抖阴社区

THE MERMAID'S DESIRE

By cold___precious

4.1K 1.7K 865

"Noong sinabi ko sa'yo na hindi kita kailanman na mamahalin ay natawa na lang ako sa sarili ko kasi mula't sa... More

CHAPTER 1 (First Meet)
CHAPTER 2 (First Encounter, First Taste)
CHAPTER 3: PERLAS NG SINILANGAN
CHAPTER 4: ANG MAPAIT NA NAKARAAN
CHAPTER 5: THEIR PAST LIFE
CHAPTER 6 (SEX'S RITUAL)
CHAPTER 7: PRINSIPE RAQUIM
CHAPTER 9: ANG PANGITAIN
CHAPTER 10: ELISHA
CHAPTER 11: MERMAID'S VENGEANCE
CHAPTER 12: BORN
CHAPTER 13: PANIBAGONG BUHAY
CHAPTER 14: MEET HER AGAIN
CHAPTER 15: DAUGHTER IN LAW
CHAPTER 16: SA ISANG BUBONG
CHAPTER 17: FUTURE MOTHER IN LAW
CHAPTER 18: JEALOUS
CHAPTER 19: COLD TREATMENT
CHAPTER 20: PUNISHMENT
CHAPTER 21: ELLIE
CHAPTER 22: MAMA AT PAPA
CHAPTER 23: VAMPIRE
CHAPTER 24: MISSING
CHAPTER 25: INNOCENT
CHAPTER 26: PAALAM
CHAPTER 27: PANGUNGULILA
CHAPTER 28: ANG PAGBABALIK
Chapter 29: Parusa
CHAPTER 30: SHE'S DESPISE ME
CHAPTER 31: KALABAN
Chapter 32: Pangamba
Chapter 33: Rough
Chapter 34: Fated
Chapter 35: I know you
Chapter 36: Unexpected Encounter
Chapter 37: My Mermaid
Chapter 38: Hot Date
Chapter 39: Disaster
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II
AUTHOR NOTES

CHAPTER 8: LOVE WAS NOT ALWAYS SWEET

132 76 30
By cold___precious

Chapter 8

Tulalang naglalakad si Esmael sa dalampasigan. Hindi s'ya makapaniwala sa lahat ng narinig nya.

Hindi s'ya makapaniwala na ang babaeng na pinagalalayan n'ya ng kanyang sarili ay hindi ang kanyang nobya kundi ang kakambal nito. Hindi nya maiwasan makonsensya dahil sa nangyari.

Napapikit sya nang mariin na paulit-ulit na ume-echo sa kanyang isipan ang mga  masasakit nitong salita.  Sa bawat sinasambit nito ay para s'yang pinapatay.

Nakakalito..

Hindi naman ito ang tunay nyang nobya..

Pero bakit syang nasasaktan?

Bakit parang pinagpipiraso ang kanyang pagkatao?

Napabuntong-hininga na lang si Esmael nang makita ang humahangos na si Elisha papunta sa kanya. "Mahal kanina pa kita hinahanap! Ang sabi mo iihi ka lang?!" Nag-aalang saad ni Elisha kay Esmael habang marahan hinawakan ang pisngi nito.

Napaiwas na lang ng tingin si Esmael sa kanyang nobya at hindi makapa kung ano ang isasagot.

Samantala, nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib si Elisha sa inaasal ng kanyang nobyo. Para pinagpipiraso ang kanyang puso sa tuwing nababasa nya ang iniisip nito.

Napayuko na lang si Elisha habang umiiyak na s'yang kinabahala ni Esmael. "M-mahal ko, pasensya na pinagalala kita. Hayaan mo babawi ako. May alam akong kainan dito na paniguradong maiibigan mo, " Malambing na saad ni Esmael at hinawakan nang marahan ang kamay nito para pakalmahin.

Tumango na lang si Elisha at nagpahila sa kanyang nobyo. Napatitig sya sa maamo nitong mukha at nakaramdam ng kirot na hindi nitong nalaman ang pagkakaiba namin ni Elena.


Hindi nya magawa magalit sa pagtataksil ng kanyang nobyo.




Dahil mahal na mahal nya ito




Sya lang ang tanging nilalang na minahal nito.




Hindi nya kaya mawala ito sa buhay niya.




Kundi mababaliw sya!




Handa sya makipagpatayan sa kahit sino para hindi ito maagaw ng kahit sino....



Lalong-lalo na si Elena...



Kahit pa ang kanya sariling kakambal...



Dahil sa kanya lang si Esmael!



Sa kanya lang at wala nang iba pa!





"Mahal ko, nandito na tayo."

Bumungad sa kanila ang simpleng kainan na malapit sa dalampasigan. Ang interior nito ay kaaya-aya at mala-probinsya ang style kasi ba naman ay gawa sa bamboo tree ito pero kahit ganoon ay mukhang matibay ang pagkakagawa. Panigurado ay marerelaks ang mga tao dito dahil sa sariwang hangin na dulot ng dagat.

Marahan na inalayan ni Esmael si Elisha paupo sa upuan na gawa din sa bamboo tree. Nakangiti naman pinagmasdan ni Elisha ang paligid hanggang sa may nakita sya na pamilyar na postura.

"Prinsipe Raquim?"

Nakita nya ito na may kaakbay na babae...

Isang tao.

Napabuntong-hininga na lang si Elisha at napakibit-balikat. Panigurado ay magwawala na naman ang walang hiya nyang kakambal.

Samantala, napabuntong-hininga na lang si Raquim na walang mahanap na maupuan hanggang sa makita nya si Elisha kasama ang isang taong-lupa. Nakangisi nya nilapitan ito habang kaakbay si Minea, ang taong mahal nito. "Pwede ba kami makisabay, Prinsesa Elisha?"

Napairap na lang si Elisha na hindi na hinintay nito ang kanyang pagkasagot at basta na lang umupo kasama ang isang tao. "Bastos talaga."

Samantala, masama nakatingin si Esmael kay Raquim. Kumukulo ang dugo nya kapag nakikita nya ito. Napansin naman iyon ni Raquim kaya ngumisi nang mapangasar ito. "Prinsesa Elisha, Mukhang type ako ng nobyo mo, kanina pa ko tinititigan."

Sa kabilang banda, napakuyom na lang ng kamao si Elena nang makita si Raquim na may kasamang tao. Nanlilisik ang kanyang malaasul na mata kaya kumulog nang malakas.

"Mahal ko, tapos na ang hide and seeks natin, nahanap kita at ako ang panalo," mariin na saad ni Elena kay Raquim at bigla umupo sa kandungan nito.

"Umalis ka sa kandungan ko ngayon din! " Mariin saad ni Raquim kay Elena na may halong pagbabanta.

"Hindi ako aalis dito! Sige subukan mo ko paalisin, papatayin ko tong babae mo sa harap mo! "

Napangisi si Elena nang mariin nito hinawakan ang braso nya at halos bumaon na ang kuko nito sa sobrang diin. "Kilala mo ko, Raquim. Lahat ng sinasabi ko ay ginagawa ko. "

Samantala, napakuyom naman ng kamao si Esmael habang pinagmamasdan si Elena at Raquim.. Hindi nya maiwasan na makaramdam ng selos sa kanyang nasaksihan. Kasi kahit kailan hindi sya tiningnan ni Elena ng ganyan.. Umigting ang kanyang panga nang umupo ito sa kandungan ni Raquim.

Sa kabilang banda, nag-aalab ang damdamin ni Elisha sa galit nang bigla sumulpot ang kanyang kakambal dito. Gusto n'ya maging espesyal ang date nila ng kaniyang nobyo pero sinira ni Elena.

Marahas syang tumayo at pabagsak ibinaba ang plato na nakalikha ng ingay kaya napalingon si Elena sa kanya. "Oh, andyan ka pala, mahal kong kakambal, " natatawang saad nito na may halong pang-aasar habang tinitingnan nya ito mula ulo hanggang paa.

Sinamaan lang ito ng tingin ni Elisha. "Sa wakas, pinag-aralan mo na rin ang mahika na pamana ng ating mga magulang, " Nakangising saad nito. "Nakakatawa lang na ang dahilan no'n ay isang walang kwenta taong-lupa, " Nakangising sambit nito sabay tingin kay Esmael nang puno ng pang-iinsulto.

Napaiwas na lang ng tingin si Esmael at napayuko para itago ang kanyang pagluha.

"Tumahimik ka! " Mariin saad ni Elisha na may halong pagbabanta.

Napairap na lang si Elena at napatingin kay Minea na kanina pa nakatingin sa kanya. "So, ikaw pala ang kabit ng asawa ko. Kitang-kita naman na hanggang buntot lang kita, " Maarteng saad ni Elena na may halong pang-iinsulto.

Napaiwas na lang ng tingin si Minea at nahihiyang yumuko. Ramdam nito ang mapanglait na titig ng mga ibang tao sa kanya. Rinig na rinig kasi ang boses ni Elena dahil sa sinadyang lakasan nya iyon.

Marahas na tumayo si Raquim na ikinahulog ni Elena sa sahig. Pinasan ito ni Raquim palabas at dinala sa dalampasigan, sa hindi mataong parte.  Pabalya nyang tinulak iyon sa buhangin at nanlilisik na tiningnan ito.

"Wala kang karapatan pagsabihan ang babaeng mahal ko! " Mariin sambit ni Raquim habang madiin hinawakan ang panga ni Elena.

Mala-demonyong tumawa si Elena at mapanuksong dumura. "Ano kaya magiging reaksyon ng kaharian ng mandirigma kung ang kanilang magiting na prinsipe ay makikiapid sa isang taong lupa?!"

"Wala akong pake! Ang mahalaga ay mawala ka sa buhay ko! " Napakuyom na lang ng kamao si Elena sa sinambit ng kanyang asawa. Nakaramdam siya ng kirot na tila ba na sinasaksak ang kanyang puso nang paulit-ulit.  Ngunit pinilit niyang panatilihin na matapang ang kanyang awra.

"Kung gusto mo palayain kita.. " Mariin nya  hinawakan ang pisngi nito at hinalikan ito nang puno ng pang-aakit. "Magpulot-gata tayo. "

Marahas na tinulak ni Raquim si Elena at sinamaan itong ng tingin. "Hindi mangyayari ang gusto mo. "

Mala-demonyong tumawa si Elena. "Kung ganoon, asahan mo bukas na bukas patay na ang pinakamamahal mong babae. "

Namumula ang mukha ni Raquim sa galit at sinakal si Elena. "Kahit patayin mo ko ay mamatay pa rin ang babae mo! " Nakangisi sambit nito.

"Ito ba talaga gusto mo huh?! " Mariin sambit ni Raquim at marahas hinalikan si Elena habang madiin sinasakal ito.

Kumulog at bumuhos nang malakas ng ulan habang ang dalawang sireno at sirena ay nag-iisa ng katawan. Ang kalangitan ay makulimlim at rinig ang tunog na nakakatakot na kidlat. Ang hangin ay singlakas ng ipu-ipo.

Kasabay ang masamang klima iyon ay may dalawang tao ang nasasaktan.

"Tama nga si inay, dapat hindi ko muna ibigay ang buong puso ko sa taong hindi sa akin ng buong-buo, " Maluha-luhang bulong ni Minea habang naglalakad palayo.

Samantala ay tulala naman si Esmael habang pinagmamasdan kung paano angkinin ni Raquim ang babaeng mahal n'ya. "Alam ko naman na hindi dapat ako masaktan dahil nobyo ako ng kakambal mo. " Huminga nang malalim si Esmael. "Pero bat ang sakit?" Sumisinok na sambit nito. "Dapat ako yon! Dapat ako lang ang taong gumagawa no'n! " Napangiti na lang s'ya nang mapakla. "Nakalimutan ko nga pala na lahat na pinagsaluhan natin sa kweba ay isa lang pala laro para sayo, " Paos na sambit nito habang hindi makahinga dahil sa kakaiyak.

"Isang alaala na nagsilbing bangungot sa'kin na ayaw ko ng balikan. Ngunit isang alaala na hindi ko malilimutan kahit sa susunod kong buhay, " mahinang sambit nito.

Continue Reading

You'll Also Like

277K 8.7K 69
As the only girl born in the family of boys, she was brought up with love and care from her whole family. Until one day her older brother came home...
16.7K 849 54
What if the section known at their university is the worst section, meet the badass teacher that can prove to them that not all teacher will just use...
191K 11.4K 50
This is the poignant story of a woman who tragically lost her husband in an accident, leaving her alone and six months pregnant. This unexpected turn...
167K 11.6K 38
饾搼饾摳饾摳饾摯 1 饾摳饾摨 饾摨饾摳饾摶饾摣饾摬饾摥饾摥饾摦饾摲 饾摰饾摳饾摽饾摦 饾摷饾摦饾摶饾摬饾摦饾摷 Daksh singhania who is driven by a single minded purpose which is revenge over the man who i...