My Mate is a Nerd (Completed)

By TEUMES06

864K 22.4K 1.1K

BOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin... More

AUTHORS NOTE
♚CHAPTER 1♚
♚CHAPTER 2♚
♚CHAPTER 3♚
♚CHAPTER 4♚
♚CHAPTER 5♚
♚CHAPTER 6♚
♚CHAPTER 7♚
♚CHAPTER 8♚
♚CHAPTER 9♚
♚CHAPTER 10♚
♚CHAPTER 11♚
♚CHAPTER 12♚
♚CHAPTER 13♚
♚CHAPTER 14♚
♚CHAPTER 15♚
♚CHAPTER 16♚
♚CHAPTER 17♚
♚CHAPTER 18♚
♚CHAPTER 19♚
♚CHAPTER 21♚
♚CHAPTER 22♚
♚CHAPTER 23♚
♚CHAPTER 24♚
♚CHAPTER 25♚
♚CHAPTER 26 ♚
♚CHAPTER 27♚
♚CHAPTER 28♚
♚FINAL CHAPTER♚
Book TWO
Book Three

♚CHAPTER 20♚

23.7K 666 48
By TEUMES06

Hindi ko inaasahan na siya ang tutulong sa akin.

''J-jacob'' mahina kong bigkas.

Unti-unti siyang ngumiti sa akin at nag tangkang umupo mula sa pag kaka higa. Ngumiwi pa siya ng bahagya gawa ng mga tinamo niyang sugat.

''Dahan-dahan lang'' inalalayan ko siya na maka upo ng tuluyan at maka sandal sa pader.

Umiwas ako ng tingin ng mapag tantong wala siyang saplot.

''Ku-kunin ko lang yung kumot'' nag madali akong lumapit sa kama na pinag higaan ko at kinuha ang kumot.

Hanggang sa maiabot ko na ang kumot ay agad niyang tinakpan ang hindi dapat makita mahirap na baka maging bahay kubo na naman ang peg ko nito. Umupo akong muli sa tapat niya ng matitigan ko ang mga sugat niya ay naisip kong mag hanap ng medicine kit.

''Sandali lang ha'' paalam ko sa kaniya.

Pero bago ako maka tayo ay hinawakan niya ako.

''Saan ka pupunta? aalis ka na ba?'' mababakas ang lungkot sa kaniyang mukha.

''Hindi, kukuha lang ako ng pang gagamot sa mga sugat mo. Saan nga ba iyon nakalagay?''

Tila umaliwalas ang kaniyang mukha ng sabihin ko iyon, nginitian niya ako saka ako hinatak ng malumanay upang maupong muli sa kaniyang tapat.

''Wag ka ng mag abala pa, madali akong gagaling basta't nandito ka sa malapit''

Nag tataka man ay hindi na ako nag tanong pa at umupo na lamang ako sa kaniyang tapat.

''Uhmm' bakit mo ako iniligtas kay Xander? diba ikaw pa nga nag dala sa akin dito?'' tanong ko.

Itinaas niya ang kaniyang isang kamay at hinaplos ang aking pisngi.

Tila may kung ano akong naramdaman sa aking puso.

Naka titig lamang ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Ibinaba na niya ang kaniyang kamay at hinawakan niya ang aking kamay.

''Patawad kung ako pa ang nag dala sa kapahamakan mo, kung alam ko lang na ikaw ang aking-'' hindi niya itinuloy ang kaniyang sinasabi.

''Bakit di mo tinuloy?''

Umiling lamang siya at nakita ko ang lungkot na dumaan sa kaniyang mata, ngunit agad siyang ngumiti.

''Kaya kita tinulungan ay dahil sa nakita kong may mabuti kang puso. At tingin ko dapat ng matapos ang kahibangan ni Xander'' pag papaliwanag niya.

''Sana mapatawad mo ako''

Nginitian ko na lamang siya.

''Ikaw man ang nag dala sa akin sa kapahamakan, pero ikaw din ang nag ligtas sa akin na halos ikamatay mo pa kaya naman pinapatawad na kita''

Nabigla na lamang ako ng hatakin niya ako upang yakapin.

''Salamat, hindi mo alam kung gaano ako natakot na baka hindi mo ako mapatawad''

Natawa na lamang ako ng mahina saka ko siya sinuklian ng yakap.

''Ang O.A mo ha' hindi ako mapag tanim ng sama ng loob at marunong din akong tumanaw ng utang na loob''

Mag sasalita sana siyang muli ng bigla siyang bumitaw sa pag kakayakap sa akin.

Pag ka tingin ko sa kaniya ay tila galit siya sa kung ano mang bagay.

''May problema ba?'' Tanong ko sa kaniya, agad niya akong nilingon at muling ngumiti.

''Wala naman, kailangan ko ng umalis''

''Bakit saan ka pupunta?''

Muli niyang hinaplos ang aking pisngi at kusang pumikit ang aking mata upang namnamin ang kaniyang mumunting haplos.

''Kailangan kong lumayo, dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili na agawin ka sa kaniya'' pag kasabi non ay agad siyang tumayo.

''Anong ibig mong sabi- Aay!!!'' napatakip ako ng mata ng malaglag na ang kumot sa kaniyan katawan. Naka upo pa naman ako kaya you know na kung sino ang naka face to face ko.

Narinig ko pa ang pag tawa niya.

''Paalam Aphrodite'' pag ka sabi niya non ay agad ko siyang tiningnan ngunit wala na siya.

Tumayo na din ako at lumapit sa naka bukas na ngayong bintana. Tila nanikip ang aking dibdib ng hindi ko na siya makita.

''Mag iingat ka Jacob''

Pag ka banggit ko non ay agad na bumukas ang pinto kaya napalingon ako.

''Blue''

Agad siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

''Patawad, patawad hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko. Patawadin mo ako Aphrodite''

''Trending yang salita na yan ahh'' natatawa kong sabi

''What do you mean?''

''Si Ja-'' agad niyang pinutol ang aking sinasabi.

''Anong ginawa sayo ni Xander? sinaktan ka ba niya ha?'' inikot ikot pa niya ako upang makita kung may sugat ako o kung ano pa man.

''Alpha'' pag kuha ng atensiyon ni Beta Red kay Blue.

Bumaling ang tingin ni Blue sa kaniyang Beta na puno ng pag tataka ang mukha habang naka tingin sa akin at tila may itinuro ito na agad niyang sinundan ng tingin.

''Xander'' mahinang usal ni Blue

''Sinong may gawa sa kaniya- teka'' inamoy-amoy niya ako.

''Kaninong amoy iyon?!'' pagalit niyang tanong na kina ikot na lang ng aking mata.

''Kay Jacob'' agad na kumunot ang noo ni Blue pag ka banggit ko sa pangalan ni Jacob.

''Siya ang nag dala sa akin dito pero sa di ko malamang dahilan siya din ang tumulong sa akin''

''Sino ang Jacob na iyon? at kailangan ba niyang yakapin ka pa?''

Ako naman ngayon ang napa kunot ang noo.

''Paano mong nalaman na niyakap niya ako?''

''At talagang niyakap ka nga niya! anong karapatan niyang yakapin ang aking Mate!'' nag pupuyos sa galit na sabi ni Blue.

Pabiro kong hinampas ang kanyang braso.

''Hoy! wag ka ngang mag galit-galitan dyan baka gusto mong ipaalala ko sayo ang mga pinag sasabi mo sa akin kanina, Si Demonyita na ang ipapakilala kong Luna'' pang gagaya ko sa sinabi niya sa akin.

Napakamot na lamang ito sa kaniyang batok.

''Hindi ko naman kagustuhan ang mga sinabi ko kanina, kung hindi ko kasi sabihin yon ikapapahamak mo iyon''

''Paanong ikakapahamak ko?'' tanong ko

''Isa sa pinaka malakas na Alpha ang ama niya, pinag bantaan niya ang buhay mo kung hindi siya ang ipapakilala kong Luna. Nakaka hiya mang aminin pero hindi ko kaya ang kanilang pack kaya nasabi ko ang masasakit na salita na iyon, Hindi ko kakayanin kung mapapahamak ka. Pero maniwala ka mas masakit para sa akin ang mga sinabi ko sa iyo. Patawad Aphrodite.''

Tumango ako saka siya niyakap, Mate ko siya kaya naman hindi ko kayang magalit sa kaniya.

''Nag paliwanag ka na, iyon lang sapat na sa akin. Sorry din kasi lumabas ako ng pack mo''

Hinigpitan niya pa lalo ang pag kakayakap sa akin.

''Bakit ba napaka buti mo? ako na nga tong may kasalanan pero heto ka at humihingi din ng tawad na hindi naman dapat'' hinaplos niya ang aking buhok at tila natigilan.

Inilayo niya ako ng kaunti saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

''A-anong nang yari sa'yo?'' gulat-na gulat niyang tanong.

''Grabe Blue, ngayon mo lang talaga napansin?'' natatawang tanong ni Red na agad sumeryoso ng tingnan siya ng masama ni Blue.

''Ahh ito ba'' hinawakan ko pa ang buhok ko

''Sabi ni Xander gawa daw ito ni Lurecia, isang sikat na stylist'' pag yayabang ko pa.

Narinig kong natawa pa si Red.

''Napaka ganda mo'' mahinang usal ni Blue habang titig na titig sa akin.

Nag katinginan kami ni Red na nasa likod ni Blue at nag katawanan. Hindi ako makapaniwalang di niya agad napansin ang pag babago ng itsura ko.

Nawala ang tawa ko ng makita ko ang wala ng buhay na katawan ni Xander.

''Blue, si Xander'' agad na lumingon si Blue kay Xander at mababakas ang lungkot sa kaniyang mukha.

''Rico'' pag tawag ni Blue isa sa mga pack warrior.

''Bigyan ng maayos na libing si Xander'' tumango si Rico saka nilapitan ang katawan ni Xander.

Kahit na may ginawang kasamaan si Xander ay karapatan pa din niya ang mabigyan ng maayos na libingan. Sana kung mayroon man talagang susunod pang buhay ang mga namayapa ay mahanap ni Xander ang kapayapaan at kaniyang tunay na pag ibig.

Jacob's Pov

Naka tingin na lamang ako sa bintana na aking pinag labasan.

Kita ko ang pag akap ni Blue kay Aphrodite. Masakit man pero wala akong magagawa kung hindi ang ipa ubaya ang babaeng mahal ko.

Hindi ko inaasahan na makikilala ko ang aking Mate sa kakaibang paraan.

Pinapa dukot siya sa akin ni Xander gaya ng plano ngunit ng makalapit na ako sa kaniya ay nalaman kong siya pala ang aking Mate.

Mapag laro talaga ang tadhana, sabi ko noon sa oras na makilala ko ang itinadhana para sa akin ay hindi ko siya hahayaang mapahamak. Pero ngayon nakilala ko na siya, ako pa ang nag dala sa kaniya sa kapahamakan.

Kung sana lang nag kakilala kami sa ibang sitwasyon, at sana yung ako ang una nyang makilala na kaniyang Mate.

○○○○

Sensya na at ngayon lang naka pag update. Sana magustuhan niyo ito guys

Edited :)

Continue Reading

You'll Also Like

Unang Tikim By B.

General Fiction

423K 1.5K 16
Kinse anyos palang si Olivia ng lumipat sila ng bahay ng kanyang mga magulang hanggang sa Makilala nya si Marco na isang bakla na may pag nanasa sa k...
63.7K 423 13
[Rated SPG] Paano kung mawala sayo ang pinakamamahal mo? Magagawa mo ba mapaghigantihan ang dahilan nang pagkawala nang pinakamamahal mo kung di p...
4.4K 58 27
(COMPLETE AND PUBLISHED) Panu kung may ibang paraan pa talaga para ma-inlove? Panu kung may ganun talagang gamot gamot na nakakahulog ng puso? Panu k...
359K 9.4K 51
FOLLOW ME BEFORE READ THIS SALAMAT! How can you deny the fact that you fall inlove to a man of your sister that she wanted in her life? Hindi naging...