ang fried rice. Nagluto pa ako ng tuyo, e, wala na nga pala ang taong mahilig doon.
Pumasok ako sa kuwarto niya at nakita ang malinis na lugar doon. Linis na linis, nakasandal na rin sa dingding ang kutson na ginamit niya. Nakapasok sa tukador ang mga unan, blanket at bed sheets.
Kahit malungkot, alam ko naman na masasanay rin ako sa ganito. Mapapanatag rin ako isang araw kahit wala siya sa apartment namin. Kahit mag-isa, alam kong kaya ko naman.
“Ano, kumusta? Mabait ba sila?” Nang nakausap ko siya sa video call. Nasa Las Vegas na siya.
Halata ang pagod sa mukha ni Lalaine. Nakadapa siya sa kama habang nakanguso at pinapanood ang ginagawa kong paglalagay ng peanut butter sa bread.
“Hindi ko pa alam. Hindi ko pa sila masyadong nakakausap kasi nga kadarating ko pa lang. Pinagpahinga na muna ako ni Papa,” aniya.
Sinipsip ko ang daliri na nalagyan ng peanut butter. I’m preparing food para habang gumagawa ng bio-data, may makakain ako. I’m applying for work na.
“Kumusta naman ang Papa mo?”
“Masayang-masaya siya noong sinundo ako sa airport, Telle. Tapos noong nayakap ko siya, pakiramdam ko bigla akong naging buo. Naisip ko na sa wakas, tapos na ang paghahangad ko sa father’s love.”
“I’m happy for you, Lalaine.” Umangat ang labi ko. “Sana ay mabait ang pamilya ng Papa mo riyan. Wait, Filipina ba ang step-mother mo?”
Umiling siya at umirap. “Hindi, Telle. She’s pure American. And… my father, too.”
Namilog ang mata ko. Ngayon ko lang ‘to nalaman dahil never naman namin napag-usapan ang tungkol sa Papa niya. Hindi ko rin alam na American-Filipino pala si Lalaine.
Literally, I had no idea sa ama niya. At hindi rin naman talaga namin napag-usapan masyado ang tungkol sa kaniya. Iyon lang, iba ang ganda niya. Parang ngayon ko lang tuluyang na-appreciate ang matangos ilong ni Lalaine.
“Hindi mo pala siya tatawagin na ‘Papa’, e!”
“I guess so. Telle, problemado ako.” She sighed. “I need to speak English dito. Hindi puwedeng mag-Tagalog dahil walang makakaintindi sa akin.”
Natawa ako. Iyon lang. English people na ang makakasalamuha niya roon kaya it’s necessary to speak their language, too.
“As if hindi ka marunong mag-English.”
“Marunong, pero sanay ako sa Tagalog. Itong mga kapatid ko, English speaking! They are also younger than me.”
“Adjustment, Lalaine. Kailangan mo talaga ‘yon gawin dahil nasa foreign country ka.”
Ganoon ang naging routine namin ni Lalaine. Tinatawagan niya ako para ibalita sa akin ang mga nangyayari sa kaniya habang naging abala na rin ako sa pag-aayos ng ibang requirements para makapag-turo na ako.
Tuwing Linggo, pinupuntahan ako ni Nectarine. Nagsisimba kami at kakain sa labas para tatambay na lang sa apartment maghapon. Kahit papaano ay unti-unti na akong nasasanay mag-isa sa apartment.
Mabait ang pamilya ng Papa ni Lalaine sa Las Vegas. Ibig sabihin lang noon ay malabong umuwi siya rito dahil gusto niya na rin doon pagkalipas pa lang ng dalawang linggo.
Of course, I’m happy for her. Nakikita ko sa Instagram ang post niya kasama ang mga kapatid niya. They were three, at babae ang sumunod sa kaniya. She’s sixteen years old at close na close na agad sila ni Lalaine.
Napansin ko rin na unfollowed na si Santino sa account niya, even her other family members sa Pinas. I guess she have finally removed toxic people in her life. Maliban kay Santino, a? Hindi naman ‘yon toxic.
“Magdala ka na lang ng gamit mo rito tapos occupy mo ang kuwarto ni Lalaine,” sabi ko kay Nectarine.
Hindi na naman uuwi si Lalaine. Kung magbabakasyon dito, baka matagal pa. It’s better kung si Nectarine na lang muna ang gagamit sa naiwan niyang kuwarto. Malinis naman ‘yon.
“Are you sure?” He looked hesitant.
Dahan-dahan akong tumango. “Mukha bang hindi? Para kapag pupunta ka rito, hindi mo na kailangan magdala ng damit.”
Dahan-dahan siyang napangiti habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang balakang ko at hinimas-himas.
“Parang live in?” Kung saan-saan na yata agad nakarating ang imagination niya.
Piningot ko siya. “Para hindi ka na palaging nagdadala at nag-uuwi ng gamit. Iyon lang. Live in ka riyan!”
Inalis niya ang kamay ko sa kaniyang tainga at nilagay sa batok niya. Napapikit ako nang dumampi sa noo ko ang malambot niyang labi. Dahan-dahang pumulupot ang kamay niya sa bewang ko.
“Next week, I’m gonna bring my stuffs here. Ibig sabihin din ba ay puwede akong matulog dito sa gabi?”
“Hindi,” mabilis kong sagot.
“Still a no,” aniya. “I still couldn’t sleep with you.”
“Mag-focus ka sa studies mo, Santivañez. Pupunta ako sa graduation mo, ‘di ba?”
Binaba niya ang tingin sa akin. Nakasimangot siya kanina, pero ngayon ay masuyo na ang pagkakatingin sa akin. There’s a smile on his face.
“Yeah, of course,” he said. “You shouldn’t be absent on my special day.”
Niyakap ko siya nang mahigpit. Sa bewang niya ang mga kamay ko. “Kaya nga mag-focus ka sa studies mo. Hindi ako ang priority rito–”
“You’re also my priority, and my inspiration.” He cupped both my cheeks and stared into my eyes. “Medical school is mentally draining. Sometimes, I feel like my mind will explode. But when I think of you, I have another reason to look forward to a bright future.”
“Tapos nag-break tayo, ‘no?” I joked. Natawa ako pero nang nakita na mas naging seryoso siya, nabura ang ngiti ko. “J-joke lang.”
“We will not going to break up,” aniya na para bang sigurado siya sa bagay na iyon. “I have plans for us. Hindi ‘yon masasayang, Shantelle.”
Mas naging mahigpit ang yakap ko sa kaniya habang nakatingala ako sa kaniya. Iniisip ko minsan kung isang araw ba ay magsasawa ako sa kaniya. He made me the happiest, kaya minsan naiisip ko na baka masira pa rin kami.
“And what plans are they?”
He flashes me his boyish grin. “Do you really want to know?”
“Surprise mo na lang ako soon.”
Bumuntong hininga siya. “Fine.”
I smiled and caress his back with my fingers. Gumagalaw kami habang magkayakap. Parang nagsasayaw. Hinahalikan niya ang ulo ko habang sinisinghot ang amoy ng t-shirt niya.
“Pahinga ka kapag mentally drained ka na. Don’t push yourself to study kapag hindi mo kaya,” I told him. “It’s okay to rest, Nectarine.”
“But I don’t have time to rest,” tawa niya. “I can’t rest due to workload.”
“Ayan ang sinasabi ko. Mas lalo ka nang hindi makakapag rest kung pupunta ka pa rito after your class,” mahina kong sabi sa kaniya.
Tama talaga ang desisyon ko na tuwing Linggo lang siya puwedeng magpunta sa akin. Siya lang naman talaga ang iniisip ko. I know how tight it is to be a student.
“You don’t get it, Shantelle. Nakakapag pahinga ako kapag nakikita at nakakasama kita.”
“Pero ang oras na pupuntahan mo ako para makasama, puwede mo rin gamitin para magpahinga na lang.”
Lumayo ako sa kaniya at tumingin sa mga mata niya. Isa-isa kong tiningnan ang bawat parte, mula noo pababa sa tulay ng ilong hanggang sa mapula at bahagyang nakanguso niyang labi.
I lifted my hand and fixed his hair. Naramdaman ko nang bahagyang pumisil ang mga kamay niya sa bewang ko. I smiled and he pursed his lips.
“If that’s what you want, then fine,” he whispered slowly with his tender voice.
Lumayo ako sa kaniya dahil kailangan ko na magpalit ng damit. Iniwan ko siya roon at pumasok sa kuwarto ko. I removed my white dress and put on my velvet shorts and oversized sweater.
Today, we didn’t eat outside after magsimba. Namalengke lang kami ng ingredients para sa lulutuin niyang chicken curry. Home made lunch kami ngayon dahil iyon ang gusto niya.
Naabutan ko si Nectarine na hinahanda na ang mga gagamitin para sa pagluluto. Nakasalang na ang kanin, hihintayin na lang kumulo para hihinaan ang apoy kapag in-inin na.
“Do you need my help?” Lumapit ako habang tinatali ang buhok ko.
“No,” mabilis niyang sagot. Hinuhugasan niya sa lababo ang chicken. “Pahinga ka na lang muna.”
I grimaced. “Ikaw ang dapat magpahinga. Hindi naman ako pagod.”
“Nangako ako na ako ang magluluto.” Bahagya niya akong nilingon.
Nginusuan ko siya bago kinuha ang apron at sinuot sa kaniya. Tumayo ako sa kaniyang likuran para itali. I bit my lower lip when I saw how tall he is when I’m behind him. Kayang-kaya niyang takpan ako.
Nagwo-work out siya before, hindi ko lang alam kung hanggang ngayon. Hindi naman niya nababanggit.
“Ako na lang ang magc-cut ng ingredients para hindi naman ako maging pabigat,” I told him.
Humarap siya sa akin habang pinupunasan ang basang kamay. Ngumiti ako para mang-uto. He sighed and pulled a chair for me. Sinenyasan niya akong umupo roon.
“Upo ka rito. You don’t need to help me.”
I pouted. “Pero gusto ko.”
He shook his head. “Sit here, Shantelle.”
Kainis. As if naman masusugatan ako kapag naghiwa ako ng onions and bawang. Padabog akong umupo sa silyang hinila niya.
“Magiging good husband ka kaya in the near future, Santivañez?” I asked habang nilalaro ang daliri ko sa table.
He was too focused a pagc-cut ng ingredients. Sanay na sanay siyang maghiwa. Nakikita ko ang pagtama ng kutsilyo sa wooden chopping block.
He looked down at me. “You will only know when you try me.” Hindi niya kayang itago ang ngisi.
Pumangalumbaba ako habang pinapanood ang ginagawa niya. Hindi ko kayang tagalan ang nakangisi niyang mukha dahil pakiramdam ko ay may kung anong humihila sa akin.
He was too handsome in my eyes. Ang hirap hindi mapansin ang lahat ng tungkol sa kaniya.
“Do you want to get married with me?” I absentmindedly asked. Bigla na lamang iyong lumabas sa bibig ko.
My eyes widened. Nang inangat ang tingin, huli na para mapagtanto ang lahat. Nakatitig si Nectarine sa akin. Napalunok ako. I shouldn’t have asked him that.
“I should be the one to ask you that. Would you want to be married with me?”
Nanuyo ang lalamunan ko. Nakatitig kami sa isa’t-isa, at sa tingin niya ay parang tinitimbang niya ako. Binabasa niya ang reaksyon ko. But… it is not going to be easy.
“Ikaw ang tinatanong ko,” I said, nanghihina ang boses.
He didn’t leave my eyes and he remais staring at me. “You probably had no idea how I badly want to be forever yours.”
Tumalon ang puso ko sa sinabi niya. Bigla ay gusto kong mangiti but I forced myself not to. Pero sobrang hirap bantayan ng reaksyon lalo na kung nagta-traydor na ang puso ko.
Pero kahit na ganoon, nagpanggap pa rin akong walang kilig na nadarama kahit gustong-gusto na talagang bumigay ng puso ko.
“So, gusto mo na maging asawa kita?” Pinigilan ko ang ngiti. Kailan pa ako nahiya sa kaniya?
He lifted a brow. Tinapos niya ang paghihiwa at tinabi ang kutsilyo. Kagat labi, sinundan ko siya ng tingin.
“Kanino pa ba?” His voice was stern.
“Walang ibang babae?”
Natigilan siya bigla. Namewang siya at tinantya ako. His eyes were narrowed at me.
“Kailan nagkaroon ng iba?”
I smiled. “What if… magsawa ka na lang bigla sa akin?”
“Bakit?” He looked clueless. Bahagya niyang tinagilid ang ulo na parang nalilito.
“Anong bakit?” Nagsalubong ang kilay ko pero nakangiti pa rin. “Normal daw magsawa. Sure ako na nararamdaman mo rin ‘yon minsan sa akin.”
“How would I feel bored when I can only see you during Sundays?” Lumapit si Nectarine at nagpunta sa harapan ko. Tinitigan niya ako sa malapitan. “I’m always excited to see you.”
“Sa mga susunod nga. Like years from now. What if magsawa ka sa akin–”
“So?”
Sumimangot ako. “Siyempre, iiwan mo ako kasi sawa ka na sa akin.”
His eyes softened. Kumurap ako nang nakita na naglalaro ang tuwa sa kaniyang mga mata. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang daliri niya sa dulo ng buhok ko at naglalaro roon.
“Why would I leave you when I could love you even more?” Mahina ang boses niya at halos pabulong na lang ‘yon.
Halos gusto kong umirap dahil halata naman na hindi niya ako naiintindihan.
“Nectarine, sawa ka na nga, so paano ka pa mags-stay? Iiwan mo na nga ako kasi nagsasawa ka na, e. Naiintindihan mo ba?”
“I understand you.” He sighed. “If I get tired of you and that day comes, why would I leave you?”
“Kasi nga sawa ka na.” Para namang hindi niya naiintindihan!
“Iyon lang ba? Iiwan kita kasi sawa na ako? Edi hindi ‘yon love.” Dahan-dahan siyang ngumiti. Kumislap ang liwanag sa mata niya. “When I get bored with you, I will go back to the reason why I loved you, Shantelle. Hindi kita iiwan. Hindi ‘yon ang nag-iisang solusyon.”
Umirap ako at kinurot ang tagiliran niya. His mouth opened. Nagreklamo siya sa kurot ko at nakangiwi pa ang mukha.
“Talagang hindi mo ako iiwan dahil isusumpa kita kapag ginawa mo ‘yon!”
Inagaw niya ang kamay kong nangungurot sa kaniya. He pushed my forehead lightly with his fingers.
“Don’t overthink everything,” aniya at umalis sa harapan ko.
Tumayo ako at sumunod sa kaniya sa tapat ng stove. Sinindihan na niya ang apoy sa kabilang burner. I hugged him from behind and pressed my body against his. Pumatong ang mga palad ko sa dibdib niya.
Hinayaan niya lang ako na gawin ‘yon. Marahan ang bawat galaw niya dahil nakasunod ako sa mga kilos niya. Napapangiti ako dahil kahit halatang nakakaabala ako, siya pa ang nag-a-adjust para lang pagbigyan ako.
Pinanood ko ang proseso ng pagluluto. Nakasilip ako sa kaniyang gilid at noong nagpapalambot ng chicken, hinawakan niya ang kamay ko sa kaniyang dibdib.
Hinarap niya ang katawan sa akin. Inangat niya ang magkahawak naming kamay at pinaikot ako. I laughed when I almost lost my balance sa bilis ng ikot ko. Sinalo niya naman agad ako habang tumatawa.
I put my arms around his neck and pushed his face against mine. I moved my body for a slow dance. My mind played a ballad song and I danced with it. Napansin ni Nectarine kaya habang nagtititigan, sinusundan niya ang bawat galaw ko.
“I love you,” I whispered in his ear. I felt his lips kissing my neck while his one rough hand is on my left thigh, caressing.
Mahigpit ko siyang niyakap. Mas isinubsob naman niya ang mukha sa gilid ng leeg ko. He hugged my waist tightly, like he doesn’t want any space between us.
“I love you beyond possible,” he whispered back.
Nakangisi ako habang kumakain ng lunch. How can I not smile when he cooks so well? Ang sarap niya talaga magluto. Mukhang mapaparami pa ang kain ko ng kanin.
I complicated him pero imbes na magpasalamat dahil na-appreciate ko, mas inuna niyang lagyan ng rice ang playe ko. Hinugasan ko ang mga kamay ko bago umupo sa kaniyang harapan.
Tahimik kaming dalawa habang kumakain. I kissed his cheek after I got full. Ako ang naghugas sa mga pinagkainan namin habang nakayakap naman siya sa likuran ko. Ang clingy, sobra!
Nilabas ko ang laptop ko nang oras na ng tambay dahil tapos na ang lunchtime namin. Pinakita ko kay Nectarine ang ginawa kong resume na ipinasa na. Wala naman siyang sinabing masama.
Pasok sa standard niya ang editing skills ko.
“Baby–”
“Don’t call me that. Ganiyan ang tawag ni Elmo sa akin,” mabilis kong putol sa kaniya. Kinikilabutan ako kapag naaalala ang taong iyon.
“Damn,” that was Nectarine’s hard and unfriendly voice. “He calls you that? What a freak.”
I suppressed my laugh. “Change your endearment to me. Something I haven’t been called yet.”
“I’m hating him more,” mahinang sabi ni Nectarine sa tabi ko.
Tiningnan ko siya at kaagad nasalubong ang seryoso niyang mga mata. His face darkened when I looked at him and he caught my eyes. Sa itsura niya, nalaman ko kaagad na galit siya kay Elmo.
Pinilit kong tumikhim. It’s rare to see him angry. At pakiramdam ko ay naaalala na naman niya ang nakita niya. I wish I could erase that in his mind. I don’t want him to be insecured by the meaningless kiss.
Bumuntong hininga si Nectarine at hindi pa rin iniiwan ang mga mata mata ko. Lumapit siya sa akin. He wrapped his right hand on my waist and pulled me closer to him.
“Hindi ka na niya malalapitan pa,” he softly said in my ear. Marahan niyang hinalikan ang itaas na bahagi ng tainga ko.
I smiled and held his tightened jaw. Ang bracelet sa pulsuhan ko ay gumalaw. I wore it again dahil nang napansin niya isang araw na wala na sa pulsuhan ko, nagtanong siya agad.
“Hindi na talaga,” I said to him. Hindi ko na talaga hahayaan na malapitan pa ako ng Elmo na iyon.
Napangiti ako nang nakita ang panibagong post ni Lalaine sa Instagram. It seems like she’s really enjoying the vacation with her new family. She looked happy in the photos.
I liked all her posts. Masaya ako na nag-e-enjoy siya sa buhay niya ngayon. 11 PM na nang tumawag siya at 7 AM pa lang sa Las Vegas. Sandali lang kaming nag-usap dahil kailangan ko na rin matulog.
Nag-kwento lang naman siya about her day at ganoon din ako. I also told her na ipapa-occupy ko na kay Nectarine ang kuwarto niya sa apartment.
“Bakit, mag-li-live in na ba kayo?” Namimilog ang kaniyang mata. Kagigising lang niya.
“Gaga, hindi, siyempre! Lagi kasi siyang nagdadala ng gamit. So, kung may kuwarto siya rito, hindi na niya kailangan mag-abala.”
Dahan-dahan siyang tumango. “Ah. Akala ko naman ay magsasama na kayo.”
“Asa ka pa.” Inirapan ko siya. “Hindi ‘yon puwede dahil nag-aaral sa Maynila si Nectarine. Ganoon pa rin naman ang routine namin.”
“So, every Sunday lang ang bebe time niyo? Hindi ka ba nalulungkot na lagi ka lang mag-isa sa apartment? Lumalabas ka ba?”
Umiling ako para roon sa tanong niya kung lumalabas ako. Honestly, hindi naman talaga. Simula noong nawala siya, hindi na ako nagpupunta sa palengke.
“Kapag nagturo na ako, magiging abala na ako, Lalaine.”
Ngumuso siya. “Dapat lang na maging abala ka na. Baka nalulungkot ka riyan sa apartment.”
Nalulungkot ako paminsan-minsan, pero hanggang doon na lang. Nakakapag adjust na rin talaga ako. Iyon nga lang, minsan ay nakakalimutan ko na mag-isa na lang ako.
Naging abala na rin ako sa sarili kong buhay. Lalo na noong nag-complete na ako ng requirements sa school na pagtuturuan ko. Elementary public school iyon sa Laguna. Doon ako nag-focus.
Nagdala na si Nectarine ng gamit sa apartment. Isang bag na puno ng damit niya. Tinulungan ko siyang ilagay sa aparador at i-hanger doon. Magandang ideya talaga dahil anytime na magkasama kami sa apartment, puwede siyang maligo.
Ako na lang ang maglalaba sa damit niya. Hindi naman ‘yon mahirap gawin lalo pa at every two days ay naglalaba na ako para hindi matambakan ng laundry.
Dumating ang araw ng first day ko bilang isang ganap na guro. Grade one students ang hawak ko at kabadong-kabado ako noong nagsimula ako. I feel so cool in my teaching uniform.
Pakiramdam ko ay magigiba ang tuhod ko sa sobrang kaba. Ang alam ko ay malikot ang mga bata. Proven na iyon noong nag-internship ako. Pero madali lang naman silang pakisamahan. Madali silang ma-uto at masaway.
Naging magalang ako sa mga guro na mas matanda at nauna sa akin. Ang una kong nakasundo ay ang grade one teacher din na si Ms. Loise. Dalaga rin at isang taon pa lang siyang nagtuturo.
“Magandang umaga sa lahat. Ako si Teacher Shantelle,” nasa harapan na ako ng mga estudyante ko. Thirty silang lahat na magiging anak ko.
“Magandang umaga po, Teacher Shantelle!” sabay-sabay nilang bati pabalik. Halata ang excitement sa mga mukha nila.
“Congratulations on your first day, Telle,” si Lalaine nang nahinto ang klase dahil lunch break na.
“Thanks.”
“Kumusta naman ang unang araw mo? Stressing ba?”
I shrugged. “Makukulit ang mga bata, pero keri ko naman. Kailangan lang ng matinding adjustment.”
Maghapon ang klase ng grade one. Ang uwian ay alas tres ng hapon kaya it was required to bring food for lunchtime. Ang mga estudyante ay hinahatiran ng pagkain ng magulang nila.
“May sasabihin ako sa ‘yo kaya ako tumawag,” natunugan ko ang excitement sa kaniyang boses. “Nag-usap kami ni Papa.”
“Ano ang napag-usapan niyo?”
I answered her voice call dahil nakita ko kanina na marami siyang calls na hindi ko nasagot. Alam naman niyang unang araw ko, pero talagang nangulit kanina.
“I’ll be working sa hotel nila. Isn’t that exciting?”
“Puwede ba kahit hindi ka naman nagtapos ng tourism?” Kumunot ang noo ko. Ang alam ko, usually na nagwo-work sa hotel ay tourism ang tinapos, o kaya ay course na related sa hotels.
“Of course, puwede, Shantelle. Sa Papa ko ang hotel at pumayag siya na mag-work ako roon since nangangailangan din talaga sila ng employee.”
“Good luck, then. Dapat nga mag-work ka na rin,” sabi ko. “Masaya ka naman ba riyan, Lalaine?” Gusto kong maniguro.
I heard her giggles. I bit my lower lip. Have I ever heard her genuinely excited and this happy before? Parang hindi pa.
“Telle, masaya ako rito, sobra. They are so nice to me. Naiiyak nga ako kapag naaalala ko kung gaano kabait sa akin ang asawa ni Papa– I mean, Dad. Shit, mas gusto ko talaga ang Papa, pero weird kasi hindi naman nila alam ‘yon.”
Hindi nga talaga ako nagkamali sa mga napapansin ko sa post niya sa Instagram. What more can I say except I’m happy for her?
“My siblings are grown nice, too. Wala silang attitude problems at pinalaki silang polite, Shantelle. My father revealed to me na matagal na niya akong ipinapakiusap kay Mommy dahil gusto na niya akong makasama. Pero ayaw ni Mom. Can you believe that? She refused the chance na maging masaya ako rito, kaysa magtagal pa riyan sa Pinas.”
Bigla akong natigilan. Kung hindi siya nagtagal dito at agad na ipinaubaya ng Mommy niya, may possibility ba na maging malalim ang ugnayan namin? Kung dati pa siyang hinayaan ng Mommy niya na makasama ang Daddy niya, baka hindi ko na siya nakilala.
Hindi ko masisi si Lalaine kung bakit ganoon ang nasabi niya. Sino ba naman ang matutuwa kapag nalaman mo na puwede ka naman pala maging masaya umpisa pa lang, pero inalisan ka lang ng karapatan.
Mas lalo akong natigilan nang narinig ang hikbi niya. Kanina ay masayang-masaya siya, tapos ngayon ay umiiyak na siya.
“Ang saya ko na rito, Shantelle. Tanggap nila ako, at hindi ko kailangan ipagpilitan ang sarili ko dahil pinararamdam nilang hindi ako iba sa kanila. Hindi na ako babalik diyan. Dito na ako sa mga taong hindi ako sasaktan,” aniya habang umiiyak.
Malungkot akong napangiti. Parang nasugatan ang puso ko. Nakakalungkot marinig iyon mula sa kaniya. Kahit naisip ko naman na talaga, iba pa rin kapag sa kaniya ko na mismo narinig.
“Kung ganoon, hindi na pala kita makikita, e.” I faked my laugh. I don’t want her to hear my sadness. “Kung hindi ka na babalik dito, hindi na tayo magkikita ulit.”
“Ano ka ba, you can visit me here!”
“Sana ganoon lang kadali, Lalaine,” I sighed. Sana madali lang kumita ng pera.
“Telle…”
Nagkibit balikat ako. “Pero okay lang ‘yon, as long as you’re happy, I’m cool with whatever. Masaya ako na masaya ka na riyan.”
Sandaling natahimik ang linya niya. Bigla akong nagsisi dahil baka iniisip niya ngayon na apektado ako masyado sa sinabi niyang hindi na siya babalik dito. Oo, apektado ako, pero ayaw kong makaabala ang nararamdaman ko sa mga desisyon at gusto niya.
“Bibisita ako kapag… may oras,” dugtong ko agad. “Ako na lang ang pupunta sa ‘yo kapag may pera na ako pang-ticket.”
“Iyong pera na ibinigay ni Mrs. Gomez, gamitin mo, Telle. Iniwan ko ‘yon para sa ‘yo–”
“Ayaw ko, Lalaine. Hindi ko iyon kayang gamitin dahil alam ko ang kapalit noon.” Nahihirapan akong lumunok. I even shook my head.
“Gamitin mo na. Sayang kung hindi mo gagastusin. Saka… wala na ang sa amin ni Santino. Tanggap ko na iyon at hindi ako nagpunta rito sa Las Vegas para maging sad girl.”
Iniwan niya sa akin ang pera na ibinigay ni Mrs. Gomez. Nasa bag pa rin iyon at hindi ko kayang buksan. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko naman ‘yon dapat galawin dahil hindi akin.
“Si Santino… he was meant to be a part of my life. Pero hanggang doon lang talaga. At… hindi naman ganoon kalalim ang pinagsamahan namin para hindi ko siya makalimutan. Thankful ako dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako magiging ganito ngayon. He made me the better version of myself today,” Lalaine said in a firm voice.
Wala akong nasabi. Hanggang ngayon, ang hirap pa rin lunukin na wala na talaga silang pag-asa. Minsan kong nakita ang saya at kislap sa mga mata ni Lalaine habang nakatingin siya kay Santino.
Alam ko na kahit sandali… naging masaya siya kay Santino. He once made her think that she was the happiest person alive.
“Kaya gamitin mo na ang pera. Bukod sa ipinagpilitan sa akin iyan ni Mrs. Gomez, napilitan din akong tanggapin na lang dahil naisip ko na baka buntis ka at kailangan natin ng pera–”
“Gaga ka!” Hindi ko napigilang ibulyaw. Napatakip ako sa bibig ko nang napagtanto na may mga bata nga pala sa classroom kasama ang magulang nila. I looked at them apologetically.
Humalakhak si Lalaine. “Sorry. Nag-o-overthink ako madalas, e.”
My God. Pati ang pagiging buntis ko ay in-overthink niya pa? Letse siya.
“Kakagigil ka, Lalaine.”
“Aba, masisisi mo ba ako? Kung nabuntis ka, pati ako ay po-problemahin ang anak mo.”
Kaya pala noong nagkaroon ako ng period ay tuwang-tuwa siya. Bago iyon, parati niya muna akong tinatanong kung may dalaw na raw ako at kapag sinasabi kong wala pa, iirapan niya ako.
Hindi ko nahalata na nag-o-overthink na siya na baka buntis ako. Para siyang may sira sa ulo. Bakit naman niya po-problemahin ang anak ko?
Overreacting si Nectarine dahil hindi siya makapunta sa Laguna sa araw ng unang araw ko bilang guro. Gusto niyang mag-dinner kami pero hindi naman Sunday kaya bawal siya pumunta sa akin.
Nakasimangot siya habang nagta-type sa laptop niya. Hindi niya ako tinitingnan. Wala naman akong pakialam dahil nilalagyan ko ng bandaid ang paa kong nagpaltos dahil sa suot kong sapatos.
“Ang higpit mo sa schedule,” aniya maya-maya sa tonong nagtatampo.
Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko. “For you ito. Huwag ka ngang puro reklamo.”
Hindi ako pu-puwedeng magpuyat masyado dahil maaga ang gising ko mamayang madaling araw.
“I just want to have dinner with you.”
“Sa Sunday na lang,” agad ko. “You can’t ruin your schedule.”
He rolled his eyes. “Right. I can’t ruin my schedule kaya kahit gusto kitang puntahan, I can’t do it because I know magagalit ka kapag nagpilit ako.”
I’m glad he knows! Wala rin siyang magawa kahit pa anong gawin niyang pilit. Mas lalong hindi ako madadala sa paawa niya.
“Punta ka na lang sa Sunday tapos ipagluluto kita ng pasta,” kung magsalita ako ay para bang mauuto ko siya roon.
He sarcastically sneered at me. Nagsusungit ang mga mata niya at ayaw niya man lang ngumiti. Naiinis siya sa akin.
“I don’t even like pasta,” mahina niyang sinabi.
I lifted a brow. “Talaga ba?”
“I like it a little.” Ginalaw niya ang ulo para tingnan ang oras sa suot na relo. “It’s late. Aren’t you going to sleep yet?”
Umapak ako sa kama at humiga. Tapos ko na ang mga kailangan gawin kanina bago siya kinausap. Ngayon ay magpapahinga na lang ako.
“Maya-maya. I still want to talk to you,” sabi ko.
“You need to rest. You’ll need energy for tomorrow’s class.”
Ngumuso ako at hindi sumagot. Nilingon niya ako. When he saw my face, he slowly smiled. Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti na lang din sa kaniya.
“Did you lock your door?” Tumango ako. Unang-una kong ginagawa kapag pumapasok sa apartment. “How was your day, then? Makulit ba ang mga estudyante mo?”
Nakatulugan ko na lang ang pagku-kuwento sa kaniya ng nangyari sa maghapon ko.