RUE'S POV
"uy she's back!"
"omg she's so pretty!"
"you're right, such a pretty lady!"
"gorgeous!"
"bakit kaya siya nawala?"
"hayaan mo na, tingnan mo naman pagbalik niya."
"she's glowing!"
Dinig ko sa mga estudyanteng nakakakita sa akin, para naman akong artista nito, enebe. I want to be serious na ayoko na ng masyado akong makaros o maharot kapag may ibang students.
Pumunta ako sa gilid upang hintayin sila Jen and Nikie ngunit nagulat nalang ako ng may biglang tumili, bwisit na Jenna 'to sakit sa tenga.
"Nikie!!! Look who's back!" inirapan ko siya dahil may ilang mga estudyanteng malapit sa amin, napatingin tuloy sila sa gawi namin.
"Shut up Jen, you're so loud!" inis na sambit ni Nikie sa kanya kaya tinawanan ko lang sila, palagi nalang silang nagbabangayan kahit na nag-uusap lang.
"You look good venice, parang walang nangyari ah." pabirong sambit ni Nikie habang nagbabasa ng libro. Hindi ko siya sinagot at kinindatan ko lang siya kaya sabay kaming natawa.
"I'm glad, umepek yung payo namin sa'yo." sabi naman ni Jen.
"Che!" anas ko sa kanila, nilagay ko sa bench ang bag ko at umupo sa tabi nila.
Ilang minuto pa ay niyaya ko na silang pumunta sa first period namin, ayaw pa nga ni Jen e pinilit lang namin ng makarating kami sa room wala pang prof. may narinig kaming naiinis na tunog mula kay Jen doon pala ay dahil defeat na siya sa nilalaro niya kanina.
Kung nandito siya, sana siya yung unang masisilayan ko ngunit wala na siya sa unibersidad at kailangan kong itatak yon sa isip ko.
"Good morning class." nagulat ako ng makita ang isang pigura sa unahan.
"Good morning Miss Demi." sabay-sabay na sabi nila.
"Oh, Venice. You're back."
"It's good to be back prof." magalang na sambit ko, binigyan ko rin ito ng isang ngiti.
"Mabuti naman, marami kang hahabulin na activities niyan, wala ka rito two weeks straight." alam kong kapatid o bestfriend nalang ang turing niya sa akin kaya hindi ako gaanong naiilang.
She's my teacher again, do I get deja vu?
Kung si Miss Demi nga bumalik as teacher mo, malay mo pati siya bumalik diba? malay mo naman. Kung babalik man siya mas pipiliin ko nalang na hindi na mag-aral.
Miss Demi continued her discussion, nakita ko si Jen na para bang naiinis at parang kanina pa gusto pumatay ng tao. Tiningnan ko kung sino ang tinitingnan niya ng masama ng makita kong titig na titig ito kay Miss Demi.
huh? bakit kaya.
Natapos ang klase namin kay Miss Demi, naging maayos ang takbo ng pagtuturo niya. Hindi ito tulad ni Geyl na sobrang istrikto, siya yung tipong makikisali lang sa trip niyo pero sisiguraduhin niyang may matututunan ka.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na siya yung pumalit na Professor namin o hindi.
"Jen, are you okay?" tanong ko sa kanya ng humupa na ang inis sa mukha nito.
"Yes of course, bakit mo natanong?" balik na tanong nito.
"Ah wala! tara na sa cafeteria I'm hungry na." sambit ko habang hinihila ko siya pababa ng hagdan.
"OMG!!!" tili niya, yung eardrums ko basag na.
"Ha? Ano? Bakit?!" sunod-sunod na tanong ko sa kanya, para naman kasing may aning 'tong kaibigan ko, bigla-biglang titili.
"Nakita mo yung lumiko sa corridor?" tanong niya sakin, parang nahagip na iyon ng mata ko.
"Oh? anong meron don?" tanong ko ulit sa kanya.
"Wala lang, ampogi niya miiii!" tangina cries to my eardrums. Hindi lang ito masakit sa tenga kundi pati pisikal din, habang kinikilig biglang manghahampas. Ang sadista lang.
"Ayaw mo ba kay Miss Demi? Diba crush mo siya nung Grade 12 tayo?" pang-aasar ko sa kanya, yung kilig niya ay napalitan ng inis.
"Ayoko don, inaagaw niya bebe ko." sambit naman ni Jen.
"FYI, walang inaagaw sa'yo si Miss Demi." sabat naman ni Nikie.
Pagkatapos ng klase ay dumeretso ako sa office ni Miss Demi. Pagpasok dito ay bubungad sa'yo ang isang napakaorganized na opisina ngunit sa isang gawi nakikita mo rin ang mga nakakalat na papel sa isang table.
Tumikhim ako upang lumingon ito sa gawi ko. Nakita ko ring may hawak itong bottle at alam kong hindi tubig ang laman noon dahil kahit noong Grade 12 palang kami ay lagi itong may hawak na plastic bottle na may lamang vodka.
"How are you?" bungad niya sakin at umupo ako, hindi ko na hinintay na paupuin niya ako.
"I'm fine, thank you." pinilit kong pasayahin ang boses ko.
"Be serious kahit ngayon lang." sambit nito.
"Fine!" I took a long sigh. "At first, I was scared because somebody might know something between me and her. I kinda regret that I cut my hair, I forgot kasi na may issue nga pala pagnagpashort hair ka." paunang sabi ko.
"How's your heart? Is it still breathing?" pabirong tanong niya.
"Akala ko nga nung nawala siya hindi na titibok puso ko e pero ito kahit anong kagagahan gawin ko, buhay pa rin ako." natatawang sambit ko, nakita ko ang pag-aalala sa mata nito at agad hinablot ang parang kamay ko.
Tiningnan niya ang wrist ko, buti nalang at hindi na ganon kalalim ang sugat nang makita niya iyon.
"Fuck! What did you do?" natataranta at nagiging emosyonal siya.
"Wala 'yan, I just find it helpful."
"Helpful? Helpful to make you die?!" naiinis siya sa panahong ito dahil nakita ko kung paano nanggigilid ang luha sa mga nito.
She's concern about me, shet hala.
"It's nothing po, no need to worry."
"Don't do it again or else, I'll kill you." tumalikod ito upang punasan ang luha niya.
"Yes bff, sorry na uwu." pabirong sabi ko para hindi na siya mag-alala sakin.
She hugged me tight na para bang ayaw niya akong pakawalan and she started sobbing.
"I'm sorry." bulong ko sa kanya, I just hugged her hanggang maging maayos ang pakiramdam nito.
"Here, nandito yung list ng lahat ng activities na namissed mo." sambit nito sabay bigay sa akin ng handouts.
"Nakuu, nag-abala ka pa. Pwede ko naman itanong sa dalawa." Natawa nalang kami ni Nikie ng bigla itong nawala sa mood at tila naaasar hanggang sa pag-uwi.
"Alam ko na ugali niyong tatlo, mga tamad kayo magnotes, anong aasahan mo ron?" pabalang na sagot ni Miss Demi kaya natawa ako.
"We're not in highschool anymore Miss Demi and isa pa, people change." inirapan niya lang ako, ang attitude grabe.
"I don't believe you." tinawanan ko lang siya.
"Bakit may galit sa'yo si Jen?" pag-iiba ko ng topic namin, nakita kong may bukas na chips siya sa gilid kaya kinuha ko iyon at sinimulang kainin.
"See that, you're still you, buraot!" sabay hablot ang chips niya.
"And you're still you, you're eating this brand of chips for 3 years now." sabi ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Lumayas ka na nga." sambit nito.
"Hey! You didn't answer my question." sambit ko sa kanya.
"Remember I have a fiance?" tinanguan ko siya. "Crush niya pala iyon e, she has a crush on my fiance." that explains why she want to kill Miss Demi in Jen's mind.
"Oh...really?" alam ko kasi may crush si Jen kay Miss Demi noong Grade 12 palang kami tapos ngayon, fiance naman niya.
"Next time if you have a problem, just call me or your best friends, you don't need to cut yourself just to make you feel better." she hugged me again and pinalayas na niya ako sa office niya.
I did it.
Nakapasok ako, natuto ako ng lessons, bumalik ako na parang walang nangyari, kaso lang lalo nila akong tinitingnan dahil sa new transformation ko pero okay lang.
Hindi ko rin maitatangging namimiss ko siyang kasama, she's my safe place but it doesn't mean na sa kanya lang iikot mundo ko.
Maraming mga kaklase ko ang naiintigra kung ano ba talaga nangyari sa akin and I just keep quiet. I want it to be secret because she's still my former professor.
I'll be like this for another one year, after that, I'll show the world who I really am.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
I'm sorry po, now lang nakapag-update tapos hindi ganong interesting yung bagong chapter huhu. We're filming po kasi sa section namin and sadly, I'm one of the writers kaya medyo busy po.
Thank you for waiting po...