Chapter 8
Estong's Point of View
"Estong, pare mukhang pagod ata 'yung chicks mo." Sinundan ko ang inginuso nito napangiti ako ng makita ko si Bulan na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng malapad na upuan na yari sa kahoy.
Naging tampulan ako ng panunukso ng mga kasamahan ko ang kaso iba ang pakiramdam ko kay Bulan malayo sa inaakala nila.
"Saan mo nakilala si Miss beautiful?" Nakangising tanong sa akin ni Caloy na sinabayan pa nito ng pagtaas-baba ng mga Kilay.
Tumawa lang ako. "Ewan ko sa inyo kaibigan ko si Bulan kayo talaga ang dudumi ng mga isip n'yo kaya tuloy walang babaeng nagkakagusto sa inyo eh magbagong buhay na kasi kayo hindi 'yun puro kayo kalokohan."
"Wow naman! Sana all gwapo na lang para maraming Bebot!" Sigunda naman ni Will.
Tinabig ko ang mga ito saka ko nilinis ang mga braso ko naghilamos na din ako. "Alam n'yo wala naman 'yan sa itsura eh nasa ugali 'yan kayo kasi alam n'yo namang tagilid na nga kayo sa itsura e napakababaero n'yo pa 'yan tuloy pati laman ng mga wallet n'yo nag-go-goodbye din sa inyo payo ko lang ha humanap kayo ng babae na matino at 'yung pang seryosohan 'yung tipong kahit hindi kagandahan at kaseksihan ang importante e hindi ka niya iiwan kapag wala ka nang maibigay o kapag gipit ka kayo kasi puro kayo Beer house. Asus! D'yan na nga kayo!" Sabay wisik ko sa mga ito ng tubig mula sa gripo kung saan kami laging naghuhugas ng mga sarili namin pagkatapos ng maghapong trabaho bilang Kargador.
Sige lang ang tawa ng mga loko kahit na malayo na ako kanya-kanya parin sila ng tukso ang kukulit talaga.
Diretso ang tingin ko kay Bulan habang palapit ako tama naman sila maganda nga ito pero iba ang ang dating nito sa akin 'yung tipong magaan na parang kapatid o baka dahil wala akong kinagisnang pamilya kaya nung makita ko siya kaninang umaga eh talagang natuwa ako sa kanya ng todo lalo na sa pagiging kakaiba niya sa lahat ng bagay pano marami siyang tinatanong na napakasimple lamang ng kasagutan o baka nga wala talagang ganon sa lugar na pinanggalingan niya. Napailing na lamang ako ng maalala ko ang binanggit nito na galing daw siya sa Pandemonium. Lugar ba iyon? Para kasing tunog tinapay ang dating.
Huminga muna ako nang malalim bago ko ginising si Bulan di bale kung ayaw ng kamag-anak mo sa'yo andito naman ako mukha ka namang mabait at least may makakasama na ako sa Bahay ko at may makakakwentuhan na rin ako. Yumuko ako at bahagyang niyugyog ang balikat nito
"Bulan, uuwi na tayo." Gising ko sa kanya.
"Pare puwede bang sumabay sa inyo?"
Nilingon ko kung sino ito mula sa likuran ko, si Tonyo isang buwan pa lang ito dito sa Bodega bilang Kargador wala itong kinakausap ni isa sa amin kaya nakapagtataka na bigla niya akong inalok na sumabay pauwi tinitigan ko itong mabuti.
"Bakit, pare hindi ba ako welcome na makisabay sa inyo ng kasama mo?" Nakangiting tanong nito.
Tumango na lamang ako kahit na medyo nag-aalangan ako bigla kasing nagbago ang ihip ng hangin. "Okay lang naman pare, saglit lang gisingin ko lang muna ang isang 'to."
"Okay." Sagot nito saka malagkit na tinitigan si Bulan o nag-o-over thinking lang ako?
Niyugyog kong muli ang balikat nito ayaw pa naman niyang hinahawakan siya kaya umatras ako ng isang hakbang na pinagtaka naman ni Tonyo ngumisi lang ako saka ko ulit niyugyog ang balikat ni Bulan mahirap ng magaya ako sa guwardiya ng Halo Condominiums na parang basurang itinapon lang nito sa pader, binawi ko agad ang kamay ko ng gumalaw at umunat si Bulan. Mahina pa itong umungol dahil naistorbo ang tulog nito.
"Nolo excitare, volo domire." ( I don't want to wake up, I want to sleep. ) Bulong nito sa mapang-akit na tinig nagkatinginan tuloy kami ni Tonyo sabay kibit-balikat ko pano pareho naming hindi na-gets ang sinabi niya habang tulog.
"Nananaginip ata." Saad ko at muli itong ginising. "Bulan uuwi na tayo gising na."
Marahan itong nagmulat ng mga mata napatitig ito sa akin at kay Tonyo ng matagal tingin ko kinikilala pa niya kami bago pabalikwas na bumangon. Inayos nito ang sarili at kinuha ang bag na agad isinabit sa magkabilang balikat. "N-nakatulog pala ako! Pasensya ka na Estong."
"Wala 'yon medyo nagsasalita ka pala sa panaginip mo noh kaso hindi ko naman maintindihan eh parang ibang lengguwahe-- pero hayaan mo na, umuwi na tayo." Pansin ko ng sulyapan ni Bulan ang lalaking kasama ko at halatang hindi niya ito gusto. "Sasabay nga pala sa atin si Tonyo."
Kumaway dito si Tonyo pero si Bulan tumayo lamang ito halatang hindi siya komportable sa katrabaho ko sabagay kahit naman kami hindi rin komportable sa kanya para kasing may kakaiba kay Tonyo na hindi namin maipaliwanag napapaisip tuloy ako kung mabuting tao ba itong isasabay namin pauwe o hindi kung sakaling may gawin siyang hindi maganda habang naglalakad kami eh kakayanin ko naman siguro siyang patumbahin isa pa magkasing laki lang naman kami ng pangangatawan saka panigurado na tutulungan naman ako ni Bulan kung saka-sakali. Tama!
"Hindi pa ba tayo aalis, Pare?" Untag ni Tonyo.
Tinapik ko ito sa balikat. "Nagmamadali ka naman atang maka-uwe." Bumaling ako kay Bulan saka ko ibinigay ang sombrero ko bagong gising lang siya mahirap ng masubawan ito baka biglang mangarate!
Takang kinuha naman niya ito.
"Isuot mo iyan sa ulo mo kagigising mo lang kasi mahamog na sa labas hating gabi na, taralets." Humakbang ako agad para hindi na ito magtanong pa kung ano ang ibig sabihin ng 'taralets'. Abalang-abala ito sa pagsuot ng sombrero habang titig na titig naman sa kanya si Tonyo.
"Pare, baka naman matunaw niyan si Bulan sa tindi ng pagkakatitig mo."
Tumawa lang si Tonyo parang merong kung ano sa kanya na ang hirap maintindihan kaya siguro wala siyang kasundo sa mga katrabaho namin. Baka nga.
Nilakad namin palabas ng Bodega hanggang makarating kami sa parte ng Baclaran na may mangilan-ngilan pang tao malalim na kasi ang gabi kaya sarado na rin ang ibang mga Tindahan. Malapit na kami sa Simbahan ng magpaalam na si Tonyo na sasakay ng Jeep papuntang Lawton akala ko sasama pa siya hanggang sa Bahay ko sa Cavite buti naman at naka-isip siyang humiwalay.
"Kaibigan mo ba siya?" Tanong ni Bulan habang nakatanaw kay Tonyo papuntang sakayan ng Lawton.
Tumikhim ako. "Hindi ko siya gaanong nakakausap kasi baguhan pa lang siya saka medyo tahimik ang isang 'yan at nakakatakot pa minsan kung makatingin-."
"Yung tipong lalamunin ka nang buhay." Seryosong putol nito sa pagsasalita ko. "Parang may kakaiba sa kanya kahit kalmado naman ang tibok ng puso niya."
Napakunot-noo ako sa narinig ko. "Tibok ng puso? Oi Bulan ha baka may sa Aswang ka ha naku sabi ko sayo hindi ako masarap kainin ha!"
Maang na napatitig ito sa akin saka tumaas ang isang kilay. "Hindi ako Aswang. Nabibilang ako sa mataas na uri ng Lahi, Estong!"
Heto na naman po kami. "E anong uri naman 'yon Bulan? Wag mong sabihin special ka ha."
"Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi mo pero hindi ako special kasi isa akong demonyo at sayo ko lang 'to sinabi kasi mabait ka sa akin saka gusto ko ang ritmo ng puso mo napakakalmado at dalisay." Seryosong-seryoso ang reaksyon ng mukha nito kaya napapaisip tuloy ako kung matino ba itong nakilala ko o may konting saltik?
Pumalakpak ako sabay tawa. "Okay baka nagugutom ka na kasi nga mais at tinapay lang ang kinain mo kanina halika kakain muna tayo bago tayo bumiyahe pauwe baka gutom lang 'yan baka bigla mo pang sabihin na kamag-anak mo si Lucifer o kaya si Sata-."
"Lolo ko si Lucifer pero si Satanas Lolo Tiyo ko siya gaya ng ib-."
"Kitam! Gutom ka na nga! Halika kay Jollibee baka maniwala na ako sa mga pinagsasabi mo eh siguradong sa Mental ang bagsak natin pareho saka pwede bang 'wag mong sabihin 'yung mga ganyang bagay lalo sa ibang tao baka bigla ka nilang ikulong sige ka ikaw din mahirap kaya sa loob ng kulungan."
Lalong namilog ang bilugang mga mata ni Bulan na lalong nagpa-cute sa kanya. "Ako ikukulong? Bakit naman?"
Nakakatuwa talaga siya ganito pala ang pakiramdam ng may maliit na kapatid lalo at babae kaso hindi naman kami magkaano-ano nakilala ko lang siya kanina no choice kundi ang ipaliwanag sa kanya ang mga sinabi ko. "Kasi nga bawal gumala ang mga taong wala na sa katinuan dahil ang iba sa kanila nananakit ng kapwa nila gets mo na ba ang ibig kong sabihin?"
"Gets? Ano 'yon?" Nakangusong tanong nito.
Nai-unat ko na lamang sa ere ang mga braso ko Diyos ko Lord mababaliw ata ako sa babaeng ito! Maganda nga siya pero parang sa ibang mundo ata 'to nanggaling eh. "Wag mo na lang pansinin 'yung sinabi ko halika na doon tayo pupunta, nakikita mo ba iyong mukha ng bubuyog na iyon na kulay pula?" Turo ko.
Sinundan nito ng tingin ang tinuro ko sabay tango. "Oo."
"Yon si Jollibee at diyan tayo kakain masarap ang pagkain diyan, tara na." Aya ko buti at hindi na ito nagtanong kasi kung sakali talagang mababaliw na ako! Nakakaawa naman kasi kung hahayaan ko na lamang siya dito sa Baclaran marami pa namang mapagsamantala at mga loko-loko e sa itsura pa lang ni Bulan siguradong marami ang maghahabol sa kanya at baka kung saan pa siya dalhin ng mga 'yon. Hay naku Estong kumuha ka ng pakakainin mo siguradong dadagdag ang gastos ko nito pero ayos lang kasi talagang ang gaan ng loob ko kay Bulan.
Lake ako sa kalsada bata pa lang ako ng abandonahin ako ng mga Magulang ko kaya alam ko 'yong pinagdadaanan ngayon ni Bulan na walang kilala dito sa lugar na 'to tingin ko naglakas loob lang siyang lumuwas kung saan man siya galing para hanapin 'yung Haunter na 'yon na ayon sa kanya ay kaibigan lang niya at hindi niya boyfriend o baka may pagkakaunawaan na sila tapos lumayo yung lalaki kaya itong si Bulan hinanap naman si lalaki hay naku overthink pa more Estong ikain mo na lang 'yan!
Kita ko ang pagkamangha sa mga mata ni Bulan ng makapasok kami sa loob ng Jollibee hindi nito maiwasan ang mapalingon sa bawat sulok ng Fast-food chain na pinasukan namin. Pang-apat kami sa pila manaka-naka din na nahuhuli ko ang ibang costumer na nakatingin sa kasama ko pero hindi dahil sa mukha siyang kabababa pa lang ng bundok kung maka-react sa paligid niya kundi dahil sa taglay na kakaibang ganda nito maputi si Bulan at itim na itim ang medyo kulot nitong buhok na umabot hanggang bewang nito habang natural na kulay pula ang mga labi nito at napaka tangos ng ilong na bumagay sa heart-shaped niyang mukha medyo bilugan ang mga mata nito na binagayan naman ng bahagyang makapal na kilay maganda din ang mahaba at pilantik nitong pilik-mata habang bahagyang mapula ang magkabila nitong pisngi para nga siyang foreigner kung titingnang mabuti o mas magandang sabihin na para siyang Diyosa ng Buwan na nag-anyong tao e kaso ang pinagpipilitan niya e demonyo daw siya hay naku nalipasan ata ng gutom kaya nagkaganon ang utak niya.
Dumukot ako sa bulsa ng suot kong pantalon ng kami na ang nasa harapan ng Counter.
"Good Evening po Ma'am, Sir Welcome to Jollibee po ano pong order nila?" Magalang na bungad ng kahera na may kasamang ngiti basta talaga Jollibee SOP nila ang magandang Customer Service.
Nginitian ko din ito. "Saglit lang Miss."
Tumango naman ito.
Binalingan ko si Bulan na abala sa kakatingin sa paligid. "Oi. Bulan anong gusto mong kainin?"
Agad akong nilingon nito at alanganing tumingin sa babaeng crew. "Bibigyan ba niya tayo ng pagkain?" Manghang tanong nito.
Napanganga ang Kahera sa sinagot ni Bulan at bumaling sa akin. "Sir?"
Napakamot na lang tuloy ako sa buhok ko baka pati si Jollibee ngayon pa lang niya nakita. "Ah. Eh- dalawang 1pc Chicken with Rice tapos 'yung drinks e parehong Coke at konti lang ang ice ha at padagdagan ng french fries dalawa. Magkano lahat?"
Okay na sana kaso sumingit pa si Bulan sa usapan namin.
"Wala akong pera Binibini." Untag nito kaya lalong nagtaka ang Kahera na kumuha ng order namin at muli itong napatitig sa akin.
"He he he wag mo na lang pansinin ang kasama ko first time kasi niya." Palusot ko sabay abot ng isang-libong piso, binigay muna nito ang sukli saka kinuha ang mga order namin at isa-isang nilagay sa ibabaw ng tray.
Buti at nanahimik ang kasama ko sabagay baka naaaliw siya sa mga nakikita niya.
"Thank you po. Enjoy your Meal." Magalang na sambit nito ng makompleto na ang mga nakalagay sa resibo.
Kinuha ko ang tray saka ako naglakad. "Tara na Bulan sunod ka sa akin doon tayo sa bakanteng mesa kakain."
Tahimik na sumunod ito hanggang maka-upo na kami.
"Kumain ka muna wag ka na munang magtanong ng magtanong ha para mabilis kang matapos at uuwe pa tayo sa Cavite doon kasi ako nakatira."
Tumango si Bulan at nag-umpisang kumain. Sabi ko na nga ba eh gutom nga lang 'yong pagiging kakaiba niyang magsalita at mag-isip tiyak pagkatapos nitong kumain eh siguradong balik na sa katinuan ang isip nito!
Tonyo's Point of View
Titig na titig ako sa babaeng nakakuha ng interes ko habang nakatago ako sa di kalayuan. Gustong-gusto ko ang amoy niya sariwang-sariwa nakakahibang.
"Siya ba ang natipuhan mo Tonyo?"
"Oo Ebay, maganda siya hindi ba at nakaka-akit ang mabango niyang halimuyak."
"Hmp! Sinabi mo pa. Anong plano mo? Mukhang mahirap makuha ang isang 'yan merong bantay."
Ngumisi ako desidido akong makuha si Bulan gusto ko siyang maging palahian tiyak na magiging maganda ang kalalabasan ng mga munti naming Lobo. "Ako nang bahala doon Ebay basta ihanda mo na ang Barkong sasakyan natin pabalik ng Leyte."
"Okay, bilisan mo lang naroon na din sa Barko si Polo nakakuha na rin siya ng palahian niya maganda din gaya nang natipuhan mo. Uwing-uwi na ako gusto ko na kasing makita si Leria." Maktol nito.
"Malapit na tayong umuwi." Bulong ko habang nakatitig pa rin kay Bulan. Mapapasakin ka din sa ayaw at sa gusto mo.