After lola Roxy's revelation, ilang araw ding pumasok ng maaga si Miala. Ayaw niyang magsabay sila ni Lenard sa kahit saan. Ayaw niyang makita ito lalong-lalo na sa loob ng bahay.
She just can't stand being near him.
But after a few introspections, she kind of realized that she, too has her own liabilities in their relationship.
"Depota. Sure na sure na ako sa nararamdaman kong galit eh. Bakit nagdududa na naman ako ngayon? Bakit umabot na naman ako sa pagiisip na kasalanan ko na naman 'to?" She can't help but shout on herself at the mirror.
Totoo namang sobrang daldal niya about their Verde plans kay Lenard na in highsight, dapat nakita niya na hindi na maganda ang itsura nito.
Not even once, hindi niya tinanong si Lenard kung anong tingin nito sa plano niya tungkol sa Verde as they approach graduation because she thought okay na ang lahat. Akala niya ito ang magpapasaya dito. Ni hindi man lang niya naramdaman? And she considered herself a girlfriend?
Alam niya naman na kapag nasasaktan, nagiging selfish. Pero ano ba talagang nangyari sa kanila?
It was really difficult for her, but she came to a point na parang tinatanggap niya na na kailangan na nga nilang mag-usap ni Lenard.
She stopped going out early. She started waiting a little longer in the sala at night. Kahit sa umaga, before her classes, medyo nagpapalate na siya.
"Parang tanga. Parang tanga. Hindi ka babaeng marupok. Hindi mo na siya mahal.
But even at school, kung palaging nagmamadali siya papunta sa next class, she started taking a stroll. Para na talaga siyang tanga.
Pero as usual, nananadya pa rin ang tadhana sa kanya.
He hasn't seen Lenard for the longest time dahil hindi sila nagaabot and she heard he has so many stints.
Kaya ayan na naman si Miala. Bumalik na naman siya sa downward spiral niya kung saan iniisip niya na baka masyado na rin nga siyang naging masama. Kahit papaano lumambot siya.
She was about to dial Lenard's phone number para tawagain ito and demand his explanation, when Jane's call came through.
"Janey?" Sagot niya dito.
At hindi niya inaasahan ang balitang sinabi nito.
Sobrang bilis ng takbo ni Miala papasok sa ospital. Hinanap niya agad ang sinabing kwarto ni Jane. Hindi niya inexpect ang lahat. Hindi niya alam na may dinadala at pinagdadaanan ang mag-asawa.
Sinugod si Tom sa ospital due to the complications of his bladder cancer.
"Jane?" Nakita niya agad si Jane sa labas ng kwarto ni Tom. She tried to smile towards Miala. And from there Mia knew na matagal na nitong alam.
Their friend came one by one. Kasama si Lenard na may dala pang malaking bag at tripod. Of course, he came from a shoot but Miala could care less about him. For now.
Jane started sharing about Tom's situation noong marami ng taong nandoon. She has lead them in an open area away from Tom's parents na panay na ang iyak sa oras na 'yun.
"Ano bang nangyari ate?" Even si Jewel na kapatid ni Jane, wala ring alam sa sitwasyon.
"The tumor has spread to the pelvic wall and the abdominal wall. It's already stage IV." Jane calmly said.
"Kaya ba hindi na siya umiinom?" Tanong ni Lenard.
Tumangi si Jane.
Now he's more guilty that he even joked na under the saya si Tom kaya dalawang beses na silang naguusap, pero puro juice lang ang iniinom nito.
"And that's why he didn't enroll..." Miala concludes.
"Yes." Matatag na sabi ni Jane.
"How long have you known?"
"More than a year ago?" Tumango-tango si Jane na parnag inaalala ang lahat. "He was diagnosed 16 months ago. And he didn't want any treatment."
"Why?!" Halos sabay-sabay silang mga kakilala. Gusto nilang lahat kuwestyunin kung bakit parang nagpapakamatay na si Tom kung ayaw nitong magpagamot.
"Please respect his decision please." Doon lang unang naluha si Jane sa harap nila. "It was already too late when we find out. At ayaw nang pahirapan ni Tom ang sarili niya..."
Wala sila lahat nagawa sa tuluyang pag-iyak ni Jane.
"Besides, he didn't want to look bad at our wedding. Hindi ba? Gwapo pa rin naman siya noon." Napasigok na si Jane sa pagkukwento.
Halos humagulgol na rin si Miala. She finally knows why her friends got married this early. It's because of Tom's condition.
"He was given a few years, and he just wants to enjoy it... With his loved ones." Tumingin ito kay Lenard. "Kaya kahit parang imposible, he tried to message you and invite you to our wedding..."
"You could've told me..." Sagot ni Lenard na namumula na rin ang mata.
"At kahit na alam kong ayaw mo. Kahit na alam ko lahat ng pinagdaanan mo and kung ako man ikaw, magagalit din ako kay Tom at Jane eh. But Mia, I just can't reject this request Mia. So, I'm sorry."
"No..." Umiiyak si Mia. Naaalala niya ang panahong nageskandalo siya nang malaman na kasama si Lenard sa kasal nang mabasa niya ito sa invitation. Pinagsisisihan niya na lahat ng ikinilos niya. "It's alright... Wala na sa'kin 'yun."
"Pasensya na kayo guys if I have to call you now. Ngayon pa, na naisugod na si Tommy. His parents didn't know... Kaya baka mahirapan din kayong kausapin sila, but I hope you still talk to them... Pero alalayan niyo lang ha."
Halos hindi lahat sila makapaniwala na may ganitong dinadala si Jane.
Parang nahiya si Miala sa gravity ng mga problema niya. She can only cry and cry. Nagiyakan lahat sila sa kabiglaan ng pangyayari.
Nang uuwi na, Lenard drove Miala home. Parehas pa rin silang shocked sa recent turn out ot events.
"Hey... Stop crying."
"Si Tom..."
"I know..." Pinipigilan lang din ni Lenard na umiyak.
By this time, because of the grave circumstance, pansamantala muna nilang kinalimutan ang mga away sa pagitan nila. A common friend is battling for his life at hindi nila ito kinakaya.
Maya-maya, huminto si Lenard.
"C'mon." yaya sa kanya nito.
Halos hindi na siya makakita sa pagkamaga ng mata niya sa kakaiyak. Kinakailangan pa siyang hilahin ni Lenard pababa ng kotse.
"Stop crying, okay?"
Tumango siya.
She realized he is dragging her towards an ice cream store. Pinaupo siya nito sa tabi.
"Anong gusto mo?" He was pertaining to the flavor.
Pero umiyak na naman si Miala.
Lenard instinctively hugs her.
"Oh god..." Hindi niya na rin mapigilan ang emosyon niya. Na kahit pinagtitinginan na sila, niyakap niya na lang si Miala ng mahigpit. And he realized he missed this. Her warmth. Her smell. Parang nagbalik siya sa nakaraan. Mas lalo tuloy nalungkot si Lenard.
"Dito ka lang." He kissed the top of her head bago siya tumayo.
He ordered a caramel sundae for her. Alam niya naman na ito ang paborito ni Miala if her preferences have not changed in 3 years. Hindi na dapat siya nagtanong kanina. He knew her too well.
"Paki-serve na lang doon sa babaeng 'yun ha." Bilin ni Lenard sa nage-prepare ng ice cream.
Napansin naman ni Miala, who is frantically wiping her tears, na lumabas si Lenard. Bigla siyang natakot.
Hindi niya alam kung iiwan ba siya nito when she's most vulnerable? Bakit ito biglang lumabas na lang.
But she realized what he's done. He kissed her on her head. Litong-lito si Miala.
Pero dumating na ulit si Lenard with a bag of chips.
It's the salted egg chips na paborito niya.
Just like the old times, madalas niyang pinagpapares 'to.
At alam ni Lenard na ito talaga ang comfort food niya whenever she feels bad. Pag bumagsak sa exam. Kapag nagaway sila ng nanay niya. Kapag nagkakatampuhan sila. Ice cream at salted egg chips lang ang katapat niya.
"Oh." Inihain nito sa harap niya.
Miala tries to eat. Masarap pa rin naman ito pero wala talaga siyang malasahan. She feels too numb at the moment. Siguro dahil na rin sa kakaiyak niya. Pero dahil matutunaw na ang ice cream, kinain na rin niya.
Maya-maya ay may lumapit na crew.
"Ah, ma'am sir, bawal po kasi magpasok ng outside food dito eh."
"Ah ganun ba?"
"Yes, po sir, May chips din po kasi kaming binebenta. I'm sorry po. Management decision po sir."
"Tara, alis na lang tayo?" Yaya ni Miala.
"No. Uhm pwede bayaran ko na lang parang corkage?" Offer ni Lenard. Pumayag naman ang may-ari.
At saka niya napansin na hindi kumakain si Lenard.
"Ikaw?"
"No... Just eat. I'll wait for you outside."
"Wait."
Pero hindi ito lumingon.
At lumabas nito leaving her with the weirdest set of feelings.
*later*
>>Next Chapter: Chapter 35 - I thought this was what you wanted on Sept 8