¶¶ÒõÉçÇø

What Are The Chances? ✔ (Prof...

By eccentric_hiatus

118K 4.8K 1.8K

Dr. Yndrah Alaianth Xanther is a renowned professor and accomplished physician, known for her intellect, prec... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chaper 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58

Chapter 21

2K 90 51
By eccentric_hiatus

Vaine Fleur

"Isang linggo nang absent si Prof. Xanther ah. Ano kayang nangyari sakanya?" tanong ni Rain habang kumakain kami sa cafeteria.

Napatigil naman ako sa pag kain nang marinig ko ang tanong niya.

"Kaya nga. Simula nung bumalik sila ni Vaine galing Canada hindi na siya pumasok ulit." pag sang-ayon naman ni Storm.

"Baka busy lang sa hospital. Alam niyo namang doctor siya." sabat naman ni Sunny.

"Ikaw, Vaine?" tanong naman ni Rain sa akin na ikinagulat ko.

"Anong ako? Wala akong ginawa ah." defensive na sagot ko na nagpakunot ng noo nila.

"Sinasabi mo? Tinatanong ko kung may alam ka ba kung bakit absent si Prof. Xanther." sabi naman ni Rain.

"A-aba malay ko. Bakit saakin niyo tinatanong?" nauutal ko namang sagot.

"Ang weird mo talaga these past few days. Parang araw-araw ka nalang balisa. May problema ka ba?" tanong ni Storm sa akin.

Sino hindi magiging balisa kung hinalikan mo nanaman yung Professor mo?

"Wala, guni-guni mo lang yan." cool na sagot ko saka nagpatuloy na ng kain.

"Are you sure you're okay?" tanong ni Snow saakin na nasa gilid ko lang.

"Oo naman." nakangiting pag a-assure ko sakanya.

"Vaine." tawag ni Snow sa akin.

Tumingin naman ako sakanya na parang nagtatanong.

"Can I invite you for a dinner later?" tanong niya sa akin.

"Huh? Why? May occassion ba?" tanong ko naman.

"Wala naman. I just want to treat you for a job well done during the competition last week." sabi niya sa akin.

"Hindi naman ako nanalo eh." sagot ko naman sakanya at maliit na ngumiti.

"Still. It's a big achievement. It's worth celebrating." pag i-insist niya.

Well, wala naman na akong gagawin. Kailangan ko din libangin ang sarili ko para hindi ako mabaliw kakaisip kay Ms. Yndrah.

"Sige na nga." pag payag ko naman.

Agad namang lumiwanag ang mukha niya dahil sa sagot ko.

"Great. I'll pick you up later at your condo." sabi naman ni Snow na ikinatango ko lang.

"Hoy, ano yan ha. Magde-date kayo?" sabat ni Rain na mukhang narinig ang pinag-uusapan namin.

"Ay may date na palang nangyayari dito. Bakit hindi kayo nag-aaya? Sama kami!" sabat din ni Storm.

"No. I've already made a reservation, and it's only for Vaine and me." sagot naman ni Snow sa mga kapatid niya.

"Pwede namang magpadagdag ah." sagot ni Rain.

"They're fully booked." mabilis na sagot ni Snow.

"Ang daya mo. Kahit isang beses sa buong buhay natin hindi mo pa kami nililibre tapos kay Vaine nag yaya ka." may halong tampo na sabi ni Rain.

"Let me remind you that I always pay for your food here in cafeteria. Gusto mo hindi na kita ilibre ulit?" walang emosyon ngunit may halong pananakot na sabi ni Snow.

"Ay hehehe sabi ko nga kayo nalang dalawa. Hindi naman kami mahilig sa mga ganyan. Enjoy kayo ha." agad na bawi ni Rain.

"Hoy kayong dalawa hayaan niyo na nga silang lumabas. Huwag na kayong umepal pa at baka mabulilyaso yung diskarte ng kapatid natin." saway ni Sunny sa dalawa.

"Ay it's time na ba?" tanong ni Rain kay Snow.

Napaiwas naman ng tingin ang isa habang namumula.

"Hah? Anong diskarte?" nagtataka ko namang tanong sakanila dahil wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila.

"Wala yun, Vaine. Pinili niya kasi yung diskarte kaysa sa diploma baka sakali daw na mag-work kayo---este siya. Magka-work siya" mas lalo namang napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sunny.

Ang weird ng sinasabi niya. Wala namang connect.

"Just ignore them." sambit naman ni Snow habang nakatingin sa mga kapatid niya na parang naiinis.

"Oh tara na sa next subject. Mamaya na yang date na yan." sambit ni Rain saka nauna nang tumayo.

Agad naman kaming nagsi-ayos ng mga gamit at sabay-sabay na pumunta sa next subject namin.

"Hey." napatingin ako kay Snow nang magsalita ito sa tabi ko at sinabayan ako sa paglalakad.

"Hmm?" sagot ko naman saka ibinalik ang tingin sa binabasa ko dahil may quiz pala kami ngayon.

"Can I ask a question?" tanong nito kaya sinarado ko na muna ang libro ko at tumingin sakanya.

"Ano yun?" tanong ko naman sakanya.

"Do you like someone?" tanong niya sa akin.

Medyo nagulat naman ako at hindi agad nakasagot.

"Bakit mo naman natanong?" balik na tanong ko habang kunwaring natatawa.

Si Ms. Yndrah kaagad ang pumasok sa isip ko sa tanong niya kaya hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya. It's too risky lalo na at Professor namin ang nagugustuhan ko. I trust Snow naman with everything. She's not a kiss and tell person but I'm afraid sa kung anong iisipin at sasabihin nila.

"I'm just curious since we never really talk about it." kibit balikat naman na sagot niya.

"So, meron ba?" tanong niya ulit.

"Wala." pagsisinungaling ko sakanya.

"Really?" paninigurado niya na ikinatango ko naman.

"So if someone likes you, would you give them a chance?" tanong niya ulit.

"Well, it depends. " sagot ko sakanya.

"Under what circumstances?" agad na tanong niya na totoong ikinatawa ko na talaga dahil sa sobrang seryoso niya kung magtanong.

"Bakit ka ba atat na atat malaman?" natatawang tanong ko.

Sakto namang nasa harap na kami ng room kaya agad na kaming pumasok dahil kakarating lang din ng Professor namin.

Hindi na ulit kami nakapag-usap ni Snow dahil nag-umpisa na ang klase.
_______

"Snow, pasok ka muna." aya ko kay Snow pagbukas ko ng pintuan.

Ngumiti naman siya at agad sumunod sa akin.

"You look beautiful, love." sabi niya sa akin na ikinangiti ko naman.

"Thanks, Snow." sagot ko naman.

"Wait lang, kunin ko lang yung bag ko tapos alis na tayo." paalam ko pa sakanya.

"Sure. Take your time." sagot naman niya saka umupo sa couch.

Pagkatapos kong mag prepare ay agad na kaming umalis dahil medyo traffic na sa daan lalo na at rush hour ngayon.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Snow habang nasa byahe kami.

"It's a surprise, but I'm sure you're going to like it there." nakangiti naman niyang sagot sa akin.

Excited naman akong tumango dahil sa sinabi niya. Makalipas ang halos 30 mins. na byahe ay nakarating kami sa isang restaurant. Pero hindi iyon basta bastang restaurant lang.

"A car themed restaurant?" gulat na tanong ko kay Snow.

"Yup, it just got opened a few weeks ago. Alam kong magugustuhan mo kaya dito kita dinala." nakangiting sagot naman ni Snow.

"Thank you, Snow. I love it here." masayang sagot ko naman.

"I'm glad you liked it. So, shall we?" tanong niya sa akin na ikinatango ko at sabay na kaming pumasok sa restaurant.

Mas lalo akong namangha sa loob dahil bumungad agad ang mga vintage sports cars na ngayon ko lang nakita sa personal.

Mabuti nalang at agad na nakapag pa-reserve si Snow ng table dahil palagi daw talagang puno ng tao dito. Pagkarating namin ni Snow sa table namin ay umorder na agad kami ng pagkain kahit gusto ko pang tingnan yung mga sasakyan. Medyo late na din kasi kaya kailangang magdi-dinner muna kami.

"We'll go up to the second floor after this. There are more cars up there." sambit ni Snow habang kumakain kami na mas lalo kong kina-excite.

"Really? Whoever owns this place is hella rich. Look at those rare classic cars." sabi ko kay Snow at nag-agree naman siya.

"Sino ba yung owner nito?" tanong ko kay Snow.

"I actually have no idea since it's also my first time here." sagot niya na ikinatango ko naman.

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan ni Snow habang ine-enjoy ang pagkain namin.

"I actually wanted to tell you something." sambit ni Snow.

Napatingin naman ako sakanya at napansing seryoso ito at parang hindi mapakali.

"Kinakabahan naman ako sayo. Ano ba yun?" tanong ko naman sakanya.

"Well, there's something I've been wanting to tell you for a while. It's not easy to say, but I can't keep it to myself any longer. You see, I've been feeling this way for so long, and every time I'm with you, it just becomes more clear." sabi ni Snow saka hinawakan ang kamay ko na nasa mesa.

Bigla na din akong sumeryoso dahil mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko sa sasabihin niya.

"Snow---"

"I like you, Vaine. I really like you, not just as a friend, but in a romantic way. I wanted to be honest about my feelings and see if you might feel the same way." pag putol nito sa sasabihin ko.

Now it makes sense. Alam ko na kung bakit palagi kaming tinutukso ng mga kapatid niya. I didn't think of it because I thought we just had a platonic relationship and nothing more.

Malungkot ko siyang tiningnan at unti-unting binawi ang kamay ko. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya habang tinitingnan ang kamay ko. Umangat ito ng tingin sa akin at ramdam kong nasasaktan siya kahit wala pa akong sinasabi.

My actions say it all.

Hindi pwede.

"Snow, you know how much I value and appreciate you, right? Para na kitang kapatid at pinapahalagahan ko lahat ng pinagsamahan natin. I hope you understand that my feelings for you are deeply rooted in our friendship and the caring relationship we've built." malumanay na sambit ko sakanya at sinisiguradong maiintindihan niya kahit hindi ko sinasabi ng direkta.

"Just say that you feel the same too, Vaine. Isusugal ko lahat sabihin mo lang na gusto mo din ako." pagmamakaawa niya.

Hindi ko kayang makitang ganito si Snow. Ayoko siyang nasasaktan lalo na kung ako ang dahilan.

"I'm sorry, Snow. But I don't feel the same way you do." sagot ko sakanya sabay iwas ng tingin.

Wala naman akong narinig mula sakanya pero ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mahinang paghikbi kaya agad akong napatingin kay Snow.

Nakita kong nakatakip ang dalawang kamay nito sakanyang mukha habang tumataas baba ang balikat niya palatandaan na umiiyak siya.

"S-snow." tawag ko sakanya saka mabilis na tumayo.

"P-please, d-don't. J-just don't." pigil nito sa akin ng akmang lalapitan ko siya.

"S-snow, I'm sorry." naiiyak na din na sambit ko.

"I'll be fine, Vaine. I'll just go to the bathroom. Excuse me." sagot niya at mabilis na umalis.

Napahilamos naman ako ng mukha dahil sa nangyari.

Nagi-guilty ako pero yun kasi ang tamang gawin eh. Alangan namang paasahin ko siya edi mas lalo lang siyang masasaktan.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin bumabalik si Snow kaya medyo nag-alala na ako. Kinuha ko ang phone ko para sana ichat siya pero nakita kong may message siya sa akin.

Snow Fuentabella


Vaine, I am sorry for leaving you. I was overwhelmed with emotions and needed to leave. I left my car and gave the keys to the guard to ensure you get home safely. I hope we can talk soon and clarify everything. Goodnight.
Sent 10 minutes ago

Napabuntong hininga ako nang mabasa ang message ni Snow sa akin. Kapakanan ko pa rin ang iniisip niya sa kabila ng ginawa ko.

Tinawag ko na ang waiter para sana magbayad pero binayaran na pala ni Snow lahat bago siya umalis kaya mas lalo lang akong na-guilty. Tumayo na ako at aalis na sana nang maalala ang sinabi ni Snow na meron pa palang mga car display sa taas.

Napagdesisyunan kong umakyat muna at baka hindi na ulit ako ako makabalik dito. Aaliwin ko na din ang sarili ko para hindi ko na masyadong damdamin yung nangyari kanina.

Mas lalo akong namangha ng makarating ako dito sa taas kung saan mas magaganda ang mga kotse na naka-display.


Naglibot-libot muna ako sandali hanggang sa may isang kotse na talagang nakakuha ng atensyon ko. Manghang-mangha ako habang tinitingnan ang sasakyan dahil talagang napaka-detalyado ng pagkakagawa. I'm sure that it's a custom made since wala pa akong nakitang ganito.

"Miss? Excuse me, but this floor is already closed for viewing." sambit ng isang boses sa likod ko.

"Oh, sorry---" sambit ko naman sabay lingon sa nagsasalita at pareho kaming nagulat nangn makilala ang isa't isa.

"Alvarez?/Ms. Yndrah?" sabay na sambit namin.

"What are you doing here?" tanong niya sa akin at mataman akong tinitigan.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa harap ko. I really do miss her.

"Alvarez." muling sambit niya sa pangalan ko kaya tuluyan na akong bumalik sa wisyo.

"Just had dinner earlier with someone po." sagot ko sakanya na ikinataas ng kilay niya.

"Kayo po? Ano pong ginagawa niyo dito?"

"I'm the owner of this restaurant." sagot niya na ikinagulat ko.

"Really? Ang ganda po ng restaurant niyo. Mukhang mapapadalas po ako rito lalo na at mahilig talaga ako sa mga sasakyan." sabi ko habang nakangiti ng malaki sakanya.

"Thank you but you may go. This floor is already closed." sagot niya sa akin.

"Ito po ba ang dahilan kung bakit ka absent ng isang linggo?" tanong ko kay Ms. Yndrah.

Nakita kong natigilan naman ito sa tanong ko pero mabilis din na tumango.

"Ah akala ko po kasi dahil sa ginawa ko sa Canada eh." sabi ko naman na ikinagulat niya dahil direkta ko iyong sinabi na hindi nahihiya.

"Forget about it, Alvarez. It's a mistake." madiin na sambit niya sa akin.

"Mistake? How can you say that?" salubong ang kilay na tanong ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"Because it's really a mistake, Alvarez. You were drunk at that time." sagot niya sa akin.

Napatawa naman ako ng mapakla at seryosong tumingin sakanya.

"But you responded, Ms. Yndrah, and you were not drunk at that time. I refuse to believe that it's still a mistake." madiin ko din na sambit dahil nasasaktan na ako.

"Stop it! That was wrong, and I regret what happened that night. It means nothing to me, Alvarez. Nothing." walang emosyong sabi niya sa akin.

Na estatwa ako dahil sa narinig at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ramdam ko ang luhang tumutulo sa mga mata ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin upang punasan ito.

"Are you satisfied with the answer you wanted now? If you'll excuse me, I still have a lot of things to do." sabi niya saka tumalikod na at naglakad palayo sa akin.

Nakaka-ilang hakbang palang ito nang muli kong tawagin ang pangalan niya dahilan para mapatigil ito ngunit hindi siya lumingon sa akin.

"I like you, Ms. Yndrah!" pasigaw na sabi ko sakanya.

Baka ito na ang huling beses na may lakas ako ng loob kaya hindi ko na palalampasin 'to.

"I like you more than cars speeding down a race track, more than the excitement of a last-minute victory." sambit ko at humakbang ng isa papunta sakanya.

"I like you more than cars on a joyride, more than the exhilarating rush of wind through an open window." humakbang ulit ako habang sinasabi iyon.

"I like you more than cars on a winding road, more than the thrill of taking unexpected turns together." muling sambit ko.

"I like you more than cars in a vintage car show, more than the nostalgia of classic beauties." isang hakbang nalang ay palapit na ako sakanya.

"I like you more than cars in a car chase scene, more than the adrenaline rush of an action-packed adventure." mahinang sabi ko sa likod niya.

Naramdaman kong unti-unti siyang lumilingon sa akin. Nakita ko ang gulat na reaksyon niya ngunit hindi ko pa rin siya mabasa.

"I like you so much, Ms. Yndrah. From the moment we first kissed, you've been on my mind constantly. You have captured my heart in ways I never expected." sambit ko at akmang hahawakan siya nang lumayo ito sa akin.

Bigla namang nagbago ang reaksyon ng mukha ko habang unti-unti siyang umaatras.

"Ms. Yndrah---."

"No, stop. You can't like me, Alvarez. You don't know what you've gotten yourself into." sabi nito habang umiiling.

Patuloy lang siyang umaatras palayo sa akin nang bigla itong matapilok dahilan para mawalan siya ng balance.

"Ms. Yndrah!" sigaw ko at mabilis na humakbang para sana saluhin siya ngunit bago pa ako makalapit ay may isang pares na ng kamay na humawak sa bewang nito.

Napatigil naman ako at nakatayo lang habang tinitingnan silang dalawa.

"Hey, careful. Are you alright, babe?" rinig kong tanong ng lalaki kay Ms. Yndrah.

Bahagya akong nagulat sa narinig ko pero napatawa din ng mapait ng may maalala ako.

Oo nga pala.

She's waiting for someone.

And I believe that someone is in front of me.

As I watch her with him, my heart aches. I fell for her, cherishing every moment we've shared, not knowing deep down that someone else holds the key to her heart.

Despite the ache, I find comfort in knowing that her happiness, even if not with me, is all that truly matters.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 65.2K 60
"I will do everything in my power to get you. I will make you fall for me. You'll gonna fall for me." Date started: March 18, 2022 Date finished: May...
311K 10.2K 52
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
64.7K 1.9K 48
[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Th...
417K 10.5K 65
[COMPLETED] Kayla Dmello Narvaez has always been a spirited thrill-seeker, thriving on challenges that life throws her way. As a college student, she...