"Hoy pito pito bumangon ka na nga jan! Tulog mantika talaga kahit kailan!" nagulantang ang magandang moment namin ni Nico sa panaginip ko nung narinig ko yung nakakainis na boses ni oppa. Urgh! Konti nalang eh!
Pagtingin ko sa orasan ko, 5:30am palang. 7 am pa ang pasok ko at 6:00 ako nagigising!
"Ano bang problema mo oppa?! May 30 minutes pa ako para matulog!!!" sigaw ko. Hindi ba niya alam na sobrang importante ng bawat minuto na tinutulog mo? Yung kahit 1 minute nalang papatusin mo pa.
"Tch! Tumayo ka na jan! May naghahanap sayo sa baba!"
Ginusot gusto ko yung mata ko at napaisip. "Huh? Sino?"
"Si Nico. Tch! Dumadami yata ang manliligaw mo." Medyo irita na sabi ni oppa. Psh! Protective brother!
At isa pa, si Nico lang ang manliligaw ko. Anong dumadami dun?
Pero bakit ang aga ni Nico? 6:45 niya ako lage sinusundo ah. Napaaga yata siya ngayon. Tumayo agad ako sa kama ko at sinuot yung robe ko. Mahirap na baka maulit yung wardrobe malfunction ko dati.
Lumabas na ako ng kwarto ko at pagbaba ko, nakita ko si Nico na nakaupo sa sofa. Sheez! Ang gwapo niya po promise! Faded blue jeans and white pull over. Waaah! Pero bakit hindi siya nakauniform?
Nakita naman niya agad ako at ngumiti.
"Goodmorning my princess?" nakangiting bati niya. Bigla naman uminit yung pisngi ko. Hindi parin ako sanay na tinatawag niya akong princess.
"Good morning. Bakit ang aga mo ata?" tanong ko.
"I just wanted to see you before I leave."
Ano daw? Leave? Aalis siya?
"Ha? Bakit? Saan ka pupunta?"
"Kailangan ko kasing pumunta ng Macau. May emergency kasi sa business namin duon and since my father is training me in our company gusto niya hands on ako sa mga ganung klaseng sitwasyon."
Nanlumo naman ako sa narinig ko. Is this the time that the prince has to bid goodbye to his princess to go to a battle? Parang ganito yung version ng nasa fairytales.
"Hey, wag ka ng malungkot princess. Babalik naman agad ako eh." He cupped my face at hinarap ang kaninang nakayuko kong ulo sakanya.
Huminga muna ako ng malalim. Alam ko naman na kailangan niyang gawin to at isa pa hindi naman siya forever mawawala. Babalik din siya.
I smiled at him. "Naiintindihan naman kita. Ang OA ko lang kasi talaga minsan. Gaano ka pala katagal mawawala?"
"Hindi ko pa alam. Depende. But I promise I won't be too long. Syempre mamimiss kita eh." Sabi niya tapos kumindat siya sakin.
Internal hemmorrhage nanaman yung pisngi ko. Okay.
"Psh! Bolero!" mahina kong hinampas yung braso niya. "Sige na, baka mahuli ka pa sa flight mo. Magreready nadin naman ako for school." Sabi ko naman.
"Alright. Take care, always." Halatang may concern sa mga mata niya. Siguro naman walang mangyayaring masama sakin sa loob ng ilang araw diba? Mawawala kasi yung prince charming ko.
Tumango naman ako at ngumiti sakanya. Hinatid ko siya hanggang sa may gate. Kahit nandito pa siya sa harap ko pakiramdam ko namimiss ko na siya.
"Princess.." tawag niya ulit sakin bago pa siya makasakay ng kotse niya.
"Hmmm?"
"I hope when I come back, you already have your answer." Sabi niya at sumakay nadin sa sasakyan habang iniwan akong nakanganga.
Anong ibig sabihin niya dun? Pagbalik niya sana may sagot na daw ako. Sagot saan? OMO..hindi kaya...
"Kyaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!" napasigaw ako sa kilig bigla. Hangin please!!! Ibig bang sabihin pagbalik niya sana sagutin ko na siya?
Waaaaahhhhh!!! Hindi pa siya bumabalik yes na ang sagot ko! Yes na yes! Kaya dalian mong bumalik Nico!
***
"Your assignments will be passed on Friday. Be sure to cooperate with your partners." Sabi ni Sir Ventura bago kami idinismiss. Psh! Assignment nanaman!
"Hoy stupid sainyo tayo ha?" bulong ni Kent habang nagliligpit na ako ng gamit.
"At bakit?" pagtataray ko.
Ano nanaman bang balak neto?
"Uy Kent ano yan? Porket wala dito si Nicolo dumadamoves ka jan kay Yuri ha!" Pangaasar ni Kirby habang tinutusok tusok yung tagiliran ni devil.
"G*go! Wag ka ngang nagsasalita ng ganyan baka lalong umasa sakin tong si stupid!" sagot naman ni devil tapos tumingin siya sakin mata sa mata.
*dug dug..dug..dug..* ay pakshet! Eto nanaman yung heartbeat na to.
"Spell ASA! Kapal talaga! Bakit ka ba nagyayaya samin ha?! Wala ka bang bahay?" defensive na sagot ko.
"Gagawa tayo ng assignment sa physics! Halatang hindi ka nakikinig!"
"Bakit sa bahay namin ulit?! May masama ka nanamang binabalak nuh? Pahihiyain mo nanaman ako noh? Hoy devil, alam ko na yang mga ganyang galawan mo! Hindi mo nako maloloko!" akala ba niya nakalimutan ko na yung ginawa niyang pagsabotahe sa mga homeworks ko? Lech!
"Tch! Dami mong sinasabi! Putulin ko yang dila mo eh! Tara na nga!" sabay hila niya sakin at narinig ko naman yung pagmumura niya habang hila hila niya ako. Tch! Ang dumi talaga ng bibig neto!
Wala nadin akong nagawa kasi wala din naman akong choice. Hindi ko naman kasi kayang gawin magisa yung assignment namin. Magiging alert nalang ako kay devil at baka isabotahe nanaman yung assignment ko.
Pagdating namin sa bahay wala sila oppa at parents ko. As usual, maaga pa kasi eh. Derederetso akong umakyat sa itaas ng hindi nililingon si devil. Bahala siya ientertain ang sarili niya sa sofa at magbibihis muna ako!
Pagpasok ko ng kwarto napalingon ako nung pumasok din kasunod ko si devil at biglang humiga sa kama ko.
"Hoy! Lumabas ka nga! Bakit nandito ka sa kwarto ko?! Paano ako magbibihis?! Bastos ka din eh noh?!" sigaw ko sakanya.
"Tch! Sunget! Edi magbihis ka! Feeling mo naman sisilipan kita!" Aba't!
"Isa! Labas sabi eh!" naiinis nako.
"Hindi ako titingin! Promise!" tapos tinakpan ng isa niyang kamay yung mga mata niya. Trip talaga ako netong mokong nato!
Ayaw mong lumabas ha! "Cookie! Chicken! Bite devil!" sabi ko sa mga aso ko at agad naman dinaganan si Kent sa kama.
"Ahhhhh!!!! F*ckin dogs! Get away from me! Fcking sh*t!"
Hahahahaha! Takot padin pala siya sa mga aso! Hinawi niya yung mga aso ko sabay labas niya sa kwarto ko.
"Psh! Gusto muna ipalapa eh!" bulong ko paglabas ni devil at nagbihis nadin.
Pagbaba ko sa sala prenteng prenteng nakaupo si devil sa sofa tapos yung dalawang paa niya nakapatong sa center table. Tumatawa siya habang nanunuod ng tv. Kapal talaga ng mukha neto! Walang bahid ng kahihiyan sa katawan.
Wait, tumatawa siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya. Amazing~
*dug dug..dug dug..* Hindi ko na pinansin yung pagiingay ng dibdib ko. Binagsak ko yung mga libro ko sa mesa na ikanagulat ni devil.
"At home na at home ha! Bahay mo?" sarkastikong tanong ko.
"Tch! You're still my slave remember that. Pagtimpla mo nga ako ng juice." Utos niya.
Psh! Oo nga pala. Inirapan ko nalang siya at nagtimpla ng juice sa kusina. Bwisit talaga yun! Ginagamit nanaman niya yung powers niya over me! Pasalamat siya naguguilty padin kasi ako.
"Eto na po kamahalan." Sabay lapag ko ng juice sa mesa at ininom naman niya agad yun straight up. Grabe uhaw na uhaw lang?!
"Let's start." Sabi niya at kinuha na agad yung workbook niya.
***
"Fcvk! Eto lang hindi mo pa magets?!"
Isang oras na kami ni devil gumagawa ng assignment at ilang litro na ng mura at insulto ang nakukuha ko sakanya!
"Eh sa hindi ko magets eh! Anong magagawa ko?!"
"Tang*na ang bobo!"
"Hoy narinig ko yun!" bwisit to! Anong magagawa ko kung hindi ko talaga magets yung circuit?! Sino ba kasing nagsabi na pangarap kong maging electrician?! Psh!
"Yung totoo, isang digit lang IQ mo no?!" pangiinsulto niya. Sanay nako noh!
"Alam ko nasa two digits naman." Inosenteng sagot ko.
"Tch! Walang sisihan pag napahiya ka nanaman ha?!"
"Tapos na ba? Kung tapos na umalis ka na nga!" pagtataboy ko sakanya.
Paano kasi tapos na naman niya talaga sagutan yung homework pero ineexplain pa kasi niya sakin, eh sa hindi ko nga magets.
"Hindi mo ba nakikita?! Ang lakas ng ulan paano ako uuwi?!"
Malakas nga yung ulan. Eh pake ko?
"Pagkakaalam ko may bubong naman yung kotse mo."
"Nakalimutan mo naba na nakisakay lang ako sayo kanina?"
Ay oo nga pala! Sakin pala siya sumabay nung papunta kami dito!
"Edi magpasundo ka si driver niyo!"
"Dito nalang ako. Sure naman ako na okay lang sa parents mo na dito ako magpalipas ng gabi. They like me remember?" pagyayabang niya.
Gusto nga siya ng parents ko most especially my mom, pero ako? Ayokong nandito siya!
"Sakanila okay pero sakin hindi! Kaya umalis ka na! Layas!" hinila ko yung shirt niya at dineretso siya palabas ng bahay.
"Seriously? You'll let me get soaked in the rain?" pangkokonsensya niya medyo natahimik naman ako. Pero no! Hindi ako naaawa sakanya!
"Oo! At wala akong pakeelam! Kaya alis!" sabay bagsak ko ng pinto.
Bahala siya sa buhay niya. Pagkatapos niya akong insultuhin at muramurahin papatulugin ko siya sa bahay ko? Ano siya? Tumama sa lotto?! No way highway! At pake ko kung slave niya ako? Wala naman kami sa school o sa bahay niya. Nasa bahay ko siya kaya ako ang masusunod noh!
***
Pagpasok ko kinabukasan, wala padin si Nico. Pero kahit malayo siya, hindi naman siya nakakalimot na itext ako o tawagan para kamustahin. Prince charming yan eh! Hays! Namimiss ko na siya kahit dalawang araw palang siya umaalis.
Napalingon ako sa katabi kong upuan, wala din pala yung isa. Si devil.
Nakauwi kaya siya kahapon? Aish! Pake ko ba?!
"Uy Kirby, nasan yung demonyito mong kaibigan?"
"Uyyy, bakit namimiss mo?" pangaasar niya. Isip bata tlaga tong isang to.
"Hindi no! Nagtataka lang ako." Bakit pa nga ba ako nagtatanong? Parang hindi na ako nasanay na laging umaabsent yun.
"Tumawag ako sakanila kanina, sabi nung maid may sakit daw." Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Kirby.
Ano? May sakit si devil? Dahil ba hinayaan ko siyang umuwi ng umuulan kagabi? Bigla tuloy akong naguilty.
"Hindi ko nga alam kung bakit bigla yun nagkasakit eh. Wala ka bang napansing kakaiba sakanya kahapon? Diba magkasama kayo?" tanong ni Kirby.
Wala naman akong napansing kakaiba kay devil. Bukod sa....
"Pabo! Aish!' sabay batok ko sa sarili ko.
"Ui Yuri bakit?" nagaalalang tanong ni Kirby.
Bakit ba hindi ko yun napansin? Bakit hindi ko napansin yung pagiging matamlay niya? Yung lagi niyang paghiga samin kahapon? Una, humiga siya sa kama ko tapos sa sofa namin na parang pagod na pagod siya. Pangalawa, yung nakailang hingi siya ng juice at tubig na akala mo init na init yung pakiramdam.
Kasalanan ko to eh.
"May nagaalaga ba kay devil? Diba magisa lang siya dun sa pad niya sa Empire? Paano yun?" sunud sunod na tanong ko.
O___O -Kirby
Halatang hindi siya makapaniwala. Oo na! Nagaalala nako! Naguguilty kasi ako kasi kasalanan ko kaya nagksakit si Kent eh.
"Uy Kirby ano?!" pagyugyog ko sakanya. Bumalik naman siya sa katinuan.
"Wala na siya sa Empire. Nandun na siya sa bahay nila sa Forbes. Pero kahit may mga katulong dun, hindi naman sila hinahayaan ni Kent na makalapit sakanya. In short, wala. Walang nagaalaga sakanya. Paano kasi yung lalaking yun ayaw na ayaw papahawak sa hindi niya kakilala. Napaka supla--" hindi ko na pinatapos yung homily ni Kirby at tumakbo na palabas ng school.
Kinakabahan ako. Aish! ano ba tong ginagawa mo sakin devil? Bakit ba ako nagaalala sayo?! Pasalamat ka kahit konti may konsensya ako sayo!
Sumakay na agad ako sa sasakyan at nagpahatid sa Forbes. Yung subdivision nila devil. Hindi na nagtanong si Mang Dino dahil sanay nanaman siya na nagcucutting ako.
Pagkadating namin sa tapat ng bahay nila devil, nakita ko naman yung isa sa mga katulong nila na nagtritrim ng halaman sa garden.
"Good afternoon po. Nanjan po ba si Kent?" tinignan muna ako ni ate na parang kinikilala ako.
"Ay! Kayo po yung girlfriend ni young master di po ba? Opo, nanjan po si young master. May sakit nga po eh wala naman pong makapasok sa kwarto niya kasi hindi kami pwede pumasok dun. Nako tara na po! Baka po kayo hinihintay niya na alagaan niyo siya."
Hindi na ako nagkaroon ng chance na magexplain na hindi talaga ako girlfriend ni Kent kasi hinila agad ako ni ate na sa loob ng palasyo nila devil. Wow. Nga nga! Grabe sobrang laki ng bahay este mansyon este palasyo nila devil! Nung una ko kasing punta ko dito hindi ako masyadong nakapagikot ikot dito sa loob kasi deresto kami sa kwarto ni Tita Alexa na nasa first floor lang naman.
"Hanggang dito nalang po ako Miss. Yung kwarto po ni Young master nasa unang pinto sa kaliwa. Yung kulay itim po." Tumigil kami dito sa last staircase.
Kinabahan naman ko bigla. Bakit parang off limits yung kwarto ni kent? Abnormal talaga yun! Mas gugustuhing mamatay kesa magpapasok ng magaalaga sa kwarto niya.
"Teka ate. Kung sabi po niyo walang pwedeng pumasok sa kwarto ni Kent, edi hindi din po ako pwede?"
"Ay hindi po. Kami pong mga katulong lang ang bawal. Pero yung si Sir George, Sir Nico at Sir Kirby po pwede. Lalo naman po kayo na girlfriend niya."
Ate, hindi naman talaga ako girlfriend ni devil. Katulad niyo, alila din po niya ako. Gusto ko sanang sabihin kaso iniwan na niya ako.
Dahan dahan akong umakyat papunta dun sa kwarto ni devil. Shete! Kinakabahan ako! Para akong papasok sa lungga ng isang tigre! Kung hindi ko lang talaga to kasalanan eh! Promise sisilipin ko lang siya tapos aalis nako!
Nung nasa tapat na ako gate of hell o yung kwarto ni devil in short, halos mapatalon ako nung may narinig akong pagkabasag ng kung ano.
Hala! Sigurado ba si ate na si tao yung nasa loob ng kwarto na to at hindi halimaw?
"LEAVE MY FVCKIN ROOM NOW! KUNG AYAW NIYONG MAWALAN NG TRABAHO AT BUHAY!"
Kwarto nga ni Kent to! Boses palang at pagmumura palang niya alam ko na kahit hindi ko pa siya nakikita.
Mali yata na nagpunta ako dito eh. Maling mali!
Biglang may lumabas na tatlong maid na nanginginig sa takot. Yung isa may dalang basag basag na pinggan at baso.
Joke lang pala! Mukhang ok nanaman siya! Alis nako!
"Hey! You!" paktay!
Ako ba yung tinatawag niya? Hindi ako lumilingon sa kwarto niya. Naiwan kasing nakabukas yung pinto. For sure pag lumingon ako, makikilala niya ako. Jusko! Di pa ako sawa sa buhay ko.
Unti unti na akong humhakbang and was preparing to run for my life ng biglang...
"Hey, don't leave." Natigilan ako sa narinig ko. Malumanay yung pagkakasabi ni Kent na parang mag pagmamakaawa.
Para akong naging estatwa sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Kent. Hindi ko parin siya magawang harapin.
Dug..dug..dug..dug..
"..please stay." Dugtong niya na lalong ikinahulog ng puso ko. Unti unti akong lumingon sakanya at tama nga ako. Ako nga ang kausap niya. He was looking at me habang nakaupo siya sa kama niya.
Tinuro ko yung sarili ko to make sure na ako ang kausap niya.
"Yes. YOU." He emphasizes.
Pumasok akong nakatungo sa kwarto niya. Huli na para makatakbo pa. At mukha namang wala siyang balak na ibalibag ako anytime soon.
"Bakit ka nandito?" seryosong tanong niya.
Nagpalipat lipat ako ng tingin. Hindi ako makatingin sakanya ng deretso eh. Bakit nga ba kasi ako nandito? Dahil nagalala ako? Naguilty?
"Ah-eh kasi-ano eh.. sabi ni Kirby may sakit ka daw. Sinisilip lang kita." Sabi ko ng hindi tumitingin sakanya.
"Sinisilip? Ano ako bintana?" Psh! Eto ba yung may sakit? Lakas padin makapambara. "Teka nga..ibig bang sabihin nagaalala ka saken?" nakangising tanong niya na parang nangaasar. Psh!
Psh. Fine! Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Naisip ko lang kasi na kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit kasi hinayaan kitang maglakad sa ulan kagabi."
"So nagalala ka nga?" nakangisi padin siya.
Hindi ko siya sinagot at umirap lang. May sakit ba talaga to? May gana pang mangasar eh!
"Uy! Ano nagalala ka no? Naguguilty ka noh? Umamin ka na kasi, nagalala ka talaga sakin!"
"Oo na! Ok?! Nagaalala nako! Hindi ko naman akalain na magkakasakit ka pala eh! Hindi mo man lang kasi sinabi na masama na pala yung pakiramdam mo kahapon! Ano?! Masaya ka na dahil pinakaba mo ako? Kasi natakot ako na kung ano nang nangyari sayo? Tapos sabi pa ni Kirby at nung katulong niyo ayaw mong magpapasok ng kahit sino sa kwarto mo at ayaw mong magpaalaga? Alam mo ba na--"
"Shhhh... Ok na naman ako eh." Husky na sabi niya. Nilapitan kasi niya ako at hinawakan yung magkabilang balikat ko para pakalmahin ako.
Tapos nakatitig siya sakin. Mata sa mata. *dug dug..dug..dug*
Halata naman sa boses niya na may sakit pa siya. "Pero since nandito kana, pagsilbihan mo ang amo mo, slave. Take care of me." Dugtong niya. Napairap ako sinabi niya.
Nilayo ko naman agad siya sakin tapos hinawakan ko yung noo niya at halos mapaso ako sa sobrang init neto. "Eto ba yung okay? Ang init mo pa kaya!" sabi ko sabay hinila siya sa kama niya.
Pumasok ako sa cr niya na napakalaki. Halos kasing laki na ng kwarto ko. Kumuha ako ng basin na may lukewarm water at face towel. Maalagaan na nga si devil! Kasalanan ko naman eh.
Pagbalik ko nakita ko si devil na nakahiga sa kama niya at nakapikit. Aba! Nakaidip ang mokong. Umupo ako sa gilid ng kama niya tapos pinagmasdan ko siya. Gwapo nga talaga ang isang to. Mahaba ang pilikmat. Matangos at pointed ang ilong. Makinis ang balat, grabe walang ka pores pores. Manipis at mapulang labi na akala mo walang bisyo. Psh. Unfair!
"Tititigan mo lang ba ako o pupunasan mo na ako?" nagulat ako nung bigla siyang nagsalita at dumilat. Nakita tuloy niya na nakatitig ako sakanya! Nakakahiya!
"Eto na po kamahalan. Psh! Parang tinitignan lang kung may dumi yung mukha." Palusot ko.
Pinunasan ko naman yung mukha niya tapos nilapat yung towel sa noo niya.
"Bakit pala ayaw mo magpaalaga sa mga katulong niyo? Ang dami dami niyong katulong di ka dun magpaalaga." Tanong ko.
"Ayoko sakanila. Hindi ko naman sila kilala." Suplado talaga netong lalaking to. Hays! "Tsaka may personal maid naman ako eh. Ikaw." Dugtong niya.
Pasalamat talaga to may sakit siya kung hindi mukha niya ang nilublob ko dito sa plangganang hawak ko.
"Paano pala kung hindi ako dumating? Edi walang nagalaga sayo. Psh. Pasalamat ka naguilty ako."
"I know. Thanks." Nag smile siya bigla. Dug dug..dug dug..
Napahawak na ako sa dibdib ko bigla habang nakatingin kay devil na nakangiti. Ngumiti ba talaga siya sakin at nag thank you? Nagthank you ba talaga siya?!
"Uy! Galaw galaw baka pumanaw!" niyugyog naman niya ako ng konti habang medyo natatawa.
Napalunok nalang ako at umiwas ng tingin. Bakit ganito? Ngumiti lang naman siya at nag thank you pero bakit parang natanggal ata yung puso ko sa dibdib ko?
"Uy stupid okay ka lang ba? Bak-"
*knock knock*
Hindi na naituloy ni devil yung sasabihin niya nung may bigla kumatok sa pinto at bumalik naman ako sa wisyo ko. Bakit kasi bigla bigla siyang ngumingiti? Creepy ha!
"Fvck, they just won't stop." Bulong niya at agad ko naman siya binatukan. "ARAYYY!" daing niya.
"Imbis na magpasalamat ka kasi ang daming concern sayo, ikaw pa tong nagagalit?" panenermon ko. Dumeretso naman ako sa pinto at binuksan yun.
Nakita ko yung maid na nagdala sakin dito kanina. May dala siyang tray na may tubig at gamot ata yun.
"Ma'am eto na po yung gamot ni young master." Sabay abot niya sakin nung tray.
"Hey You! Sinabi ng ayokong uminom ng gamot diba?! Do you want me to fire you huh?!" sigaw ni Kent dun sa maid. Psh! Harsh talaga!
"Ate wag mo na siyang pansinin. Siraulo kasi talaga yan. Sige na po, ako na bahala dito. Salamat." Ngumiti ako sakanya at sinara na yung pinto.
"Ano bang problema mo?! Ikaw na nga tong pinagsisilbihan ikaw pa tong may ganang magalit! And worse pinagbabantaan mo pa!" naka pamewang na sabi ko pagkalapag ko ng gamot ni devil sa bedside table niya.
Siya naman tahimik lang na nakaupo sa kama niya at parang batang pinapagalitan habang may kung anu anong binubulong.
Kinuha ko na yung gamot niya at yung tubig niya tapos tumabi na ako sakanya.
"Oh, inumin mo to." Utos ko.
Hindi niya ako sinunod at inirapan lang ako. Aba aba!
"Iinumin mo o iinumin mo?" pinandilatan ko siya.
"AYOKO NGA!" grabe para siyang bata na hindi mapainom ng gamot.
"Inumin mo na! Ayaw mo bang gumaling ha?!"
"Edi ikaw uminom tutal ikaw nakaisip eh." Sinsusubukan talaga ako netong demonyitong to ah!
Bata bataan ka ha! Edi sapilitan nalang din kita papainumin tutal trip niyang magbatabataan.
"Ayaw mo ha.."
Dinaganan ko siya bigla at umupo sa tiyan niya tapos hinawakan yung dalawang kamay niya at inipit ito sa likuran niya habang pinasandal ko yung ulo niya sa headboard.
"Fvck! Anong ginagawa mo? Get away from me! You ugly stupid creature!"
Medyo tiningala ko yung ulo niya tapos sapilitan na binuka yung bibig niya. Buti nalang syrup yung gamot kaya napainom ko agad yun tapos sinundan ko naman ng tubig.
"Ah! Fvck! Fvck! Fvck! Tang*na ang pait!" umalis na ako sa pagkakadagan sakanya. Gusto pa pipilitin eh! "Sinong may sabi sayo na gawin yun?!" namumula siya sa galit.
"Ako! Ang arte mo kasi! Iinumin mo din pala!" sigaw ko.
"Urgh! You'll pay for this stupid creature!" inis na sabi niya habang pilit padin inaalis yung lasa ng gamot sa dila niya.
Ang tapang talaga! Parang walang sakit!
Tinulak ko yung ulo niya gamit yung isa kong daliri kaya napahiga siya.
"Sa araw na to, ako ang masusunod. You told me to stay, so bear with it." I smirked habang pulang pula na siya sa inis.