Cleese's POV
Community service for 1 week,huh? Anong akala ng matandang hukluban na 'yon? Susunod ako sa kanya? D*mn his ass!
Hilig talaga nun magpahiya kahit kailan. Ano siya santo? Kaya lang naman ako nalate because I visited her. If you didn't know! It's her birthday and unfortunately her Death Anniversary. For pete's sake! I just wanna forget the bad things we had. Tss,stop this drama. Makapunta na nga lang ng cafeteria. Mag-isa na lang pala ako dito sa loob ng room. Nasaan na kaya yung mga ugok?
Pagkapasok ko pa lang ng cafeteria,rinig na agad mga tawanan galing sa dalawang table malapit sa counter. Mukhang nagkakasiyahan sila kahit wala ako. Sabagay! Hindi rin naman ako makakatawa ngayon. Hayyy!
Makaorder na nga lang ng makakain. Uupo na lang siguro ako sa ibang table.
Wala nang available seats sa mga table ng cafeteria at kung minamalas ka nga naman. Sakto pang napatingin sa gawi ko si Ash. Umiiwas na nga 'tong tao eh!
"Oh! Cleese,halika ka na Pare huwag ka nang mahiyang umupo dito sa amin." pag-aaya sa akin ni Ash. Psh! Hindi na ako makakatanggi kasi nagtinginan na lahat ng ugok sa akin pati na rin sila kwan. Argghh! Sila Aubrey. Yung kahawig ng mahal ko na nasa heaven na. Tss.
Umupo na lang ako sa tabi ni Ken na busy sa pangingindat kay Maureen. Close na pala sila? Di ba masungit na kaibigan ni Aubrey yan. Paano niya napaamo?
Tahimik lang akong kumakain habang sila nagtatawanan.
"Kung iniisip mo yung nangyari kanina,hayaan mo na lang si prof Cleese. Hindi ka na nasanay dun!" bulong sa akin ni Ken.
"Hindi no! Bakit ko naman iisipin yung matandang yun." inis na sagot ko sa kanya. Mukha pa lang nun,nakakasuka na!
"Haha. Mandiri ka nga bro!" lokong sagot ni Alec kay Ken. Napabuntong hininga na lang ako at sa hindi sinasadyang pagkakataon,napatingin ako sa gawi nila Aubrey. Hindi ko alam na nakatingin rin pala siya sa akin kaya agad itong umiwas ng tingin.
"Paano na 'yan Cleese,community service daw?" mahinahon na tanong ni Liame. Kumibit balikat na lang ako bilang sagot.
"Ahm By the way,bakit ka nga ba nalate kanina?" tanong ni Cliff habang kumukuha sa pagkain ko. Patay Gutom talaga!
"Binisita ko siya." nung una,nagtataka sila kung sino ang tinutukoy ko nang di kalauna'y sabay-sabay silang na pa "ahh si Jasmine". Kilala na talaga ako ng mga kaibigan ko. Pagkatapos kasi ng nangyari noon bihira na lang mapunta sa usapan namin ang lahat ng tungkol sa kanya. Nakakapagod rin kasing alalahanin ang mga bagay na hindi na pwedeng maibalik.
Nagsibalik na ulit sila sa pagkukwentuhan na parang pilit iniiwas ang tungkol sa kanya.
Lumapit sa akin si Ash at bumulong ng "Di ba birthday ni Jasmine ngayon?" malungkot na tanong niya sa akin. Tanging tango na lang ang naging sagot ko sa tanong niyang 'yun.
"At ang masaklap pa Death Anniversary niya rin di ba? Naalala ko pa yung mga pangyayari noon. Hayyy!" pabulong niya ulit na sabi sa akin.
"Ang bilis niyang nawala eh." mapait akong napangiti sa sinabi ko. Pero alam ko namang may mas malalim na dahilan kung bakit siya kinuha sa amin.
Tumungo kaming dalawa pero hindi namin alam na nakalapit pala sa amin ang mga ugok kaya nagka-untugan kaming lahat.
"Mga tsismoso kasi!" sigaw ni Ash habang hinihimas ang ngayon nang namumula niyang noo.
"Nagsasarili kayo eh!" sagot naman pabalik ni Aldric.
Nagtinginan kaming lahat sa sinabi ni Aldric. Iba ang naiisip namin sa sinabi niya eh. Lalaki rin kami no! Tinitigasan din! Haha.
"Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" takang tanong ni Aldric. Slow talaga!
Binatukan ko na lang siya at nagtawanan na lang. Unang tawa sa araw na 'to. Sana unti-unti masanay na ako. Narealize ko na kahit pala may hindi magandang nangyari sa nakaraan naming naging saksi sa lahat. Kailangan ko pa ring maging masaya kahit hindi ko na siya kasama basta nandiyan ang mga pamilya kong natira sa akin para maging matatag at maipagpatuloy ang aking nasimulang buhay. At sana matutunan ko na muling magmahal..
Nag-ani naman kami ng mga bulung-bulungan galing sa ibang estudyante dahil sa tawanan namin. Napapangiti na lang yung mga girls sa kabilang table. Sina Aubrey.
Nang magring ang bell. Nagsipasukan na kami sa iba't ibang klase namin.
Sa natitirang subject namin,ngayon lang ako nakinig. Maganda rin pala kapag nalalamanan yung utak mo no?
Lumipas ang mga oras at uwian na naman. Nagkayayaan ang barkada na magbar dahil wala na rin namang pasok kinabukasan.
Nakakaraming shot na ako ng whiskey pero hindi pa rin ako tinatamaan. Busy naman ang 3A's (Alec,Ash at Aldric) sa pagsasayaw sa gitna ng dancefloor na pinalilibutan ng mga iba't ibang babae. Makamandag talaga yung mga yun. Ibang-iba eh!
Pansamantalang napatigil ang kasiyahan dahil may mga bagong dating na grupo ng mga babae. Parang nagslow motion at lahat ng atensyon nasa sa kanila. Maging kaming magbabarkada ay napanganga dahil sa taglay na kagandahan lalong-lalo na sa kasexyhan ang mga bagong dating. May ibubuga rin pala sila pagdating dito.
Kung tatanungin niyo kung sino sila. Sila lang naman ang aming mga QUEENS sa loob ng University. Sila ang mga 'Fallen Angels'. Kilala niyo sila.
Dahil sa katamaram ni Author eh hindi na niya nabanggit ang totoong pangalan ng grupo nila. Huwag niyo nang asahan si Author,tamad talaga yun. (A/N: Ipasalvage kaya kita? Tapos yung katawan mo tatadtarin ng pino at yung laman loob mo ipapakain sa mga leon? Gusto mo ngayon na?!)
Sa totoo lang po,nagbibiro lang ako eh. Ayaw na ayaw ko kasing napapagod ka MS.Author kaya nga ako na magpapaliwanag di ba? (A/N: Mabuti nang nagkakaintindihan tayo. Pagbutihin mo at makakaasa kang magtatagal ka pa sa kwentong 'to.) Nakakatakot naman *poker face*
Balik na nga tayo. Huwag niyo siyang pansinin! (A/N: Che!)
Ang 'Fallen Angels' ay sikat sa University pero hindi nila hinahayaang maging mataas sa kapwa nila . Gusto nilang mamuhay katulad lang ng isang normal na estudyante ng paaralan kaya naman mas sumikat kami dahil sa angkin naming kagwapuhan *wink*. Ano pa lang connect? Syempre! Maisingit lang. Pero ang alam ko,marami pa rin naman silang supporters kaysa sa amin kung hindi lang kami gwapo. Asa ka pang maging fan ng mga babae ang mga lalake,bakla pwede pa. Pero mas madami talaga fans ng mga gwapo at machong lalaki eh! So,anong pinaglalaban ko dito?!
Kami ang nagsisilbing modelo sa loob ng school. KINGS AT QUEENS ang titulong hinahawakan namin pero may iba rin naman kaming style kung paano kami maging role model sa harap ng karamihan. Ang galing ko ba? Tanong niyo si Ash. Siya nagsabi nito sa akin lahat. Haha.
Nagsibalik naman ang lahat sa kani-kanilang business nang magpatugtog ulit ang Dj. Naudlot kasi ang mga tao kanina sa pagsasayaw dahil sa mga babaeng 'to.
BTW ang 'Fallen Angels' ay binubuo nina Aliyah,Aubrey,Claire,Leanna,Gemine,Cass at Maureen. Kat*nga kasi ni Author eh. Hindi sinabi agad. Akala niyo pa tuloy may bagong mga characters. (A/N: Bwisit! Manahimik ka!)
"Hi Guys!" hyper na bati ni Aliyah. Hindi kaya nauubusan ng energy 'to?
Nagtanguan at nagngitian lang kaming lahat. Ang ganda talaga niya. Sh*t! May tama na yata ako?!
Napansin naman naming may gegewang-gewang na papalapit sa amin. Nasa VIP Longue kasi kami nakaupong lahat. As requested ni Ash. Siya lang naman may alam na darating sila. Sus! Kaya pala kami lang napanganga kaninang pagpasok nila eh.
"Party! Party!" bungad ni Aldric sabay taas ng hawak niyang baso ng alak. May tama na 'to! Kasunod niya sina Ash at Alec na tawa ng tawa.
"Yang mata mo sis! Matutunaw si Aldric niyan eh!" pabirong sabi ni Aubrey sa kambal niya. Sakto lang na maririnig namin. Buti na lang at busy sa tawanan yung tatlong A.
Natawa kami nang irapan lang siya nito at siniko sa tagiliran. Bahagya pa itong napa-Araay pero natawa na rin. Napatitig ako sa ngiti niya. Ibang-iba talaga ang nararamdaman ko kapag masaya siya. Mas matindi pa 'to kaysa sa naramdaman kong 'to sa mahal ko noon. Buti na lang kinalabit ako ni Cliff kung hindi baka tunaw na rin si Aubrey.
Pinapanood namin ang magkakapatid na Ash,Aubrey at Aliyah na nag-aaway dahil gustong uminom ng dalawa. What? 3A's version 2.0?
Narinig naming pumayag si Ash pero may limitasyon ang dalawa at alam na nila 'yun. Humalik ang ang dalawa sa mga pisngi ni Ash at nag-order agad sa napadaan na waiter.
I wish I am that person she kissed. Imagining myself kissing Her. I wish I could do that also. Maybe SOON!
-
Huwag babasahin. Nakakalason ng utak!
A/N:Super Duper Mega Slow Update. Clap! Clap! Clap! Congrats to me! Tamad eh! Pagtiyagaan muna. Lame 'tong chapter na 'to. Sarap itapon! Pero masakit sa daliri kaya kiber. Ito naman ang kwento. Ang tanga ko lang!5 updates sana. Nabura ko naman,paano nagrestart 'tong lappy eh di tapos! Bigti na di ba?! Kaya 'yun. Sinumpong ako ng Katamaran Syndrome. Tama na nga! Babawi na lang ako next time. Wala kasing kwenta 'yung isa diyan. King sino ka man. Makonsensya kang tumulong. Nyahaha! Sorry Babes! Tehee~